NEW YEAR

1622 Words
"New year. New hope. New love." "Kuya, may bisita ka," sabi ni Drake habang abala ako sa paglilinis ng kwarto ko. Sa mga araw na nagdaan, wala akong ibang ginawa kundi tumulong sa mga gawaing bahay dahil naawa naman ako kay mama. Syempre, si Drake, kahit papaano kailangan din niyang maramdamang bunso siya. Isa pa, teenager siya at kailangan din niyang lumabas kasama ang barkada niya once in a while. Ibinaba ko muna ang hawak kong pamunas bago lumabas para tingnan kung sino ang bisitang sinasabi ni Drake. Pagbukas ko ng pintuan, bumungad sa akin ang mukha ni Nat na nakangiti. Napakunoot ako ng noo dahil nagtataka ako kung bakit nandito siya sa bahay. Ano ang ginagawa ng mokong na ito dito? "Nat?" gulat na sambit ko. "Oh bakit parang gulat ka? Ako lang 'to," natatawang sabi niya. Tumingin ako kay mama na ngayon ay nakaupo sa sofa sa harapan ni Nat. Ine- entertain niya si Nat. "Bumaba ka na rito at samaham mo muna si Nat. Mukhang matagal kayong hindi nakapag- sama at nakapag- usap," utos sa akin ni mama tapos tumayo na siya at umalis. Naglakad na ako pababa ng hagdanan ng bahay namin at iniisip pa rin kung ano ang sasabihin ko kay Nat na nandito ngayon sa bahay. "Ano'ng ginagawa mo dito?" mahinahon kong tanong kay Nat pagkatapos kong umupo sa harapan niya. Naka- dekwatro naman ito ng upo at feel na feel niyang bahay niya ito. "Bawal na ba akong bumisita rito?" tanong niya sa akin. "Ahh... Hindi naman sa..." "Tita... Bawal na ba akong bumisita dito???" pasigaw na tanong ni Nat kay mama. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya upang takpan ang kanyang bibig. Sa muling pagkakataong nagkita kami, nahawakan kong muli ang mga labi niya na napakalambot. Habang nakatapal ang aking kamay sa bibig niya, tinitigan lang niya ako. Agad kong iniiwas ang tingin ko sa kanya dahil alam kong matatalo ako rito. Mabilis ko ring tinanggal ang aking kamay mula sa pagkakatakip sa bibig ni Nat. "Alam mo para kang tanga," naiinis kong sabi. "Pero seryoso, ano ang ginagawa mo rito?" tanong ko kay Nat habang magkaharap kaming nakaupo. "Ah ano, dito kasi kami magbabagong taon sa family house namin," sagot niya. "Tapos gusto lang kitang bisitain," pahabol niya. "Naalala mo ba noong mga bata pa lamang tayo? 15 pa lang ata tayo noon. New year din noon tapos nagkita tayo sa family house namin tapos nahuli tayo ni lolo. Hahahah. Takot na takot ka noon eh," Hays. Heto na naman tayo. Heto na naman tayo sa pagto- throwback ng memories. Napaisip ako sa kwento ni Nat dahil sa sobrang tagal nung kwinento niya, parang kailangan munang halughugin sa memory ko. Hahaha "Oyy! Mapili ka kasi! Sabi ko na ngang nahihiya akong pumunta sa inyo tapos hinila hila mo pa ako. Nagulat din ako noon kay lolo mo kasi diba nag- uusap tayo sa gilid tapos bigla siyang sumulpot?" And yes. I engaged in this "walk-down memory-lane" scene with Nat. "Eh ba't ka natatakot noon? Bakit nanginginig ka? Eh mabait naman si lolo?" tanong niya. "Sshshshhhh... May his soul rest in peace. H'wag na nga nating pag- usapan iyon. So ano'ng balak mong gawin ngayon?" "Wala naman. Tara sa bayan. Matagal na rin akong hindi nakakabisita sa Boating Area eh," sagot niya. Wala na rin akong nagawa dahil nandoon na si Nat. Naligo na ako at sinamahan siya sa Centro ng bayan namin kung saan matatagpuan ang Boating Area. "Ikaw ang magsagwan ha. Masakit pa ang katawan ko sa kakalinis sa bahay," utos ko kay Nat. "Opo, madam," nakangiting sagot niya. Sumakay kami sa maliit na bangka at si Nat nga ang nag- sagwan. Nakaupo ako sa kabilang gilid ng banka at pinagmamasdan ko si Nat habang nagsasagwan. Noong mga bata kami, lagi kaming tumatakas upang pumunta rito at sumakay sa bangka. Kahit lagi kaming pinapagalitan, wala lang ito sa amin dahil sobrang nag- eenjoy naman kaming mamangka sa berdeng tubig ng artificial lagoon na ito. "Hanggang ngayon ba naman Kob, ako pa rin ang nagsasagwan sa ating dalawa?" tanong ni Nat. "Hala. Masakit nga katawan ko. Tsaka ikaw naman ang lalaki sa ating dalawa," sumbat ko. Natawa lang siya sa sinabi ko at nagpatuloy na siya sa pagsagwan. Pagkatapos ng pamamangka namin, bumili kami ng paborito naming pancake na nasa bungad lamang ng boating area. Umupo kami sa ilalim ng puno ng niyog at habang kinakain ang binili naming pancake, bigla kong naisip si Thalia. "Nat, saan pala si Thalia?" tanong ko sa kanya. "Ahh, nandun siya sa probinsiya ng nanay niya ngayon. Hinatid ko nga siya dun nung isang araw kasi dun daw sila magbabagong taon pero syempre umuwi rin ako dito," kwento niya. "Kumusta naman relasyon niyo?" tanong ko. "Maayos naman. Mabait naman si Thalia at hindi naman siya mahirap mahalin," wika ni Nat. Saglit akong napatigil sa winikang ito ni Nat. Nagtaka ako kung bakit sinabi niyang mahirap siyang mahalin. Pero dahil ayaw ko namang magmukhang paki- alamero sa relasyon nila, hindi ko na lang din siya tinanong tungkol dito. Gabi na ng umuwi kami ni Nat at hindi na rin ako nakatulong sa mga gawain sa bahay. Buti na lamang at sinabi ni mama kanina bago kami umalis na we should take our time together. Sila na raw ni Drake ang bahala sa mga lulutuin. Napaka- swerte ko talaga kay mama. Napakabait. Maunawain. at mapag- mahal. Minsan ay nakwento ko na rin ang tungkol sa pagmamahal ko kay Nat kaya siguro masaya siya kaninang muli na naman kaming nagkita at nagsama ni Nat. Nang makarating na kami sa tapat ng bahay, bababa na sana ako nang biglang hinawakan ni Nat ang aking kamay. "Hihintayin kita bago mag alas- dose sa dating tagpuan," ito ang sinabi niya bago niya pinakawalan ang aking kamay. Hindi ako nagsalita noong niyaya ako ni Nat sa dati naming tagpuan. Bumaba na lamang ako at dumiretso sa kusina kung saan ko natagpuan sina mama at Drake na naghahanda na ng mga lulutuin. "Kumusta naman ang date niyo ni Nat, anak?" ito ang pangbungad na tanong ni mama "Ma naman..." pag- iinarte ko. Tinulungan ko na sina mama sa pagluluto at nang natapos na kami, pumunta na kaming mag- iina sa aming balkonahe kung saan kitang- kita namin ang mga paputok. Para kaming nasa VIP seat ng isang fireworks display. Tinanong ko rin si mama kung makakasana na naman ba namin sina Tito Uly ngayong araw. Ayon naman kay mama, sa syudad daw magce- celebrate ng new year sina Tito Uly at Phil. Nakahinga ako nang maluwag nang narinig ko ito. Alas- onse na ng gabi at mas lalo nang nag- iingay ang paligid. Nakapagpalit na rin kami nina mama at bago kami pumunta sa hapagkainan, nag- picture taking muna kami sa tulong ng aking tripod. Pagkatapos naming kumain, tumingin ako sa wall clock namin at 11:40 PM na. Ilang sandali pa... 10... 9... 8... ... 4... 3... 2... 1... HAPPY NEW YEAR!!! Mas lumakas pa ang putukan at kaliwa't kanan na ang nagpapatugtog at nagpapa- andar ng kanilanng mga sasakyan. Niyakap ko sina mama at Drake at hindi ko na hinintay pa na ilabas ni mama ang ibang handa. "Ma, may pupuntahan lang po ako," pagpapaalam ko. "Kay Nat?" tanong ni mama. Ngumiti lang ako sa kanya. Sa tuwing binabanggit ni mama ang pangalan ni Nat na parang suportado niya siya para sa akin, lumulundag ang puso ko pero agad ko itong pinipigil dahil alam kong may Thalia na si Nat. Tila nagliwanag ang kalangitan habang naglalakad ako dahil na rin sa di tumitigil na fireworks display. Bagamat may kaunting takot, inilaban ko na lang din ang pumunta sa dating tagpuan namin ni Nat. Maingay pa rin ang paligid dahil sa mga paputok at iba't ibang tugtog. Pag- akyat ko sa dating tagpuan, nakita ko ang isang lalaking nakaupo sa ilalim ng puno ng narra na nasa tuktok ng bundok. Si Nat. Hindi ito umiimik habang pinapanood ang mga fireworks na pumuputok at dahilan ng pagliwanag ng kalawakan. Dahan- dahan akong lumapit sa kanya. Naka- tatlong hakbang pa lamang ako ay bigla na siyang nagsalita. "Kanina pa kita hinihintay," utas niya. "Hinintay ko lang mag- new year before ako pumunta rito," wika ko sabay upo sa tabi ni Nat. Magkatabu na kami ngayon ni Nat habang pinagmamasdan ang kumikislap kislpa na kalawakan. "Kob, na- miss kong tumambay dito kasama ka," mahinang sabi ni Nat. "Huh? Lagi ako rito. Halos araw- araw ako noong naghintay na bumalik ka," "Naalala mo ba yung inukit nating pangalan natin dito sa punong ito? Tapos yung bracelet na binigay natin sa isa't isa?" tanong niya. "Oo naman. Pero hindi ko alam kung may saysay pa ba yung mga yun o wala na," sagot ko. Katahimikan ang bumalot sa dati naming tagpuan kahit na kaliwa't kanan pa rin ang mga nagpapa- putok. "Naalala mo na yung kwento natin kanina? Yung tungkol sa pumunta ka sa family house namin tapos nahuli tayo ni lolo. Takot na takot ka noon," wika niya. Huminga muna siya nang malalim bago siya muling nagsalita. "Takot ka pero di mo ako iniwan. Di ka umalis," dagdag niya. "Iyon pala ang pagkakaiba ng takot at duwag, Kob. Takot ka noon pero di ka umalis pero ako duwag ako kaya iniwan kita," pagtatapos niya. Hindi ako nagsalita nang narinig ko ang mga salitang ito mula sa bibig ni Nat. Hindi ko alam kung ako ang sasabihin ko. Bumibigat ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko iyong pagkakataong umiiyak ako sa gitna ng kalsada habang basang- basa sa ulan. "Duwag ako, Kob," muli niyang sabi habang nakatingin pa rin kami sa kalawakan na ngayon ay madilim at tila malungkot na rin nakiki- ayon sa sitwasyon namin ngayon ni Nat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD