*ZEAN GEOF POINT'S OF VIEW*
Hindi ko lubos maisip na ang babaeng nasa harap ko ngayon na naglalakad papalapit saakin ay ang babaeng papakasalan ko.
kahit kailan hindi ko na emagine ang makasal.
kaya dapat lang na wala akong maramdaman. puno ng galit ang puso ko para sa babaeng ito, akala niya siguro magiging mabuti ang buhay niya kapag ikinasal na siya saakin.
don ka nagkakamali TRESHIA BLANCAVER. I will make sure that your life will be miserable with me, I swear!
"Ingatan at alagaan mo ng mabuti ang anak ko geof. pag may nangyareng masama sa kaniya, ikaw ang mananagot."
Pagbabanta sa akin ng Ama niya, tsk! as if naman na matatakot ako sa mga pagbabanta nila. Honestly,wala naman talaga akong pakialam sa kanila eh!
Kung hindi lang dahil kay mommy, hindi ako papayag. May deal kami ni mommy kaya pumayag ako, at wala na siyang pakialam kung ano man iyon.
Kumapit siya sa braso ko at pumunta na kami sa unahan sa harap ng pari na magkakasal sa amin.
Pakiramdam ko wala akong naintindihan sa mga pinagsasabi ng pari, gusto ko na ngang mag reklamo dahil sumasakit na ang paa ko kakaluhod at tayo. Masyado na akong naboboring sa kasalan na ito at gusto ko nalang umuwi at magpahinga. nakakaasar at nakakainis!
Bakit ba ang tagal matapos ng kasalan na ito.
"at ngayon, pwede na kayong magpalitan ng sing-sing, at kasabay non ang pag sasabi niyo ng vows sa isat-isa."-father's said.
may binigay siya sa amin na maliit na card, ito siguro ang sasabihin ko. Tsk! ano bang alam ko dito. kinuha ko nalang iyon at tiningnan, lumapit sa amin ang dalawang bata at ibinigay ang maliit na basket na may lamang sing-sing, kinuha ko nalang iyon.
"ang groom mona ang mauuna, pwede kanang magsimula ijo."
Sabi ng pari at itinapat sa bibig ko ang hawak niyang microphone. wala sa sarili na binasa ko ang nakasulat.
"In the name of god, I Zean Geof Vuenabista, take you TRESHIA BLANCAVER, to be my wife, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until parted by death."
pakiramdam ko sinusunog na ang katawan ko sa impyerno dahil sa mga kasinungalingan na mga pinagsasabi ko.
Nakakaasar! naging sinungaling ako ng dahil sa baliw na babaeng ito.
ayaw ko na sana siyang tingnan dahil naaasar lang ako kapag nakikita ko ang pagmumukha niya, kaya lang nagtaka ako dahil ang tagal niyang sumagot.
napa angat ako ng tingin sa kaniya, nakita ko ang mga luha na dumaloy sa kanyang magkabilang pisnge kaya napakunot ang aking noo. ano bang problema ng babaeng ito?
hindi bat ito naman ang gusto niya? so, anong kaartihan ang iniiyak-iyak ng baliw na babaeng ito! kung ayaw niya pwede naman siyang tumigil at humindi. bakit niya pa ba pinapahirapan ang sarili niya?
Ano? ng dahil lang sa kasabihan? f**k* that proverb? Damn it! it's nonsense!
"i-ido"
Napa awang ang aking labi sa tipid niyang sagot, nakita ko ang panginginig ng kaniyang labi. Damn this woman! Mas lalo lang akong naiinis sa kadramahan niya.
Walang gana at walang ka felling's-felling na isinuot ko sa kaniya ang singsing. ni hindi ko na lang siya tiningnan, dahil mas lalo lang kumukulo ang dugo ko sa galit.
"at ngayon, ikaw naman ija ang mag susuot ng singsing."-father's said.
"In the name of god, I TRESHIA BLANCAVER, take you ZEAN GEOF VUENABISTA, to be my Hudband, to have and to hold from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, until parted by death."
"Ido."
mabilis pa sa alas kwatro na sagot ko. Wala narin naman akong magagawa at ayaw ko ng patagalin pa ang pagtayo dito dahil sumasakit na ang mga paa ko.
nanginginig pa ang kaniyang boses habang binabasa ang vows. dahan-dahan niya ring isinuot sa daliri ko ang singsing.
"and now, you may HUSBAND, and WIFE. you may kiss the bride."
Natigilan ako sa huling sinabi ng Pari.
Oo nga pala, may kiss pala sa huli ang mag asawa tsk! will, hindi naman malaking big deal to sa akin, i have kissed many girl's kaya wala lang ito saakin. hindi pa nga hanggang kiss lang ang nangyayare eh!
I'm fc*king** them.
"kiss, kiss, kiss,"
rinig kong sigawan ng mga haliparot kung pinsan tsk! tiningnan ko siya ng diritso at nakita ko sa kaniyang mga mata ang kaba. tss! nasan na ang tapang ng babaeng ito!
walang gana kong tinanggal ang belo na naka harang sa mukha niya, tuluyan ko ng nakita at natitigan sa malapitan ang kaniyang mukha, will, hindi ko na itatanggi. maganda at cute naman ang babaeng ito,
hindi nga lang siya ang type ko.
wala sa sariling hinawakan ko ang mukha niya and i kissed her soft lips.
*TRESHIA POINT'S OF VIEW*
"Conggrats ulit sa inyong dalawa."
Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat,
Siya si auntie Genelyn ang auntie ni Zean, auntie daw ang itatawag ko sa kaniya dahil iyon ang tawag sa kaniya ni zean, maganda siya at mabait dahil sa paraan ng pakikitungo niya sa akin, kaya naman naging magaan agad ang aking loob sa kaniya.
hindi naman ganon kadami na mga kamag-anak nila ang mga nagsidalo sa aming kasal ni zean pero lahat sila ay nakilala ko dahil ipinakilala silang lahat sa akin at sa pamilya ko ni Mrs.Jana.
totoong masaya ako na marami akong nakilalang ibang tao, dahil kaunti lang kasi ang mga nakaka salamuha ko.
"Conggratiolation treshia anak, sana maging masaya ang pagsasama niyo ng anak ko."
Nagulat ako sa tinawag niya sa akin, 'Anak'?
parang may kung anong humaplos sa aking puso, hindi ko alam pero may kaunti akong tuwa na naramdaman, hindi ako sanay na tawagin ng ibang tao na anak dahil sina Mama at Papa lang ang tunatawag sa akin ng ganon.
Pero iba na ngayon, kasal na ako at maituturing ko naring magulang ang magulang ng lalaking pinakasalan ko, ng lalaking asawa ko na ngayon.
"Maraming salamat po Mrs-"
"ano kaba naman treshia don't call me mrs.Jana, Kasal na kayo ng anak ko at asawa ka na niya ngayon, so just call me Mommy Jana."
Masaya niyang sabi sa akin, pinilit kong ngumiti sa kaniya kahit ang totoo hindi iyon umabot sa aking puso. niyakap niya ako kaya wala akong nagawa kundi tugunin iyon.
"sana maging masaya ang pagsasama niyo ng anak ko treshia."
kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang aking dalawang kamay,
and then, she's smiled at me.
"don't worry, sigurado ako na magbabago din ang pakikitungo ng anak ko sa iyo treshia, i know, and i see that it is not difficult to love you treshia, mabuti kang tao, maganda, at balang araw matututunan karin niyang mahalin."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya sa akin, pero hindi ko na iyon pinansin, ngumiti nalang ako sa kaniya at tumango.
"by the way, saan na nga pala ang asawa mo?"
Wika niya at luminga-linga sa paligid, nandito kami ngayon sa Garden ng mansiyon nila, dahil dito na ginanap ang venue ng aming kasal.
"Maupo ka nalang muna dito treshia, baka busy pa ang asawa mo sa Pag E-entertain sa mga pinsan niya na umatend, alam mo kasi ngayon lang sila ulit nag kita-kita dahil pareho silang mga busy sa kaniya-kaniya nilang trabahu."-nakangiti niyang sabi.
"okay lang po ako M-mommy, dito nalang po muna ako habang hinihintay ko si zean."
Iyon nalang ang aking sinabi at ngumiti ako sa kaniya saka umupo sa upuan na katabi ng mesa.
"oh sige, kumain ka na lang muna diyan, at makikipag kwentuhan lang ako sa iba pang bisita."
Nakangiti niyang sabi at tuluyan ng umalis, naiwan ako na napa buntong hininga. wala naman akong pakialam sa lalaking iyon kahit ano man ang gawin niya sa buhay niya, basta kasal na kami at hindi na ako matatawag na disgrasyada.
Okay na iyon sa akin, tsaka mas maganda nga kong hindi ko muna siya makakasama sa pagkain dahil baka mawalan lang ako ng ganang kumain dahil sa nakaka irita niyang pagmumukha.
Napatingin ako sa mga masasarap ng pagkain na nakalatag sa mesa, magpapaka busog ako ngayon at wala akong pakialam sa lalaking iyon. sinimulan ko ng lantakan ang mga pagkain na naka latag sa mesa.
*ZEAN GEOF POINT'S OF VIEW*
"Hindi ko aakalain na magpapatali kana sa babae, akala ko pa naman tatanda kana lang na babaero parin."
mapang asar na naka ngesi si Leon my cousin and bestfriend. Anak siya ni auntie genelyn na kapatid ni daddy actually dalawa silang magkapatid si Jacob, matanda siya dito ng pitong taon.
26 na siya at 19 naman si jacob pero halos magkasing tangkad lang sila ng kapatid niya, mas tigasin nga lang ang katawan niya kisa kay jacob na halatang bago palang humuhubog ang katawan.
nakatira sila dati sa bahay namin kaya halos sabay na kaming lumaki
Pumunta sila sa italy, at doon na nanirahan dahil doon nag tatrabahu si uncle, at ngayon lang ulit kami nag kita after 2 years. hindi ko naman alam na ganon ka importante sa kanila ang kasal ko kaya nag abala pa silang pumunta dito ni auntie.
sila lang ni auntie at ni jacob ang lumuwas dito dahil busy parin daw si Uncle sa trabahu. well, hindi na ako magtataka dahil napaka workaholic naman talaga ni uncle.
"don't mind her."
malamig ang boses na sabi ko sa kaniya at uminom ng wine. naka upo kami ngayon malapit sa pool, kami lang naman dalawa dito kaya tahimik, medyo may kalayuan sa garden kung saan ang venue.
mas okay dito hindi maingay, presko ang hangin malayo sa kasinungalingan, at hindi ako nag papanggap na masaya. dahil wala naman dapat ikasaya.
"So, kilan ka ulit babalik sa italy?"
pag iiba ko ng usapan, wala siyang alam sa nangyayare, ang buong akala lang nila ay nagmamahal kami ng bwesit na babaeng iyon, wala naman akong panahon para mag kwento kaya mas mabuti ng wala silang alam.
"ano ba yan, ngayon lang tayo ulit nag kita yan agad ang tinatanong mo sa akin, are you asking me to leave?"
Inis niyang sabi saakin nginisihan ko nalang siya at uminom ulit ng wine.
"you know that's not what i mean, I just want to know kung mag e-stay ka ba dito ng matagal o hindi."-i ask.
"hmm i think, dito na muna ako, i want to taste the air in the philippines."-he said.
"I've been looking for you two for a while, You're just here!"
Napalingon kami pareho sa iritableng boses na nagsalita,papalapit siya sa amin at kita sa mukha ni jacob ang pagka inis.
"Why are you looking for your handsome brother?"
Bahagya akong napa ngesi sa mahanging tanong ni Leon.
"stai zitto? I'm not really looking for you, I'm looking for kuya geof."
Wika nito na gumamit pa ng italian langguage na ang ibig sabihin ay (shut Up).
bahagya akong natawa sa tinuran nito sa kuya niya will, ganito sila magkapatid sweet sa isat-isa tss.
"your so sweet fratello minore."(younger brother)-asar na wika nito.
"so, why are looking for me?"-i ask him.
"i don't know, it just an ordered."
Iritang wika nito at umalis na, tsk! napaka bait naman ng mga pinsan kong ito.
"hayaan mona bugnutin talaga ang isang iyon, don't worry makaka tikim iyon sa akin ng sapok mamaya."
Wika ni Leon na ani moy seryuso sa sinasabi nito, napapailing nalang ako na tumayo sa aking kinauupuan.
"let's go, baka kanina kapa hinihintay ng asawa mo."
Nakangesing sabi nito at nauna ng mag lakad, bigla tuloy ako nakaramdam ng inis, asawa? Parang gusto kong masuka.