"Things happen. We let go of people but we hold on to the memories. To smile is the least thing a person can do during stressful moments."
•JACOB'S POV•
Kringg!
Ang ingay! Ako lang ba yung nag- a alarm tapos na- aasar sa alarm at the same time? Hays. Oo na. Gigising na po. Wait. Umaambon ba? I can hear the raindrops hitting our roof. I can feel the cold breeze of the air. Haays. Bigla ko tuloy naisip si Phil at ang ginawa niyang pagtataksil sa akin. Ano nga bang masarap gawin kung ganitong malamig at may lungkot na nadarama? Diba... Mag- kumot at mamaluktot?
New year. New chapter of my life. Ilang buwan na rin ang nakalilipas simula nang iniwan ko si Phil. Patuloy pa rin siyang nag- te text, tumatawag, at nagchachat. Kinukulit niya akong bumalik na sa apartment niya o makipagkita man lang sa kanua. Ngunit hindi ko siya pinapansin dahil pakiramdam ko hindi ko pa nahahanap ang sarili ko o ang gusto ko. Gusto kong hanapin muna ang sarili ko. Nandito ako ngayon sa bahay namin dahil hindi pa nakakahanap ng bagong malilipatang apartment. Sa ngayon, sinusubukan ko munang ngumiti.
Ngayong araw ay ang Orientation Day namin ulit. Refresh session lang daw ito sa mga pinag- usapan noong first sem.
Time Check: 4:30 am palang naman. Baka pwede muna akong umidlip kahit 15 minutes lang. Well, hindi naman masama.
Zzzzzzz...
"Kob! Kob!"
May maingay. May sumisigaw. Ang sarap pa namang matulog! Oh. Wait. Si mama ba yun? Although tinatamad akong buksan ang mga mata ko, pinilit ko nalang. And guess who?
Si mama nga.
"May balak ka bang pumasok, anak? Baka pwedeng bumangon ka na dyan", sabi niya habang niyuyugyog niya ang katawan ko.
I just gave her a nod tapos nakita ko na ring lumabas ng kwarto si mama. Tumingin ako sa orasang nasa wall and I'm like- OMG!
Time Check: 6:30 am?
Tama ba 'tong nakikita ko? What the hell! Kailangan ko na talagang bumangon.
Bawal ang bad vibes today. Ngayon ang umpisa ng moving on stage ko. First day ng second semester ngayon at first day ko rin in moving on kaya I am so excited na pumasok dahil madami akong gustong gawin sa Moving On Stage ko.
"Kob! Ano ba?! Bangon na anak!". Galit na si mama sa lagay na 'yun.
"Maliligo na po ma", sumagot naman ako habang yakap yakap parin 'tong unan ko.
Mainitin pa naman ang ulo ni mama lately. Malapit na ata siyang mag- menopause. Kaya para hindi na siya maloka sa'kin, pumasok na ako sa banyo. Syempre, first things first mga bes. Humarap muna ako sa salamin at nag- pose ala Asia's Next Top Model.
"Paano nga ba mag- pose ang broken?" tanong ko sa sarili ko.
Pose. Pose. Pose. Doing this has been a part of my daily routine. So, abangan niyo nalang po ako sa ASNTM!
Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang mukha ko. Sabi kasi nila, kung sana naging lalaki daw ako, tiyak na marami akong paiiyakin na babae. Talaga ba? Sa tingin ko ay tama naman sila. Pero bakla nga ako.
"Kob! Naliligo ka na ba?"
Mama again? Jusme. Naloloka na ako sa pagiging human alarm clock ni mama. Hindi naman siya nerbyosa, no?
"Opo ma", I responded. Chill ka lang ma. Ako talaga ang nai- stress sa kanya eh.
So, nasa gitna na ako ng pagligo ko. Just kidding. Nag- tu toothbrush palang ako.
One- Two- Three!
At nag- umpisa na nga akong pahiyawin ang sarili ko sa zero- degree Celcius na tubig namin. Chos! In fairness, nanginginig na talaga ako sa unang buhos palang. It seems like ayaw ko nang ituloy. Hahaha!
Whoosh!
Atat si mama. Kaya nagmadali narin ako. Fast forward. As soon as naisuot ko na ang well- ironed uniform ko, I immediately went downstairs at nakita ko si mama na performance level sa paghahanda ng pagkain namin sa hapag.
"Good morning my superma!", I told her as I kissed her on cheeks.
"Ang aga- aga ma pero haggard ka na. Why don't we just hire katulong para po gumaan yung mga trabaho mo rito?", I continued.
"No. I'm okay anak", sagot niya.
"Diba yun naman po yung gusto ni papa when he was still alive?", pagpupumilit ko.
I used my super convincing power but she still ignored. Jusme.
Tumingin ako sa phone kong nasa tabi ng plato. 7:15 am na pala. I really needed to hurry up dahil magko commute pa ako papunta sa city. Alas- 9 pa naman ang klase namin pero minsan kasi pahirapan ang sakay dito.
Kumakain na ako nang biglang nag- emo si mama. Well, that's her lately- always emotional.
"Miss na miss ko na ang papa mo, anak". Napansin kong may namumuong luha sa gilid ng mga mata ni mama habang sinasabi ito.
"Ako rin naman po ma, wag ka na pong umiyak. Papa wants us to remain strong no matter what. Ma, may problema po ba? Ano ang nangyari sa inyo ni Tito Uly?" I asked her.
"Wag mo muna siyang banggitin sa akin, anak," sagot niya. Mukhang pareho kaming sinaktan nina Phil at papa niya ah.
Binilisan ko na ring kumain. At pagkatapos ay nagmadali na nga kaming lumabas ni mama to wait for a jeep. Salamat naman at hindi naman pinaghintay ang beauty ko. I waved my hand to mama bago ako sumakay.
Just to be sure, in- open ko yung bag ko at baka may naiwan ako. Makakalimutin kasi talaga ako kaya kailangan ko nang i- check palagi ang gamit ko.
Notebooks? Check.
Ballpens? Check.
Paper? Check.
Okay. Meron naman ang lahat.