“Kaye, nasaan ka bang bata ka ha? Ano itong kumakalat na mga pictures at video sa internet?” galit na tanong sa kaniya ng kaniyang ina.
Pagkahatid sa kaniya ni Vienne sa guest room ay siya namang pagtawag ng kaniyang ina. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tawag nito. Alam naman niyang magagalit ang kaniyang ina sa kaniyang ginawa, pero ang malamang viral na ang video at pictures sa internet ay sadyang ikinagulat pa rin niya.
“Viral na ba ‘nay?” Napangiwi pa siya nang bulyawan siya ng nanay niya sa kabilang linya.
“Aray naman nay! Mesheket sa ears!” maarte pa niyang saad dito.
“Masasaktan ka talaga sa aking bata ka kapag hindi ka pa umuwi rito! Dalhin mo ang lalakeng nakabuntis sa iyo kung hindi makakatikim kayong pareho sa akin!” galit na galit na wika talaga nito sa kaniya.
“Nay, relax ka muna riyan. Huwag kang excited. Charot ko lang iyong announcement ko kanina. Hindi po ako buntis, okay? Kaya kumalma ka na po riyan,” pagpapakalma niya sa kaniyang ina.
“Anong sinasabi mong hindi ka buntis? Bakit?” tanong naman nito sa kaniya.
Bigla naman siyang naguluhan sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Bakit parang may panghihinayang sa boses nito? Samantalang kani-kanina lang ay halos magharakiri na ito sa galit. Kahit hindi niya nakikita ang ina ay alam niyang handa na itong magpaka-Gabriela Silang.
“Ang labo mo naman ‘nay e. Kanina lang galit na galit ka, bakit ngayon parang hinayang na hinayang ka naman?” Napapakamot pa siya sa kaniyang kilay habang nakabusangot na sumasagot sa ina.
“Aba anak, ang guwapo kaya no’n! Harass-in mo na. Ibinibigay ko na ang basbas ko. Huwag kang uuwi hangga’t hindi ka nabubuntis niyan ha? Hala sige na, akala ko pa naman e magkakamanugan na ako ng pogi. Isaprank naman pala, hayst!”
Natawa naman siya sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Akalain niyo ‘yon? Very supportive!
“O sige na ‘nay matutulog na ako. Bukas ko na lang gagahasain si Ron. Sa ngayon, sa panaginip na lang muna kami mag-ano...” bumubungisngis pa niyang saad sa kaniyang ina.
“Hoy! Malandutay kang babae ka! Matulog ka na at kung ano-ano na iyang iniisip mo! Good night!” anang kaniyang ina.
“Wow ‘nay huh? Ikaw kaya kung ano-anong iniisip diyan. Sa panaginip na lang kami mag-a-ano — magkwe-kwentuhan. Ikaw ‘nay huh, makamundo ka! Nahu-hurt ang virgin ears ko!” sabi pa niya sa ina na ngayon ay humahagalpak na nang tawa sa kabilang linya.
“Pabebe! Tulog na anak, at bukas umuwi ka nang makapag-usap tayo nang maayos. Mag-iingat ka riyan. I love you anak kong maganda, ‘sing ganda ko!” Natawa naman din siya sa sinabing iyon ng kaniyang ina.
“Good night nanay kong maganda, nagmana sa akin! I love you too!” sagot naman niya rito saka pinatay ang tawag.
Laking pasasalamat na lang talaga niya at binigyan siya nag napaka-cool na nanay sa mundo. Lahat nang desisyong gawin niya ay sinusuportahan nito. Siyempre iyong mabubuting desisyon lang, mahirap namang pati masamang desisyon ay suportahan ng kaniyang ina.
*****
Naubos yata ang enerhiya ni Ron sa babaeng kasama niya ngayon. Kung bakit ba naman kasi naisipan nitong ipangalandakan sa lahat na buntis ito at siya ang ama?! Ngayon he’s in a big trouble! At ang bruha niyang manager, ayun lasing! Kaya naman hindi man lang siya tinatawagan ng luka-lukang si Monique upang kumustahin.
In fainess naman sa babaeng makulit na iyon, she’s funny. Hindi niya alam pero a part of him is really happy to be with her. Sa kakarampot na oras na nakaangkas siya sa motor nito, hindi niya maikakailang na-enjoy niya ang bawat sandaling iyon. He’s loving her scent, amoy baby kasi.
‘Makatulog na nga lang, kung ano-anong kalokohan ang nai-imagine ko dahil sa babaeng iyon. Bukas, haharap kami sa press to settle this things,’ aniya sa sarili.
Napabuntong hininga pa siya saka umayos na sa pagkakahiga. Mabuti na lang at may mga gamit pa siya sa bahay na iyon. Kahit papaano may magagamit siyang pampalit. Ipinikit na niya ang kaniyang mga mata para matulog. Bukas paniguradong matunog na matunog na ang kaniyang pangalan.
Kinabukasan, maagang nagising si KJ. Agad siyang naligo upang fresh siya pagharap kay Ron mamaya. Nilabhan na rin niya ang kaniyang mga under garments para may magamit siyang muli. Patutuyuin na lamang niya iyon gamit ang dryer ng buhok na nasa kuwartong iyon.
Malapit ng matuyo ang mga iyon nang may kumatok sa pintuan ng kuwartong inuukupa niya. Pinatay niya ang dryer at tsinek ang sarili. Naka-bathrobe naman siya, at nakapulunpon sa ulo niya ang tuwalya kaya wala naman sigurong problema roon. Saka baka si Vienne lang naman ang kumakatok na iyon. Naglakad siyang palapit sa pintuan at binuksan iyon. Bigla niyang naisarang muli ang pinto nang makitang si Ron ang nasa labas.
‘Oh em gee! Bakit siya nangangatok ng ganitong kaaga? My ghad!’ tili niya sa kaniyang sarili. Muling kumatok ito sa kaniyang pintuan.
“Miss, can you open the door?” anito sa kabilang bahagi ng pintuan.
Mahigpit naman niyang hawak ang kaniyang roba at kinakabahang sumagot rito, “T-teka lang, puwede bang magbihis muna ako? Ang aga-aga mo namang mangatok e!” sagot niya rito.
“Okay, I’m giving you five minutes. I’ll meet you in the kitchen!” sagot naman nito sa kaniya.
“O-okay!” tanging namutawi sa kaniyang bibig.
Pinakinggan muna niya kung nakaalis na ba ang lalake. Nang makarinig siya ng papalayong mga yabag ay saka siya nagmamadaling naglakad pabalik sa kaniyang mga under garments. Kinapa niya ang mga iyon at nagpasalamat nang maramdamang tuyo na ang mga iyon at puwede ng isuot. Agad siyang nagbihis at mabilis na nagsuklay ng buhok. Nang ma-satisfy sa kaniyang itsura ay saka siya nagdesisyong lumabas na ng silid na iyon at magtungo sa kusina.
‘Damn! She’s hot!’ bulong ni Ron sa kaniyang sarili.
Hindi naman kasi niya ini-expect na maliligo ng ganoon kaaga ang babae. Kaya naman nagulat siya nang pagbukas ng pintuan ay naka-bathrobe lang ito at nakapulupot sa ulo ang tuwalya. Nang pasadahan niya ito ng tingin ay nakita niya ang maputi nitong dib-dib at mga binti. It’s not as if ngayon lang siya nakakita ng ganoon, but this one is really different. He can say that she’s really one damn hot chick!
Nasa ganoon siyang pagmumuni-muni nang may tumikhim sa kaniyang gilid. It’s her! Bakit parang diyosa ito sa kaniyang paningin? Nai-imagine niyang nililipad ang mahaba nitong buhok at nakakagat labing nakatingin sa kaniya. She looks like seducing him, pero agad ding naputol ang pantasya niya nang muling tumikhim ito at humila ng upuan malapit sa kaniya.
“So anong pag-uusapan natin?” tanong nito sa kaniya pagka-upong-pagka-upo nito.
“Well, I had called the press this morning and arranged a press conference in Casa Vielle today after lunch. So you better be ready,” sabi niya rito.
“Are you listening?” sita pa niya rito nang parang hindi naman ito nakikinig sa kaniya.
Tumingin naman ito sa kaniya bago sumagot, “Nakikinig ako, ‘wag kang mag-alala,” sabi pa nito saka muling ipinagpatuloy ang paghahalo nito ng kape.
“Okay, as I was saying, may press-con mamaya after lunch and we will need to attend that. Wala kang ibang gagawin kundi ang maupo sa tabi ko. I will do the talking and you will just stay beside me,” aniya rito.
“Hmmm, ang boring naman no’n. As in doon lang ako sa tabi mo? Paano kung tanungin nila ako? Ngingiti lang ako ganurn?” sabi pa nito sa kaniya.
“Okay fine! In the situation na may tanungin sila sa iyo at kaya mo namang sagutin ng matino,” pinagdiinan pa niya ang salitang matino rito. “Pwede mo namang sagutin iyon. But I’m warning you, don’t mess up this interview or else, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo,” pagbabanta pa niya rito.
Nagkibit-balikat lang ang babae saka ikinumpas ang teaspoon na hawak nito. “Okay whatever yaya!”
“So let’s get to know each other.”
Agad nagningning ang mga mata nito sa kaniyang sinabi.
“Talaga ba? Now na? Ene be yen? Hindi ako prepared!” maarteng turan pa nito sa kaniya.
“Will you take this seriously?” salubong ang mga kilay niyang saad dito.
“Ang sungit! Okay fine! I’m Kaye Janelle Marasigan, KJ for short. 26 year old, NBSB, and I believe, hindi sapat na dahilan ang kinulang ako sa height para hindi mahalin ng isang tulad mo! I thank you!”
Nag-flying kiss at wave pa ito matapos magpakilala sa kaniya. Tumikhim naman siya upang pigilan ang kaniyang pagtawa.
“I knew that you already knew me. But anyway, I’m Ron Rich Pulido, 28 year old,” pakilala naman niya rito.
“Ang tipid naman no’n. Nice meeting you hunky-yummy papa Ron!” nakangisi pa nitong iniabot sa kaniya ang kamay nito.
Inabot naman niya iyon at nakipagkamay rito. Agad niya rin namang binitawan iyon nang may parang kuryenteng nabuhay nang maglapat ang mga palad nila. Tila pareho nilang naramdaman iyon kaya napatingin din sa kaniya si KJ. Siya ang naunang magbawi ng tingin sa dalaga.
“Okay, let’s continue.” Pag-iiba niya ng usapan.
Madami naman silang napag-usapan nito about their peronal lives, but not limited to their private lives. Especially to him. Ayaw na ayaw niyang na-i-invade ang privacy niya na sinabi naman niya rito. At nagpapasalamat siyang nirespeto naman ng makulit na babaeng ito ang kaniyang mga sinabi.
“So I think we’re ready. Let’s have breakfast first, then we’ll go to Casa Vielle.”
“Okay kita na lang tayo roon,” sagot nito sa kaniya.
“Anong kita na lang tayo roon? We’re going together!” masungit na saad niya rito.
“Wala namang problema sa akin, basta ba hindi ka magre-reklamo sa pagpapatakbo ko ng motor ko,” kibit-balikat na sagot nito sa kaniya.
“Hindi! Sa kotse tayo ni Vienne sasakay,” matigas niyang wika rito.
“E ‘di mag-isa ka! Hindi ko puwedeng iwan ang baby ko ‘no!” nakataas pa ang kilay nitong sagot sa kaniya.
‘Ano bang gagawin ko sa babaeng ito?!’ bulong niya sa kaniyang sarili.
Napangisi si KJ nang parang napu-frustrate na ang kaniyang hunky-yummy papa. Halatang napipilitan lang itong sumang-ayon sa kaniya.
“Okay fine! But this will be the last time na sasakay ako sa motor mo,” sumusukong sabi pa nito sa kaniya. Napapalakpak naman siya dahil sa sinabi nitong iyon.
“Yehey! Thank you!” Ngumuso pa siya rito saka kumindat na ikinagulat naman ni Ron.
‘Gotcha!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili.
“Puro ka kalokohan! Kumain na nga lang tayo.”
Iyon lang at nagsimula na nga silang kumain. Matapos kumain ay naghanda na rin sila sa pag-alis. Maaga pa naman kaya marami pa silang oras para makarating sa Casa Vielle na hindi rin naman malayo mula sa bahay nila Vienne. Malapit na sila sa Casa Vielle nang makita nilang maraming press na nasa labas ng condominium. Kaya naman kinailangan pa nilang umikot upang hindi mapansin ng mga reporters at fans. Laking tulong rin na naka-helmet sila, kaya hindi sila namukhaan ng mga reporters at nakapasok sila nang maayos sa underground parking ng condominium.
Sumakay sila ng elevator na magdadala sa kanila sa unit ni Ron. Doon kasi sila manggagaling upang i-meet si Monique, saka sila tutuloy sa confirence room kung saan gaganapin ang kanilang press-con. Pagkarating nila sa unit ni Ron ay pasalampak siyang naupo sa couch nito. Habang ang huli ay pumasok sa silid nito at nagbihis. Maya-maya pa ay lumabas na ito mula sa silid nito at naupo sa katapat niyang couch.
‘Why so yummy?’ sambit niya sa kaniyang sarili.
“Baka naman matunaw ako sa tingin mong iyan,” sita sa kaniya ni Ron.
“Ang yummy mo kasi tingnan,” walang pakundangang saad niya rito na ikinabigla naman ng binata.
“Char lang! Masyadow!” bumubungisngis niyang saad dito.
“Tsk!” tanging narinig niya mula rito.
Maya-maya ay narinig nila ang pagbukas ng unit nito, kaya naman sabay pa silang napatingin sa gawi niyon upang tingnan kung sino ang pumasok na iyon. It’s none other than Monique!