Gresilda
*
*
" Ibig sabihin kaya mong pumasok sa katawan ng Hayop? " tanong ni Darcy
" Minsan ko nang ginawa yan natruma ako pumasok ako sa katawan ng bagong silang na kambing 8 months pa lang kinatay na. " Nakasimangot na sumbong ko Napanganga si Darcy.
" Siraulo kaba? Naisip mo ba na baka magkaroon ka ng anak na kambing? Paano kung ginahasa ka ng kambing. Piliin mo ang papasukan mo na katawan. Piliin mo naman ang maganda. Hindi kagandahan ang katawan na yan. " Pagalit na wika ni Darcy
" Hindi ko napipili minsan bigla nalang napasok sa ibang katawan ang kaluluwa ko. Bigla nalang ako napunta sa babaeng ginahasa kapapasok ko palang ginahasa at pinatay na ako. " Nakasimangot na Paliwanag ko
Kwenento ko ang lahat kung paano ako namatay ng paulit-ulit. Ganon din ang ginawa ni Darcy
" Katatapos lang ng digmaan sa pagitan ng sinumpang Witch pero inaayos pa nila ang Kaharian. Bumalik din kasi sa pagkabata ang Luna ng Hari. Kaya marami silang ginagawa. Beta ako ni Alpha Ryxiel ng Earth green moon pack. Ang kapangyarihan ni Alpha may kinalaman sa apat na elemento. Tubig, Apoy, Hangin, At Lupa. Kaya Earth green moon pack ang tawag sa Wolf pack namin. Mabait si Alpha pero kasing lamig ng Yelo ang pakikitungo niya sa mga nakapaligid sakanya. Pero iba ang ugali niya sa tuwing kasama niya ang kanyang mga kaibigan para siyang bata makulit at pasaway. " Nakangiti na wika ni Darcy
" Si Ryxiel ang Soulmate ko. Siya ang lalaki nasa panaginip ko. Sigurado ako babawian ulit ako ng Buhay ngunit iba na ngayon. Ang bahay na to ang magsisilbing tahanan ko. Sa tuwing isisilang ako babalik ako dito, Dito mo lang ako Hintayin Darcy. Pag-aaralan ko kung paano bawiin ang sumpa ko. " Nakangiti na tugon ko
" Paano kung hindi mo mapaibig si Alpha? Paano nawawala ang sumpa?" Tanong ni Darcy
" Sumpa din ang lunas sa sumpa ko." Mariing tugon ko
" Panibagong sumpa? " Tanong ni Darcy
Tumayo ako hinila ko si Darcy palabas ng bahay.
" Saan tayo pupunta?" Tanong ni Darcy
Hindi ako sumagot hila-hila ko lang si Darcy tumatakbo kami papasok sa kakahuyan. May bahay kubo ako na ginawa gamit lang ang kapangyarihan ko nakagawa ako ng bahay kubo na gawa sa bato at Napapaligiran ng mga Bulaklak
Tumigil kami sa pinakagitna nakangiti na tumingala ako sa bilog na buwan
Unti-unting nagbago ang Anyo ang dating itim na buhok ko naging Kulay ginto na kulot lagpas Pwet ang haba nito. Mas pumuti din ang balat ko
" Paano? Aking prinsesa ang Ganda mo talaga." Buong paghanga na wika ni Darcy
Tumingin ako kay Darcy ngumiti ako ng ubod ng tamis
Kinumpas ko ang kanang kamay ko nagkaroon ng pulang Rosas sa kamay ni Darcy.
Muli ko kinumpas ang kamay ko humangin ng malakas paghinto ng hangin humini ang mga hayop sa paligid
Kinagat ni Darcy ang pulang Rosas naupo ako sa damohan nakangiti na pinanood ko si Darcy nag umpisa sumayaw. Habang sumasayaw siya unti-unting tumutulo ang luha sa aking mga mata
" Uwi na tayo! Gusto ko na makauwi ayuko na dito sa Mundo ng mga tao. Makasalanan ang mga tao ayuko na dito. Uwi na tayo Namimiss ko na kuya ko. Nakalimutan ko na ang pangalan ng Pinakamamahal ko. " Umiiyak na sambit ko
Tumigil sa pagsayaw si Darcy lumuhod siya at inabot ang pulang Rosas. Tinanggap ko yon bigla niya ako niyakap ng mahigpit
" Makakauwi din tayo.." Wika niya
Niyakap ko siya ng mahigpit unti-unting bumalik sa dati ang wangis ko.
" Maglakbay tayo! Hanapin natin ang Lagusan sa papunta sa Lugar ginawa namin ni Kuya." Umiiyak na wika ko
Gumawa kami ng sariling Lugar nakaugnay sa Emosyon ko ang panahon. Kaya lang naman nakakapasok ang mga ibang lahi dahil sa taon-taon kami lumalabas para tuparin ang kahilingan ng ibang nilalang na mamuhay sa ibang lugar tahimik at walang gulo. Nagkataon lang na nagkamali si Kuya sa pagligtas sa pamilya ng wizard na pinatay ko ang wizard na nagtangka pumatay saakin sa pamamagitan ng sumpa.
" Tahan na! Paano mo nga pala napalabas ang totoong wangis mo?" Mahinahon na wika ni Darcy
Naupo siya sa tabi ko hinawakan niya ang kamay ko habang nakatingala sa bilog na buwan
" Two minutes lang ang kayang itagal ng ganoong wangis ko. Para magawa ko yon kailangan ko pa humigop ng nilalang na may buhay. Depende sa nilalang na nahigop ko ang tagal ng ganoong wangis. " Paliwanag ko
" Anong nahigop? Ano yon?" Tanong ni Darcy bakas ang pagtataka sa narinig
" Ihanap mo ako ng kahit anong hayop ipapakita ko sayo." Nakangiti na wika ko
Nagpalit anyo si Darcy bilang Gray na lobo tumakbo siya papasok sa kakahuyan pagbalik niya may bitbit na itong wild pig nagpupumiglas pa ang baboy ramo.
Inilapag niya sa harapan ko itinapat ko ang kanang kamay ko sa baboy ramo natigilan sa akmang pagtakbo ang baboy. May lumalabas na puting liwanag sa katawan ng baboy pumapasok iyon sa katawan ko kasabay nito ang unti-unting pagkatuyo ng katawan ng baboy unti-unting din pumayat hanggang sa maging butot balat nalang ang natira. Hanggang sa maging abo ang baboy ramo nilipad ng hangin ang Abo.
" Yan ang sinasabi ko! Kaya ko humigop ng lakas sa lahat ng may buhay na nilalang. Tao, Hayop kahit na halaman kaya ko magbigay ng buhay at kaya ko rin bawiin ang hiram na buhay. Ang kakayahan ko Hindi lang basta-basta kapangyarihan ng Ordenaryong Witch kahalintulad ito ng kapangyarihan ng Diyosa ng buwan. Hindi ko alam basta maliit pa kami ni Kuya ganito na ang kapangyarihan namin. Kakaiba kami sa lahat ng witch at wizard. Kaya nga nakagawa kami ng sariling bayan namin kung saan ang naturang Lugar sumusunod sa kagustohan namin ni Kuya. Mapanganib ang kapangyarihan namin Kaya hindi dapat mabahiran ng kasamaan ang puso namin. " Mahabang Paliwanag ko
" Alam ko yan! Sinabi saakin ni Ama na ang mahiwagang bayan ang taging ligtas na puntahan. Bago namayapa ang aking Ama nagawa niyang humiling sa iyong Kapatid. Kaya napunta ako sa lugar nyo. Palagi mong pairalin ang kabutihan sa iyong puso. " Nakangiti na wika ni Darcy
Bigla siya tumayo kinumpas ang kamay nagkaroon ng pinto na gawa sa tubig sa harapan namin
" Alam ko kung paano mo papaibig si Alpha Sasama ka sa wolf pack doon ka maninirahan sasabihin ko na wala kanang pamilya at walang mapupuntahan. Ako ang bahala sayo basta huwag mo gagamitin ang kapangyarihan mo. Tapos tuwing kabilugan ng buwan magpapakita ka sa totoo wangis mo. " Nakangiti na wika ni Darcy
" Magpapakita? Saan ako magpapakita? Kinakabahan ako sa sinasabi mo." nababahala na wika ko
" Tika lang kilan kapa nagkaroon ng kapangyarihan gumawa ng Portal?" Gulat na tanong ko
Hindi sumagot si Darcy tinulak niya ako papasok sa Portal na ginawa niya. Dahilan para bumagsak ako
" Arayyyy! Darcy gagawin talaga kitang manok tapos iihaw---
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nanlalaki ang mga mata ko napagtanto ko kung saan ako bumagsak
Napaawang ang bibig ko bumagsak ako sa ibabaw ni Ryxiel ang Alpha ni Darcy
" What the heck? " Bulalas nito
Nagmadali ako umalis sa ibabaw nito bumaba ako sa kama. Tumayo ako ng tuwid at Yumuko ako bago nagsalita
" A E kasi! Pasensya na po! Si Darcy po ang lalaki kanina bigla ako tinulak tapos bigla po ako bumagsak sa ibabaw mo. " Kinakabahan na Paliwanag ko
Napangiwi ako ng mapansin ko na nakatulala si Ryxiel saakin.
" Ano nga pala ang nasabi ko sa sumpa? Paulit-ulit na babawian ng buhay at magpapatuloy hanggang sa matagpuan ang wagas at tunay na Pag-ibig? Problema to hindi ko siya mapapaibig dahil ang katawan na to ay hindi ko pag-aari matagal nang patay ang katawan na to. Dahil lang sa kapangyarihan ko kaya nanatili itong buhay. Dapat makagawa ako ng paraan para mapawalang bisa ko ang sumpa. Ang tanong Ano ang magiging Kapalit ng pagbawi ko ng Sumpa? Kainis Ano ba kasi ang pangalan ni Kuya? Bakit hindi ko maalala." piping sambit ko
" Hey you! Nakikinig kaba? Alam mo bang nasa napunta?" Walang Emosyon na tanong ni Ryxiel
" Ryxiel ang pangalan niya. Unique ang pangalan niya walang kahulogan ang pangalan niya. Ibig sabihin hawak niya ang kanyang Tadhana. Galing." Piping sambit ko
" Po? Nasa pilipinas po! Sige po Uuwi na ako may pasok pa ako sa school bukas." Nahihiya na wika ko
" Nandito ka sa Colorado state in the Western United States. Nagyeyelo sa labas. Matulog ka d'yan sa sofa bukas na bukas kakausapin ko si Darcy." Walang Emosyon na Wika nito
" Nasa US ako? Minsan na ako pinanganak sa US 50 years na ang nakakalipas. Namamatay ako habang natutulog nasunog ang bahay naiwan ako mag-isa. Hmmmp! Wala naman silbi kung mag-aaral pa ako. Bukas na bukas pag-aaralan ko kung paano mapapaibig si Ryxiel. " Piping sambit ko
" Kainis! Pwede ba matulog sa tabi mo? Hindi ako sanay matulog sa Sofa." Yamot na tanong ko
Nagulat si Ryxiel sa biglaan pagbabago ng ugali ko. Napagtanto ko kasi na kailangan ko tapatan ang Ugali ni Ryxiel. Matapang, Masungit.
" Sabi nila pagmatapang at masungit daw masarap magmahal. Mangungulit nalang ako sakanya habang pinag-aaralan ko kung paano mapawalang bisa ang sarili kung sumpa. "
" Kinakausap mo ba sarili mo? Kanina kapa tango ng tango. " Wika ni Ryxiel
Sumampa ako sa kama ginawa kung unan ang braso ni Ryxiel napangiti ako ang bango niya grabe parang ang kagatin.
" Tika! Hindi ka ba natatakot saakin? " Tanong ni Ryxiel
" Tahimik! Kung ganito kaganda ang panaginip ko. Para bang nakapasok ako sa fantasy movie." Nakangiti na tugon ko
" Ganito pala ang amoy niya! Siya nga ang lalaki sa Panaginip ko. Tika! Ang katawan na to ay katawan ko na. Ibig sabihin ang puso nito ay akin. Bobo talaga ako! Mapapaibig ko siya. " Piping sambit ko
" Arayyyy." Daing ko bumagsak ako sa sahig tinulak ako ni Ryxiel
" Bakla kaba? Ngayon ka lang ba nakaranas ng may tumabi sayo na babae? Hayst sayang Gwapo ka pa naman. " Pang-aasar ko
Biglang bumangon si Ryxiel napaatras ako bigla niya ako binuhat tinapon sa kama bigla siya pumatong saakin
" Ngayon lang tayo magkakilala pero kung makaasta ka Parang Kilalang kilala mo ako." Walang Emosyon wika nito
" Ikaw ang lalaki sa Panaginip ko. " Seryoso na tugon ko
Umalis siya sa ibabaw ko bumaba sa kama naglakad papunta sa balcony
Napangiti ako nahiga ako ng maayos, Pumikit ako nakikiramdam ako sa paligid. Hindi ko namalayan nakatulog na ako
Kinabukasan nagising ako na sa pagmumura ni Ryxiel napagtanto ko kung nasaan ako bumangon ako napatulala ako
Nakaluhod si Darcy habang binabatukan ni Ryxiel.
" Sabi ni Luna Andrea iligtas mo ang Mate mo sa tangkang panggagahasa. Siya ang babaeng yon, At isa pa wala siyang kasama sa bahay. Daanan ng mga bampira ang kanyang bahay. Kaya dinala ko nalang dito. " Paliwanag ni Darcy
" Wala akong nararamdaman sakanya. Hindi mabilis ang t***k ng puso ko. " Galit na bulyaw ni Ryxiel
" Hindi naman agad-agad nararamdaman ang pagmamahal. Kusa mo nararamdaman yon Hindi agad-agad. Bakit hindi mo muna kilalanin ang Dalaga. Alam niya na ang mga nilalang na katulad natin. Dahil gabi-gabi may mga Lobo at Bampira siyang nakikita." Paliwanag ni Darcy habang nakaluhod
Biglang lumingon saakin si Ryxiel
" Buksan mo ang portal pabalik sa bundok. Ibalik mo siya kung saan siya galing." Walang Emosyon utos ni Ryxiel
Tumayo ako naglakad ako palabas ng Kwarto nagulat pa ang mga taong Lobo sa paglabas ko ng bahay nagbulongan sila.
Naglakad ako palabas ng mansion Hindi ko alintana ang nagyeyelo na paligid. Bigla nalang ako lumutang napatingin ako sa bumuhat saakin
" Ikaw ang Mate ko kaya hindi ka Aalis. " Mariing wika ni Ryxiel
" Kasing gulo ng bulbol mo yang utak mo. Hindi kita maintindihan kanina lang pinapalayas mo ako." Yamot na wika ko