CHRISTMAS PRESENT

1095 Words
“Christmas is the season of joy, of gift-giving, and of families united." Ilang araw pa ang lumipas at dumating na ang December 24. Kasarapan pa lamang ng tulog ko noon nang may gumigising na sa akin. Si Drake. "Ohh, ano ba?" naiinis na tanong ko sa kanya. "Ma, galit ata si kuya. Ayaw magpa- utos sa inyo," sigaw niya na siyang nagpa- bangon sa akin. "Ma, hindi totoo yun. Bababa na po," mabilis kong sagot tapos nagmadali na akong bumaba para tanungin kay mama kung ano ba ang sasabihin niya. "Ikaw na mamaya ang pumunta sa grocery para bumili ng pang- Noche Buena natin," utos niya sabay abot sa akin ng mahabang listahan ng mga bibilhin ko. Umakyat na akong muli upang maligo. Nag- almusal na muna ako bago pumunta sa bayan upang mamili ng pang- handa namin mamaya. Kumuha na rin ako ng pera mula sa scholarship ko para makabili ng regalo para kina mama at Drake. Tanghali na ng matapos kong bilhin lahat ng nilista ni mama. Napagod din talaga akong umikot- ikot sa mga groceries kaya nag- pansit na rin ako sa bayan. Bahala na kung malaman ni mama na kulang ang barya. Hahaha! Nakabili na rin pala ako ng regalo ko sa kanilang dalawa. Isang box ng tupperware para kay mama dahil ito ang palagi niyang sinasabi na gusto niyang bilhin. Mahilig talaga siyang mangolekta ng mga lunchbox. Tapos earphones naman kay Drake dahil palagi niyang hinihiram ang earphones ko. Jaya binilhan ko na rin siya ng kanya. Pagkatapos naming mag- prepare ng salad ni mama, iniwan ko na rin siya kasi hindi ko naman alam kung paano lutuin yung pagkain na gusto niyang lutuin. Tatawagin na lang daw niya ako kung may kailangan siya. Iniwan ko silang dalawa ni Drake na nagluluto ng mga pagkain. Kahit makulit at may pagka-tamad si Drake, pagdating sa pagluluto, nagiging masipag siya. Actually, mukhang mas marunong pa siya sa akin pagdating sa pagluluto. Ilang oras pa ang lumipas ay narinig ko na ang boses ni Jose Mari Chan. Nag- umpisa nang magpatugtog si mama ng Christmas songs. Alas-10 ng gabi ay naligo na ako ulit at nagpit na ng damit. Isinuot ko na ang bagong bili kong red na polo. Nakapag-palit na rin pala sina mama at Drake. "Halika na rito at mag- picture picture na tayo," wika ni mama. Si mama talaga, ang bongga! Paborito niyang mag- picture picture tapos ia- upload niya sa f*******: niya. Teenager na teenager ang galawan. So yun na nga, nag- picture na kaming tatlo. Inilagay ko rin sa tripod yung cellphone ko at sinet ko yung timer niya. Nag- picture kami kasama ang mga handa namin na nakalagay na sa mesa. Nag- order din pala si mama ng 3 lechong manok at pansit. Nasa mesa na rin ang keso de bola, hamon, tapos ang ginawa naming macaroni salad, spaghetti, shanghai. Syempre, hindi pwedeng mawala ang caldereta at adobo na specialty ni mama. May pa- wine pa. Tuwing pasko, pinaghahandaan talaga ni mama ang mga pagkain na pagsasaluhan namin. Sabi kasi niya na ito raw yung chance na i- celebrate ang blessings, magpasalamat sa Kanya, tapos magsalo- salo bilang buong pamilya. 11:30 PM na at kalahating oras na lang, kakain na rin kami. Isang sasakyan ang tumigil sa aming harapan. Bumilis ang t***k ng dibdib ko nang narinig ko ang pamilyar na tunog ng sasakyan na ito. Sina Tito Uly ba 'yan? "Buksan mo na iyong gate. Nandyan na sina Tito Uly niyo," narinig kong sabi ni mama. Lalo akong kinabahan nang na- confirm ko ito. Unang pumasok si Tito Uly tapos sumunod si Phil. Hawak- hawak ni Phil ang isang box ng cake. Si Tito Uly naman, apat na boxes ng pizza tapos isang bucket ng fried chicken mula sa Jollibee. Nakangiti si Tito Uly na lumapit sa amin. Niyakap niya muna si mama bago niya kami niyakap ni Drake. Binati niya kami ng "Merry Christmas". Niyakap naman ni mama si Phil na parang anak na rin niya. Muli kaming nag- picture taking at kahit na medyo naiilang ako na makitang muli si Phil, hindi na lamang ako nagpahalata. Eksaktong alas- dose ng hatinggabi, umupo na kami sa hapagkainan. Nagdasal muna kami bago namin pinagsaluhan ang aming handa para sa pasko. Pagkatapos naming kumain, inilabas na ni mama ang mga regalo niya sa amin. Tatlong regalo ang nakita kong inilabas niya. Binigay niya sa akin ang isa tapos kay Drake tapos kay Phil. Ako naman, binigay ko na rin kay mama at Drake ang regalo ko. Si Phil naman, bumalik sa sasakyan nila at may kinuha. Pagbalik niya sa loob, nakita ko ang dalawang regalo. Yung isa, naka- balot. Samantalang yung isa, nakita ko ang human- size na teddy bear. Lumapit siya kay Drake at binigay ang nakabalot niyang regalo tapos lumapit siya sa akin. OMG. Sana huwag niyang ibigay sa akin ang bear na yan. Pero alangan namang kay mama niya ibibigay, diba? Iniabot niya sa akin ang malaking bear na regalo niya at niyakap niya ako. "Merry Christmas, Kob," sabi niya. Nagkatinginan kaming dalawa tapos ngumiti siya sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya bilang pasasalamat sa regalo niya sa akin kahit na wala akong regalo sa kanya. Pagkatapos ng ilang saglit ay lumabas muna ako upang tumambay sa terrace ng bahay namin. Walang ano- ano ay may humawak sa balikat ko. It's Phil. "Uy, Phil, nag- abala ka pa talaga. Wala akong regalo sa'yo," nahihiyang wika. "No worries. Naging parte ka ng buhay ko, and that's more than enough. That is one of the greatest gifts that I ever received. Kob, I never thought I could fall for someone like you. But I did. I do not regret falling for you," litanya niya. "Phil, alam mo namang..." mahina kong sabi tapos yumuko ako dahil parang hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko. "Huwag kang mag- alala, Kob. I understand that we can't be together anymore. I know that your heart still keeps the memories that you have with Nat. I just hope na as we part ways, I would also have space in your heart... somehow," Hinawakan ko ang kamay ni Phil bago nagsalita. "You are still a part of my life, Phil. Lalo na kung magkakatuluyan sina mama at papa mo," nakangiting sabi ko kay Phil. "Siguro, sila na lamang ang magtutuloy ng kwento natin," dagdag ko. Magkatabi kami ngayon ni Phil habang pinagmamasdan ang mga bituing kumikislap. Napapatanong na lamang ako kung bakit at paano nawala yung kislap na namagitan sa amin ni Phil. Marahil, ito ang sinasabi ng mga bituin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD