bc

I am yours Before it Dies (R-18)

book_age18+
8
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
billionairess
heir/heiress
mystery
like
intro-logo
Blurb

Bata pa lang si Mak at si Samantha ay may gusto na sila sa isa't isa. Naging matalik silang magkaibigan at nauwi iyon sa pagmamahalan. Sabay silang nangarap at nagmahal...

Ngunit dahil sa ilang pangyayari ay nagkalayo sila at hindi na muling nagkita pa.

Tila sadyang malupit ang tadhana sa kanila, dahil kasal na si Samantha sa iba nang sila'y muling pinagtagpo ng tadhana.

Magagawa bang itama ng pag-ibig ang maling sinisigaw ng kanilang mga puso? O tatalikuran nila ang isa't isa at magbibingibingihan sa boses ng damdamin para gawin ang tama...

chap-preview
Free preview
Chapter 01
Chapter 01 I'm sure Michael Salazar        "Hey, Mak? Wake up! Male-late ka na sa trabaho mo," yugyog sa akin ng isang boses babae na hindi ko alam kung bakit nandito. Natulog ako nang wala siya at huli namin pagkikita ay iyong hinatid ko siya sa bahay niya, at huli namin pag-uusap ay sa text, nang matutulog na ako.     "Michael! Ano ba!" may diin sa pagtawag niya sa akin at mukhang nakukunsumi na dahil hindi ko siya pinapansin. Basta ko na lang siyang hinila pahiga sa tabi ko na nakapagpatili sa kanya. Sinubsob ko ang mukha ko sa may balikat niya. Naramdaman ko ang marahan niyang paghaplos sa pisngi ko at banayag na ang boses niya.     "Mak, kahit na gusto kong hayaan na matulog ka at magpahinga, kailangan mo na talagang bumangon at male-late ka na." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang magandang mukha ng girlfriend ko na may maliit na ngiti habang pinapanood ako. Dalawang taon ko nang girlfriend si Hannah. Hindi ko nga inaasahan ang pagdating niya sa buhay ko, e. Sobrang weird lang ng panahon na iyon at bigla na lang niya akong hinalikan sa harap ng maraming tao at ipinakilala ako bilang boyfriend niya, samantalang hindi ko naman siya kilala. And the rest is a history. Magaan ko syang hinalikan sa labi. "Good morning," bati ko sa kanya at muli siyang hinalikan sa pisngi, at sa labi ulit. Lalayo na sana ako nang ikinawit niya ang dalawang braso niya sa batok ko. Pinalalim niya ang magaang halik ko sa kanya. Kagigising ko lang pero kahit kailan ay hindi siya nandiri sa panis na laway ko. Sa loob ng dalawang taon na relasyon namin ni Hannah ay naging masaya at kuntento ako. Kahit na wala akong kasamang magulang ay hindi ako nag-isa. Simula nang dumating siya sa buhay ko, I got my nonsense advicer but still, very helpful by her presence.  Humiwalay siya sa akin at pinisil ang ilong ko habang maiksi pa rin ang distansya ng mga labi namin. Ngumiti ako sa kanya at sumubsob sa balikat nya. Gusto ko pang matulog dahil halos ilang araw na akong walang tulog dahil tinatapos ko ang project na ibinigay sa akin ng boss ko.     "Architect Salazar, may meeting ka kay Mr. Adams. You have to fix yourself. Don't disappoint them. I know you don't want that." Bahagya niya akong tinulak palayo sa kaniya kaya pinakawalan ko na lang siya. Tumayo siya at inayos ng kaunti ang higaan ko pero hanggang ngayon ay nakasalampak pa rin ako sa kama. Umupo ako at kinusot ang mata ko. Tama si Hannah. Hindi ko gustong ma-disappoint ang pamilya ng Adams. Matagal ko nang kilala ang magiging kliyente ko ngayon, at matagal na rin na ako ang pinagkakatiwalaan nila pagdating sa mga bahay o karagdagang building na ipinapagawa nila para sa negosyo nila. Nakatayo sa harap ko si Hannah at pinapanood ako. "Bakit mo ba kasi tinanggap ang project na iyan? Ang dami mo pa kayang project? Your schedule is already full. May kinansela ka pa para sa kanila."     "Hannah, una ulit akong naalalang pagkatiwalaan ni Don Augusto para sa proyektong ito para sa pamilya nya. Hindi ko naman matatanggihan iyon. I've been doing this for seven years." Simula nang nagtapos ako ng arkitekto ay ako na ang inaasahan ng pamilyang Adams. Si Don Augusto ay ama-amahan ng tatay ko noong nabubuhay pa sya. Hindi man ako legal na anak ng papa ko ay pinahalagahan ako ng ama-amahan niyang si Don Augusto. Napahinga na lang ako ng malalim at winala ang usapan para gumaan naman ang pag-uusap namin ni Hannah. "Paano ka nga pala nakapasok dito sa bahay?" tanong ko at tumayo na para pumasok sa banyo at makapaligo.     "Naiwan mo ang susi mo sa condo ko. Sabi ko sa 'yo pagsama-samahin mo lahat ng mga susi mo para hindi mo naiiwan sa kung saan-saan," sagot niya na may kasamang sermon. Dinig ko naman ang mga iyon kahit na naka bukas na ang shower. Saka ko lang naalala na oo nga't nakapasok lang ako kagabi sa bahay dahil sa duplicate na nasa loob ng paso na may halaman at lupa. Nasa gilid lang iyon ng gate at malapit lang kaya maaabot iyon mula sa labas kung ipapasok mo ang kamay mo. Akala ko ay naiwan ko iyon sa opisina ko dahil sa nilalaro ko iyon doon. Ngayon ko lang naalala na nilaro ko ulit iyon sa condo ni Hannah. Bad habit. Matapos kong naligo ay lumabas ako ng banyo, wala na si Hannah sa kwarto. Kaagad akong nagbihis ng maayos at pormadong damit. Kahit na matagal na akong pinagkakatiwalaan ng Adams ay naging kaugalian ko pa rin na maging pormal sa harap nila sa mga ganitong meeting kahit hindi ko kailangan matakot na ikansela nila ang proyektong ibinibigay nila sa akin. Basta kasi nagdesisyon na si Don Augusto ay hindi na mababago iyon. Pero gusto ko pa rin na magmukhang pormal at ipakita sa kanila na nakababa pa rin ang noo ko sa kanila kahit sobra na sa kabaitan ang trato sa akin ng matandang Adams. Lumabas na ako ng kwarto. Pagkababa ko ay amoy na ng lutong pang-umaga ang naamoy ko. Alam kong si Hannah ang nagluluto niyon dahil wala naman akong ibang kasama rito sa bahay na ito. Patungo sa kusina ay napadaan ako sa mahabang pasimano. Halos walang laman iyon. Kaunti lang na picture frame ng kapatid ko na namatay sa cancer, 8 years ago. 'Yong iba naman ay letrato pa namin noong bata pa ako at nasa tamang pag-iisip pa si Mama. 'Yong iba naman ay letrato ni Papa. Ang mga laman ng pasimano ay puro lumang letrato na. Ang pinaka bago lang ay ang huling letrato namin ng kapatid ko na nakuha pa 9 years ago. May sampung taon din lumaban ang kapatid kong si Bella sa sakit niyang cancer. Nagtrabaho akong maigi para matustusan ang pangangailangan ni Bella sa medikasyon. Bata pa lang ako ay ako na ang bumubuhay sa pamilya ko. Maagang nawala sa amin si Papa dahil sa binalikan niya ang totoong asawa niya. Naging kabit lang ni Papa ang Mama ko. Ako ang naging bunga ng pagkakamali nila. Naghiwalay si Papa at ang totoo niyang asawa at doon nagsama si Mama at Papa. Noong dalawang taon na si Bella ay nagdesisyon na ang totoong mag-asawa na ayusin ang relasyon nila para sa ligal na anak nilang dalawa. Simula niyon ay naging madalang ang dalaw sa amin ni Papa. Militar ang aking ama kaya nang nangailangan ng taong lalaban sa Pakistan ay isa siya sa pinadala doon. Hindi na nakabalik sa Pinas si Papa. Ang sabi ng mga kapwa sundalo niya ay hindi na nakita ang katawan niya, pero idiniklara na nila itong patay na. Nawala sa sarili si Mama at nalulong sa bisyo, ang alak at sugal. Napabayaan niya kami ni Bella kaya ako na ang nagtrabaho para sa pang-araw-araw namin at pang-aral, hanggang sa nagkasakit si Bella. Ako na ang naghanap ng paraan para maisagawa ng maayos ang medikasyon ni Bella. Tumagal siya ng ilan taon pero nawala din. Nakapag-aral ako dahil sa tulong ng scholarship. Pasalamat na lang ako at kahit na walang-wala kami ay may natitira pa akong kayamanan. Ang aking talino at sipag. 'Yon ang naging sandata ko. Nang nakatapos ako ay nilagay ko sa Mental Hospital si Mama. Noon ay ang gusto ko lang ay rehabilitation. Pero gobyerno na ang nagdesisyon. Inilagay nila sa mental hospital si Mama dahil umiinom daw ito ng mga bawal na gamot at hindi lang basta lulong ito sa droga. Nabaliw na raw ito nang tuluyan, na marahil ay siya ring ugat ng paggawa niya ng mga ipinagbabawal. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin ako ng paggaling ni Mama. Siya na lang ang natitira kong pamilya bukod sa kapatid ko kay Papa at sa nanay nito na minahal kami ni Bella kahit na anak kami ni Papa sa kasalanan sa kanya. Napalingon ako sa kusina nang tinawag ako ni Hannah. "Mak, kumain ka na at promise, male-late ka na talaga." Agad naman akong pumasok sa kusina at iniwan ang pasimano. Naupo na lang ako sa isang upuan kung saan lagi akong umuupo. Nilingon ko na lang ang may labas. Mula rito ay tanaw ang may likod bahay. Salamin ang malaking pinto kaya kita mula sa puwesto ko ang malawak na hardin na puno ng bermuda grass. Karugtong no'n ay sementong tiles at may swimming pool. Ang disenyo ng bahay ay naka ayon sa pangarap ng kapatid kong si Bella na wala na ngayon. Nilingon ko si Hannah nang nagsalita siya.     "Saan ka na naman naligaw at ang layo na naman ng napuntahan ng isip mo?" Umiling ako at uminom sa kapeng kakababa lang ni Hannah sa tapat ko. "May naalala lang ako. 'Yong kaibigan kong nasa Italy, si Lex. Babalik na sya." Ngumisi ako sa kanya. "Gusto ka daw makilala." Natigilan naman siya at tumitig sa akin. Binasa niya ang ekspresyon ko at matapos ng ilang segundo ay muli siyang nagsalita. "Oh? Bakit daw?" Bumagsak ang balikat ko sa sagot ni Hannah. "Obviously, Hannah 'you're my girlfriend for two years. Silang dalawa na lang ni Kiel ang hindi nakakakilala sa iyo," pagtukoy ko sa dalawa kong kaibigan na nangibang bansa para magtrabaho. Si Kiel ay dalawang taon na sa London para sa negosyo niya. Samantalang si Lex ay pitong taon na nang huling balik sa Pinas. Tumango si Hannah. "Okay. I'll wait na makatungtong sa Pinas 'yang kaibigan mo." Matapos namin kumain ay nag-ayos na ako at tuluyan ko nang tinungo ang building kung saan magaganap ang meeting. Iniwan ko na lang si Hannah. Hindi ko na sya naihatid sa condo niya dahil sa mahuhuli na ako sa meeting namin. Ikinasal ang panganay na apo ni Don Augusto, dalawang taon nang nakalilipas, pero ngayon lang magpapagawa ng bahay dahil sa Spain sila nanirahan sa mga nagdaang taon, at doon din sila kinasal. Hindi ko pa nakikita ang babae pero alam ko ang pangalan nito. Hindi ko masyadong kasundo si Gian na mismong magpapagawa ng bahay. Pero kilala ko siya bukod sa pagiging panganay na apo ni Don Augusto, halos pareho kami ng mga kaibigan. Ang mas nakababata pa niyang kapatid ay parang kapatid na ang turing sa akin at ganoon din ako sa kanya. Marami man ang kakonekta namin ay hindi ko pa rin siya nakalapit. Hindi ko alam kung bakit, pero parang ilag na ilag siya sa akin. Kung hindi lang siguro gusto ni Don Augusto na ako ang maging arkitekto ng magiging tahanan niya ay hindi ako kukunin ni Gian. Nang nakarating ako sa tapat ng building ay agad na akong nag-park at pumasok. Hinanap ko ang opisina ni Gian Aidan Adams dahil doon ko sila kakausaping mag-asawa. Kaagad naman ibinigay ng babaeng isa sa empleyado ang bagong opisina ni Gian. Bago lang 'yan kaya hindi ko alam. Kaagad akong pumasok sa elevator at pinindot ang 35 kung saan ang opisina. Sinisilip ko ang aking relo at binabantayan ang oras. Oh, s**t! 10 minutes ay huli na ako sa meeting. Kung bakit naman kasi napakataas ng opisina ni Gian? Nangunot ang noo ko nang humito ang elevator sa ika 16 na palapag. Pumasok ang babae na nakatungo habang hinahalungkat ang bag niya. Kaagad niyang pinindot ang 35 na numero.     "Ito na nga't paakyat," sabi niya sa kabilang linya at ibinaba ang cellphone na hawak nang mag-umpisa nang umakyat ang elevator. May itim ito na blazer at kulay brown na pencil skirt na hindi masyadong maiksi. Hinawi niya ang buhok at sinabit sa magkabilang tainga. Pakiramdam ko ay nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko kung sino ang babaeng kasama ko ngayon. It's been 11 years mula nang huli ko siyang nalapitan at nagkaroon ng balita tungkol sa kanya. But 8 years ago, nagkita kami sa isang school event pero tinakbuhan niya ako. Nangunot ang noo niya at matalim akong binalingan ng tingin. Pero unti-unting nagbago ang ekspresyon niya ng gulat. Now, I'm sure.... It's you.... Samantha. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pagbebenta ng aking pagkabirhen... sa CEO

read
15.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

THE WIDOWED CEO’S PROSTITUTE

read
38.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook