Chapter 1- Stranger
CARLO'S POV
" No!! You're staying there!" Sigaw ni Dad habang tinititigan ako ng masama.
" Tss. I don't want to waste my time, daddy. I gotta go" Tugon ko naman
Bago pa ako makalabas ng pinto ng bahay, agad akong naharangan ng mga guards ni daddy at saka sya tumawa.
" You're not leaving Carlo. Ikaw ang magmamana ng kompanya natin so calm down and let's talk inside" He said. Pero alam kong naiinis na sya sakin at yoon ang gusto kong mangyari.
I'd never decided anything that can be bad for my sake. And this time, it should be the same right?
" No. I'm leaving in this cheap house because i want. I want to do everything I desired. Not to live with your hell company and be forever prisoned with it."
He stared for awhile but I was surprised nung kumuha sya ng baril sa pouch nya. Napangiti ako pero deep inside, I felt so angry and sad sa ginawa nya. Naisip kong hindi nya talaga ako tinuturing na anak. Sobra akong nasasaktan dahil sa ginagawa nya ngayon.
" Sige Dad. Shoot that on my f*****g head!" Utos ko rito sabay ngisi ng peke.
Tears starting to fall on the floor. Ito ang pinaka-ayaw kong mangyari sa harap nya. Ang makita nyang umiiyak ang tigasin nyang anak.
Nakita ko kung paano nya itapon sa labas yung baril.
" So coward." I insulted saka pasimple kong pinunasan ang aking mga luha. " Bakit hindi mo na lang ako pinatay para tapos na yang mga paghihirap mo."
I can see on his eyes the hatred. And I used to think how I can be a good son on that f*****g eyes. Every night, my cry echoing throughout my room. Whispering my mother's name and wishing this curse comes to an end.
" I just want you to take care and lead our company but... why are you so being brat Carlo? I'm your dad and you supposed to follow my steps as business tycoon. Diba maganda yoon?" Nanghihimok nyang sabi sakin kaya natawa naman ako..
I smirked sarcastically making his face feeling too bad.
" You're pissing me out Carlo. Stop that f*****g thing or else I will kill you with my own hands. Kung hindi lang dahil sa Mommy mo siguradong matagal na kitang inabandona."
Sa sobrang galit na nararamdaman ko, nagtatakbo ako palabas pero hinarangan ako ng mga pesteng alipores ni daddy.
" Stop him!" Utos ni Dad na agad nilang sinunod.
Ginamit ko ang aking skills in Judo and Karate (Martial Arts) para patumbahin silang lahat.
Sinipa ko yung isa sa tagiliran at akma namang susuntukin ako ng katabi nya kaya agad akong umiwas. Tumalon ako sa balikat nito saka sya hinampas sa leeg para mawalan sya ng malay.I beaten them all pero nakatamo ako ng ilang suntok sa katawan at saksak ng kutsilyo sa brado then I leave this house dahil siguradong papatayin na ako ni Daddy.
I drive my car and I didn't know what to go but my instinct brought me up on a sea port.
Agad akong bumili ng ticket at sumakay sa isang cruise habang dala-dala ang aking maleta.
I can see those eyes who staring at me. Siguro dahil sa dumudugong sugat ko sa braso.
Umupo ako malapit sa binta sa ko isinandal ang aking ulo at natulog kahit hindi ko alam kung saan ako dadalhin nito.
RICHARD'S POV
Isang araw na naman ng pagsubok na walang katapusan!
" Aray naman " Biglang sabi ng isang lalaking nabangga ko sa pagmamadali.
Kita ko ang mga pasa sa mukha nito at ang sugat? May dumudugo kasi sa braso nya.
" Sorry po kuya" Paghingi ko ng tawad pero nagtaka ako dahil iba yung ginagawa nyang pagtingin sakin kaya sa sobrang kaba ay dumiretso na ako sa job interview na aking pupuntahan. Ang Montecillo Group ang isa sa mga pinaka sikat at malaking kompanya dito sa Pilipinas at lalo na sa buong mundo. Buti na nga nagpatayo sila dito ng branch.
Kaya halos lahat ng tao ay gustong magtrabaho rito at nandito ako para maghanap ng trabaho.
Pumasok na ako sa loob at nakaka-mangha talaga ang ganda at laki ng lugar na ito.
Napakadaming halaman sa tabi kaya fresh na fresh ang atmosphere dito.
Pumunta ako doon sa staff at nagtanong.
" Ma'am good morning po. Saan ko po makikita yung office ni Sir Haro De Villa?" Pagtatanong ko rito.
" Ah sir sa third fifth floor po. Nasa right side tapos makikita nyo po sa taas ng pinto yung pangalan ni Sir De Villa." Tugon naman nito kaya magpasalamat ako bago sumakay ng elevator.
Mga ilang minuto lang ang dumaan bago ako nakarating doon sa fifth floor.
Agad kong hinanap yung pangalan ni Sir sa mga pinto at sa di kalayuan ay nakita ko ito.
Agad akong kumatok at narinig kong sabi nito na pumasok ako kaya binuksan ko ang pinto.
Nakita ko ang isang medyo bata pang lalaki na nakaupo sa isang couch.
Sumenyas ito na umupo ako sa katapat nitong upuan.
" You're Mr.Hidalgo, right?"
" Ah yes po Sir. Good morning po also" Pagbati ko rito.
" Sige, patingin nga muna ng info. about yourself" Utos nito kaya agad kong binigay sa kanya yung brown envelope na laman yung basic info. tungkol sakin.
Bakit ako itong tumango-tango sabay ngisi.
" Pwede bang gawin kitang model iho. Model endorser ng mga products ng kompanya namin?" Tanong nito sakin pero nag-aalangan akong sumagot dahil gusto ko sa accounting department pumasok.
" Gwapo ka, matipuno, mestiso and chinito kaya why not? Siguradong mas malaki ang magiging sweldo mo roon kaya sana pumayag ka" Panghihimok nya.
" Try ko po sir kasi gusto ko pong sa office lang pumasok eh." Kamot batok kong sagot.
Tumango ito saka nilapag yung envelope sa table nya.
" Sige iho. Balitaan na lang kita kung promoted ka ha at syempre sabihin mo kung may desisyon ka na "
Tumango ako saka ngumiti.
" Salamat po."
Lumabas na ako ng silid nito at napasandal ako sa pader at nag-cross of the sign pa.
" Oh Lord. Please sana po magkaroon na ako ng permanenteng trabaho."
*********
Lumabas na ako ng kompanya at dumiretso muna ako sa bar na pinagtatrabahuhan ko ngayon na malapit lamang dito.
" Bro! Nandito na si Richard." Biglang sabi nitong si Kennedy. Isa sa mga tropa ko at dito rin sila nagtatrabaho bilang performer.
" Huyy! Si Mr.Lovable!" Hirit naman ni Jace.
" Ako rin naman ah " Si Dredd
" Haha. Basta mas pogi pa rin ako tol" At ang aking kababata na si Harvey.
Lumapit ako sa mga ito saka sila isa-isang binatukan.
" Kayo talaga. Mga gwapo at gago of the year" Pang-iinsulto ko sa mga ito. Nagsitawa sila saka ako inakbayan.
" Saan ka ba nagpunta brad at bakit ganyan ang suot mo?" Biglaang tanong sakin ni Harvey.
Nag-aalangan akong tumugon sa tanong nya pero wala akong magagawa dahil kaibigan ko sila at wala dapat lihim sa isa't isa.
" A-ahh nagpunta lang ako sa job interview dyan sa Montecillo Group. Gusto ko na kasi ng permanenteng trabaho." Medyo nahihiya kong sagot.
Agad silang umalma at pinaghahampas ako.
" Madaya ka naman pre! Ano yun, iiwan mo kami dito?" Kunwari naiiyak na sabi ni Dredd.
" Oo nga. Ganyan ka na pala." Singit naman ni Jace.
" Hayy naku mga tol !. Wag kayong o.a. Akala nyo naman pupunta na akong ibang bansa eh. Wag o.a pwede at saka hindi pa naman alam yung result " Sagot ko sa mga ito.
Napabuntong hininga silang lahat.
" Hindi naman sa pinipigilan ka naming magtrabaho, kaya lang dapat sinabihan mo muna kami para matulungan ka namin. What friends are for?" Malungkot na sabi sakin ni Harvey.
Inakbayan kong muli silang lahat at saka isa-isang tiningnan ang mga ito.
" Bakit ko naman ipagpapalit ang mga mayayaman kong kaibigan." Pagbibiro ko sa mga ito kaya sabay nila akong kinurot sa tagiliran.
" Ano ba?! Nag bibiro lang ako eh!"
" Anong mayaman ka dyan! Eh may kotse ka nga tapos sasabihin mo pang kami yung mayaman?" Sabi ni Kennedy.
" Hoy pare. Regalo sakin yun ng father ko bago sya natigok kaya wag kang ano dyan." Gigil ko naman sa kanya.
" Tss. Indenial ang gago." Singit ni Dredd kaya mahina ko syang binatukan.
" Indenial ka dyan. Pagsilbihan mo nga ako. Magkakaroon na ako ng trabaho eh tapos kapag sumuweldo na ako, magpapainom ako sa bahay"
Agad silang sumang-ayon at pumunta doon sa counter at kinuhanan ako ng vodka.
" Para sa ikaseswerte ni Richard " Sigaw ni Jace at hinanda ang kanyang baso na may lamang cocktail para makipag toss.
" Para sa swerte ni Richard!" Masayang sigaw nilang lahat saka nagkipag-toss sa isa't isa at sabay ininom yung laman ng mga baso namin.
" Oh, libre mo yan Richard ha. Baka masermonan tayo ni boss." Sabi ni Harvey.
" Oo naman pre basta ipagdasal nyo ako mamaya ha. "
" Syempre naman tol. Ikaw pa eh ang lakas mo samin." Sagot ni Jace na sinang-ayunan nilang lahat.
Kumuha pa sila ng vodka at nag-inuman kami ng konti dahil hapon na rin naman at malapit na gumabi.
" Sige mga pre. Uwi na ako ha. Kita na lang tayo mamayang gabi " Pamamaalam ko sa kanila.
" Sige. Mag-ingat ka sa paglalakad. Maraming nababalita ngayon na nakawan sa daan" Pananakot naman sakin ni Jace kaya hinampas ko ito.
" Ano ba! Alam mo namang kahinaan ko yang mga ganyan eh!" Naiinis kong saway sa kanya.
" Yan kasi eh. Makipagrelasyon ka na para lagi kang may kasama sa pag-uwi " Sabi sakin ni Harvey na agad sinundan ng tukso nitong sina Jace, Kennedy at Dredd.
" Oo nga. Takot ka lang ata makipag-s*x eh. Ako bahala at tuturuan kita." Biglang sabi ni Dredd kaya agad ko syang hinampas ng malakas sa braso.
" Ang bastos mo!" Galit kong sabi rito.
" At saka pano ako magkaka-gf kung wala naman talagang 'love'. Hindi totoo yang mga love na yan naku jusko pare. Huwag kang magpagayuma sa mga ganyan ha. Ingat ka, nakakatakot kapag nasaktan ka na" Mahaba kong paliwanag sa kanya.
Agad akong nakatanggap ng alma mula sa kanilang lahat.
" Ang bitter maman! Parang ewan ka. Nakakasama ng loob" Madramang sabi ni Kennedy.
" Oo nga! Baka malasin kami nyan sa pakikipagrelasyon. Naku ikaw talaga ang sisisihin namin humanda ka" - Jace.
" Tss. Dapat pinapadala na natin yan sa albularyo. Baka na-" Agad kong pinihit yung tenga ni Dredd bago sya makapagsalita ng hindi ko magugustuhan.
" Tangengots kayo." Sabi ko sa kanila at pinandilatan ng mata.
" Hay! Makauwi na nga. Baka mahawaan pa ako ng love sick nyo. Eeww"
Agad silang nag-react at pinalabas na ako ng bar.
" Hoy mga ewan talaga kayo!"
Nagsimula na akong maglakad kahit ang dilim ng daan pauwi sa bahay ko.
Hindi ko na rin dinala ang kotse dahil malapit lang naman ang bahay ko dito sa bar. Binuhay ko yung flashlight ng phone ko saka inilawan ang daan. Medyo may weird akong nararamdaman dahil parang may mga matang nakamasid sakin.
Kinilabutan ako kaya binilisan ko ang paglalakad.
Nakarating ako sa isang patay-sinding ilaw ng streetlight. Tumigil ako muna doon ng panandalian para magpahinga.
Luminga-linga ako sa paligid para makita kung may taong sumusunod sakin pero wala eh.
Guni-guni ko lang to. Guni-guni mo lang yan Richard.
Muli kong ipinagpatuloy ang paglalakad saka mas binilisan pa ang paghakbang.
Nakakarinig ako ng mga mahihinang kaluskos sa paligid kaya halos nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan sa sobrang kaba.
Naririnig ko rin ang mga mahihinang yabag ng sapatos na animoy sumusunod sakin pero sa tuwing lumilingon ako ay wala namang tao.
" Lord. Huwag nyo po akong pabayaan. T-tulungan nyo po ako please."
Habang tumatagal, mas bumibigat ang mga yabag na naririnig ko at minsan ay parang natitisod pa ito.
Sa di kalayuan, medyo natatanaw ko na ang aking bahay kaya unti-unti nang bumababa ang kaba saking puso.
Tinakbo ko na ang daan patungo saking bahay at agad na binuksan yung gate. Pumasok ako sa loob ng bahay at agad itong ni-lock. Binuksan ko yung mga ilaw dito sa loob at dumiretso sa kwarto ko.
Ni-lock ko rin ang pinto saka sumakay sa kama at nagsaklob ng kumot sa buong katawan.
Nagtagal ako doon hanggang sa tuluyan na akong nahimasmasan.
Unti-unti kong inalis yung kumot sa katawan ko at bumaba ng kama.
" Nag haluccinate lang siguro ako kanina. Dala lang to ng gutom. Tama, gutom lang"
Dahan-dahan kong binuksan yung pinto nitong kwarto saka ko tiningnan yung hallway. Baka mayroong kumakalat na kakaibang nilalang dito sa loob.
Bumaba na ako ng hagdan at agad na dumiretso sa kusina para kumain ng konti dahil may trabaho pa ako mamaya sa bar.
Kaso parang gusto ko na kang mag shift to daytime. Ayaw ko na rin kasing lumabas ng bahay at matindi talaga yung takot sa kaibuturan ko.
Nagpakulo na lang ako ng tubig at agad yung nilagay sa cup noodles. Tinakpan ko muna ito ng konting oras para maluto yung noodles.
Yabang naghihintay, nagbukas muna ako ng cellphone at mag-log in sa acc. ko sa sss. Medyo matagal-tagal na rin nung huli ko itong binuksan kaya siguradong matatambakan na ako ng notifications.
At tama nga ang hinala ko. 248+ ang notification na hindi ko pa nakikita. Hindi ko na lang pinansin yung mga post nina Dredd na kasama yung mga gf nilang agad ding binebreak up at sakin pa talaga ti-nag.
Akala mo naman na naniniwala ako sa ganyan.
Tiningnan nko kung mayroong bagong nag friend requests sakin at ang dami nila.
Puro mga magagandang babae or pangit tapos yung iba ay mukhang bakla sa profile pictures nila.
Karamihan ay nag-message pa sakin
' Hi bebe Richard. Sana mapasakin ka '
' I love you so much. Ang gwapo mo talaga '
' Ayy! Ang sherep mo. Sumama ka sakin. Marami akong pera at saka single pa ako'
' I love you so much papa Richard '
Medyo natawa ako sa mga minessage nila.
Sino kaya ang niloko nila?. Never akong maiinlove.
Nag log-out na lamang ako dahil wala akong interes na makita ang mga ganito.
Binuksan ko na yung takip ng cup noodles at saka ako kumain.
Pagkatapos, didiretso na sana ako ng kwarto pero natigilan ako dahil bukas yung pinto sa Salas.
Biglang nagsitayuan yung mga balahibo ko sa sobrang takot na aking nararamdaman.
" H-help" Isang paos na boses ng lalaki dito sa Salas ang sumagi saking pandinig.
Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang isang napakagwapong lalaki na naka black polo na animoy isang pulubi pero hindi eh dahil Rolex ang suot nyang wristwatch at pansin ko na medyo basa ang braso nito kaya lang hindi ko alam kung ano yoon.
T-teka...
" S-sino ka?! Anong ginagawa mo s-sa loob ng pamamahay ko at p-paano ka nakapasok rito ha?!" Kalahating takot at may laban kong sigaw sa taong ito. Hindi sya sumagot dahil walang emosyon parin syang nakatitig sakin.
Agad kong kinuha yung tubo sa sulok at itinutok ito sa kanya.
" H-hoyy!! Kung saan ka man nanggaling, p-plaese wag mo akong sasaktan!. May pera ako at yun na lang sana ang kunin mo" Takot kong sambit. Bigla itong humawak sa ulo nya at pumikit. Gumewang rin sya na parang nahihilo.
Nilapitan ko ito at sana'y hahampasin ko na sya sa ulo ng tubo bilang pagkakataon pero nauna syang bumagsak bago ko pa magawa ang bagay na yoon .
" Jusko!! Hindi ko pa po tinatamaan Lord! Wala po akong kasalanan!!" Natatarantang sigaw ko. Bigla kong nabitawan yung tubo kaya umalingawngaw ang tunog nito sa buong silid at lalo lang nadagdagan ang kaba saking puso dahil dito.
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito.
Tatawag ba ako ng pulis o ambulansya?!
" Jusko! Ano bang nangyari sayo pare?!"
Dahan-dahan akong lumuhod saka tiningnan ang mukha nito. Natigilan ako saglit saking nakita.
Teka...ito yung lalaki na nakabangga ko kanina ah!
" Jusko! Huwag kang mamamatay! Baka makulong ako neto dahil sayo! Marami pa akong pangarap sa buhay kaya parang awa mo na !"
Dahan-dahan ko syang binuhat at dahil sa ganda ng hubog ng katawan nito kaya ang ganda rin ng bigat na dinulot nya sakin at halos mabalian ako ng buto.
" Tangina ka pre! Bakit May dugo dyan sa braso mo?! Takas ka ata sa kulungan. O kaya isa kang mafia. O baka naman magnanakaw ka." Taranta noong sabi sa kanya at akala mo naman ay maririnig nya ako.
" Huwag naman sana ganun. Ikaw na nga itong ililigtas ko eh". Sabi ko rito saka sya tinakbo habang buhat ko papuntang kotse.
Inihiga ko sya doon sa backseat at agad kong pinaandar yung kotse patungo sa pinakamalapit na hospital.
Jusko! Ano ba itong nangyayari?