Chapter 8 Are they afraid of my Soulmate

1997 Words
Gresilda * * " Nakahiga ako sa damohan nandito ako sa gitna ng Garden ko sa bakuran ng Bahay kubo nakatitig ako sa kalangitan nakangiti ako habang iniisip kung ano ang gagawin ko pagnakabalik na ako sa Lugar na pinanggalingan ko. " Sana balang araw muli kaming tanggapin ng kaharain ng Bampira at Lobo. Matagal na panahon na kami nagtatago. Kaya nga ang Kingdom of Witcher ay naging Kingdom of shadow. Sana muli namin maitayo ang aming Kaharian magkaroon kami ng pagkakataon na makapamuhay sa ilalim ng Buwan at Araw. Nahati sa dalawa ang Kaharian ng Witch. Ang lahi ng mabubuting Witch ay nagtayo ng sarili nilang Kaharian. Wala na kami balita sakanila. Ang Lahi kasi namin ay mapanganib kami ang tinatawag na Black Witch dahil pag napuno ng poot ang aming puso nagiging masama kami na aabot sa puntong kaya namin pumatay ng mga inosente. Napakunot noo ako naramdaman ko ang papalapit na yabag, Nanlaki ang mga mata ko biglang dumagan saakin si Ryxiel sinakop niya ang aking labi. Tinaas niya magkabilang kamay ko " Be mine!" Hingal na sabi ni Ryxiel Umalis siya sa ibabaw ko naupo sa tabi ko. Tumingala sa kalangitan bago nagsalita " Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ka naman kagandahan pero hindi ka maalis sa isipan ko. Hinahanap-hanap ko ang labi mo, Natatakot din ako na baka ikamatay mo ang pag marka ko sayo. Ang wolf Mark ay Tanda na pag-aari kita Sa madaling salita makikilala ka ng lahat ng kalahi ko na ikaw ang luna ko. Isa ang kinakabala ko. Sigurado ako magtatawan ako ng mga kaibigan ko dahil hindi kagandahan ang Luna ko. Parang mga totoong princess sa ganda ang kanilang Luna." Wika ni Ryxiel " Hindi pagmamahal ang nararamdaman mo. At hindi ako ang Mate mo, Isa lang akong mababang nilalang sempling tao na gusto lang mamuhay ng tahimik malayo sa mapanghusga ng mga tao, Love is accepting everything about someone. " Malumanay na tugon ko Natigilan si Ryxiel Hindi siya nakaimik sa sinabi ko " Kailangan ko maglakbay hahanapin ko ang nakalimutan Witcher Kingdom. Kailangan ko maayos ang dating Kaharian ibabalik ko ang aming Kaharian at muling ipaapalam sa nalalapit na pagbabalik namin." Piping sambit ko Tumayo ako tumingin saakin si Ryxiel ngumiti ako bago nagsalita " Hindi ako ang Soulmate mo, Hanapin mo ang true love mo. Soulmate is person ideally suited to another as a close friend or romantic partner. Soulmates often feel like you've known them forever, with an instant understanding and ease of communication. But True love involves a deep commitment to the well-being and happiness of your partner, Hanapin mo ang babaeng gusto mo makasama habang buhay. Ang babaeng nagpapasaya sayo ang babaeng tatanggapin ang lahat ng kapintasan mo. Pagmahal mo ang isang tao kahit na siya pa ang pinakapangit na nilalang mamahalin mo parin siya. Love is an intense, deep affection." Mahinahon na wika ko Naglakad na ako pabalik sa bahay naiwan si Ryxiel na nakatulala " Hindi pa ito ang tamang panahon para mapalapit ako sayo. Uunahin ko muna ang sariling problema ko. Siguro kailangan ko ng isa pang reincarnation para sa plano kung pagbabalik sa aking katawan. " Alam ko nahati sa dalawa ang Kaharian ng Witch. Ang Kaharian kasi namin ay dalawang libong taon nagtatago. Ang Lugar kung saan kami naninirahan ni Kuya ay walang oras at walang araw at gabi. Kaya lahat ng nilalang walang pagbabago ang wangis wala din bata sa Lugar namin. Ang mga matatanda sa lugar namin ay Nanatiling matanda. Kaya naging Alamat nalang ang aming Kaharian. Kami ang Sinaunang Witch na inakala ng lahat na matagal nang naglaho. Kaya nagkaroon ng panibagong Kaharian ang natirang witch at wizard pero sa pagkakaalam ko nagtago din sila Napatigil ako sa paglalakad " Kung ibabalik ko ang Kaharian ng Witcher magkakaroon ng panibagong digmaan. Siguro ako pagtatangkaan ng Kaharian ng lobo at Bampira mga nasasakupan ko. Dapat mamuhay nalang kami ng tahimik. Kailangan ko siguro makausap si Kuya sa magandang gawin. Kailangan ko talaga makabalik kay Kuya. " Kausap ko sa sarili ko " Ano ba ang pangalan ni Kuya, Ang ibig sabihin ng kanyang pangalan ay Diyos digmaan at Diyos ng kamatayan. Ang Prinsipe na nagtataglay ng itim na kapangyarihan The dark prince of Witcher Kingdom." Kausap ko sa sarili ko habang naglalakad papasok sa bahay " Kuya O-Orlando? No Magsisimula sa O ang pangalan ni Kuya. O-O nag sisimula tapos hayst basta maikli lang pangalan niya." Naiinis na wika ko " Oden! Prince Oden. " Wika ng pamilyar na boses Napalingon ako sa nagsalita nakangiti si Darcy nakaupo sa Sofa nagkakape siya Lalapit Sana ako pero humangin ng malakas. " Oden! Prince Oden Vesper and I Am Princess Gresilda Vesper at ako ang prinsesa ng dark Kingdom." Sambit ko Biglang lumakas ang hanging nagkaroon ng Buhawi sa kinaroroonan namin ni Darcy unti-unti din nasira ang bahay na kinaroroonan namin. " Ako ang Butler mo Ako si Darcy Fang ang butler ng dark princess half Wolf half wizard." Pasigaw na wika ni Darcy Lumakas pa ng husto ang hangin narinig ko pa ang sigaw ni Ryxiel pero hindi ko na naintindihan ang sinasabi niya. Nanlalaki ang mga mata ko unti-unting humiwalay ang kaluluwa ni Darcy sa katawan nito Bago pa ako makapag salita naramdaman ko na para bang may humihugot sa kaluluwa ko nakaramdam ako ng takot. Hanggang sa tinangay ng malakas na hangin ang kaluluwa namin ni Darcy. Wala na akong maalala sa mga sumunod na nangyari * * Ryxiel * * " Truelove? Oo nga kailangan ko hanapin ang babaeng magpapasaya saakin ang babaeng magpapatibok ng puso ko. Ang babaeng kababaliwan ko. At hindi si Gresilda ang babaeng yon. Para bang may kulang sakanya pero hindi ko maintindihan kung Bakit pakiramdam ko Hindi siya ang babaeng nakatadhana saakin." Napahinga ako ng malalim naglakad ako pabalik sa bahay ni Gresilda natigilan ako sa paglalakad napatingin ako sa kinaroroonan ng bahay ng Dalaga. Nanlaki ang mga mata ko bigla nalang nagkaroon ng Buhawi napatakbo ako ngunit hindi ko malalapitan si Gresilda. Kasabay ng pag-ikot ng malakas ng hangin ay nag-ikot din ni Gresilda nagsisigaw na ako sinubukan ko patigilin ang Buhawi gamit ang kapangyarihan ko. Ngunit bigla itong naglaho na parang bula. Naiwan na nakahandusay ang katawan ni Gresilda at Darcy. Shock ako sa nangyari hindi ko alam kung paano nagkaroon ng Buhawi at bigla nalang naglaho umabot lang ng dalawang minuto ang tagal ng Buhawi bago naglaho. Tumakbo ako palapit sa dalaga kinapa ko ang pulso nito wala nang buhay ang dalaga. Sinubukan ko pang gamotin gamit ang kapangyarihan ko ngunit wala na talaga ganon din ang nangyari kay Darcy Wala sa sarili na niyakap ko ang wala nang buhay na dalaga. Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa bigat ng dibdib ko. Sobrang sakit ng dibdib ko pakiramdam ko nawalan ako ng Mahal sa buhay. Dinala ko sa Wolf Tribe ang katawan ng dalawa. Wala akong kinakausap pagkatapos ko sumigin nag katawan nila sinaboy ko sa dagat ang kanilang Abo. Lumapas ang mga araw wala parin ako sa aking sarili Nakaupo ako ngayon sa balcony. Hawak ko ang maliit na box na bigay saakin si Darcy bago siya nagpaalam na umalis bilang Beta ko. Hanggang ngayon wala akong Beta si Daddy ang namamahala sa Wolf pack ko. Pilit ko inaalala ang mga sandali na kasama ko si Gresilda sa maikling panahon binigyan nya ako ng magandang alaala at aral sa buhay. " Pangako hahanapin ko ang babaeng magpapatibok ng puso ko. Ang babaeng kokompleto saakin. Ang babaeng mamahalin ko ng buong-buo. Hanggang sa muli Gresilda." pabulong na sambit ko " Dude! " Paglingon ako sa nagsalita " Kayo pala tara sa likod bahay magpapahanda ako ng inumin." Malungkot na wika ko sa mga kaibigan ko Pagkalipas ng ilang minuto nandito na kami sa backyard Tanaw namin ang malawak na kakahuyan. May Alak at pulutan sa table nakaupo kami paikot sa table. " She's gone! Ang babaeng pinakita saakin si Luna Andrea. Bigla nagkaroon ng Buhawi sa loob lang ng dalawang minuto naglaho ang Buhawi naiwan ang wala nang buhay na katawan ni Gresilda at Darcy. I like her she's like an Angel." Malungkot na wika ko " She's your Mate?" Tanong ni Ezekiel " I don't know. " Maikling tugon ko " Naalala mo ba ang kwento ng Namayapa mong beta?" Tanong ni Haider Umiling ako bilang tugon " Butler siya ng Isang napakagandang Prinsesa. Kung sakaling bigla syang mawala ng tuloyan ibig sabihin Nakabalik na siya sa Mahiwagang Lugar kung saan Hindi tumatanda ang mga nakatira at hindi sumisikat ang araw at Buwan. " Wika ni Haider " Palagi naman namamatay si Darcy paano mo Masasabi na Nakabalik na siya sa kanyang pinanggalingan." Sabat ni Ezekiel Napatingin ako sa hawak ko na box kasing laki lang ito ng palad ko gawa sa kahoy ang kahon. Binuksan ko ito bumuntong saakin ang isang papel. Kukunin ko sana ang papel pero naunahan ako ni Denzel nag-umpisa nagbasa " Alpha sa oras na binabasa mo to ibig sabihin muli akong binawian ng buhay. Subalit hindi na katulad ng dati Natagpuan ko na ang Mahal na Prinsesa at baka sa sandaling ito nakabalik na kami sa aming totoong katawan. Makapangyahiran ang Aming na Prinsipe kayang-kaya niya ipawalang bisa ang sumpa ni Gresilda. Nalalapit na ang Aming pagbabalik sana maging bukas ang Inyong puso at isipan at matanggap kami. Matagal na kami nagtatago sa kadiliman. " " Gresilda? Ibig sabihin ang Gresilda na nakilala ko ang Prinsesa na pinagsisilbihan ni Darcy. Kaya pala Gresilda ang binigay niyang palangan saakin, Tama ang hinala ko Mate ko ang Dark princess." Wala sa sarili na sambit ko " Princess? Diba Haider isang witch princess ang Luna Stella?" Tanong ni Brian " Ayon sa nalaman ko nahati sa dalawa ang Kaharian ng witch and wizard. Ang dugo ng Mate ko ay sadyang mabuti likas sakanila ang kabutihan. Ngunit ang mawawalang Prinsipe at prinsesa ng Witcher Kingdom ang totoong kinakatakutan nila. Dahil nasa dugo nila ang likas na kasamaan. Malakas ang kanilang kapangyarihan sa puntong kaya nila tayong lipunin." Paliwanag ni Haider Nanlamig ang buong katawan ko nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy ni Darcy. " Sabi ko na nga ba may kakaiba sa dalagang yon. Siya ang mate natin Ryxiel kaya ka nagugulohan dahil ang kaluluwa lang niya ang sumapi sa katawan ng tao. Ngunit ang kaluluwa nyo ay magkaugnay dahil kayo ang nakatadhana sa isat-isa. Ang babae sa Panaginip natin ay ang totoong wangis ng Mate natin. Napakagandang dalaga kahanga-hanga." Sambit ng inner wolf ko " Witch princess ang Mate mo Anak?" Napalingon ako sa nagsalita napangiti ako ng alanganin ang bilis talaga makaunawa ni Daddy. " What the heck? Bakit naman Dark princess ang Mate mo Ryxiel? Paano kung magkaroon na naman ng digmaan. Sabi ng Aking Luna likas na masama ang Lahi ng nawawalang Princess and Prince ng Witcher Kingdom. " Yamot na Wika ni Haider " She's fvckin Dead! She's gone. Wala na akong Mate. " Galit na sigaw ko " She's not! Bumalik lang siya sa Lugar na pinanggalingan nila." Wika ni Brian " I know! Sabi niya saakin hanapin ko ang babaeng magpapatibok ng puso ko. Hanapin ko ang babaeng magpapasaya saakin ang babaeng kababaliwan ko. Ang babaeng gusto ko makasama habang buhay at mamahalin ko ng buong-buo tatanggapin ng buong-buo. Hindi siya masama Siya ang may gawa ng batis na nagpapagaling sa lahat ng uri ng karamdaman. Ang batis na nagbabalik ng lakas ng lahat ng nilalang. Siya ang nagmamay-ari ng bundok na dinarayo ng mga Lobo at Bampira. " Malungkot na Paliwanag ko " Alam mong Witch siya?" Tanong ni Derick " Oo! Ang pulang liwanag na nagmumula sakanya ang nagpapatunay na hindi siya pangkaraniwan. Mabuti siya hindi siya masama Hindi siya tulad ng iniisip nyo. " Malungkot na Paliwanag ko " Likas sakanya ang kasamaan. " Wika ni Haider " Paano naman ako? Siya ang Mate ko. " Pagalit na tanong ko " Kalimutan mo siya." Magkakasabay na bulyaw nila
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD