Chapter 5 He's crazy

1993 Words
Gresilda * * " Inilapag ako ni Ryxiel sa loob ng Kwarto nilock nito ang pinto naglakad ako palapit kay Darcy nakaupo sa Sofa Huminga ng malalim si Ryxiel tumitig saakin. Napasinghap ako ng bigla siya umangil ng malakas " Ibalik mo yang sa Pinas. " utos ni Ryxiel nakaturo siya saakin " Ibalik mo na ako may pasok ako bukas." Mahinahon na sabi ko kay Darcy " Alpha! Siya ang Mate mo, Si Gresilda ang Luna mo." Wika ni Darcy " She's not my Mate. " Mahinahon na Tugon ni Ryxiel Yumuko ako para itago ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit parang tinusok ng patalim ang dibdib ko. Nagugulohan siya sa kanyang nararamdaman. Napapangiti nalang ako habang panay ang iling " Hey! Anong mangyayari sayo? Bakit katumatawa ka?" Tanong ni Ryxiel " Pwede nyo ba ako ibalik sa aking tahanan? At isa pa wala akong pakialam sa suliranin nyo ang gusto ko ibalik nyo ako." Nakangiti na wika ko Kinumpas ni Darcy ang Kanyang kamay lumiwanag ang pinto. Tumayo ako lumapit kay Ryxiel hinila ko siya sa batok sabay Dampi ng halik sa kanyang labi " Balang araw mapapaibig din kita! Balang araw mapapasaakin ka." nakangiti na wika ko Binuksan ko ang pinto naiwan si Ryxiel na nakatulala paglabas ko ng pinto nasa harapan na ako ng bahay ko Pumasok ako sa bahay naglinis ng loob at labas ng bahay, Nagsaing at nagluto ng ulam. Ginawa ko ang mga gawain bahay. Habang iniisip ko kung paano ako mapapalapit kay Ryxiel " Dapat malaman ko kung may bahay ba siya dito sa pinas. " Sambit ko Nakahiga ako sa damohan nakatitig sa ulap nakaunan ako sa tuyong dahon ng saging na ginawa kong unan. Nandito ako sa bahay kubo na ginawa ko nandito ako sa gitna ng halaman namumulaklak " Ang Ganda ng kalangitan! Pagbalik ko s--- Kainis Hindi ko maalala ang pangalan ng Lugar na pinanggalingan ko." Inis na kausap ko sa aking sarili Nakapangalan kay Kuya ang valley na pinanggalingan ko. Mababalot ito ng kapangyarihan na naghihiwalay sa mundo ng mga tao. Pumikit ako inaalala ko kung paano kami napunta sa Lugar na yon. " Ah basta gagawa ako ng panibagong ritual para mabuksan ang lagusan papunta sa lugar ng mga tao. Nandito nga ang mga Bampira at Lobo ang Kaharian ng puting Witch Bakit nga pala naglaho ang Lahi ng Wizard at Witch. Kaunti lang ang natira sakanila Ang Luna ng Kambal na lobo May dugo ng Witch at Ang Luna ng Hari ng mga Lobo may dugo din ng Witch. " Kausap ko sa sarili ko Natahimik ako sa pagsasalita may nararamdaman akong paparating naamoy ko agad kung sino ang pararating " 18 na ako legal age na! Pwede na ako pumasok sa Nightclub. Makikipag Date ako sa gwapo, Ano kaya ang pakiramdam ng makipatalik? Bakit hindi ko sumukan mag-enjoy sa buhay? Nakipag Date's sa iba't ibang lalaki, Hehe sarap makipag halikan sa Hot men." Nakangiti na kausap ko sasarili ko Sinadya ko magsalita ng kung ano-ano para marinig ni Ryxiel. Matalas ang pandinig ng mga Lobo Napakunot Noo ako napagtanto ko na walang kapangyarihan ang mga Lobo Bukod sa pisikal na lakas at pagbabago ng Anyo ibig sabihin may Dugo ng Wizard o kaya Witch ang Royal family ng mga Lobo. " Ina, Ama, Huwag kayo mag-alala magiging maayos lang ang lahat. Kailangan ko lang maibalik ang lahat ng alaala ko Para tuloyan magkabalik sa aking katawan kahit na hindi ko mahanap ang tunay at wagas na Pag-ibig. Sana kahit na hindi ko makasama ng panghabang buhay ang soulmate ko kahit sana magkaroon ako ng sariling anak. Okay na ako don." Piping sambit ko " Ikaw lang ba mag-isa ang nakatira dito?" Napatingin ako sa nagsalita naupo siya sa tabi ko. " Ang gwapo pala ng Soulmate ko. May pag-asa kayang mahalin niya ako? Paano nga ba malalaman kung mahal mo? Wala akong alam sa pag-ibig hindi pa ako nabighani sa kahit na sino. Ano nga ba ang pakiramdam ng minamahal? " Mga katanungan sa isipan ko " I'm Jenny Loren 18 na ako. Mag-isa ako namumuhay dito. Hindi ako tagarito pinanganak ako sa manila business man ang Daddy ko. Namayapa na sila ni Mommy, Bininta ko lahat ng Ari-arian kasama ang business ng mga magulang ko. Napadpad ako sa lugar na to 2 months pa lang ako dito. Nakakatakot dito sa lugar na to pero mas nakakatakot sa syodad mas mapanganib ang mga tao doon. " Mahinahon na kwento ko Tumingin ako sa malayo napangiti ako " Pwede ko bang bilhin ang kalahati ng lupain mo? Gusto ko din magtayo ng bahay dito. Maganda ang Lugar Tahimik at payapa. " Tanong ni Ryxiel Napalingon ako sa kausap ko nagulat ako sa tanong niya " Nabili ko ang Lupain na to Pero hindi ko pa napapalipat sa pangalan ko. Hindi ko alam kung saan ako lalapit. " Wika ko Ngumiti siya ng ubod ng tamis natigilan ako para bang nag slow motion ang paligid. Nakakatuwa ang kanyang ngiti nagdudulot iyon ng kakaibang saya saakin. Kumabog din ang dibdib ko bumilis ang t***k ng puso ko " Ganito nalang aayusin ko ang titulo ng Lupa Pero papayagan mo ako magtayo ng bahay sa katabi ng bahay mo." Nakangiti na wika nito " Sige! Wala naman akong pakialam sa lupain na to. Hindi rin naman magtatagal ang buhay ko. " Tugon ko Tumingin ako sa malayo nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi ko. 7 years nalang babawian na ulit ako ng buhay. Sana mapili ko na ang katawan na papasukan ko. Bago sumapit ang 25 birthday ko gagawa nalang ako ng ritual para makontrol ko ang pag-iisip ko kahit na kaluluwa lang ako. Sana nga! Susubukan ko pumasok sa katawan ng batang Lobo sa Wolf pack ni Ryxiel. " May sakit kaba? Bakit mo nasabi na hindi magtatagal ang buhay mo.." Nagtataka na tanong ni Ryxiel " Malaki ang bahay may dalawang kwarto pwede ka matulog sa bahay ko. Matagal na simula ng may nakasalo ako sa pagkain. Sya nga pala tuwing gabi may mga dumadaan dito na Vampire at Lobo hindi naman sila nanakit kadalasan naliligo lang sila sa batis." Nakangiti na wika ko sinadya ko ibahin ang usapan " Hindi mo sinagot ang tanong ko." Wika niya " Maikli lang ang buhay ng tao! Katulad ng mga magulang ko namatay sila agad." Tugon ko Tumayo ako naglakad ako palapit sa Kubo naglabas ako ng dalawang tasa nagtimpla ako ng kape may Thermos ako dito sa kubo may 3in1 din na kape. May unan at banig din ako dito madalas kasi dito ako nagpapalipas ng gabi lalo na pagbilog ang buwan pinapanood ko ang mga Bampira at Lobo na nagkakasiyahan sa batis Malapit sa batis ang bahay kubo ko. Pero ni Minsan hindi ko Tinangka lumapit sakanila natatakot ako na baka malaman nilang Course Witch ako " Kape tayo. " Nakangiti na wika ko Inabot ko kay Ryxiel ang tasa na may laman kape " Paano nagkaroon ng bahay na bato dito? " Tanong ni Ryxiel " Hindi ko alam! Pero gubat ito dati nilinis ko lang nakita ko ang bahay na bato. Natutulog ako dito kompleto kasi dito at mas safe dito. " Nakangiti na Paliwanag ko " Paano mo nalaman ang tungkol sa mga Lobo at Bampira?" tanong ni Ryxiel Humigop muna ako ng kape bago sumagot " Obvious naman sa lugar nato! Ano ang tawag sa mga tao na nag-aanyong Aso? Mga tao na umiinum ng dugo. Makikita mo mamayang gabi ang sinasabi ko. Hindi naman ako natatakot sakanila Wala naman akong ginagawa kasalanan para magalit sila saakin. " Paliwanag ko " Isa akong Lobo! Hindi kaba natatakot saakin?" Tanong nito " Ang gwapo mo para maging Lobo. Nakakamangha nga ang mga kakaibang nilalang. May kapangyarihan sila." Nakangiti na tugon ko " Nag-aaral ka paba?" Tanong ni Ryxiel " Hindi na ako papasok sa School. Balak ko magpakasaya nalang May Pera naman ako mabubuhay ako kahit na hindi magtrabaho. " Tugon ko " Magtapos ka ng pag-aaral! Malayo pa ang mararating mo bata kapa." Tugon ni Ryxiel Ngumiti lang ako wala akong plano bumalik sa pag-aaral. Pinag-aaralan ko kung paano makakabalik sa lugar na pinanggalingan ko. " Napakabata mo pa para mamuhay mag-isa. Wala ka bang ibang pamilya?" Wika ni Ryxiel " May Kuya ako! Sobrang miss ko na siya. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin nakalimutan ko kasi kung ano ang pangalan niya. " Malungkot na tugon ko " Hayaan mong samahan kita manirahan dito. Para masiguro ko ang kaligtasan mo." Tugon niya " Bakit?" Tanong ko " Anong Bakit?" Balik tanong niya Inubos ko ang laman ng tasa bago ako sumagot " Bakit gusto mo masiguro ang kaligtasan ko? Hindi naman kita Kilala. " Tanong ko " Alam mo kasi saamin mga Lobo iisang babae lang ang mamahalin sa buong buhay namin. Ikaw ang Soulmate ko, Pero hindi ko din sigurado wala naman akong nararamdaman special sayo. Kaya naman habang inaalam ko kung ikaw ang babaeng nakatadhana saakin aalagaan muna kita." Paliwanag niya " Sa totoo lang wala akong maintindihan sa sinasabi mo. Hindi ko nga alam kung paano magmahal. Marami akong suliranin hindi ko alam kung paano lulutasin." Tugon ko " Love is intense feeling of deep affection. Tulad ng pagmamahal sayo ng magulang mo. Pagmamahal mo sa Kapatid mo. Iba't-iba ang pagmamahal. Sa pagkakaalam ko pagmahal mo ang isang tao. Masaya ka sa tuwing kasama siya. Komportable ka na kasama niya. Yon bang hindi mo magpaliwanag kung bakit gusto mo siya makasama lagi, Gusto mo ang lahat sakanya." Mahinahon na Paliwanag ni Ryxiel " Paano mo naman nalaman na ako ang soulmate mo?" Tanong ko " Sinillip ni Luna Andrea ang hinaharap namin. Ikaw ang nakita ko pero hindi ko alam kung ikaw ba talaga ang Mate ko. Wala kasi ako nararamdaman na special sayo. Pangkaraniwan ka lang tulad ng ibang babae. " Paliwanag nito " Oo nga no! Sisilipin ko ang nakaraan. At Sisikapin ko masilip ang nagaganap sa kinaroroonan ni Kuya." Piping sambit ko " May nabasa akong libro ayon sa nabasa ko. May tatlong Kaharian na nagtatago sa mga tao. Kaharian ng mga lobo, Kaharian ng mga bampira. Kaharian ng witch/ wizard. Pero Bampira at Lobo lang ang nakikita ko na pumupunta dito." Wika ko " Likas na masasama ang Witch, Nanalaytay iyon sa kanilang Dugo, Ngunit ang mga Wizard ay likas na mabuti. Hindi ko alam kung paano naglaho ang kanilang Kaharian. Pero ayon sa Daddy nawawala daw ang Witch princess and Wizard Prince. Simula daw ng mamatay ang kanilang mga magulang. Sabi ng Dating Hari ng mga Lobo gumawa daw ng sariling valley ang magkapatid. Ayon sa Alamat gumawa sila ng Sariling Kaharian kung saan pantay-pantay ang lahat ng Lahi. " Paliwanag ni Ryxiel " Ako ang Witch princess at si Kuya ang Wizard Prince. Natakot kami na maubos ang aming lahi dahil pinapatay nyo ang Angkan namin. Ang kapangyarihan namin nagmumula sa kalikasan. Hindi kami sumasamba sa Demonyo, Ako Ang Maalamat na Witch princess. Dahil yon sa pagbubuwis ng buhay ng Mga lolo at Lola namin. Kasama doon ang aming mga magulang. At lahat ng kadugo namin. Gumawa sila ng Ritual na nagbigay ng malakas na kapangyarihan saamin magkapatid Kapalit ng kanilang buhay. Sa takot na maubos nyo kami. " Piping sambit ko " Nakakalongkot naman! Katulad lang pala kayo namin mga tao. May masama at mabuti. " Malungkot na wika ko Hindi makasagot si Ryxiel natigilan siya. " Baliw kaba? Sa tingin ko may saltik ka sa utak. Pinauwi mo ako pero sinundan mo naman ako at gusto mo pa magtayo ng bahay sa tabi ko." Inosente na tanong ko Napaupo si Ryxiel naibuga niya ang kape. " Nalilito lang ako. " Tugon niya " May saltik ka nga." Tugon ko " Kulit mo wala akong saltik." Natatawa na wika niya " Dipolar ka." Tugon ko " Pwede manligaw?" Biglang tanong niya " Oh God! Help me He's crazy." Bulalas ko
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD