PROLOGUE
Have you been read about some articles pointing out the rare case of fear of love? That for some point mapapasabi ka na lang na, " Ay, meron pala no'n!". Do you know someone who carries that kind of fear? A fear to interact with others, avoiding to feel the concern, avoiding to feel the love and for some point, the fear to be left behind.
Lahat tayo'y takot maiwan. Lahat tayo'y napanghihinaan ng loob sa tuwing may minamahal tayong iniiwan tayong mag isa at mas lalo na kung ang taong 'yun ay wala nang pag asang sa ati'y makabalik pa. Wala na. Patay na.
I am Shanteila Margareth Harlyn and I am afraid of love. I've been in this dark cell called fear for so long. It was all started when I lost my family.
I lost my mom, my dad, and the last one who loved me for real, my grandfather. They're all gone.
And that's because of me.
I can still recall the past. It was a cold night. I was walking towards the office of my dad because I've got some good news.
"Dad, Mom! I made it to the top!", I announced cheerfully. Nagsitinginan silang dalawa sa akin saka ako dinaluhan at niyakap nang mahigpit. I smiled from ear to ear and handed them my medal. It was a great feeling to be on the top in a consistent years.
"I am so proud of you, Eila!", My dad kissed my forehead. He gave me a heart-warming hug. Si Mommy naman ay hinahaplos lamang ang buhok ko. She's smiling but her eyes got filled with tears.
"So next year, sa States ka na mag aaral!", They announced suddenly. My smile vanished at kumawala ako sa pagkakayakap ni Dad. Nagtabi silang dalawa habang ako'y nasa harapan.
"What? I thought I'm going to pursue my dream here, Dad!", Sumakit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ng iyak. Pinag usapan na namin ito noon na ayokong mag aral sa States. Pero bakit ganito? Bakit pinipilit na naman nila?
"Anak, para rin naman ito sa'yo. They can offer you a better opportunity.", Paliwanag ni Mommy ngunit umiling iling lamang ako. What the hell?
"No. You don't understand me! Ayoko nga kasing umalis ng bansa!", My voice raised a bit surprising my parents. Kita ko ang biglang pagbabago ng expression ni Dad dahil doon.
"And you're raising your voice at us? May respeto ka pa ba, Eila? Why is it so hard for you to leave? Dahil ba sa mga kaibigan mo? Or baka naman may boyfriend ka na?", Mahinahon ngunit madiing sambit ni Dad. I'm afraid but I tried to remain my composure.
"What the f**k are you saying—", I stopped half way when I felt the strong palm of my Dad landed on my face. Halos manakit ang buong panga ko sa ginawa niya. My tears started to pour as I looked at them with disgust. Sinubukan akong daluhan ni Daddy ngunit tinabig ko ang kanyang kamay.
"I'm sorry...I didn't...I didn't mean to do that", he pleaded. But I've got hurt.
"I hate you. I hate you, Dad. I hate you!", I shouted before I run downstairs while my heart is aching bad. How dare he slapped me?
Tumawid ako sa kalsada but I know that they're following me from behind. They're calling out for my name but I ignored them.
I stopped when I heard a screaching sound and their screams. My heart started to skip and I slowly looked at them. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko silang nakahandusay sa kalsada at nababasa ng kanilang mga dugo. I started to cry and run towards them. My hands started to shiver and I checked for their pulse but it was gone.
I screamed for help pero walang dumating. I cried and cried until I realized that I was all my fault.
I killed them.
That's the moment when my friends left me. Ito 'yung masakit na part, eh. I stayed because of them but they can't even stay when I needed them. How life could be this unfair?
And, it was not ended up with that. My aunt, Tita Dulcellia and her daughter came back to our mansion and claimed it.
"What are you doing here? Get out!", Tita said while I'm here laying down on the floor after she pushed me. She doesn't want me to be here. She wanted to claim our properties but I shouldn't let her.
"Maawa naman po kayo sa akin, Tita. Hindi... Hindi ko po sinasadya ang mga nangyari!", Pakiusap ko sa kanya habang tumutulo pa rin ang mga luha. Itinapon niya na sa akin ang ilang damit ko.
"Rosalia! Ilabas mo ang mga gamit ng babaeng ito!", Utos nito sa kasambahay namin. I started to cry harder and pleading but she's like a cold woman who doesn't care if I cry blood in front of her.
"Why should I keep the girl who killed my sister? Kasalanan mo lahat ng ito! Kasalanan mo! Walang hiya ka! Lumayas ka dito!", She gripped my hair stronger and pushed me even more to the floor. Iyak lang ako nang iyak. She's right. It was all my fault. I was the one who should be blamed.
I killed them!
But then, the door got slammed hard. My Lolo stepped on with his corporate attire and attache case. Mabilis niya akong pinuntahan at inilayo sa akin si Tita ng kanyang mga tauhan.
"How dare you, Dulcellia? You really think na sa'yo na ang lahat ng ari-arian ng kapatid mo dahil lang sa wala na siya? Oh come on! Eila is the heiress. Sa kanya ang mga naiwang kayamanan ng kanyang mga magulang.", Sambit ni Lolo habang nakayakap na sa akin nang makatayo kami.
"Pero hahayaan mo siya? Siya na pumatay sa mga magulang niya?", Di makapaniwalang tanong ni Tita.
"Don't you dare. Sa oras na kalabanin mo ulit ang apo ko, nasa awtoridad na ang pasya para sa'yo.", Maawtoridad na sabi ni Lolo.
Ito ang araw para ilibing ang pinakamamahal ko sa buhay. Lahat ay tahimik na umiiyak habang ibinababa ang kanilang mga kabaong. Nakatayo ako sa pinaka unahan katabi si Lolo. Lahat ay nakakulay itim at may hawak na puting rosas.
Tanging pagyakap lang sa butihin kong Lolo ang nagpapakalma sa akin.
Unti unti ko nang inihulog ang rosas habang yakap ang kanilang mga larawan. Inalalayan naman ako ni Lolo. Ito ang araw na pinakamasakit sa akin.
Sumapit ang araw ng aking 18th birthday. Walang handaan, walang engrandeng salo salo, walang 18 roses, walang sayaw. At higit sa lahat, walang pamilya. Regular na araw lang sa akin.
Pinuntahan ko ang nasa ospital kong Lolo. Masaya siya at binati agad ako ng isang bouquet ng mga bulaklak. Napatawa ako dun. At least. Siya lang nakaalala.
"Alam mo apo, no'ng dumating ka sa amin, ang saya saya ko no'n.", Sabi ni Lolo kahit na mahihimigan mo ang panghihina niya.
"Sabi ko noon, ang gusto kong apo ay lalaki ngunit nang masilayan kita, anghel na biyaya ang nagpabago sa akin", ngiti nito.
"Salamat sa lahat apo ah... Pasensiya na at hindi kita naipaghanda ng party", umiiyak nitong sabi.
"Naku, 'Lo. Okay lang po 'yan, Basta kasama kita. H'wag niyo po akong iiwan ah", Sabi ko at umiiyak na siyang niyakap.
Hinaplos niya ang buhok ko.
"Mahal na mahal kita apo. H'wag mong papabayaan ang sarili mo ah", nanghihina nitong sabi.
"Magkahawak ...ang ating k-kamay,
At walang kamalay-malay
Na tinuruan m...o ang puso ko...
na umibig nang...tunay",
Ang haplos nito sa aking buhok ay unti unti nang nawawala. Bumuhos ang mga luha ko at niyakap pa siya nang mahigpit. Tandang tanda ko pa. Ito ang lagi niyang kinakanta noon sa akin sa tuwing namamasyal kami na magkahawak ang kamay noong bata pa ako. Ngayon, kinanta niya ang paborito naming kanta habang ang kamay niya'y bumibitaw na.
April 23, 2019
3:53 P.M
Namatay ang Lolo ko. Ang tanging taong nagmahal sa akin sa kabila nang lahat. Wala na... Wala na siya...
Bakit?
Bakit lahat ng taong minamahal ko ay nawawala sa akin?
Bakit di ko sila nakakasama nang matagal?
Bakit?
And that's how I started to lock myself in my room and made a cell of fear I can't escape anymore. I developed my own fear. It's me who created my phobia. And I don't even know if I can set myself free again.