CHAPTER 8: FRIENDS
Dahil sa wala na akong trabaho, paaralan, bahay lang ang punta ko. Minsan naman ay naghahanap na din ako ng trabaho pag walang masyadong school works. Mas gusto ko kasing nasa labas kesa dito sa bahay na walang masyadong ginagawa.
Nasa library ako ngayon dahil sa wala ang mga Prof namin sa susunod na subjects dahil sa urgent meetings.
Buklat, basa, buklat, basa.
"Babae nandito ka pala", napasulyap ako sa nagsalitang lalaki na ngayon ay nakaupo na sa mesang pinapatungan ko nitong libro. As usual andyan na naman yung lollipop niya. Ngumingiti siya sa akin pero pokerface lang ako.
"Alis", taboy ko sa kanya pero 'yung ugok di man lang nag atubiling umalis sa pwesto niya. Mas nag ayos pa siya sa pag upo niya. Mas bumaba pa ang level ng mata niya sa akin habang bumababa ang mukha niya. Kaya ngayon ay iilang pulgada na lang ang layo ko sa kanya.
"Ang sungit mo, babae", sambit nito sabay pitik sa noo ko. Masakit ah!
Padabog kong sinara 'yung libro at hinila siya pabagsak sa sahig. Boom! Bagsak.
"Araaaaaaay!", Sigaw nito na humahawak sa likod niya. Para na siyang matanda na inatake ng rayuma. Matatawa na sana ako sa mukha niya pero ngumuso na lang ako para mapeke 'yung ngiti.
"Walang hiya ka, babae ka. Ganyan ba ang pakikitungo sa prinsipe ng University na 'to?", Nakatayo na siya ngayon pero paika ika ang lakad papunta sa akin. Nakapameywang na siya habang nakaharap sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at suminghap naman siya na parang di makapaniwala sa asta ko.
"Eh pa'no ba pakitunguhan ang prinsipe?", Malumanay na sambit ko sa ika ikang lalaki sa harap ko.
"Dapat ang prinsipe ay sinusunod, iginagalang, at hindi inihuhulog sa maruming sahig", sabay pikit niya at tiningnan 'yung lollipop na nasa sahig na. Nagpout siya at umiling at muling bumaling sa akin.
"Eh sa ayaw ko, magsusumbong ka?", Nakataas noo kong sambit sa kanya.
"Psh, sadista ka", aabutin na sana niya ako pero di niya ako maabot dahil ika ika pa rin siya. PFT!
Lumiko ako sa mesa habang siya ay naghahabol sa akin. Walang tao dito at mas lalong wala ang librarian.
"Ang daya mong babae ka! Hintayin mong maabutan kita", banta niya sa akin pero nagkibit balikat na lang ako.
Walang pasubaling akong lumabas ng library at sinarado yung pinto. Bahala ka dyan! Di siya makakalabas kasi nilagyan ko na ng lock 'yung pinto. Wala namang nakakita eh. Makakalabas din yan pagnatapos na 'yung meeting.
Di pa rin maalis sa mukha ko 'yung ngiti. Bawal pero masaya ako kaya wala namang masama eh.
Namataan ko sa field 'yung alipores ni Jessie. Naglakad ako malapit sa kanila pero umiwas sila na parang takot na takot sa akin. Well, mas okay na 'yan kesa away na naman ang abutin namin dito.
Hapon na nang nagpasya akong pumunta sa library. Nakaalis na kaya 'yung ugok na 'yun?
Papunta pa lang ako nang makita kong papasok pa lang yung librarian. Hala!
Binuksan niya 'yung pinto at...
"Oh Frost, ba't nandito ka?", Natatawang sambit ng matanda.
"Nakatulog po ako", ay wow magalang siya ngayon ah.
"Ah sige", umalis na 'yung librarian habang siya ay paika ika pa ring lumabas na busangot 'yung mukha. Pero di na siya masyadong halatang pilay. Bumubulong bulong pa ito habang naglalakad.
"Kainis na babae", Yun lang 'yung narinig ko. Muntik na akong humagalpak sa tawa nang muntik na siyang matalisod. Umiling ako sa kawalan at dumiretso na sa gate.Chineck ko lang kung nakaalis na ba.
Pagkapasok ko pa lang sa bahay ay sobra na nitong tahimik. I wonder kung saan napunta 'yung mga tao dito. Nandito ang isa naming kasambahay.
"Eila, mamaya pa siguro makakauwi 'yung tita at pinsan mo.. Kasi inimbitahan ng mayor sa mansyon nila", sambit nito. Tinanguan ko na lang at dumiretso na sa kwarto. Magbihis agad ako ng pants at hoodie. Balak kong maghanap ng trabaho ngayon kahit gagabihin ako sa daan. Lumabas na ako at alam na no'ng kasambahay kung saan ang punta ko.
Dahil inabutan ako ng gutom ay nagpasya akong kumain muna sa isang cafe. Alas sais pa lang naman. Bumili ako ng burger at coke at kinain na muna 'yun sa loob. Tinitingnan ko ang mga nakapaskil sa labas, baka may offer silang trabaho.
Natapos ako at umalis na do'n. Umihip ang malakas na hangin sa akin kaya't nadama ko ang lamig ng gabi. Nagsimula na akong maglakad. Nakakita ako ng isang job offer sa isang kainan.
Pumasok ako sa kainan at pumunta do'n sa isang staff.
"Ah, miss. Excuse me", nakangiti kong hingi no'ng atensyon ng staff.
"Yes po?", Tugon nito sa akin.
"Available pa po ba 'yung job offer? Nakita ko po kasi sa labas", itinuro ko 'yung labas at ngumiwi 'yung staff.
"Ay naku, Miss. Sorry eh. Kani-kanina lang may nakaavail na. Sorry", sambit nito. Nagpasalamat ako at lumabas na. Nakita kong nakasunod 'yung babae at agad na pinunit 'yung nakapaskil.
Nagsimula ulit akong maglakad kahit na lumalamig na. Nakatungo ako sa isang medyo madilim na parte nitong syudad at sa medyo malayong parte pa ang may ilaw at bahay. Medyo maingay na din ang mga dahon. Kinuha ko 'yung cellphone ko at ini on 'yung flashlight.
Nakarating naman ako nang mapayapa sa medyo maliwanag na at pinatay na ang ilaw. Ilang hakbang pa lang ng makita ko ang paskil na may urgent hiring. Cafe siya at medyo malaki rin. Pumasok na ako at agad na sumalubong sa akin ang malamig na temperatura dahil sa air-conditioning. Pumunta ako do'n sa counter at nginitian ang cashier.
"Miss, available pa po ba 'yung job offer?", Tanong ko. Nagulat 'yung babae at excited na ngumiti.
"Naku naku! Sakto, miss! Wala pa. Halika samahan kita sa office", pumapalakpak pa ito at inutusan 'yung isang lalaki na bantayan 'yung sa counter.
Hawak niya ang kamay ko at medyo excited pa.
"Alam mo, buti na lang dumating ka! Tatlo lang kami dito eh tapos ang laki laki pa. Di naman pwede 'yung mga gumagawa ng orders kaya hirap kaming magserve at medyo mabagal", talak nito.
"Ah eh, gano'n ba?", Awkward kong ngiti. Nasa mood ako ah, di ako nangbabara eh.
"Nga pala ako si Jayne Villanova. Ney na lang ang itawag mo sa akin", masayang lahad nito sa akin ng kanyang kamay.
"Eila, Eila Harlyn", nakangiti kong sambit at tinanggap ang kamay niya. Nakarating kami sa isang opisina. Pumasok na kami at naabutan ko do'n ang di katandaang babae na nagsusulat.
"Madam, may bago na tayong staff", tatalon talon pa si Ney habang humahawak sa balikat ko.
Masayang tumingin sa akin ang babae at pinasadahan ako ng tingin. Tumayo siya at nagbeso sa akin.
"Ako si Madam Aurelia Vuenaflor. Tanggap ka na, hija", sambit nito sa akin.
"Ah, ako po si Eila Harlyn—salamat po", nagbow ako bilang pasasalamat sa kanya. Ang bilis niya palang maghire ng staffs? Pero sige lang. Kailangan ko naman 'yun, e.
"Naku! Ang ganda nitong nakuha mo, Ney. Para kang 'yung anak ko", maligayang sambit niya at inikutan ako.. pumalakpak siya at nag apiran sila ni Ney. I guess, may 'kaibigan' na ako?
"So kelan po ako magsisimula?", Tanong ko para makuha ang atensyon ng dalawa.
Tinanong niya ako ng mga past job ko at namangha siya sa mga sinasabi ko. And alam niya rin ang rason kung bakit ako natanggal.
"Pwede ka na ngayon. Magserve ka na lang muna at bukas, tuturuan ka na ni Ney sa counter", aniya at ibinigay ang apron na itim na may nakalagay na "Vuenaflor's Cafe".
"Ano pong schedule ko?", Tanong ko.
"Ah! Alas singko hanggang alas otso kapag may pasok ka, tapos kung wala, alas otso ng umaga ka hanggang alas singko ng hapon", nakangiti nitong sambit at nagpasalamat na ako at lumabas na kami ni Ney.
"Sabi na, matatanggap ka no'n. Ang ganda mo talaga, Eila", kumukurap kurap pa ito sa harap ko at manghang tinitingnan ang mukha ko. Tumawa ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Alam mo, Eila, magkakasundo tayo. Kapatid ata kita eh", sabay yakap nito sa akin.
Errrr. Mukhang may kaibigan na nga ako. Diba kaibigan ang tawag sa mga taong di ka iiwan kahit anong problema? Siguro nga ito ang kailangan ko para gumaling na sa phobia.
I wish.