CHAPTER 10: CASE Tulad ng sinabi ko, di ako tinantanan ni Eissen hanggang sa nagpasya na nga akong sabihin sa kanya. But not my condition. Naupo ako sa isang bench dito sa park. Dito niya gustong makipag kwentuhan para daw payapa tapos walang limit sa oras. Yung trabaho ko? Bahala na nga. "Sige, mag tanong ka na lang", suggest ko. Ayoko kasing manguna. Malay natin di naman pala 'yun 'yung gusto niyang malaman di ba? "May kaibigan ka ba?", Tanong niya habang kumakain ng lollipop. "Meron naman pero nakilala ko lang ng ilang araw sa trabaho ko. Si Ney tapos...", Di ko tinuloy 'yung sasabihin ko kasi di pa ako sigurado sa kanya. "Tapos ako", pagtapos niya sa sinabi ko. nagkibit balikat na lang ako at uminom sa soft drinks ko. "Saan ka ba dati pumapasok? I mean bago sa school ko, saan k

