CHAPTER 16: THREATS Sumunod agad siya sa akin sa paglalakad at hinigit ang braso ko. Napaharap ako sa kanya at muntik pang mabunggo sa kanyang dibdib. Ang sinag ng buwan ay mas lalong nagpadepina sa down on Earth na kagwapuhan ng lalaking nasa harap ko ngayon. Masyadong misteryoso ang kanyang mga mata. "No? Tapos tinalikuran mo'ko?", Sumbat nito sa akin. Sinubukan kong bawiin ang braso ko ngunit malakas ang kapit niya doon. "Uuwi na nga kasi ako", paliwanag ko. Ang lalaking nasa harap ko ay ibang iba sa lalaking kinatatakutan sa school. Ang lalaking ito ay mahinahon at di tulad ng sa school na cold at nakakatakot ang aura. Unti unting naging maluwang ang kapit niya sa akin. Parang gusto ko tuloy 'yung mahigpit. Hihi. "Tss. Tapos kanina, iniwan pa ako sa table eh di na nga sumipot", gam

