"Smile is the only curve that sets every thing straight."
We are currently travelling along the Escolta Street. Malapit na sa Mapua University. Mabagal ang andar ng sasakyan dito na bahagi dahil na rin sa dami ng mga bigla nalang nagtatawiran.
Napagmasdan ko nang husto ang dinaraanan namin: Busy.
Busy. Parang si mama lang. Ilang taon na rin ang nakalilipas nang iniwan kami ni papa when he was shot dead sa operation nilang mga sundalo. And hindi man ako expressive, I'm still weeping inside although unti- unti ko na ring natatanggap na wala na siya at may Tito Uly na si mama. Ganunpaman, alam kong hindi mapapantayan at mapapalitan ni Tito Uly ang pagmamahal namin kay papa.
Sa kabilang banda, naaawa ako sa mga senaryo sa kalye Escolta. Maraming mga batang pulubing sa gilid nalang ng kalye natutulog. Nakita ko rin ang grupo ng tatlong mga batang nasa edad apat hanggang walo na sama- samang naglalakad kasama ang kanilang nanay.
Maaga pa ma'y kinakalkal na nila ang basurahan para maghanap ng pagkain. Sa tingin ko'y ulila na rin yung mga bata tulad ko kung kaya't napariwara na sila.
I pity them as much as I am saddened to what I and mom have become. Mahirap din kasing mawalan ng papa. Tuwing father's day, nagkukulong ako sa kwarto.
But you know what? Mas naaawa ako kay mama. From papa's time of death, mama takes all the responsibilities. Magluto, maglaba, maglinis ng bahay, etc., she does it all. Kung hindi pa ako magpupumilit, ayaw pa niyang magpatulong sa'kin.
Napahaba na ba ang pag-e emote ko? Mahaba rin kasi 'tong byahe namin.
Masyadong malayo yung school namin from our house. And kanina pa kami paikot- ikot but I'm sure malapit na rin kami.
Anong oras na kaya?
Kinapa ko yung bulsa ng pantalon ko para kunin ang cell---
Asan na? Shocks! Yung phone ko!
Pwede pa ba akong bumalik? Nasa Vista City na kami at ang layo na nito sa bahay namin. Well, sa sobrang layo ng bayan namin, I doubt kung makaka- abot pa ako sa klase namin kung babalik ako.
I did not stress myself although problema ko kung paano na ako nang wala ang cellphone ko sa akin. How will I survive without my phone? Hays. Uwi nalang kaya ako?
Bigla kong naalala na sinabi pala ni Thalia na magsasabay kaming mag- a attend ng program ngayon. Alas 8 na eh ang usapan namin ay 7:30. Bigla akong kinabahan dahil baka naghihintay na siya sa akin sa park sa Mapua Grand Hall na meeting place namin before we go to the Multi- Purpose Hall. I have to call her. Tinignan ko ang mga kasamahan ko sa jeep ngayon upang maghanap ng pwedeng mahiraman ng cellphone upang matawagan ko si Thalia. Karamihan ay mga matatanda at mga tita na mukhang mainitin ang ulo. Napansin kong may tinawagan ang lalaking nasa tabi ko. Baka pwede kong hiramin ang cellphone niya pagkatapos.
Naglakas loob akong magtanong.
"Hi, pwede bang makitawag? Naiwan ko kasi ang phone ko sa bahay," I told the guy sitting next to me. Ini- abot niya sa akin ang cellphone niya at tinawagan ko agad si Thalia. Mabuti na lamang at dala ko ang notebook ko kung saan ko nilagay ang calling card na binigay sa akin ni Thalia noon. Pagkatapos ko siyang ininform na naiwan ko ang phone ko at magkita na lamang kami sa hall, ibinalik ko na ang cellphone sa lalaking katabi ko.
"Thank you... ano'ng pangalan mo?" tanong ko sa katabi ko para at least feeling close.
"Welcome. I'm Philip," sagot niya.
Napalunok ako sa narinig ko dahil kabilang sa plano ko na huwag nang banggitin at huwag na sanang mapakinggan ang pangalan niya... pero tadhana nga naman. Salamat na lang.
I just formed a curve on my face as a response to the guy named Philip. To smile is the least thing a person can do during stressful moments, I must say. This is it. The first day of my moving on stage. Nakakaloka.