"Love builds. It also destroys."
Sandaling tumigil ang ikot ng mundo ko nang muli ko siyang makita nang harap- harapan. Tanging mukha niya ang nakikita ko at ang tugtog ng banda ang naririnig ko.
"I don't want a lot for Christmas
There is just one thing I need
I don't care about the presents
Underneath the Christmas tree"
Nagtitigan lang kami hanggang sa bigla na lang siyang umupo sa tabi ko.
"Kob, pwede ba tayong mag- usap?" maalumanay na tanong niya.
"Wala akong sasabihin sa'yo, Phil," sagot ko.
"Ikaw lang ang baklang minahal ko nang ganito. Please. Pakinggan mo naman ako," pagmamakaawa niya sabay hawak sa pinagpapawisang kamay ko.
Hindi pa rin ako umimik at nakatingin lang ako sa kanya. Hinihintay ko kung ano na namang kasinungalan ang sasabihin niya.
"Yung gabing iyon, hindi pa ako inaantok kaya pumunta ako sa kusina para mag- kape. Tapos tumawag si Denisse sa cellphone mo pero sobrang himbing na ng tulog mo noon kaya ako na ang sumagot. Sinabi niyang gusto niyang umuwi sa bahay nila kasi hindi raw siya makatulog sa apartment nina Nat. Ilang beses kitang ginising para samahan ako pero hindi ka nagising. Kaya ako na lang ang pumunta at naghatid sa kanya," pagpapaliwanag ni Phil.
Nakatingin pa rin ako sa kanya dahil gusto kong makita sa mga mata niya kung talagang nagsasabi siya ng totoo.
"Hinatid ko siya tapos, Kob... hinalikan niya ako," dahan- dahan niyang sabi.
Nang narinig ko ang linyang ito, tila tumaas ang dugo ko. Gusto ko siyang sampalin.
"Pero hindi ako pumalag dahil naisip kita. Hindi ko siya pinatulan dahil ikaw ang mahal ko," dagdag niya. Hawak na ngayon ni Phil ang aking dalawang kamay.
"Please. Patawarin mo na ako. Having you back will be the best Christmas gift I could ever receive," sabi ni Phil na naluluha na.
Sinasariwa ko sa aking isipan ang mga masasayang ala- ala namin ni Phil. Iniisip ko kung gaano siya ka- caring at kung gaano niya ako minahal. Gusto kong ibalik yung pakiramdam ko noong mahal na mahal ko pa siya.
"Phil, I am the gift that you will never receive again. Naalala mo noong sinabi kong hahanapin ko muna ang sarili ko? Nahanap ko na ang sarili ko. Nakapag- isip isip na rin ako," wika ko. Mas naging malungkot si Phil dahil mga salitang binitiwan ko.
"And I am sorry. Ayaw ko na talaga. Wala na yung spark eh." Nang sinavi ko ito kay Phil, tumulo ang mga luha niya. Naawa ako habang pinagmamasdan siyang lumuluha sa tabi ko. Kinuha niya ang isang brown na panyo na regalo ko sa kanya noon saka niya pinunasan ang kanyang mga luha. Katahimikan ang bumalot sa maingay na Grand Hall.
Muling nagsalita si Phil.
"Ayaw mo na dahil wala na yung spark? O baka ayaw mo na dahil may bago nang spark? Ang labo mo naman Kob! Pinaparusahan mo ako sa isang bagay na wala naman akong kasalanan,"
Binitawan ni Phil ang aking kamay.
"Si Nat ba? Siya ba ang bagong spark?" matapang na tanong niya sa akin.
"Hindi siya bago, Phil. Siya pa rin. Siya magmula pa noon," pag- amin ko sa kanya.
Sa pagkakataong ito, napayuko na lamang si Phil habang umiiyak. Ilang sandali pa ay tumayo na si Phil at naglakad palabas ng Grand Hall.
Habang pinagmamasdan ko siyang naglalakad palayo sa akin, maraming mga bagay ang pumasok sa aking isipan. Siguro tama na itong ginawa ko. Tama naman sigurong bumitiw na ako sa isang relasyon na hindi na nagpapasaya sa akin. Tama naman sigurong iwan ko na lang siya kaysa naman mag- stay ako sa kanya tapos iba pala ang gusto ko. Habang umiiyak kanina si Phil sa tabi ko ay nag- gi guilty din ako kahit papaano. Hindi kaya nakakita lang ako ng rason para hiwalayan si Phil? Kaya kahit alam kong pwedeng hindi totoo ang hinala ko, kahit anong paliwanag ni Phil, hindi ko na siya iniintindi kasi gusto ko na talaga siyang hiwalayan? Pakiramdam ko ay ang sama ko. Pero pagiging masama ba ang pagsasabi ng totoo?
Tumayo na rin ako at naglakad pabalik sa table kung saan nandoon sina Thalia, Nat, at Denisse. Kanina ay galit ako kay Denisse. Ngayon naman, mas lalo akong nagagalit sa kanya dahil siya naman pala talaga ang may kasalanan.
Umupo ako na parang walang nangyari.
"Okay ka lang, Kob?" tanong ni Thalia sa akin.
Tumango- tango lang ako na parang ayos lang talaga ako kahit hindi. Tumingin ako sa mga mata ni Denisse at bakas sa kanya ang lungkot at pagsisisi.
"I'm sorry, Kob," wika niya.
"Nagpadala ako sa emosyon ko noong gabing iyon. Kasalanan ko iyon, Kob. Walang kasalanan si Phil doob. I take full responsibility of the mess that I have caused," ito ang mga linyang binitawan sa akin ni Denisse.
Himinga ako nang malalim bago nagsalita.
"Alam mo Denisse, noon pa mang high school tayo, alam ko nang may pagtingin ka kay Phil. Napapansin ko na noon pa. Pero hindi ko inisip iyon kasi kaibigan kita. Magkakaibigan tayo. Ngayon, galit ako sa'yo dahil sinira mo ang tiwala ko," sagot ko sa kanya.
Hindi umimik si Denisse. Tumayo siya at nagsalita bago tuluyang umalis.
"I hope one day mapatawad mo ako, Kob. Iwan ko na muna kayo rito. Merry Christmas."
"Jusko naman! Ano bang klaseng Christmas Party ito?!" sabi ni Thalia.
"Umalis na lang tayo dito. Pumunta na lang tayo sa club namin bago pa masira ang gabi natin dito. Oy, Kob, para sa akin ba itong regalo na ito? Kunin ko na ha. Tutal may pangalan naman akong nakalagay," masayang bigkas niya habang binubuksan ang regalo ko sa kanyang isang puting dress.
"Ang taray naman, Kob. Ikakasal na ba ako?" biro ni Thalia. Ibinalik niya sa lalagayan ang regalo ko sa kanya bago siya tumayo at niyaya kaming umalis na sa school at pumunta na lang sa club nila.
Nag- order ng isang bucket na beer si Thalia na siya namang ininom naming tatlo. Medyo awkard nga lang maging third- wheel lalo na sa taong mahal mo. Ako ang naiilang kay Nat sa tuwing kinakausap niya ako. Hindi ako makasagot nang diretso. Hindi ako makatingin sa kanya nang maayos.
Maraming bote na ang napatumba namin at naramdaman ko na ang sobrang tama ng alak sa akin. Ganunpaman, sa tuwing nakikita ko kung gaano ka- sweet sina Thalia at Nat, tila ako nahihimasmasan. Nakaupo silang dalawa sa sofa na nasa aking harapan at nakapatong naman ang paa ni Thalia sa mga kandungan ni Nat.
Mas lalo na akong nahihilo kaya naman napuko na lang ako.
"Okay ka lang, Kob?" Lumapit sa akin si Nat at hinawakan niya ang balikat ko. Napatingin ako sa gwapo niyang mukha at napangiti na lang bigla dahil kinilig ako sa ginawa niya. Sa tuwing napapangiti niya ako, agad ko ring naaalala kung gaano ko siya kamahal at kung gaano ko kagustong mapasa akin siyang muli kahit na may girlfriend na siya.
"I think we had enough. Lasing na rin tayo. Maybe we should go now," yaya ni Thalia. Tumayo siya at kinuha na ang kanyang Channel na shoulder bag. Naglakad na siya palabas ng VIP room at naiwan kaming dalawa ni Nat. Sinubukan kong tumayo ngunit halos matumba ako dahil sa hilo ko. Mabuti na lamang at nasa tabi ko si Nat upang alalayan ako. Inalalayan niya ako palabas ng aming club hanggang sa kanyang kotse.
"Saan ka pala uuwi, Kob?" tanong ni Thalia.
Oo nga. Saan ba ako uuwi? Napaisip talaga ako dahil hindi ko nga alam kung saan ako uuwi. Balak ko sanang makisabay umuwi kay Carlo na kapitbahay din namin na pareho kong nag- aaral sa Mapua pero hindi ko na pala siya na- text o natawagan. Hays! Paano na 'to ngayon?!
"Pwede ka na munang magpalipas ng gabi sa apartment," wika ni Nat. Wait. Seriously? Is he really offering me to sleep in his apartment? Nahihiya ako kaya muntikan na akong umayaw. Buti na lamang naalala kong wala pala talaga akong tutulugan kung mag- iinarte ako. So I said "yes" to Nat.
"Kung okay lang sa'yo..." nahihiyang sambit ko.
Sumakay na kami tatlo sa kotse ni Nat at nauna naming inihatid si Thalia sa bahay nila.
Pagkatapos ay naglakbay na rin kami papunta sa apartment ni Nat. Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami. Binuksan niya ang pintuan at ang ilaw at nasilayan ko ang apartment niya. Mas malaki lamang nang kaunti ang apartment namin ni Phil noon pero mas maganda itong apartment ni Nat.
"May kasama tayo dito sa apartment. Yung pinsan ko. Pero nasa kabilang kwarto naman siya," he quietly informed me.
"Ano ka ba. Okay lang. Thank you," sagot ko habang tinatanggal ang sapatos ko. Niyaya niya akong mag- kape para raw bumaba kaunti ang tama ko.