Chapter 3 Unang pagtatagpo

1997 Words
Griselda * * " Nakatingala ako sa bilog na buwan pinapakinggan ang mga alolong ng Lobo. May nagtatalonan na Bampira sa itaas ng puno may tumatakbo na mga Lobo Dumadalaw lang sila sa batis na ginawa ko. Nagpapagaling ito ng iba't ibang uri ng karamdaman. Ginawa ko ang batis para sa lahat ng nilalang. Gabi-gabi pinapanood ko ang mga nagaganap na digmaan sa pagitan ng sinumpang Witch Laban sa mga Lobo. May kasamang isang wizard ang mga lobo. Pinapanood ko lang sila sa pamamagitan ng pangitain ko. " Sinumpang diyosa pumasok sa katawan ng tao. Kakaiba ang Luna ng Hari ng mga lobo. May sariling din Kaharian ang mga bampira kakaiba sila Ang Lahi lang namin ang naubos. Kinabukasan Maaga ako bumaba ng bundok para pumasok sa school pinagpatuloy ko ang pag-aaral ko. Habang nag-aaral ako patuloy ako sa paghahanap sa lalaking nakatadhana saakin Paglabas ko ng school tumambay ako sa Mall kinagabihan pumasok ako sa Nightclub. Tumambay ako ng tatlong oras Hindi naman ako uminum nagbabakasakali lang na mahanap ko ang truelove ko. Naglalakad na ako paakyat ng bundok mapansin ko na may mga kalalakihan na nakasunod saakin. Kinabahan ako naaalala ko ang nangyari sa nakaraang buhay ko. Ginahasa at pinatay ako ngayon iningatan ko talaga ang virginity ko dahil ito lang ang Pinakamahalaga na maibibigay ko sa truelove ko " Ayaw ko na mamatay at isilang muli. Nakakatruma na ang mga karahasan na napagdaan ko sa mga nakaraang buhay ko. Akmang gagamitin ko na ang kapangyarihan ko ngunit may Biglang sumugod na Matangkad na lalaki sa mga kalalakihan na nakasunod saakin. Bumilis ang t***k ng puso ko, Nakipag suntokan ng mano-mano ang lalaki sa mga kalalakihan na sumunod saakin. Nagtakbohan ang kalalakihan naiwan ang lalaking nakatalikod " Sa susunod papatayin ko na kayo." Galit na wika ng Lalaki Humarap siya saakin para bang tumigil ang pag-ikot ng Oras Matangkad na lalaki Blonde na mahaba ang buhok niya. May tattoo sa dibdib at braso naglakad siya palapit saakin " Ryxiel! Ryxiel ang pangalan ko. Napadaan lang ako. " Nakangiti na wika niya " Griselda ang pangalan ko. Nakatira ako sa bundok na yan. " Wala sa sarili na tugon ko Sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit " Ihahatid na kita Grizel." Nakangiti na wika ng Lalaki Tumango ako ngumiti siya saakin nahihiya na yumuko ako. " Alpha! " Tawag ng pamilyar na lalaki Napalingon ako sa likuran namin natigilan ang papalapit na lalaki nagkatitigan kami namula ang mga mata nito " Alpha! Sino yang kasama mo? Masama ang kutob ko sa babaeng yan." Wika ng lalaki " Darcy bumalik kana sa kasamahan natin Susunod na ako sainyo." Wika ng lalaki na kasama ko " Darcy? Iba ang mukha niya pero nasisiguro ko na siya si Darcy na kaibigan at kababata ko. Ang kasama ko sa sumpa ang butler ko. " Tumalikod ang lalaki namumula padin ang kanyang mga mata " Natakot kaba? Pasensya na nakasuot lang siya ng contact lens na pula." Wika ni Ryxiel " Ha? Oo nakakatakot ang lalaki." Tugon ko Hindi na kami nag-usap nahihiya narin ako at iniisip ko din kung paano ko kakausapin si Darcy " Pwede ba kitang dalawin sa mga susunod na araw?" Tanong ni Ryxiel Napangiti ako hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkatuwa at pagkasabik. sakanyang sinabi " Hey! Pwede ba?" Tanong muli ng binata " Oo! Tuwing Umaga nasa school ako first year college ako. Sa hapon na ang Uwi ko kaya sa hapon at gabi ka lang pwede pumunta dito." Nakangiti na wika ko Ngumiti si Ryxiel bawat ngiti niya para bang lalabas sa dibdib ko ang puso ko sa lakas ng kabog. Nanghihina din ang tuhod ko para bang walang lakas ang mga ito. " Okay ka lang ba?" Tanong ni Ryxiel agad ako hinawakan sa braso Nakatitig ako sa mga mata nito hindi ko alam kung bakit para bang may dumadaloy na kuryente sa katawan ko nakakapanghina ng tuhod para bang gusto ko ilapat ang labi ko sa labi niya " Mate." Bulong saakin ni Ryxiel Unti-unting kasing bumabalik sa alaala ko ang panaginip ko noon Hindi ko pa sinusumpa ang sarili ko. Nanaginip ako ng may katalik sa kakahuyan nanaginip din ako na umiiyak ako habang malakas ang buhos ng ulan. Tinulak ko si Ryxiel bigla ako natakot na baka malaman niyang hindi ako pangkaraniwan tao " Okay lang ako natalisod lang ako." Wika ko nagmamadali ako sa paglalakad " Hey! Are you Alright? " Nag-aalala na tanong nito habang humahabol saakin " Okay na ako! Huwag na tayo magkita. Salamat sa pagligtas mo saakin." Wika ko Nang nakaraang buhay ko kung hindi ako nagkakamali isinilang ako at sinilaban ng buhay ng mga tao dahil sa nalaman nilang Witch ako at inakala nilang nagsasamba ako sa Demonyo. Hindi sa demonyo galing ang kapangyarihan namin ni Kuya. Kundi galing sa kalikasan kaya namin gumamit ng Apoy, Tubig, Hangin, at lupa. At marami pang iba Yan ang dahilan kaya takot saamin ang Angkan ng Lobo at Bampira. " Naaamoy ko kay Ryxiel ang isang Lobo. Hindi lang basta lobo kundi kabilang siya sa Royal blood ng mga lobo. Ang digmaan ngayon nanagaganap ay dahil sa Sinumpang Witch marami ang mapahamak. Sinumpang Witch din ako kaya pag nalaman nilang Witch ako sigurado papatayin nila ako. Okay na ako sa ganitong buhay. Gagawa nalang ako ng ritual para napawalang bisa ang sumpa ko. " Nagmamadali ako sa paglalakad Pagdating ko sa bahay agad ko binuksan ang pinto akmang papasok na ako ng hawakan ni Ryxiel ang braso ko " Hey! Hindi ako masamang tao. Hindi kita sasaktan." Wika nito bakas ang pagkabahala sa kanyang mukha " Pasensya na Pero makakaalis kana huwag ka nang babalik." Walang Emosyon tugon ko " Siya ang Soulmate ko? Bakit isang Lobo ang Soulmate ko? Kinamumuhian nila ang Katulad ko. Ngayon nga lang ako sinilang na may maayos na buhay. Malaya ako nakakagamit ng kapangyarihan ko. Walang banta sa buhay ko. " Puno ng katanungan ang isipan ko Sinarado ko ang pinto kumatok pa si Ryxiel pero naglakad na ako papunta sa kusina. Nagluto ako ng Itlog at nagsaing tahimik lang ako pilit na Nagpipigil na huwag lumabas ang pagiging Witch ko. Natatakot ako baka mamatay ako sa kamay ng Soulmate ko Pagkatapos ko magluto Kumain narin ako naligo ako at nagbihis ng pulang bistida na abot hanggang talampakan sa haba. May bitbit ako na isang tasa na may lamang mainit na tea naglakad ako palabas ng bahay pagbukas ko ng pinto nagulat ako bumungad saakin si Ryxiel nakatayo sa harapan ng pinto malungkot ang kanyang mukha " Griselda pangalan mo diba? Alam mo bang matagal na pahanon ako naghintay para matagpuan ko ang Soulmate ko. Kaya sana huwag mo ako ipagtabuyan." Malungkot na Paliwanag niya Hindi pa ako nakakasagot bigla niya ako binuhat nabitawan ko ang tasa bumagsak iyon at natapon ang laman Tumakbo papasok sa kakahuyan si Ryxiel " Tika! Tika lang naman may pasok ako bukas. Saan mo ako dadalhin." Kinakabahan na tanong ko " Ikukulong kita sa bahay ko, Isang daang taon ako naghintay na matagpuan ko ang aking luna ngayon hindi ako papayag na mawala ka. Kaya sa ayaw at gusto mo sasama ka saakin." Tugon niya " Diyos na may likha ng lahat tulongan nyo po ako. Makasalanan ako pero sana huwug naman ako mamatay sa karumaldumal na paraan. " Piping sambit ko Nagsisisi ako na sinumpa ko ang sarili ko ng paulit-ulit para lang malabanan ang sumpa saakin ng Wizard " Kuya kailan mo ipapawalang bisa ang sumpa ko?" Tanong sa isipan ko Lumabas kami sa kakahuyan bumungad saakin ang nakahilira na sasakyan. " Darcy buksan mo ang pinto. " Utos ni Ryxiel " So It's you! I swear I gonna killed you." Sambit ni Darcy " Sino kausap mo Darcy?" Tanong ni Ryxiel " Wala! May naaalala ko lang ang Witch na sumumpa saakin. Sisiguradohin ko na papatayin ko siya ng paulit-ulit bago niya makamit ang wagas na Pag-ibig." Wika ni Darcy Kinabahan ako sa aking narinig naramdaman ko ang galit at poot ni Darcy sa bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig Pinasok ako ni Ryxiel sa back seat ng sasakyan naupo lang ako sa tabi niya tahimik lang ako malalim ang iniisip " Isang Wolf ang Soulmate ko. Mas gugustohin ko nalang mamatay ng paulit-ulit. Alam ko kasi na Galit ang mga lobo sa katulad ko. Kaya hanggat maaari Iiwasan ko gumamit ng kapangyarihan ko. " Simula ngayon sa bahay ka na maninirahan. Wala kang alalahanin ako ang magpapa-aral sayo may sariling kang bodyguard kahit saan magpunta. Hindi kita makakasama araw-araw dahil may problema kaming kinakaharap." Wika ni Ryxiel Napahilot ako sa batok 18 pa lang ako pero pakiramdam ko high blood na ako. Anong klasing pagsubok na naman ang kakaharapin ko bago ako bawian ng buhay Nagkunwari nalang akong tulog sa ganon paraan matigil na sa kakasalita ang Kidnapper ko. " Hindi naman siya ang Soulmate ko! Normal ang t***k ng puso ko amoy sabon siya! Hindi siya amoy rosas. Hindi ang babaeng to ang Soulmate ko Darcy. Pero ito ang babaeng pinakita saakin ni Luna Andrea. Hindi kaya nagkamali si Luna? " Wika ni Ryxiel Napaubo si Darcy dahil alam niyang natutulog ang totoong katawan namin. Kaluluwa lang ang namin nag paulit-ulit na inisilang pero ang katawan na to ay mahina. At hindi tumatagal ang buhay kusang namamatay Pagdating ng takdang pahanon. " Ibalik mo nalang siya sa kanyang bahay gamitan ko nalang siya ng kapangyarihan para mawala ang kanyang alaala sayo. Nagkamali lang siguro si Luna Andrea diba nga hindi rin niya nakita na isang Witch ang Mate ng kambal." Wika ni Darcy Naramdaman ko ang paghaplos nito sa pisngi ko " Pangkaraniwan tao siya! Hindi siya ang mate ko. Normal ang t***k ng puso ko wala akong nararamdaman na kakaiba o kahit na anong pagkasabik sakanya. Hindi siya ang Mate ko. Ibalik mo siya Darcy babalik na ako sa bahay sumunod ka nalang." Wika ni Ryxiel narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto " Si Ryxiel ang soulmate ko. nahanap ko na siya sa wakas kahit na mamatay ulit ako alam ko kung saan ko hahanapin ang mate ko kailangan ko lang gumawa ulit ng Ritual para makabalik sa dating katawan ko. Para matapos ang sumpa. Hindi ako pwede nagkamali si Ryxiel ang nasa panganib ko. " Piping sambit ko Naramdaman ko ang pagbuhat saakin at narinig ko din ang pagsara ng pinto ng sasakyan " Dumilat kana ." Utos ni Darcy Pinulupot ko ang braso ko sa leeg ni Darcy humagolhol ako sa pag-iyak " Ayuko na! Alam mo bang ginahasa ako nang nakaraan buhay ko bago ako isilang muli. Binaril nila ulo ko pagkatapos Gahasain. Huhu Darcy uwi na tayo." Umiiyak na wika " Kainis kaya pala sakit ng Ulo ko tapos bigla ako binawian ng buhay. Sabihin mo naranasan mo bang sunugin ng buhay? " Galit na tanong ni Darcy napatingin ako kay Darcy Natigil ako sa pag-iyak namumula sa galit si Darcy " Nararamdaman mo kung Ano ang nararamdaman ko?" Gulat na tanong ko Naglakad Si Darcy buhat parin niya ako Naglalakad pabalik sa bahay ko " Kung ano lang ang kinamatay mo yon lang ang nararamdaman ko bago ako bawian ng buhay. Namimiss ko na ang tahimik na buhay. May magagawa kaba para makabalik tayo saatin? " Mahinahon na wika ni Darcy " Natagpuan ko na ang soulmate ko pero hindi ko siya mapapaibig dahil hindi naman ito ang totoong katawan ko. Hiram lang ang katawan ko hindi ko rin totoong puso to. Patay na ng lumabas ang Sanggol kaya ako pumasok sa kanyang katawan. Kaya matagal nang patay ang katawan nato dahil lang saakin kaya nanatili itong namumuhay." Paliwanag ko " Gusto ko na umuwi. Tapos na ang digmaan magpapaalam na ako sa Wolf pack nakinabibilangan ko. Gumawa ka ng paraan para makabalik tayo." Wika ni Darcy " Susubukan ko. Tiyak na gumagawa ng paraan si Kuya." Tugon ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD