*TRESHIA POINT'S OF VIEW*
"can you please hurry up? napakabagal mo."
Naiinis na ako sa bwesit na lalaking ito, kanina pa ako minamadali eh alam niya naman na may dala akong malaking bag. Nakaka asar lang dahil hindi manlang ako tinulungan mag buhat.
Paano naman kasi gusto ni mommy jana na doon nalang muna kami tumira sa mansion eh siya itong mapilit at gusto na dito nalang kami tumira sa condo niya, kisyo malapit sa kumpanya.
"Nakakabwesit ka rin eh-no? nakita mo na nga na may bitbit akong malaking bag minamadali mo pa ako-"
"eh sino ba kasing nagsabi sayo na dalahin mo lahat ng gamit mo hah? It's all your faulth kaya wag mo akong sisisihin and besides, bakit naman kita tutulungan? gamit mo 'yan kaya dapat lang na ikaw ang magdala at tandaan mo, itatak mo diyan sa kukuti mo na kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan? wala akong pakiaalam kung kasal man tayo, dahil asawa molang ako sa papel. kaya kahit anong gusto kong gawin wala ka ng pakialam don, at isa pa- wag na wag kang umasa na may ibibigay akong tulong sayo, dahil hinding-hindi ko gagawin iyon? NO-NEVER!"
mariin niyang sabi na nasa seryusong baritunong boses na may halong galit at pang-gigigil. halos ibinulong niya pa sa akin ang huli niyang sinabi na tila nag pakirot sa aking puso.
Tila may kung anong karayom ang tumusok s aking puso, hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng sakit sa mga sinabi niya, pakiramdam ko naging statwa ako at hindi makagalaw, nakatanga lang ako na nakatingin sa kaniya habang papalayo ang kaniyang likod.
Tila wala ako sa aking sarili at hindi ko na nga namalayan kung paano ako nakarating sa harap ng condo niya na para bang hindi ko manlang maramdaman ang bigat ng bag na aking dala.
ilang beses akong bumuntong hininga at pinilit kong pakalmahin ang aking sarili, ito ang pinili kong buhay, kaya kailangan ko itong harapin, kakayanin kong makisama sa kaniya kahit anong mangyare hinding-hindi ako magpapa apekto sa kaniya.
Alam kong gagawin niya ang lahat para saktan ako at sigurado ako na hindi ito ang huli, alam kung may mga kasunod pa itong mangyayare kaya dapat na hindi ako mag pa apekto sa kaniya, kakayanin ko lahat hanggat kaya ko.
hindi ako susuko. Wala na akong pakialam kong magmukha man akong disperada na ipipilit ang sarili sa kaniya. hindi na iyon ang mahalaga saakin, kasal kami at kahit na ano pa ang sabihin niya sa ayaw at sa gusto niya kasal parin kami at asawa ko na siya.
*ZEAN GEOF POINT'S OF VIEW*
"don't put your thing's in the closet, hindi karin naman magtatagal dito eh! Just put your bag on the floor. Dahil ayukong nahahaluan ang mga gamit ko, ng gamit mo."
Baritunong boses na sabi ko sa kaniya ng makapasok siya sa condo unit ko. nakita ko naman na pumasok siya sa kwarto at nilagay niya iyon sa ilalim ng gilid ng kama. will, good girl!
Umupo ako sa pahabang sofa at binuksan ang aking Lop top, may mga kailangan akong tapusin na trabahu dahil naging busy din ako sa walang kwentang kasal.
habang busy ako sa aking ginagawa ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa kaniya na nakaupo sa gilid ng kama at para bang malalim ang iniisip at wala sa kaniyang sarili.
malawak naman itong condo ko may sariling kwarto, kusina, at sala. hindi naman ganon kalayo ang sala sa kwarto ko kaya mula rito sa sala ay tanaw ko ang malungkot niyang pigura dahil naka bukas lang naman ang pinto.
Tss! sigurado ako na iniisip niya ang mga sinabi ko sa kaniya kanina. Wala akong dapat na ika guilty dahil totoo namang kasalanan niya ang lahat, kung hindi dahil sa kagustuhan niya na maikasal sa akin edi sana hindi magiging miserable ang buhay niya.
tama lang na pagdaanan niya iyan. Dapat lang na maging malungkot siya, dapat lang na masaktan siya at sisiguraduhin ko na papahirapan ko pa siya para siya na mismo ang mag mamakaawa na maghiwalay kami.
'it's good to see you that your hurting treshia. To see you struggling, it will be happy to me.'-I smirk in my mind.
*TRESHIA POINT'S OF VIEW*
Nagesing ang aking diwa dahil sa pagkaramdam ko ng gutom kaya naman nagesing ako sa aking pagtulog hindi ko na pala namalayan na nakatulog ako kakaisip ng kung ano-ano.
iminulat ko aking mga mata at ganon na lamang ang aking gulat ng tumambad sa aking harapan ang nakatayong lalaki na mukhang kanina pa naka titig sa akin habang ako ay natutulog, nakita ko din kung paano nagulat ang kaniyang mga mata nung magmulat ako ng aking mga mata.
" i-I would have woken you up, it's good that you woke up. Bumangon kana dahil hindi ka sinyorita dito."
Malamig at barituno niyang sabi, bumalikwas ako sa kama at paupo akong bumangon, lumabas naman siya ng kwarto kaya saglit akong nag isip.
'kanina niya pa ba ako tinititigan?"
Nakaramdam ako ng pang iinit ng aking mukha sa aking iniisip. Pero agad kodin iyong iwinakli sa aking isipan, 'hindi naman siguro, nagiging asuming nanaman ako hys!'
Hindi ko na inabala pang ayusin ang aking sarili at umalis na ako sa kama ng makalabas ako sa kwarto ay nakita ko siyang nakabihis na at mukhang may pupuntahan, kunot ang aking noo habang nakatingin lang ako sa kaniya na inaayos ang kaniyang kasuotan.
hindi ko naman ikaka-ilang napaka gwapo ng lalaking ito, at mas lalong naging gwapo ito sa suot na black pants at long sleeve na polo na kulay stripe na blue, at bahagya niya pang itinutupi ang long sleeve niyang suot hanggang sa kaniyang siko na bumagay dito at lalong nag pa lakas ng dating.
"don't look at me like that or else, you might fall for me, hindi kita masasalo at wala akong balak saluhin ka."
Napakurap ako ng aking mata ng magsalita siya, nakatayo na pala siya sa harapan ko at naka titig sa akin ng masama bago naglakad palabas ng kwarto.
"san ka naman pupunta?"-
wala sa sariling natanong ko sa kaniya, na pati ako nagulat sa aking sinabi, 'what? gagi ka treshia, ano naman klasing tanong yan?'
Bulong ko sa aking isipan huli na para bawiin ko ang aking sinabi dahil humarap siya sa akin na naka kunot ang kaniyang noo.
"seriously?-he frowned.
"you ask me if where I'm going? huh-pwede ba? don't pretend that you are my wife, hindi kita asawa at wala kang pakialam kung saan man ako pupunta."-he said with laugh out loud.
Tiim bagang na sabi niya sa akin saka tuluyan ng lumabas ng condo, napa takip pa ako ng aking tainga ng padabog niyang isara iyon. bigla akong nakaramdam ng pag kainis at galit sa sinabi niya, bwesit na lalaking iyon ang kapal talaga ng mukha.
ako? hindi niya asawa? huh-akala niya siguro ginusto ko rin ang makasal sa kaniya. Pwes! hindi ko rin siya gusto na maging asawa no? kung hindi lang dahil sa pangako ko sa aking mahal na lola ay hindi ako magpapakasal sa kaniya at ipipilit ang sarili ko. Bwesit siya, ang kapal talaga ng mukha.