*TRESHIA POINT'S OF VIEW*
Pabagsak akong umupo sa L-shape na sofa dahil sa matinding pagod na aking nararamdaman. alas otso na ng gabi natapos ang kasiyahan nila, NILA dahil sila lang naman ang masaya.
Humiga ako sa Sofa at mariing pumikit, bigla akong nakaramdam ng matinding kalungkutan, naisip ko kaagad sina Mama at Papa, maaga silang umuwi sa bahay dahil may aasikasuhin pa daw sila sa palengke.
Si Ailyn naman at si Gena, umuwi narin dahil may kaniya-kaniya pa silang trabahu bukas, tila nawalan ako ng lakas para akong nag abroad na walang kakilala at walang alam sa nangyayare sa paligid.
Mabilis kong pinunasan ang aking luha na dumaloy sa gilid ng aking mata, sobra akong nalulungkot. minsan tuloy naiisip ko kung tama ba itong ginagawa ko tama ba ang naging disisyon ko?
tama ba na ito ang napili kong buhay? ang magpakasal sa lalaking hindi ko mahal? ngayon naiisip ko kung paano ako mabubuhay na kasama ang lalaking iyon.
kung paano ko makakayanan ang mga dadaang araw na kasama ang lalaking iyon. Ang lalaking hindi ko naman kilala, ang lalaking hindi ko mahal Pero ngayon ay asawa ko na.
"hey, are you okay?"
Sa aking gulat at pagka bigla ay mabilis akong nagmulat ng aking mata at bumangon sa sofa, umayos ako ng upo at tumingin sa taong nag nagsalita.
Si Leon, kilala ko na siya dahil nagkakilalanan na kami kanina sa venue.
bahagya siyang ngumiti at kita sa gwapo niyang mukha ang pantay-pantay niyang ngipin.
Halos mag kasing katawan at tangkad lang sila ni Zean kaya mahahalata mo talaga na mag pinsan sila. Umupo siya sa dulo ng Sofa na kinauupuan ko ngunit malayo ang agwat namin sa isat-isa.
"you look tired, are you okay?"-tanong niya na nasa malambing ng tono.
"Oo naman, okay lang ako."
Pinilit kong ngumiti sa kaniya para ipakitang okay lang ako. Ngumiti naman siya saakin at mukhang naniwala naman siya sa sinabi ko.
"hmm, sorry kung wala akong masyadong alam sayo ha, because geof didn't tell me about you. Okay lang ba kung kilalanin kita?"
Natigilan ako sa tanong niya, Oo nga pala hindi naman talaga ako iku-kwento sa kaniya ni zean dahil biglaan lang naman ito, at tyaka sigurado ako na wala ding balak iyon mag kweto sa pinsan niya, eh halata din naman na walang alam 'to kung bakit biglang ikinasal si zean eh!
"pwede naman, gusto din kitang makilala hindi karin kasi nai-kwento sa akin ni zean eh."
mukha naman siyang mabait kaya kumportable akong nakipag usap sa kaniya.
Nawala ang lungkot na naramdaman ko dahil nawili akong kausap si Leon, hindi nga ako nagkamali, mabait siyang tao at marami rin siyang naikwento sa akin tungkol sa buhay niya sa italy.
Naikwento rin niya kung gaano sila ka lapit na magpinsan ni zean, ng dahil sa kaniya may mga nalaman din ako tungkol kay zean kahit na hindi ko naman tinatanong sa kaniya dahil wala naman akong pakialam sa lalaking iyon.
pero wala naman akong magawa kundi makinig lang sa kaniya at tumango-tango,
hindi ko din mapigilan na tumawa dahil sa mga kwento niya na nakakatawa nung kabataan niya pa. saglit kong nakalimutan ang lungkot dahil ang saya niya kausap.
"I'm happy to see that you two are getting along well."
Bahagya akong natigilan sa pagtawa ng makarinig ako ng baritunong boses na nagsalita sa aking likuran. nakita ko na tumingin si Leon sa lalaking nasa likuran ko at kasabay non ang dahan-dahang pagkawala na kaniyang ngiti.
"nandito kana pala bro, nakita ko kasi siya dito na nag iisa kaya nilapitan ko siya at nakipag kwentuhan narin."
sabi ni Leon na bahagyang ngumiti sa kaniyang pinsan, ayaw ko na sana siyang tingnan kaya lang baka makahalata pa si Leon na iniiwasan ko si zean kaya humarap na ako sa kaniya.
Saglit akong natigilan ng makita ko na saakin pala siya nakatingin, walang ekspresyon ang bakas sa kaniyang mukha at tanging malalamig niyang titig ang aking nakikita.
"It's okay, you don't need to explain bro. I'm here because i heard loud laughter so I though to go and see, and I'm happy to see that you two are getting along well."
mahabang wika niya na binalingan ng tingin si Leon.
"hey, why are you still here."
Sabay-sabay kaming napatingin kay mommy jana na papalapit sa amin na nakangiti.
"You two should rest because i know you are very tired from your marriage."
Wika ni mommy jana at bahagyang inayos ang nick tie ni Zean.
"Inayos ko na ang kwarto na tutulugan niyong dalawa ng asawa mo, don sa kwarto mo geof umakyat na kayo sa taas at para maka pagpahinga."
Dagdag niyang sabi at humarap sa amin na nakangiti.
"Yeah, it's getting late may trabahu pa ako bukas mauna na ako."
Malamig na sabi ni zean at umalis naiwan kaming tatlo na napasunod nalang ng tingin sa papalayo niyang likod.
"Sige na treshia sumunod kana sa asawa mo, masyado ng late, para makapag pahinga kana rin."
Nakangiti niyang sabi saakin, pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit ang totoo ay nakaramdam ako ng kaba sa aking dibdib.
"at ikaw naman Leon, magpahinga kana rin masyado ng late."
May pagbabanta na sabi ni mommy Jana kay Leon bahagya naman itong ngumesi at tumayo, lumapit si Leon sa aming kinarorounan.
"Yes po tita, Good night napo."-malambing na wika nito at bumaling saakin.
"and you too treshia, good night."-nakangiti niyang sabi saakin at tuluyan ng umalis.
*TRESHIA POINT'S OF VIEW*
Kinakabahan na pumasok ako sa loob ng kwarto, namangha pa ako ng makita ang kabuuan ng loob, ang ganda at ang lawak
Bumungad agad sa akin ang big size na kama na nasa gitna ng kwarto.
Sobra akong na amaze sa ganda at lawak, dahan-dahan akong naglakad papasok at masuyod kong tiningnan ang kabuuan, natigilan pa ako ng may makitang picture frame ng isang batang lalaki sa side table ng kama.
Kinuha ko iyon at tiningnan ng mabuti, sigurado ako na si zean ang nasa picture dahil kamukha niya ang bata, hindi ko maiwasan na ma-kyutan sa kaniya mukhang 3 years old pa siya sa picture.
Binalik ko ito sa dati at napatingin naman ako sa kabilang wall na may di kalakihang picture frame, lahat yon picture ni zean, simula pagkabata at hanggang pagka binata niya.
hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatingin sa mga picture niya, lahat naman kasi ng picture niya ay naka ngiti, malayong-malayo sa hitsura niya ngayon na mukhang demonyo kong maka titig.
Napatingin ako sa bigsize na kama, dahan-dahan akong naglakad papalapit at aking dinama ang lambot ng kama. Dito ako matutulog, first time kong matulog sa ganito kalambot na kama bahagya akong napangiti siguradong mapapasarap ang aking tulog.
"Matibay 'yan!"
Saglit akong napatayo ng maayos sa gulat ng may nagsalita. Biglang sumikdo ang kaba sa aking dibdib ng mapatingin ako sa kaniyang hubad na katawan at tanging tuwalya lang ang nakatapis sa pang ibaba niya.
Papalapit siya sa akin, pinupunasan niya pa ng maliit na towel ang kaniyang basang buhok, bahagya akong napalunok ng aking laway, ghad! Ngayon ko lang napagtanto na Napaka hot ng lalaking ito.
Ang malalapad nitong dibdib, ang mabato nitong 6 packs abs na may kaunti pang butil na tubig na dumadaloy don, s**t! Hindi kona mabilang kong ilang beses akong napalunok ng aking laway.
"don't worry, kahit anong bigat at likot diyan sa kama hindi 'yan bibigay."
napakurap ako ng aking mata ng lumapit pa siya sa akin lalo at naamoy ko kaagad ang mabangong sabon na ginamit niya, hindi ko maiwasan na langhapin ang mabango niyang amoy, bahagya kopa nga atang nalunok sa sobrang sarap ng amoy na hindi ko mapangalanan kong ano.
"Masyado mo nang pinag papantasyahan ang katawan ko ah? I'm sorry if I tell you, that you will never taste it!"
Mayabang niyang sabi sa akin at nginisihan pa ako ng nakakalukong ngesi. mas lalo pa akong napakurap sa sinabi niya hindi ko alam kung anong meron sa sinabi niya dahil pakiramdam ko biglang uminit ang aking mukha tila ako napipi at hindi makapag salita sa kaba ng aking nararamdaman.
Bahagya akong napa atras ng bigla siyang humakbang papalapit pa lalo sa akin, kinakabahan na napa atras ako hindi ko maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman habang naka titig kami sa isat-isa at ang kaniyang mga mata na malamlam na naka titig sa akin.
Natigilan ako ng bahagya akong nabunggo sa side table ng kama na nagpapahiwatig na wala na akong maaatrasan pa. Nanlalaki ang aking mata at kasabay non ang mabilis na pagtibok ng aking puso sa kaba na aking nararamdaman. bahagya siyang yumuko at dahan-dahang inilalapit sa aking mukha ang kaniyang mukha.
hindi ko maiwasan na mapalunok ng aking laway habang papalapit ng papalapit ang kaniyang mukha, tila ako ay naging manhid at naging statwa dahil hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan, pakiramdam ko ay tumigil ang aking paghinga. Bahagya akong napapikit ng aking mata dahil sa sobrang lapit na ng mukha namin at 3 inches nalang ang layo.
"got it!"
Napamulat ako ng mag salita siya at lumayo ang amoy na aking nalalanghap kanina lang, nakita ko siyang malayo na ang agwat sa akin at naglalagay ng maliit na body cologne sa kaniyang leeg.
naramdaman ko ang pag iinit ng aking mukha dahil sa kahihiyan na aking naramdaman, Iniisip ko kanina na baka halikan niya ako pero hindi pala. pero bakit ko naman iisipin yon?dapat nga mag pasalamat pa ako dahil hindi iyon nangyare Hyss! ano ba itong mga naiisip ko.
"If you think I'm going to kiss you your wrong, kaya wag kang assuming."
Natigilan ako sa sinabi niya at ang kanina na hiya ang aking nararamdaman ay nawala na ngayon, kundi napalitan na ito ng inis at galit sa kaniya. Pakiramdam ko nag si taasan lahat ng dugo ko papunta sa aking ulo sa sobrang inis na nararamdaman.
"huh, ako? assuming? At bakit ko naman iisipin na hahalikan mo ako ha? kahit kailan hindi ko gugustuhin na mahalikan ka no? ang kapal rin naman ng mukha mo."
Galit at inis kong sabi sa kaniya na bahagya pa akong tumawa ng pagak para inisin siya.
ngumisi lang siya ng nakakaluko at humiga sa dulo ng kama na naka tihaya at nakaunan sa sarili niyang bisig.
Nakanguso na sinamaan ko siya ng tingin.
"hmm, kaya ba bigla mo nalang akong hinalikan sa kumpanya? and then, about that car happened-"
"Pwede ba tumigil ka na? Ayukong marinig ang mga sasabihin mo? diyan ka na nga hmp?"
hindi kona pinatapos ang sasabihin niya dahil ayuko ng marinig at maalala ang mga nakakahiyang pangyayareng iyon. Para itago ang aking namumulang mukha ay diri-diritso akong pumasok sa closet room ng kwartong iyon para magpalit.
hindi ko na tiningnan ang nakakinis niyang pagmumukha. mas lalo lang akong nagiging demonyo pag nakikita ko siya, nakakaasar!
nag bihis ako ng pajama at blouse na pang sleep ware na niregalo sa akin ni Mama, pagkatapos kong magbihis ay lumabas din kaagad ako sa closet room.
Bahagya akong natigilan ng makita ko siyang gising pa at ganon parin ang posisyon niya kanina, bigla nanaman akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib, iisipin ko palang na magkatabi kami sa kama tila kinikilabutan na ako. Hindi ko maiwasan na mag isip ng masama, pero agad ko din pinakalma ang aking sarili.
confident naman ako na wala siyang gagawin na masama saakin dahil hindi niya naman ako gusto, kaaway at kalaban ang tingin niya saakin kaya I'm pretty sure na makakahinga at makakatulog ako ngayon ng mahimbing.
Ng makalapit ako sa kama ay nakita ko siyang tumingin sa akin ay bahagya pang tumaas ang isa niyang kilay.
"didn't you take a shower?"
taka niyang tanong saakin, napakunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya, ano namang problema ng lalaking ito? Tinaasan ko siya ng kilay at umupo ako sa gilid ng kama, malaki naman ang kama kaya may agwat parin kami kahit papaano.
"why you didn't take a shower?"
Nagulat ako dahil sa pagbangon niya at humarap sa aking gawi, nakatagilid naman ako sa kaniya. nakita ko sa kaniyang mukha ang pag ka inis. Ano bang problema niya? big deal ba sa lalaking ito ang hindi maligo?
"bakit ba? pakialam mo naman kong hindi ako naligo ha? paki mo ba?"
Tinarayan ko siya at humiga na ako sa kama,
Nakatihaya ako at nakita ko ang paghawak niya sa kaniyang ulo na ani moy parang hindi siya maka paniwala.
"Ugh fck* I can't believe this woman, damn it!"
irita niyang bulong sa sarili at padabog na humiga ng kama, tumalikod siya sa akin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Parang tanga naman kasi, eh ano naman ngayon kung hindi ako maligo? hindi naman ako mabaho ah? Tsss!! hindi ko na siya pinansin at tumalikod narin ako sa kaniya, masyado akong napagod kaya mabilis akong nakaramdam ng pagka antok.