Chapter 9

1709 Words
Green's Point of View Nagising ako na nasa sarili na akong silid. I knew it was just a dream. Why does it make me scared? And who is that snake and the head that keeps on appearing in my dreams? Tumayo ako at nagsimulang maghanda sa pagpasok ko sa eskwelahan. I was showering when suddenly I started to feel something weird. Naramdaman kong unit-unting bumibilis ang t***k ng aking puso at unti-unting umiinit ang aking katawan. Mabilis kong tinapos ang aking pagliligo at pagkatapos ay tumapat sa aircon at nilakasan ko ito. Full blast. Ngunit hindi naibsan ang init na aking nadarama. Kakatapos ko lang maligo ngunit palala ng palala ang init na sinisingaw ng aking katawan. Parang nasusunog ang aking balat sa tindi ng init na nagmumula sa kaloob-looban ng aking katawan. Nagsisimula na ring matuyo ang aking lalamunan at tumutulo ang pawis sa aking noo. Dahil na rin sa init at uhaw na nadarama ay nagpasya akong lumabas. Bumaba ako sa hagdan habang hawak ng aking kaliwang kamay ang aking dibdib. Bawat hakbang na aking ay matinding pagod ang aking nararamdaman. I started to feel thirsty. Tubig! Kailangan ko ng tubig! Tuyong-tuyo na ang aking lalamunan at mabibigat ang bawat hiningang aking hinihinba nang nakalabas ako sa pintuan. Nanlalabo na rin ang aking paningin at unti-unting nagagapo ng pagod at panghihina ang aking katawan ngunit pinilit ko pa ring maglakad habang nakahawak pa rin sa aking dingding. Pakiramdam ko ay unti-unting hinahapo ng matinding bilis ng t***k ng puso ang aking katawan. Nararamdaman ko ang mabilis at mainit na pagpaparito at paroon ng aking dugo. At nang halos makarating na ako sa dulo at hahakbang na sana pababa sa hagdan, bigla akong naghina ng tuluyan at nawalan ng malay at pabagsak na bumagsak sa carpeted na sahig. "Is she alright?" Unti-unti kong ibinuka ang aking mga mata upang makita kung sino ang nagsalita ngunit wala akong lakas upang maibuka man lamang ang aking mga talukap. "She's still unconscious. What happen?" isa pang boses ang aking narinig. "I found her unconscious lying on the floor but when I touched her she was freaking hot and sweating hard," sagot naman ng isa. "W-water-r," mahina kong usal sa kanila sabay hawak sa aking dibdib na ngayon ay unti-unti ng bumabalik sa normal ang t***k ng aking puso. I tried to breathe as deep as I could. Ilang sandali lamang ay may naramdaman akong humawak sa aking batok and gently pull me up at itinapat sa aking mga labi ang basong may tubig. Nang maramdaman ko ang lamig na hatid ng baso ay tinungga ko ito at ininom lahat ang laman niyon. Nakaramdaman ako ng ginhawa at konting lakas ng masayaran ng tubig ang aking lalamunan. "Care to tell what happened to you?" tanong ni Light. Bumuntong-hininga muna ako bago nagsalita. "I'm just tired," pagsisinungaling ko. Because I don't even know what happened to me. How can I possibly answer that? Ginulo ni Sky ang aking buhok. "Don't scare us like that. If you need something, just call Ameri or if you are feeling unwell, call us," Tumango ako sa kanya. Mabuti na lamang at silang dalawa lang ang nasa aking silid. "Go back to bed and rest. Tomorrow night we have to taste your blood again," sabi ni Light habang inaayos ni Sky ang aking kumot. "Don't you dare insolent brat!" ang mga salitang iyon ay namutawi sa aking bibig. Nanlalaking mga matang napatingin sa akin ang dalawa. "S-sorry. I-I think kailangan ko ng maghanda sa aking pagpasok," sabi ko at nagmamadaling nagbihis at pagkatapos ay lumabas sa aking kwarto. What the hell was that? Hindi ko sinabi ang mga salitang iyon. Kusang itong lumabas sa aking bibig. Pero hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyayari sa aking katawan. It seems it's changing or what. Nagsimula ito ng tumira ako sa mansion na ito at habang palapit na ng palapit ang aking kaarawan at simula noong may mga napapanaginipan ako. Is this coincidence? Bumuntong-hininga ako. Kung ano man iyon ay iwinaglit ko sa aking isipan ang mga bagay na gumugulo sa utak ko. "Is something bothering you?" tanong sa akin ni Jar ng makaupo na kami sa aming paboritong spot sa canteen. "Wala naman," sagot ko na kanya pagkatapos ay sumipsip ng malamig na cola drinks in can na inorder ko to sooth my throat. Actually ang lalamunan ko ay nagsisimula na namang matuyo. Kanina pa ako inom ng inom ng kung anong liquid para hindi ito matuyo pero mas lalo itong lumalala. Nakita naming palapit na naman si Katharina sa amin. Lately, she sets her eyes on me. She tried to bully me or provoke me pero hindi ko siya pinapatulan. Napagpasyahan namin ni Jar na i-ignore na lamang siya. "Umalis kayo dyan. Sa amin ang spot na iyan," sabi ng isa sa mga minion niya. Akmang ililigpit ni Jar ang kanyang mga pagkain sa tray ngunit pinigilan ko siya. "Stay," sabi ko sa kanya at ipinagpatuloy ko ang pagsipsip ng cola. "Bingi ba kayo? That space is ours," sabi uli ni Jenish. "We came here and we always sit here, paano mo masasabing sa inyo ang space na ito? The last time I check, you don't own this school. Maraming vacant space dyan. Bakit dito nyo pa gustong maupo?" biglang namutawi sa aking bibig. I don't know why those words just came out from my lips which are not supposed to be. "Know your place Green," sabi ni Katharina. "I know where I stand and where should my place be, b***h," sabi ko sabay tayo at tumingin sa kanya intensely. Naramdaman kong hinawakan ako ni Jar. Damn! Why does my body move against my will? This is not what I want! As if I was kicked out of my own body at para bang iba ang nasa loob nito. Nakita kong nag-back off si Katharina. "May araw ka rin Green," sabi niya bago umalis. "Wow," sabi sa akin ni Jar ng makaupo ako at tinitignan ang aking mga kamay. For second, ng nakaramdam ako ng inis, bigla na lamang akong itinulak at I swear, parang may nakita akong nag-take over ng aking katawan. "Huy Green!" sabi ni Jar sa akin habang niyuyugyog ang aking braso. "Bakit?" tanong ko. "Anong bakit? Kanina pa ako nagsasalita dito hindi ka pala nakikinig," nagtatampo niyang sabi. Ngumiti ako. "Sorry naman. Ano nga ulit yung sinabi mo?" "Sabi ko, saan mo kinuha ang guts na sagut-sagutin si Katharina ng ganoon?" "Wala. Naisip ko lang kasi na baka mas ibu-bully pa tayo kung hahayaan lang natin siya sa ginagawa niya," "Good point," nakangiting sabi ni Jar. Wala sa loob na napalingon ako sa bintana na malapit sa aking kinauupuan. Wala akong ibang makikita doon kundi ang kadiliman maliban na lamang ang hagip ng liwanag ng streetlight. Pinagmamasdan ko ang isang street light na mismong nakatapat ng gate ng aming school nang biglang lumitaw roon ang isang lalaking nakasuot ng uniform na katulad kina Zero. Naka-cross armed ito habang nakatingin sa akin. His strawberry blond hair is messy pero bumabagay ito sa kanyang gwapong mukha. Ang kanyang mga mata ay kulay light red na halos ay kasing kulay na ng mga mata ni Seven. Matangkad ito at maaring kasing tangkad ni Zero. He's looking at me and then flashes me a smirk. Isang ngisi na hindi nagustuhan ng kung sino man ang nasa loob ko ngayon. Insolent! Narinig kong sabi nito. Ngayon sure na akong may ibang nakatira sa aking katawan. Bigla akong kinabahan at pinagpawisan. What the hell is wrong with me? Napahawak ako bigla sa aking dibdib dahil bigla na lamang lumakas at bumilis ang pintig ng aking puso na para bang lalabas na sa rib cage ang aking puso sa tindi ng pagtibok nito. "Green okay ka lang? Pinagpapawisan ka bigla," nag-aalalang tanong ni Jar sa akin. Pilit akong ngumiti sa kanya. "O-okay lang ako," sagot ko sa kanya. Half hour pa lamang ng aming klase ay hindi na ako mapakali. Nagpaalam ako sa advicer na magsisi-cr muna. Pinayagan naman niya ako at agad akong lumabas. Habang naglalakad patungo sa pinakamalapit na banyo ay nakahawak ako sa pader upang suportahan ang aking katawan. Pakiramdam ko kasi ay napakabigat ng aking katawan At bawat hakbang na aking ginagawa ay nagpapahapo sa akin bigla. Pagdating ko sa banyo ay agad akong pumasok sa isang cubicle at naupo roon. Pagod na pagod akong sumandal sa pader habang nakaupo sa inidiro. Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit bigla itong nangyayari sa akin. Sinubukan kong ipikit ng aking mga mata ngunit hindi ito natuloy ng pabalibag na sinipa ni Erale, isa sa tatlong babaeng kasama ni Katharina ang pintuan ng cubicle na kinaroroonan ko. "Ang kapal ng mukha mong sagut-sagutin ang Prinsesa kanina samantalang isa ka lang namang taong pagkain ng mga bampira," sabi niya sa akin. I tried to ignore her. Marami siyang sinabi na hindi ko na maintindihan na siyang nagpapaigting ng aking tenga. Bigla akong tumayo at hinawakan siya sa kwelyo ng kanyang uniporme. "You know I'm not feeling well so SHHHUUUUUUTTT UPPP!" sigaw ko sa kanya. Nakita kong nanlaki ng kanyang mga mata kasunod ng pag-agos ng dugo roon at pagtakip nito sa kanyang mga tenga. Muli ko siyang sinigawan at kasunod niyon ay sumabog bigla ang kanyang ulo. Nagkalat sa aking mukha at mga kamay ang dugo nito bago ko siya binitawan. Walang anu-ano ay bigla na ring bumalik sa normal ang pagtibok ng aking puso at nawala na rin ang pagkairitang aking naramdaman. Nanginginig ang aking mga kamay ng makita ko ang dugo roon. "W-what j-just h-happen?" tanong ko bago ako nawalan ng malay. Nagkamalay ako na nasa mansion na. Hindi ko na suot ng aking uniform at malinis na rin ang aking mukha at mga kamay na kanina lang ay punong-puno ng dugo. I'm sure hindi ako ang may gawa niyon. Isa na namang proof na may nakatira nga sa aking katawan. Bumangon ako at saka nagpasyang lumabas sa aking silid bago bumaba sa hagdan at dumiretso sa kusina. May sasabihin sana ako kay Ameri ng mahagip ng aking mga mata ang magkakapatid kasama si Katharina at ilang pang mga bampira na hindi ko kilala. Marahil ay napansin ako ng mga ito kung kaya tinawag nila ng aking pangalan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD