01: Life

1358 Words
Is it normal to change after your misery? To let go of your old self and focus with the present? Because for me, it's normal. Change is inevitable. Lahat ng 'yan, magbabago. Especially if there's a reason to change. For the better or for worst? I don't know. I don't know myself anymore.  Ilang taon na rin ang lumipas mula nang mangyari 'yun. Ito ay mananatiling alaala na lang ng masakit na kahapon.  "Mommy! Look at this! It's so pretty!",sigaw ng isang batang babae sa kanyang mga magulang. Nasa isang paraiso sila. Magandang beach, tahimik na lugar, magkakasama. Ipinakita no'ng maliit na babae ang isang kabibeng hawak nito habang marahang tumatakbo sa mag asawang nakaupo sa buhangin. Masayang masaya ang mag anak. Naghihiyawan, nagyayakapan, at nagtatawanan. Eto 'yung bahagi ng alaala ko no'ng nagbakasyon kami sa isang isla. Bata pa ako no'n ngunit naalala ko pa. Ang gandang view ng isang magandang pamilya. Ngunit habang nagyayakapan ang mag anak ay biglang naging itim ang lahat at umiyak ang mga ito at nagpaalam sa isa't isa. Unti unti kong minulat ang aking mga mata nang madama ang lamig ng tubig na bumalandra sa aking katawan. "Lintek na bata ka. Tanghali na oh. Magluto ka na, walang kwenta!", Sigaw sa akin ng Tita ko. Hinilamos ko naman ang aking palad sa aking mukha dahil sa tubig na naroroon. Tinitigan ko ang aking tiyahin na taas noong bumabaling ang malditang mga mata. "Anong tinutunganga mo dyan? Bilisan mo na!", Sigaw ulit nito sakin bago umalis na sa maliit na kwarto kong ito. Yeah. Mula nang namatay ang Lolo ko ay siya na ang namahala sa bahay na ito. Habang ako naman ay ginawang katulong ngunit may sustento pa rin sa aking pag aaral at mga kailangan. Kahit na ako ang tagapagmana ng lahat ng yaman namin, di na ako nagsumbong sa awtoridad nang pang aaliping ginawa sa akin dito, unless di na nila ako pag aralin. Tss. Agad na akong bumangon sa basa kong cushion at niligpit 'yun para labhan mamaya. Pumunta na akong kusina at naabutan dun ang mayordoma naming si Manang Rosalia na nagtitimpla nang kape, para siguro sa aking tiya.  Nagsimula na akong magluto. Bacon, sunny side-up eggs, hotdogs at sinangag Lang. Nasanay na lang din ako ng mga gawaing ito, tagadilig ng halaman, utusan, at kung anu-ano pa. Magsisimula na naman ang klase bukas kaya paniguradong mas dadami ang matatambak na trabaho nito sakin. Inihanda ko na ang mga pagkain sa hapag. Wala pa doon si Tita. Well, baka nasa sala. Narinig ko naman ang yapak mula sa hagdanan. Isang babaeng mahaba ang straight na itim na buhok, katamtamang tangkad, maputi, sexy, maganda ang pigura ng mukha, ang anak ni Tita Dulcellia, si Kariana Nalein. Kasing edad ko lang. Oo. May anak si Tita Dulcellia. Umuwi ito no'ng si tita na ang may kapangyarihan sa bahay na ito. Ang asawa niya naman ay malimit lang umuwi at hindi ko pa siya gaanong nakakasalamuha. Umupo na ito sa kanyang usual chair and she lazily meet my eyes. Umiwas siya at binalingan ang pagkain. Ininom niya ang kanyang gatas. "So, you're going to feed me with that? ", Maarte nitong pagtukoy sa mga pagkain na para bang nandidiri. "Then don't eat.", sarkastiko kong balik sa kanya. Ang arte mo di ka nga makalaba ng panty mong bruha ka. "How dare you say that in front of me?", Inis nitong sigaw sa akin. Bobo! Ano gusto mo tumalikod ka muna bago ko sabihin 'yun? I didn't give a damn about her anymore and walked towards the kitchen.  "Anong kaguluhan 'to, Kana?", Bago pa ako makaalis ay narinig ko na ang boses ng Tita ko. I rolled my eyes again. "Mommy, look at our food. It's disgusting! Yuck", sumbong ng anak. The f**k!  20 years old na tapos kung umasta parang bata.  "Honey, kainin mo na 'yan", Sabi naman ng kanyang ina.  Bahala kayo dyan. Nilabhan ko muna  'yung kutsyon ko dahil baka mamaya wala akong mahigaan. Natapos ko naman 'yun agad at umalis sa bahay dahil tapos ko naman ang aking mga gagawin. Bukas ay 3rd Year College na ako sa kurso nang Mechanical Engineering. Nakapag enroll na rin naman ako sa Vancleef University dito sa amin. It's a private one and prestigious one kaya I am expecting the elites are there. Well, lumipat ako dito kasi dito papasok ang spoiled brat kong pinsan. Tss.  Sinarado ko na ang aming gate at naglakad patungo sa fast food chain kung saan ako nagpapart time. Dalawang taon na rin ako dito at okay naman ang mga kasama ko dito. Okay kasi di naman nila ako madalas kinakausap. Mas okay kasi 'yun sakin eh. Agad na akong nagsuot ng uniform pagkarating ko. Alas nuebe ang pasok ko dito. Depende sa schedule. Tapos ako na bahala kung may papalitan at ako na ang mag oover time. Madali lang naman dito ang trabaho, kumuha ng order, magserve, magligpit, magpunas at kung anu-ano pa. Minsan din nakakarinig ako nang kung anu-anong komusyon mula sa dati kong mga schoolmate. "Ay 'yung dating princess mukha ng dugyot" "Diba siya 'yung pumatay sa mga magulang niya?" "Tss. Kinarma na ata" Yan ang karamihang bulong bulungan ng mga tao dito. Pero di ko na 'yan pinagtutuunan ng pansin. Kahit anong gawin nila sakin, wala akong pake. Mabait ang manager na babae dito sa akin. Si Ma'am Lil. Kaso di ako komportableng mabait siya. Ayokong gumaan ang loob ko sa kanya. Ayokong mahalin at pahalagahan din siya. Well, alam niyo naman ata ang problema ko 'di ba?  My parents were very famous back then kaya hindi malayong alam din ng mga tao ang nangyari sa kanila. My father was a great painter. Kilala siya sa larangang iyon at nagwagi na sa mga competition while my mother was a great CEO. Pero ngayon, ang kompanyang itinayo niya ay unti-unti nang bumabagsak.  Natapos na ang shift ko at umuwi na sa bahay. Naabutan ko do'n si Kana na nagbubukas ng mga bago niyang gamit para bukas. Tss. Business Management ang kinukuha niya dahil malamang siya ang magmamana ng business na tinayo noon ni Mommy.  Ang Lark's Real Estate na ako naman talaga ang tagapagmana. "How 'bout you , Eila? May gamit ka na ba?", Painsulto nitong tanong sa akin. "O", simpleng sagot ko na di sila binabalingan. "Talaga? Well, baka mumurahin naman 'yan", natatawa pa ang bruha. "Bakit? May magagawa ba ang presyo ng gamit mo kung wala namang laman ang utak mo?", Ngayon ay nginitian ko na siya na walang ka sense sense. Nakita ko ang iritasyon sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Bakit? Natamaan ka? Di ko na hinintay pa ang sasabihin niya kaya pumasok na ako sa kwarto ko at agad na inayos ang aking kama. Iniready ko na rin ang bag at gamit ko para bukas. Mula sa sweldo ko pa ang mga pinamili ko nito dahil allowance  lang ang ibinibigay sa akin ni Tita. Nang natapos nang kumain 'yung dalawa ay saka naman kami kumain ng mga kasambahay. Ako na ang naghugas bago ko inayos ang sarili ko para sa pagtulog.  Nagising ako nang maaga dahil may pasok na. Si Manang Rosalia ang nagluto. Pabor na rin sa akin 'to. Naligo na ako at nag ayos. White imprinted shirt lang at jeans with flat shoes ang suot ko. Powder lang nilagay ko sa aking mukha saka nilagyan ng pin ang aking buhok sa taas ng aking tenga at hinayaan ng bumagsak ang buhok kong brown at may loose curls. Inayos ko na ang hapag at maya maya pa ay bumaba na si Kana na dala ang sling bag nito habang naka dress. Umupo na siya at nagsimula nang kumain.  Sa kanya ako sasabay. As usual magmumukha na naman akong yaya nito.  Inihatid na kami nang kanyang driver at agaran siyang umalis na para bang lumalayo sa akin. She made a deal to me na ayaw niyang malaman nang iba na magkapamilya kami. Same thoughts, though. This is it. Mag uumpisa na ang bagong buhay ko sa bagong paaralan na ito at sa bagong kabanata ng buhay ko. I will start my new life here. A new beginning.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD