Lumang Salamin by Lorreignne Scarr

1476 Words
*November  2, 2015*                Ngayong araw na ito ay ang araw ng mga patay. Nakakagawian na ng lahat ang magsindi ng mga kandila sa mga yumaong mahal sa buhay na inilibing sa sementeryo. Sina mama at papa ay naghahanda na upang pumunta ng sementeryo samantalang ako ay nakahiga pa rin dahil nga sa tinatamad ako. Ayoko kasing pumunta ng sementeryo, hindi dahil sa natatakot ako kundi tinatamad lang talaga ako. Umatake na naman ang sakit kong ito.  Narinig ko namang bumukas ang pintuan ng aking kwarto. Pagtingin ko ay si mama pala. Sinilip lamang pala ako nito. Tinignan ko ito na naglalakad papunta sa altar.  "Rena, anak, ayaw mo ba talagang sumama?" tanong ni Mama habang tinignan nito ang mga pagkaen na nasa altar na para daw sa mga patay. Paano naman nila kakainin iyon? Minsan ay hindi ko talaga maintindihan ang mga ganitong pamahiin.  "Ayoko. Nakakatamad." bulong ko at binaon ang mukha sa unan.  "Oh, sige. Ikaw lang ang maiiwan dito. Maglinis ka ng buong bahay. Matatagalan pa kami ng uwi. Siguro mga hapon na. Mag-iingat ka dito at saka ang mga bilin ko sayo huwag mong kakalimutan ah?" ani ni Mama.  "Opo." tanging sambit ko. Naramdaman kong umalis na si Mama. At narinig ko pang nagpaalam sa akin si Papa. Dahil inaantok pa ako ay natulog ako ulit.  Paggising ko ay sobrang tahimik ng bahay. Bumangon ako at saka lumabas ng aking kwarto. Nagpunta naman ako sa sala at saka nagpatugtog ng kanta gamit ang dvd player. Pero iyong hindi malakas para lamang may ingay sa buong bahay.  Nagsimula na akong maglinis sa buong bahay. Medyo natagalan ako dahil inarrange ko ulit ang pagkakapwesto ng mga sofa. Napatingin naman ako sa malaking salamin at hindi ko alam kung bakit ako lumapit dito. Ito yung salamin na luma. Mabigat ito at talagang classic ang pagkakadesenyo. Parang pangmansion ang salamin na ito. Hindi ko alam kung saan ito nabili nina mama. Dahil may alikabok dito ay pinunasan ko ito. Pagtingin ko sa salamin ay para itong kumislap dahil sa sobrang linis. Napangiti naman ako. Pagkatapos ay nagpunta ako sa kusina at doon naman ang nilinisan ko. Medyo natagalan din ako sa paglilinis doon. Mayamaya pa ay nakaramdam naman ako ng gutom kaya kumaen muna ako.  Napakunot ang aking noo ng biglang nahinto ang pinatugtog ko. Wala na kasi akong marinig na kanta. Kaya naman agad akong nagpunta sa sala pero pagpunta ko doon ay nagplay naman ang isang kanta na sobrang luma na. Medyo pamilyar ang kanta pero hindi ko alam ang pamagat nito. Dati ko pang naririnig ang kantang iyon. Napakibit balikat lamang ako at saka bumalik sa kusina. Nagpatuloy ako sa pagkaen at minsan naririnig ko ang paglipat-lipat ng kanta. Medyo kinabahan ako pero inalis ko sa isip ang takot. Hindi ko ito pinansin at hinugasan ko ang pinagkainan ko.  Pagkatapos ay naglinis ako ng mga kwarto. Nakakapagtakang walang salamin sa kwarto nina Mama. Ang pagkakaalam ko ay meron ito dati. Tinapon ba ni Mama ang isang salamin na katulad ng nasa sala? Napakibit balikat naman ako at nagpatuloy sa paglilinis. Sunod na nilinis ko ang aking kwarto. Medyo makalat ito kaya naman ay natagalan ako.  Mayamaya lamang ay natapos na akong maglinis kaya ngingiti-ngiti ako. Nagpunta naman ako sa banyo at dali dali akong naligo habang kumakanta pa. Mabilis lamang akong maligo kaya 10 minutes lang ay tapos na ako. Agad akong nagbihis at pagkatapos ay bumaba ako ng hagdan patungo sa sala. Napakunot ang aking noo sapagkat hindi ko maalalang pinatay ko ang music kanina. As in nakapatay talaga. Ang weird.  Napabuntong hininga na lamang ako. Napatingin ulit ako sa salamin at napansin ko ang buhaghag na buhok ko. Kumuha ako ng suklay at nagpunta sa harap ng salamin. Napakunot naman ang aking noo habang nakatingin sa salamin, ng may makita ako sa labas ng bintana. Dalawang matang nakasilip. Dahil mababa lamang ang bintana ay alam kong isang bata ang sumilip. Ngunit biglang tumakbo ng mabilis  ang bata ng makitang nakatingin ako dito mula sa salamin. Lumingon ako sa aking likuran at tinignan ang bintana ngunit wala na ang bata.  "Dodong! Nandiyan ka ba?" tawag ko pero wala namang sumagot. Ah, baka yung anak ng kapitbahay namin naglalaro lamang ng tagu-taguan. Bumalik naman ako sa harap ng salamin at pinagpatuloy ang pagsusuklay. Ngunit may napansin na naman akong bata sa labas ng bintana na nakatanaw sa akin pero bakit blurred ang mukha nito sa salamin?  Lumingon ako ulit sa may bintana pero wala namang batang lalaki doon na nakatanaw sa akin. Namamalikmata ba ako? Napabuntong hininga ako at humarap ulit sa salamin. Pero nandoon ulit yung bata na walang mukha. Pero ngayon ay lakas loob ko itong pinakatitigan. Hindi ako lumingon sa aking likuran at hindi ko inaalis ang aking paningin sa bata mula sa salamin. Pansin kong hubad ito pero bakit wala itong mukha?  Nagulat ako ng bigla itong tumakbo ulit ng mabilis na parang hangin lamang na dumaan. At ngayon ay may naririnig na akong tawa ng isang bata. Nakikipaglaro ba ito sa akin?  Lumingon ako ulit sa bintana pero wala na ito doon. Pero gano'n na lamang ang gulat ko ng dahan dahan na bumukas ang pintuan. Tumunog pa ito ng nakakatakot. Napapalunok ako ng laway at pilit inaalis ang kaba sa aking dibdib.  Hindi ako natatakot. Bata lamang ito. Paulit-ulit na sabi ko sa aking isipan.  "B-Bata? G-Gusto mo bang m-makipaglaro?" nauutal kong wika pero wala akong nakuhang sagot. Nahinto naman ang pagtunog mula sa pagbukas ng pintuan. Lakas loob akong napatingin ulit sa salamin. Pero wala na doon ang bata. Nasaan na ito?  Napatitig ako sa salamin at nagbabakasakali na makikita ko ito doon pero makalipas ang ilang minuto ay hindi na ito nagparamdam. Napabuga ako ng hangin at akmang aalis na ako sa aking kinatatayuan sa harap ng salamin ay saka naman tumayo ang maliliit na balahibo sa aking batok patungo sa aking braso. I feel goosebumps.  Biglang tumambol ng mabilis ang aking puso dahil sa kaba. Hindi ko ipinikit ang aking mata at lakas loob na humarap sa aking likuran dahil may naramdaman akong nakatayo mula roon. Nasa malapit lamang ito sa akin. Hindi pa nakakatulong ang sobrang tahimik ng buong bahay. Napapalunok ako at unti-unting humarap. Halos nanginginig ang buong tuhod ko dahil sa kabang nararamdaman. Nangangatal din ang aking bibig dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko. Pilit kong nilalabanan ang takot pero mas lalo lamang akong natatakot kapag naiisip kong mag-isa lamang ako sa bahay.  Sa aking pagharap ay bigla naman akong natood sa aking kinatatayuan ng makita ko ang isang batang lalaki na nakahubad pero walang ulo. Ang katawan nito ay parang naglalaho din. Hindi ako makagalaw at napaawang lamang ang aking bibig. Gusto kong sumigaw pero hindi ko nagawa dahil tila ba pumilipit ang aking dila. Hindi din ako makapagsalita. Lumapit ito sa akin ng dahan dahan at gusto ko lamang na pumikit.  Nanginginig ang aking mga labi habang pilit kong hinanap ang aking boses. Ang aking mga paa ay parang nakaglue sa sahig dahil sa gulat.  "Aaaaahhhhhhh" nakuhang sigaw ko ng bigla na lamang nagkaroon ng mukha ang bata at ito'y nakangisi sa akin na parang demonyo. Sobrang nakakatakot ang mukha nito na puno ng dugo. At doon ko lamang napansin na puno din ng dugo ang buong katawan nito. Nakalabas pa ang dila nito at halos mawalan ako ng ulirat ng biglang umikot ang ulo nito. Nanlaki ang aking mga mata at nangangatal pa rin ang aking bibig ng bigla akong pinandilatan ng mata ng bata at halos mawalan na ako ng hininga.  Napapikit ako at napatakbo patungo sa aking kwarto at nagtalukbong ng kumot. Hindi ko binuksan ang mga mata ko at naiiyak lamang. Napapahagulhol ako ng iyak sa sobrang takot na nararamdaman. Nagsisisigaw ako at wala na akong maintindihan sa aking paligid hanggang sa may kumuha ng aking kumot.  "Huuwaaaaggggggg!" sigaw ko habang nakapikit pa rin. Ayokong buksan ang aking mata dahil natatakot akong baka ang nakakatakot na mukha pa rin ang aking masilayan. May biglang humila sa aking dalawang paa at mas lalo akong napasigaw ng malakas.  "Tulongggg!" impit na iyak ko habang kumapit ng mahigpit sa headboard ng kama. Tinignan ko kung sino ang humila ng aking mga paa at para akong nawalan ng boses bigla. Tila ba umatras ang aking dila.  Isang babaeng nakaputi at ang mahaba nitong buhok ay nakatabon sa mukha. Ang mga kamay nito ay nakahawak sa aking dalawang paa habang pilit ako nitong hinihila pababa ng kama. Pagtingin ko sa salamin na nasa pader ng aking kwarto ay mayroon namang isang babaeng nakatingin sa akin habang nakangisi ng malademonyo at puno din ito ng dugo. Katabi din nito ang batang lalaki na sa tantiya ko ay mga tatlong taong gulang.  Sa sobrang pagkagulat at takot na nararamdaman ay tuluyan na akong nawalan ng malay tao.       *The end.*
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD