BY YOURSIDE

641 Words
"I want to wake up next to you tonight and always. You face is the one that I want to see first every morning." Tahimik kaming pumasok sa apartment ni Nat. Nahihiya ako dahil kailangan pa itong mangyari. Nakakahiyang makitulog! "Okay ka lang?" tanong sa akin ni Nat habang inaabot sa akin ang isang baso ng kape. Tumango na lamang ako bago ko kinuha ang tinimpla niyang kape. Okay lang. Bakit kaya ito ang palagi nating sinasabi kahit na hindi naman totoong okay tayo? Ito na marahil ang pinaka- gasgas na kasinungalingan. Hindi ako kumportableng kasama si Nat dahil nahihiya ako sa kanya. Lalo na't nakita niya ang nangyari sa amin kanina ni Phil. Habang nagkakape kami, hindi ko mapigilang titigan ang mukha ni Nat. Ngumingiti ngiti lang siya sa akin na siya namang kahinaan ko. Pagkatapos naming magkape, pumasok na kami sa kwarto niya at nagulat ako dahil iisa ang kama. "Ahh eh, iisa lang talaga ang kama ko eh. Pwede bang tabi na lang tayo?" tanong niya. Nahiya naman akong tumanggi dahil hindi ko naman kama in the first place. Isa pa, parang kinikilig ako sa idea na magtatabi kami for the first time! Humiga na kami ni Nat sa kanyang kama. Pilit ko mang ipikit ang aking mga mata, hindi pa rin ako makatulog. Bumabaliktad ako para lamang makatulog pero wala pa rin. "Hindi ka rin makatulog, Kob?" tanong sa akin ni Nat. Tumingin ako kay Nat na nasa tabi ko ngayon. Nasisilayan ko siya dahil na rin sa kauting ilaw na nagmumula sa labas na tumatawid sa bintana ng kwaetoNakalagay ang kanyang dalawang kamay sa likod ng kanyang ulo kaya naman kitang- kita ang mga matitigas na biceps niya at ang nakakapang- akit na kili- kili niya na may malagong buhok. "Okay ka lang ba? Mukhang mabigat ang problema niyo ni Phil ah," sabi niya. Hindi ko ako umimik sa sinabing ito ni Nat. Hays. Kung alam mo lang, Nat. "Uy, okay ka lang? Bakit di ka sumasagot?" muling tanong ni Nat sa akin. "Ssshh. Baka magising yung nasa kabila," sagot ko sa kanya. Posible kayang si Nat pa rin kahit ang tagal na? Posible kayang siya pa rin kahit na may iba na siya? Ito ang mga katanungang gumugulo sa aking isipan. Habang nag- iisip ako ay unti- unti na pala akong nakatulog. Kinabukasan, nagising na lamang ako dahil sa malakas na alarm mula sa cellphone ni Nat. Pagbukas ko ng aking mga mata, laking gulat ko nang nakita ko na lang na nakapatong ang aking kamay sa katawan ni Nat. Bigla akong naalimpungatan dahil sa nakita kong nakayakap ako kay Nat! Sana hindi niya alam. Sana hindi niya naramdaman na may nakapatong sa kanyang katawan. Hays! Tumayo na ako at inayos ang kumot at unan na ginamit ko. Nakita ko na lang din na nag- iinat si Nat. "Good morning!" bati niya sa akin. "Pasensya ka na. Di ko pala napatay iyong alarm ng cellphone ko. Maaga ka tuloy nagising eh wala naman na tayong pasok," wika niya. "Ayos lang 'yun tutal kailangan ko rin naman talagang magising nang maaga baka hinahanap na ako sa bahay," sagot ko. "Mag- breakfast ka na muna rito," yaya ni Nat. Wala na rin akong nagawa kundi kumain na lang kasama ni Nat kahit na deep inside, inisio ko pa rin na nakayakap ako sa kanya kaninang umaga. Naku! Habang nag- aagahan kami, nabanggit sa akin ni Nat na sa Sangay daw sila mag- ce celebrate ng new year. Sabay family reunion na rin daw nila. Niyaya nga niya akong bumisita raw sa family house nila. Pagkatapos naming mag- agahan, hinatid na rin ako ni Nat sa parkingan papuntang bayan. Nagpasalamat ako sa kanya dahil napaka- hospitable niya. Kahit na nahihiya pa rin akong makasama siya, kahit na medyo awkward pa para sa akin, nandoon pa rin yung kilig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD