Chapter 9 The Dark Prince

1858 Words
Prince Oden ( Gresilda brother ) * * " Prince Oden nakahanda na po ang Gagamitin sa Ritual." Wika ni Bordaje " Mhae Tawagin mo akong Oden hindi prince. Simula ngayon tawagin nyo ako sa pangalan ko. Pagkatapos ng Ritual maninirahan tayo kasama ang mga tao at mamumuhay ng tahimik. Matagal na pahanon tayo nagtago Ito na ang pahanon para mamuhay tayo ng malaya. " Seryoso na wika ko " Prince Oden. Kayo nalang ni Princess Gresilda ang natitira sa inyong lahi. Ako'y nababahala sa maaari maganap. May tatlong Kaharian na namumuhay kasama ang mga tao. Ang White Witch, Vampire, At Kaharian ng mga lobo. Maaari kayo pagtulongan at tuloyan malipol ang lahing pinagmulan ng Mga Wizard at witch. Sa oras na mawala kayo ng tuloyan mawawalan din ng buhay ang lahat ng may dugong Witch at Wizard Masama man o mabuti." Nababahala na Paliwanag ni Bordaje " Mhae! Hindi kami gagamit ng kapangyarihan mamumuhay tayo tulad ng normal na tayo. Ihanda mo ang hapagkainan kakain ako bago ko simulan ng Ritual ng pagpapawalang bisa ng sumpa ni Gresilda. Sapat na natagpuan niya ang lalaking nakatadhana sakanya. Ang mahalaga nakilala niya ang lalaking nakatadhana sakanya. Ibabalik ko siya sa pagkabata." Mahabang paliwanag ko " Nauunawaan ko Oden. Ihahanda ko na ang hapagkainan." Magalang na wika ni Mhae Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha " Hayst umayos ka nga. Kalimutan mo na ako ang Dark Prince. Mamumuhay tayo tulad ng normal na tao. Gusto ko magkaroon ng Asawa at mga anak. kaya hahanapin ko din ang babaeng nakatadhana saakin. Magiging maayos ang lahat Mhae pangako. " Nakangiti na wika ko " Nauunawaan ko po Sir Oden nag-aalala lamang ako sainyong magkapatid. Ngunit kung magkakaroon kayo ng supling magpapatuloy ang lahi ng Witches Royal blood. " Paliwanag ni Mhae. Pagkatapos kumain sabay-sabay kami naglakad patungo sa malawak na patag na lupa gumuhit ng simbolo ang mga matatanda binuhat ko ang katawan ni Gresilda Binuhat naman ng binatang Lobo ang katawan ni Darcy. Pinahiga namin ang dalawa sa gitna ng simbolo. Naupo ako sa pinakagitna ng simbolo nasa harapan ko ang natutulog na sina Gresilda at Darcy " Oras na! Naalala na ako ni Gresilda. " Wika ko Pumikit ako inilapat ko ang magkabilang kamay ko sa dibdib ng dalawa nagbigkas ako ng mga Mahiwagang salita. Lumakas ang hangin sa paligid ngunit magpatuloy ako sa pagbigkas ng kataga. Sa Tagal ng ginagawa ko umabot ito ng ilang oras. Tumigil ako sa pagbigkas ng mahiwagang kataga ng tumigil ang malakas na hangin pagdilat ko umubo si Darcy Dumilat ako inutusan ko ang matandang lobo na inuwi si Darcy inilapat kong muli ang dalawang kamay ko sa dibdib ng Kapatid ko. Nagdasal ako ng ilang oras habang nakapikit. Nararamdaman ko ang pagkaubos ng lakas ko hanggang sa natapos ang pagdaradal ko. " Nakikita ko ang mga paghihirap mo sa nakalipas na panahon ngayon tutuparin ko ang sinisigaw ng puso mo. Sumpa laban sa sumpa ito lang ang kaya kong gawin ang sumugal. Isinusumpa kita Gresilda sa oras na mabigo ka sa pag-ibig babalik ka sa Lugar na ito at mapupuno ng kadiliman ang Lugar na ito. Mamatay ang lahat ng may buhay sa paligid mo. Hindi ka makakaramdam ng pagod, Gutom, Hindi karin makakalabas sa lugar na ito. Ang lugar na ito ang magiging bilangguan mo. Tanging wagas na Pag-ibig ang Lunas sa iyong sumpa. " Malungkot na wika ko Unti-unting lumiit ang katawan ni Gresilda. Hanggang sa bumalik siya sa Edad niya na limang taong gulang. Tumayo ako buhat ko ang walang malay na munting prinsesa. " Prince Oden nagawa ko na ang inutos mo saakin. Isang bahay ang mabili ko gamit ang ginto pinalit ko para maging pera ng tao. Pilipinas ang bansang napili ko malapit ito sa dagat at kabundukan. Malawak ang Lupain at may gamit nadin na ginagamit ng mga tao para sa pangangailangan nila sa pang-araw-araw. " Mahinahon na wika ni Kamal " Ang ganda talaga ni Princess Gresilda. " Wika ni Mhae " Magpapahinga na muna ako bukas na bukas aalis tayo." Wika ko Pumasok ako sa aking silid inilapag ko sa kama ang Kapatid ko nahiga ako sa tabi nito Yumakap ako sa munting prinsesa. " Ang sumpa na binigay ko sayo ay isang pagsubok nahaharapin mo balang araw. Magsusukat dito kung gaano ka kamahal ng Lalaking nakatadhana sayo. Wala akong pagpipilian malaks ang sumpa na ginawa mo kaya kailangan ko din ng mapanganib na sumpa upang mailigtas ang katawan lupa mo. Sa oras kasi na hindi ka makabalik sa katawan mo tuloyan nang maglalaho ang Kaluluwa mo, Pasaway ka talaga hindi ka nag-iisip basta mo nalang sinumpa ang sarili mo. Sa oras na maglaho ang kaluluwa mo magpapatuloy sa pagpaslang ang katawan mo. Kahit na wala nang buhay. Ito ang Sumpa saatin ng ating mga ninuno. " Kausap ko sa natutulog na Kapatid ko Kinabukasan inuna ko punasan ang katawan ng Kapatid ko natutolog parin siya hindi ko alam kung kilan siya magigising. Habang binihisan ko ang Kapatid ko naaalala ko ang huling sinabi ng Inang Reyna " Anak! prince Oden. Ang buhay ng lahat ng Wizard at Witch ay karugtong ng buhay nyong dalawa. Saatin nagmula ang lahat ng Lahi nila. Sa oras na tuloyan kayong mawala papanaw din ang lahat ng kalahi natin. Masama man o mabuti dahil kayong magkapatid ang huling lahi ng Royal Witcher. Ang gagawin namin Ritual ay para masiguro na magpapatuloy ang ating lahi. Kung mamatay kayo mamatay din sila lahat ng may dugong Witch at wizard kasama nyo maglalaho ang Royal blood ng mga Lobo. " Mahabang wika ni Ina Huminga ako ng malalim sa aking mga naaalala. " Kinamumuhian tayo ng Tatlong Kaharian dahil sa masamang dugo na Nanalaytay saatin. Ngunit hindi nila alam na karugtong ng buhay natin ang buhay nila. Sa Oras na matupad ang aking sumpa babalutin din ng sumpa ang Kaharian ng lobo magkakaroon sila ng karamdaman karamdaman na walang lunas, Tanging wagas na Pag-ibig lamang ang lunas sa sumpang binitawan ko. Balang araw malalaman nyo kung gaano kami kahalaga sainyong lahat. Habang nanatiling ang aming lahi Mananatili kayong nabubuhay. " Malungkot na sambit ko. Lumipas ang mga araw at taon nandito sa balcony karga ko ang natutulog na munting prinsesa. Limang taon na ang nakalipas mula ng isumpa ko siya nanatili parin siyang tulog " Sir Oden bakit nanatiling tulog si Gresilda?" Tanong ni Darcy naupo sa harapan ko inilapag ang tasa ng kape sa table Hinaplos ko ang pisngi ng Kapatid ko hinalikan ko siya sa noo " Aabot pa ng Ilan taon bago siya tuloyan magising, Isang daang taon nilisan ng kanyang kaluluwa ang katawan niya Kaya halati ng kapangyarihan at kanyang lakas ang nawala. Kaya siya natutulog dahil sa Hindi pa kompleto ang lakas niya Kusa siya magigising sa Oras na makompleto ang kanyang kapangyarihan. Katawan lang ang lumiit sakanya ngunit ang Lakas at kapangyarihan ay Mananatili sakanya. Kailangan natin ingatan ang munting prinsesa hanggang sa makaya na niya ang kanyang sarili. " Mahinahon na Paliwanag ko " Boss! Ang Bahay na yan na tanaw dito ay mansion ang tawag d'yan. Diyan nakatira si Alpha Ryxiel ngayon naintindihan ko na kung bakit dito tayo nakatira. " Nakangiti na wika ni Darcy " Nakilala kaba nila?" Tanong ko " Hindi! Hindi ko na kailangan magpakilala pa. Iba ang wangis ko sa nakilala nila Kaya kahit na dumaan ako sa harapan nila Hindi nila ako Kilala. Tuwing hapon nasa tabing dagat siya nakatanaw sa malayo. Narinig ko Minsan niyang tinawag ang pangalan ni Griselda. " Nakangiti na tugon ni Darcy " Kailangan mapaibig ni Grizel si Ryxiel. Kung masasaksihan ni Ryxiel ang paglaki ng Kapatid ko hindi siya maghihinala na si Grizel ang dark princess. Ang kailangan lang naman natin mapaibig ang Alpha ang wagas at totoong pag-ibig. Yan ang lunas sa sumpang binigay ko sa aking Kapatid. " Nakangiti na wika ko " Kung kukulitin ni Grizel si Ryxiel araw-araw hanggang sa lumaki siya mapapaibig talaga niya ang binata. " Nakangiti na tugon ni Darcy " Pareho naman mahaba ang buhay nila kaya kahit aabot pa ng ilang dekada walang problema. " Nakangiti na wika ko " Bakit nga pala pinasok mo ang modeling?" Tanong ni Darcy " Kailangan ko magtrabaho tulad ng pangkaraniwan tao." Nakangiti na Tugon ko Nasipat ko si Ryxiel naglalakad papunta sa tabing dagat napangiti ako. Tumayo ako karga ko si Grizel pasipol-sipol pa ako habang naglalakad pababa ng hagdan " Sir ano po ang Gusto nyong ulam mamayang haponan?" Tanong ni Mhae " Gusto ko ang sinabawan Isda. " Nakangiti na tugon ko " Sama ako." Wika ni Darcy " Boss kilan lalaki si Grizel?" tanong ni Darcy " Unti-unting babalik sa dati ang kanyang katawan." Tugon ko Napangiti ako natanaw ko si Ryxiel may Hawak na bote ng alak. Nakaupo sa buhangin nakatanaw sa papalubog na araw Sinadya ko maupo malapit sa kinaroroonan niya napatingin agad siya saamin. Kunway wala akong nakita " Boss dadalhin mo ba sa Trabaho si Grizel bukas?" Tanong ko " Nope! Bantayan mo nalang siya madaling araw ako aalis. Si Mhae ang magpupunas sa kanyang katawan. Bago sumikat ang araw dapat nasa balcony kana paarawan mo siya. " Nakangiti na tugon ko " Ahemm excuse me Mr." Napalingon ako sa nagsalita namumula ang pisngi ni Ryxiel nakatitig sa natutulog na bata. Nasipat ko pa ang pagkapa niya sa kanyang dibdib " Naramdaman niya ang bilis ng kanyang puso. Ang mabangong amoy ng Kapatid ko. Ang lobo agad niya nila nalalaman kung Mate niya ang babae. Mabilis na t***k ng puso at ang amoy ng babae na kasing bango ng Bulaklak nahanap-hanapin nila ang bango bg kanilang Mate. Hindi rin mawawala sakanilang isipan ang mukha ng babae. Dahilan para tuloyan silang mapaibig ng lubusan pag-ibig na kahit sa kamatayan babaonin nila. Good! Ibigin mo ang Kapatid ko ibigin mo ng higit pa sa iyong buhay. Sa ganon paraan magpapatuloy ang Aming lahi." Piping sambit ko " A-Ang ganda niya! Amoy Rosas pwede ko na siya lapitan?" Pautal-utal na tanong ng binata " What? A sure! She's name Griselda Grizel nalang ang itawag mo sakanya. Kapatid ko siya Comatose siya pero maayos naman ang lagay niya. " Nakangiti na tugon ko Nagmamadali na tumayo ang binata paglapit niya saakin nanginginig ang kanyang kamay na hinaplos nito ang buhok ng Kapatid ko. Nanginginig ang kanyang kamay na inamoy niya ang dulo ng buhok nito. " Are you alright?" Kunway nagtataka na tanong ko " A E sorry! Nabighani lang ako sa Ganda ng Kapatid mo. Kapitbahay lang kita pwede ko ba siya dalawin?" Tanong nito " Sure! Umaga or hapon lang pwede. Madalas din kasi ako sa Trabaho dala ng schedule ko. " Magiliw na tugon ko " Ang kisig pala ng future brother in-law ko. Nanalaytay sakanya ang dugo ng Lobo at Wizard. Mapagbiro ang Tadhana. " Piping sambit ko " Maaari ko bang haplosin ang kanyang pisngi?" Nahihiya na tanong ni Ryxiel " Sure! Ang Ganda niya para siyang princess. Nag-iisang Kapatid ko lang siya Ilan taon na siya natutulog. " Nakangiti na tugon ko Napangiti si Ryxiel dahan-dahan niya hinaplos ang pisngi ng Kapatid ko " Mate." Bulong nito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD