Chapter 18

1621 Words
“Oh my God Ron, ano itong nangyari? Bakit bigla kang nagkaroon ng jowa at nabuntis mo pa!” paghuhuramintado ni Monique nang makalapit ito kay Ron. “Monique, will you calm down? Nagawan ko na nga ng paraan ‘di ba?” naiiritang sagot naman ni Ron dito. “Anong paraan ang sinasabi mo? Itong press confirence ba? Lalo ka lang pagpipyestahan ng media dahil dito! At nasaan ba iyang babaeng nabuntis mo kuno?” nakapamaywang pang litaniya nito kay Ron. “Present!” sagot naman niya sabay taas ng kaniyang kamay. Agad namang napalingon si Monique sa kaniyang kinauupuan at pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa. Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang kaniyang kamay saka umayos sa kaniyang pagkakaupo. Nakahalukipkip na lumapit sa kaniya si Monique habang nakatitig pa rin sa kaniya. “Parang namumukhaan kita. Hindi ko alam kung saan pero sure akong nakita na kita,” kunot-noong saad nito sa kaniya. “Oo naman ma’am nakita mo na ako. Not once, but several times!” nakangisi niyang sagot dito. “Oh, ikaw iyong receptionist sa baba na aanga-anga!” nanlalaki ang mga mata nitong wika sa kaniya. “Hep! Grabe sa word ha? Aanga-anga agad? Hindi ba p’wedeng hindi mo kasi sinasabi kung anong kailangan mo no’n?” aniya rito saka bumulong-bulong pa. “Grabe, grabe talaga sa aanga-anga. Hayst!” “Aba’t uma-attitude ka pa riyan!” nakapamaywang pang sabi nito sa kaniya. “Monique, stop it! Wala ka nang magagawa dahil we will face the media in the next hour. Kasalanan mo rin naman ito in the first place. Kung hindi ka nagpakasugapa sa alak, sana may naitulong ka sa akin!” masungit na wika ni Ron sa babae. Nawalan naman ng imik ito saka tumingin sa kaniya at umirap pa nga! Binelatan naman niya ito saka nakangising dumi-kuwatro pa ng upo. Feel na feel niya talaga ang magpakamaldita sa babaeng ja-fake na iyon. “Okay fine! Nandiyan na iyan, panindigan na lang natin,” anito saka muling bumaling sa kaniya. “At ikaw babaeng haliparot, umayos ka sa press-con mamaya ha? Kung hindi kakalbuhin talaga kita!” Pinandilatan pa siya ng mata nito. “I’m scared!” pang-aasar naman niya rito. “Aba’t —” hindi na nito naituloy ang sasabihin nang umawat ng muli si Ron sa kanila. “Ano ba kayong dalawa? Tumigil na nga kayo sa bangayan ninyo,” anito saka bumaling sa kaniya. “At ikaw, bilang ina ng magiging anak ko, dito ka titira sa condo ko kasama ako. Maliwanag?” Nanlaki naman ang kaniyang mga mata sa sinabi nito sa kaniya. ‘Ako? Titira kasama niya rito sa condo? Oh my guard! Totoo?!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili. “Teka, bakit naman kailangan ko pang tumira rito sa condo mo, e may bahay naman kami?” tanong niya rito kahit bet na bet naman talaga niya ang suggestion nito. “Hindi ba nga ipinangalandakan mo sa madla na buntis ka? Napakasama ko naman kung hahayaan kita at ang magiging anak natin. Don’t worry, dalawa ang kwarto ng unit ko, kaya may magagamit kang kuwarto rito,” pahayag nito sa kaniya. “Hala! Magpapaalam muna ako sa nanay ko ‘no! Baka mamaya itakwil ako no’n, saka kukuha rin ako ng gamit ko, saka ibabalik ko muna ang motor ko sa bahay. At saka...” hindi na niya naituloy ang anomang sasabihin nang takpan nito ang kaniyang bibig. “Napakaingay mo talagang babae ka! Basta rito ka titira, tapos ang usapan! After press conference sasamahan na kita sa inyo para siguradong hindi ka tatakas,” sabi pa nito sa kaniya. “Wait! Kailangan mo ba talagang samahan pa ang maharot na babaeng iyan?” sabat naman ng manager nito sa kanilang usapan. “Oo, may problema ka ba roon? Kung gusto ikaw na lang ang sumama sa kaniya, p’wede rin naman,” sagot nito sa manager nito. “No thanks!” “Ayaw ko nga!” magkapanabay pa nilang sagot kay Ron. “See? So mukhang nagkakaintindihan naman na tayo e.” Tiningnan pa nito ang relong pambisig, saka inayos ang damit nito at naglakad patungong pintuan ng unit nito. “Let’s go!” narinig na lang niyang sabi nito kaya nagmamadali na siyang tumayo at naglakad patungo sa pintuan ng condo. ‘This is it KJ! It’s show time!’ aniya sa sarili saka sumunod na kay Ron. Nakailang buga ng hangin ang dalaga bago sila lumabas ng elevator. Ilang beses din siya nitong pinigilan lumabas ng elevator. “Teka lang, wait lang,” sabi pa ulit nito na halatang kinakabahan. “KJ kung hindi ka pa rin ready, iiwan na kita rito at sasabihin ko na lang sa mga taong naghihintay sa atin na isa kang stalker,” naiinis na saad niya rito. Nakasimangot na tumingin naman ito sa kaniya. “Isa na lang kasi! Promise last na talaga,” hirit pa nito. “Okay last one and then, we will go,” saad niya rito. Isang malalim na buntong hininga nga ang pinakawalan nito saka umabrisyete na sa kaniya. Nagulat pa siya sa ginawa nito ngunit agad din namang naglaho nang ngitian siya nito. “Tara na! Ready na ako! Aja!” sabi pa ng dalaga sa kaniya. Napailing na lang siyang naglakad palabas ng elevator. Agad na nagsipag-ilawan ang flash ng kamera sa kanilang palid. Nang sulyapan niya si KJ sa kaniyang tabi ay ngiting-ngiti ito at kumakaway pa. ‘Ibang klase talaga itong babaeng ito. Tsk!’ naibulong na lang niya sa kaniyang sarili. Kagaya ni KJ, nakangiti na rin siyang humarap sa media. Nang makarating sila sa harapang bahagi ng coference room, inalalayan pa niya ang dalaga na maka-upo. They have to play as a sweet couple. Inilapit pa niya ang mukha rito upang bumulong sana nang lumingon din ito sa kaniya. Nanlaki ang mga mata nilang pareho nang maglapat ang kanilang mga labi. Ilang segundo rin ang itinagal niyon at panay ang flash ng kamera sa kanilang harapan. Siya ang unang nakabawi kaya tumikhim siya upang magising na rin ito sa katotohanan. “Bakit...” hindi nito naituloy ang sasabihin nang hawakan niya ang kamay nito sa ilalim ng mesa. “Don’t ask, kasalanan mo naman iyan. Mamaya na natin pagtalunan ito, for now, smile ang pretend as my real girlfriend,” mariing sabi niya rito. Ganoon na nga ang ginawa nito at saka ngumiti na rin sa harap ng mga press. Lihim niyang sinulyapan ito at napangiti nang parang walang nangyari kanina. “Magandang hapon sa inyong lahat.” Si Monique iyon na ngayon ay nasa kaniyang tabi. “Nagpatawag kami ng press-con para masagot lahat ng inyong mga katanungan tungkol sa mga kumakalat na mga larawan sa social media,” nakangiting saad nito sa mga press. “Let’s start,” sabi pa nito saka lumingon sa kanila. “Ron, totoo ba ang lahat ng balitang kumakalat sa social media?” tanong ng isang reporter. “Alin sa mga balita ba ang tinutukoy mo?” tanong niya rito. Nagtawanan naman ang iba pang mga reporters sa kaniyang sinabi. “Kung ang tinutukoy niyo ay ang larawan namin ng napakaganda kong girlfriend na nasa tabi ko ngayon — totoo po iyon.” Napasinghap ang mga ito sa kaniyang sinabi at nag-umpisang magbulungan. “So are you saying na totoo rin na nagdadalang tao siya at magkaka-anak na kayo?” follow up question from the other reporter. “Bakit ang bilis naman yata? Noong nakaraang press-con lang sabi mo single ka e,” sabi naman ng isa pa. “Saan naman kayo nagkakilala?” At isa pang katanungan mula sa ibang reporter. “Guys, isa-isa lang mahina ang kalaban,” awat ni Monique sa mga ito. “To answer your questions — yes, totoo she’s pregnant and we will be parents soon,” aniya. “Kailan ba iyong huling interview ko? About six... seven months ago? And I said single ako that time, because I want to keep my privacy. Saan kami nagkakilala? Dito sa Casa Vielle, kaya nga this place is so special to me,” nakangiti niyang pahayag sa mga ito kahit pa naiirita na siya sa pang-uusisa ng mga ito. “Kailan naman ang kasalan?” muling tanong ng unang nagtanong sa kaniya. “We’re still undecided about that. But we will announce it for sure,” sinulyapan pa niya si KJ sa kaniyang tabi na tahimik lang na nakikinig. Madami pang iba’t ibang katanungan ang mga media sa kaniya, na nasagot naman niya. Wala naman ding nasabi si Monique, dahil halatang may hang over pa ang pasaway niyang manger. Habang si KJ naman ay tahimik pa rin sa kaniyang tabi. Ipinagpasalamat naman niya na hindi ito na tanong ng media kaya naging smooth ang lahat. Matapos ang press-con, ay nagbalik muna sila sa kaniyang unit upang kunin ang helmet nito. Ayaw man niya ay napilitan na rin siyang muling sumakay sa motor nito. Wala naman kasi siyang choice dahil ayon sa babae, kailangan nitong isauli ang motor sa bahay nila at magpaalam sa magulang nito at the same time. “Ready ka na, Honey?” nakangisi pang tanong ni KJ sa kaniya bago siya sumampa sa motor nito. “Honey mo mukha mo!” paangil naman niyang sagot dito saka sumampa sa likuran nito. “Awww! Ang sweet, sweet mo talaga Hon,” nang-aasar naman nitong sagot sa kaniya. “Shut up and just drive!” aniya rito saka kumapit sa bewang nito. “Your wish is my command!” sagot nito saka pinaharurot ang motor nito. Napakapit na lang siya nang mahigpit dito habang mahinang napapamura. Tawa naman nang tawa si KJ na tila nae-enjoy ang lahat ng iyon. ‘Pasaway!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD