REALIZATION

653 Words
"What if you one day, you just woke up and suddenly realize that you no longer love him? What if you realize that he is not and was never the man in your dream?" •JACOB'S POV• Habang nasa bahay ako, binuksan ko ang bag kung saan ko nilagay ang isang mahalagang bagay sa akin. Isinuot ko ito at tila nanumbalik ang aking pagmamahal sa taong nagbigay sa akin nito. Napatingin ako sa aking kanang kamay at naagaw ng aking suot na pulang bracelet ang aking pansin. May nakasulat ditong "Nat". Pulang bracelet. Ang maisuot ito muli ang siyang pinakamagandang nangyari sa akin noong pasko. Maraming taon ko rin itong itinago at hindi isinuot ngunit noong pasko ay nabigyan ako ng lakas ng loob na isuot itong muli dahil sa isang realization na siya pa rin talaga ang mahal ko. Si Nat. Sinubukan kong pigilin ang aking damdamin ngunit siya talaga ang isinisigaw ng aking puso. Minahal ko si Phil. Sa totoo lang minahal ko talaga siya. Hindi man buo ang aking pagmamahal sa kanya, hindi ko siya niloko. Ilang linggo rin akong hindi nagparamdam sa kanya dahil katulad ng sinabi ko sa kanya, gusto ko munang hanapin ang aking sarili. Gusto ko munang mag- isip isip. December 20 ang siyang General Christmas Party namin sa Mapua University. Na- excite ako dahil first time kong ma- e experience ang Christmas party dito sa school. Siguro katulad na naman ito ng Night of Lights kung saan may mga inuman, kainan, at sayawan. "Saan ka na?" Ito ang message na na- receive ko mula kay Thalia sa araw ng Christmas Party namin. Alas- 7 mag- uumpisa ang programa at ngayon ay alas- 6 na ng gabi. Nasa byahe pa lamang ako papunta sa Vista City at sa tingin ko ay aabot naman ako bago mag- umpisa ang party. Nakasuot ako ng pulang jacket at puting shirt tsaka naka- jeans. Bitbit ko rin sa byahe ang regalo ko kay Thalia. "Manong, para po," ito ang wika ko sa driver ng jeep. Nag- bayad na ako ng pamasahe at bumaba sa tapat ng gate ng school namin. Maraming mga estudyanteng nagkalat sa gate pa lamang ng university namin. Halos lahat ay naka- pula rin at may mga kanya- kanyang bitbit na mga regalo. Naglakad ako papasok at tinext si Thalia kung nasaan ito. "Nandito na kami sa Grand Hall. Malapit sa may fountain," reply niya sa akin. Dumiretsi na ako sa Grand Hall ay doon ay nahirapan akong hagilapin ang kinaroroonan ni Thalia kaya tinawagan ko na lang siya. "Saan ka na ba? Nandito nga kami sa malapit sa fountain. Dito sa right side niya. Bilisan mo," bigkas ni Thalia bago niya patayin ang tawag ko. Ang hirap namang makipag- siksikan dito! Hays! Ang daming tao tapos halos mabingi na rin ako sa tugtog ng banda. Sa wakas ay nakita ko si Thalia na nakatayo sa tapat ng fountain suot ang kanyang pulang dress, pulang stilletos, at naka- pulang lipstick. Nauna na siya sa isang table kung saan marami siyang kasama. Isa na rito si Nat, tapos... sina Phil at Denisse! Likod pa lamang ay alam ko nang sila ngang dalawa ang kasama nina Thalia at Nat sa table. Biglang napalingon sa akin sina Phil at Denisse. Ngumiti sila sa akin ngunit hindi ko alam kung ano ang mukhang dapat makita nila sa akin. Napatigil ako sa kinatatayuan ko dahil nanumbalik ang galit ko kay Phil at Denisse. Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang aking katawan na tumalikod sa kanila at naglakad papalayo sa kanila. Narinig kong tinawag ni Thalia ang pangalan ko ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad palayo. Nang nasa may kalayuan na ako, akala ko ay makakahinga na ako nang maluwag dahil malayo na ako sa kanila. Umupo ako sa isang bench at laking gulat ko nang makita ko si Phil na nakatayo sa harapan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD