*TRESHIA POINT'S OF VIEW*
Bwesit na lalaking iyon, hindi ba siya kumakain araw-araw at walang laman ng kung ano ang ref niya kundi tubig? hindi ako makapaniwala na ang isang bilyonaryong tulad niya ay puro lang mga bottled water ang laman ng ref.
para saan pa ang lawak ng kusina niya kung hindi naman nagagamit hyss! napaka gastador naman niya kung kada kakain siya ay sa isang restaurant. sabagay, kahit na magpabalik-balik pa siya sa restaurant para kumain ay hindi naman siguro mauubos-ubos ang kayamanan niya.
Pero nakaka asar lang dahil nagka asawa nga ako ng taong bilyonaryo, eh hindi naman ako binigyan ng pera para pambili ng pagkain! nakakainis at pera ko pa tuloy ang nagamit ko para malamanan lang itong ref niya? buti nalang talaga at may naipon pa akong pera kaya hindi ako magugutom.
Dinaan ko nalang sa paglilinis ang aking galit at inis na nararamdaman, nagluto narin ako ng pagkain para makakain na ako dahil kanina pa talaga ako nagugutom.
Pabagsak akong humiga sa kama dahil sa matinding pagod na aking nararamdaman, napatingin ako sa wall clock na nasa aking harapan, hindi ko namalayan ang oras alas nwebe na pala ng gabi.
Bumangon ako ulit at kinuha ko ang aking tuwalya para maligo. pakiramdam ko ang lagkit-lagkit ng aking katawan dahil sa mga natuyong pawis kanina habang naglilinis ako.
Tapos na akong maligo at mag bihis, nakaupo ako sa gilid ng kama habang tinuyo ko naman ang aking basang buhok na lagpas balikat ang haba.
Natigilan ako ng makarinig ng tunog mula sa labas, tunog ng pinto na bumukas at pag sara. napatingin ako sa wall clock alas dyes emedya na pala at sigurado ako na si zean ang taong pumasok.
hindi nga ako nagkamali dahil bumukas ang pinto at iniluwa non si zean, napatayo ako sa pagkataranta dahil paika-ika itong pumasok na halatang naka inom at lasing na lasing dahil nalanghap ko rin ang matapang na amoy ng alak.
napakurap ako ng aking mata ng bigla nalang itong umaakto na nasusuka at halos gumapang na siya papuntang banyo, nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya at mula sa labas ay naririnig ko ang kaniyang nakakadiring ingay na sumusuka sa kalasingan. Yak!
bumalik ako sa pag upo sa kama, ganon ba kalaki ang problema niya para mag lasing siya ng ganyan? nakakaasar! humiga na ako sa kama dahil tumigil narin ang ingay ng kaniyang pagsusuka.
bahala siya sa buhay niya, hindi ko naman sinabi sa kaniya na mag lasing siya at isa pa, siya narin nag sabi na hindi ko pakiki-alaman ang buhay niya. Kaya hindi dapat ako maawa sa kaniya at ma quilty dahil kasalanan niya rin naman kung bakit kasi iinom-inom siya na hindi naman pala kaya. tss!
Ipinikit kona lang ang aking mga mata para makatulog na, masyado ng malalim ang gabi at kilangan ko naring mag pahinga.
Kanina ko pa pinipilit na matulog pero kahit anong gawin kong pag pikit ay hindi talaga ako dinadalaw ng antok, kanina parin hindi ko maiwasan mag isip sa bwesit na lalaking iyon!
kanina pa naman nawala ang ingay ng pagsusuka niya pero bakit hindi parin siya lumalabas ng banyo? hindi ko maiwasang mag isip kung ano ng nangyare sa bwesit na lalaking iyon.
Kaya hindi na ako nag dalawang isip at bumangon ako sa kama para silipin siya kung ano naba ang nangyare sa kaniya, curious lang ako kaya ko siya pinuntahan sa banyo.
ganon na lamang ang aking gulat ng makita ko siyang tulog na nakahiga na sa sahig at ang daming suka sa kaniyang damit, ewwwws!
gusto ko nalang sana siyang iwan at pabayaan nalang kaya lang, hindi ko naman maiwasan na maawa sa kaniya at isa pa, ayaw ko mang isipin pero mukha akong nage-quilty dahil sigurado akong ako ang dahilan kong bakit siya nag pakalasing ng ganito.
kahit na nandidiri ako sa kaniya dahil sa mabahong suka na nagkalat sa damit niya ay ginawa ko parin ang lahat para hindi masuka sa mabahong amoy.
wala na akong choice kundi ang bihisan siya dahil nakakadiri ang amoy niya, sinimulan kong tanggalin ang mga butunes ng kaniyang suot na polo, hindi ko maiwasan na hindi iyon tingnan habang tinatanggal ko ang mga butunes.
dahan-dahang tumambad sa akin ang kaniyang mabatong katawan at 6 pack abs ng tuluyan ko nang hinubad ang kaniyang polo.
Saglit akong natigilan at napalunok ng laway, ghad! Bakit ba napaka hot ng lalaking ito, kung wala lang akong nararamdamang galit sa kaniya ay baka pina-pantasyahan ko na itong katawan niya.
ilang beses pa akong napalunok ng laway at sinimulan ko na siyang alalayan para mailipat ko na siya sa kama.
sa sobrang kumpyansa ko sa aking sarili na mailipat siya sa kama ay hindi pa ako halos makapaniwala sa aking sarili dahil nagawa ko siyang ilipat sa kama.
Gusto kong pagtawanan ang sarili ko. Naiinis ako sa aking sarili, bakit ko ba ito ginagawa? ang lalaking ito ay walang ginawa kundi sirain at pahirapan ako, so bakit ko pa ba siya tinutulungan?
hyysss! nakaka bwesit na talaga. kung hindi lang ako naaawa sa lalaking ito ay hinayaan ko na ito eh! pasalamat lang talaga siya at hindi ako kasing sama niya.
pumunta ako sa kusina at nilagyan ko ng tubig ang maliit na planggana. Bumalik ako ulit sa kwarto at sinimulan kong punasan ang kaniyang katawan.
wala sa sarili na napatingin ako sa kaniyang abs, pababa sa kaniyang pusod at-at sa manipis na mga buhok na nasa kaniyang pusod at pababa don..don sa ano, ah basta!
hindi ko mapigilan na matigilan ng dumako ang aking paningin sa malaking bukol na nasa pagitan ng kaniyang hita, wala sa sarili na napalunok ako ng aking laway.
Napansin ko na may kaunting basa pala ang pants na suot niya, napabunong hininga ako at wala na naman akong choice kundi hubarin ang kaniyang suot na pants.
Pipilitin ko nalang na pumikit para hindi ko na maisip na pag pantasyahan ang kaniyang katawan.wait-pantasyahan? ako? pinag papantasyahan ko ang katawan niya? ghad!
Pinilit kong alisin sa aking utak ang mga naiisip kong kahalayan at mabilis kong hinubad ang kaniyang pants.
Sa huli ay hindi ko parin napigil ang aking sarili na imulat ang aking mga mata para makita ang kaniyang buong katawan.
tsaka bakit ba? eh ano naman kung makita ko ang katawan niya? hindi ko lang naman ito nakita dahil may nangyare na saaming dalawa.
At kahit na wala akong matandaan sa nangyare, sigurado naman na ako na baka nahawakan ko narin ang kaniyang 6 pack abs. nakaramdam ako ng pag iinit sa aking mukha dahil sa isiping iyon. Ghad! ano ba itong pumapasok sa aking utak? bakit ba ako nag iisip ng ganito? 'gaga ka talaga treshia!'
Muntik na akong mapatalon sa kama ng bigla niyang hilahin ang aking kamay at nawalan ako ng panimbang sa aking katawan kaya tuloy-tuloy akong napa subsub sa kaniyang malapad na dibdib.
nanlaki ang aking mga mata at nilukob ako ng aking matinding kaba dahil sa naramdaman na malaking bukol sa aking puson.
hindi ko maipaliwang ang aking nararamdaman dahil bigla nalang akong nakaramdam ng pag iinit ng aking katawan, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.
ramdam na ramdam ko ang matigas na bukol na nakadikit sa aking puson at pati ang pag pintig niyon na ani moy humihinga ay aking nararamdaman.
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa sobrang kaba na aking nararamdaman. babangon na sana ako ngunit masyadong mahigpit ang pagkakayapos niya sa aking katawan.
dahilan para wala na akong magawa kundi ang hayaan nalang na ganon ang aming posisyon, wala sa sarili na napatingin ako sa kaniyang gwapong mukha na ngayon ay mahimbing na natutulog.
Biglang bumilis ang t***k ng aking puso
hindi ko maipaliwanag kong ano ito, at bakit ko ito nararamdaman, mariin lang akong naka titig sa kaniyang gwapong mukha.
napaka amo niya at tila ba napakabait ng ekspresyon ng mukha niya habang natutulog, ngayon ko lang natitigan ng mas malapit ang kaniyang mukha, kung wala lang akong galit na nararamdaman sa kaniya ay baka isa siya sa ideal man ko.
hindi ko namalayan na hinihimas ko na pala ang kaniyang matangos na ilong gamit ang aking hintuturong daliri, hindi ko maipaliwang ang aking nararamdaman at kung bakit ko ito ginagawa pero isa lang ang alam ko, gusto kong hawakan ang lahat ng parti ng kaniyang mukha.
Hindi ko maiwasan na mapangiti habang sunod ko na hinihimas ang kaniyang makapal na kilay, sumunod ang kaniyang makinis na pisnge na ani moy ginamitan ng mamahaling skin care na ani moy nag ba-blush.
hindi ko maiwasan na mapalunok ng aking laway ng biglang dumako ang aking mata sa kaniyang kissable lips na hugis puso, na minsan ko ng hinalikan. natigilan ako ng bigla kong ma-alala ang nangyareng iyon.
Pinigilan ko ang aking sarili at pilit iwinaksi sa aking isipan ang pangyayaring iyon. Hindi! 'hindi ako dapat nag iisip ng ganito, ano bang nangyayare sayo treshia? tumigil ka nga?' pag kastigo ko sa aking isipan.