"Magpakabait kayo at makinig palagi kila sisters. " nakangiting paalala ko sa mga bata ng magpaalam ako sa mga ito.
"Opo ate Cara.Mag-iingat po kayo. Salamat po sa mga pasalubong niyo sa amin.Dalaw po kayo kapag di kayo busy ah." malambing na sagot naman ni Jason,na wala pang balak bumitaw sa kamay ko.
"Oo naman babalik si ate Cara, hindi pwedeng hindi ako babalik dito, mamimiss ko itong mukhang ito."may panggigigil kong kinurot ang cute na pisngi nito.
"kayong lahat mamimiss ko."sabi ko pa ng hindi maawat ang ngiti sa kanila.
Si sister Elma ay lumapit sa akin para kuhanin si Jason.
"Sige na mga bata,awat na at baka ma traffic si ate Cara at kuya Dexter ninyo."napawi ang ngiti ko sa sinabi niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at sa taong nakatayo na naghihintay sa akin.I left no choice, hindi papayag sila sisters na babalik akong Quezon City na mag-isa lalo na sa nangyari kahapon. Hindi ko rin inaasahan kaninang umaga na makita pa ito dito sa shelter, ayon kay sister Elma, ay pinakiusapan nila itong wag munang umuwi dahil sa nangyari sa akin. Ang hindi nila alam na itong taong ito ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay.
"Cara Iha,sigurado ka bang maayos na ang pakiramdam mo?" si sister Anabel,na may bitbit na maliit na box na naglalaman ng mga ginagawa nilang personalized bracelet na binibigay ko sa aking mga fans.Kinuha iyon ni Dale sa kaniya at pinasok sa compartment ng kaniyang kotse.
"Okay na po ako sister Anabel,nakapagpahinga na po ako buong gabi, 'wag po kayong mag-alala. "I lied to her. Ang totoo wala akong maayos na tulog kagabi dahil sa nangyaring komprontasyon namin ni Dale. Katunayan ay masakit ang ulo ko na ininoman ko lang mg gamot para hindi na lumala.May mall show ako sa araw na ito at hindi pwedeng hindi ako makakarating sa tamang oras dahil sa malapit ng ipalabas ang bagong gawa kong movie.
"Kapag hindi maayos ang pakiramdam mo, kung maari ay magpahinga ka muna sa trabaho mo. Mahirap ang magkasakit Cara," muli pa niyang paalala. I smiled at her.
"Tatandaan ko po ang mga sinsabi niyo sister. "I hugged her.
Dito sa shelter parang magulang ko na rin sila. They always cared for me. Kung noon halos manlimos ako ng pagmamahal sa kapwa ko. Ngayon, naramdaman ko kung paano ang mahalin at pahalagahan.
"Doc Dexter, mag-iingat kayo sa pagmamaneho ha,gabayan nawa kayo ng panginoon ."sister Elma told and handed him a tiny box .I know it's a rosary dahil ugali ni sister Elma ang mamigay ng rosary sa mga nakakadaupang palad niya.
" Opo sister, and thank you for this. See you again soon. Mag-ingat po kami ni Be– Cara. " hindi ko na binigyan pansin ang sinabi niya at ang pinag-usapan nila. Nauna na akong sumakay sa nakabukas ng driver seat ng kotse niya. Kahapon si Rina, ang may gustong sumakay dito pero hindi ko akalain na ako ngayon ang sasakyan dito kasama siya pauwi. I held a sigh. This gonna be a longest ride of me for today.
Masyado akong ukupado sa kakaisip kung paano ko malalagpasan ang mga sandaling ito kasama siya kaya kahit nakapasok na ito ng kotse at umandar na hindi ko na namalayan. Natauhan lang ako ng bigla nalang nitong nilapit ang mukha sa pisngi ko.
"What are you doing? "may pang akusa kong sikmat dito.
"Ikakabit lang natin ang seatbelt mo." para akong sinampal sa narinig. Gusto kong piktusan ang sarili ko dahil sa simpleng galawan niya ay nawawala na naman ako sa huwesyo. I hate myself for having this feeling. A feeling that always defeating the barrier I want to build between me and him.
I don't have a feeling for him anymore. Pero bakit hindi ko parin maalis sa isip ko ang katotohanan na siya parin ang nag iisang lalakeng hindi ko kayang makasama ng matagal at ayokong malapit sa akin ang ganito.
I cleared my throat and composed myself.
"I don't need your help. "I blankly said and telted my head.
Kung may choice lang ako sa araw na ito hindi ako sasabay sa kaniya .Kuya Arman can't able to pick me up because of the sudden emergency sa pamilya niya. Ito rin daw ang dahilan kung bakit nauna silang umuwi kahapon ni Rina, ngunit hindi parin mawala sa agam-agam ko na sinadya talaga ni Rina ang iwan ako sa lalakeng ito. Pwedeng umuwi si kuya Arman sa emergency sa kaniyang pamilya, pero ang sumabay si Rina dito ay hindi ko mapaniwalaan.
Halos kalahating oras na kaming nasa byahe at walang kibuan. Ngawit na ang leeg ko dahil kalahating oras nang nakadungaw sa labas ng bintana ng kotse niya. I don't want to look at him. Mas gustuhin ko pang magka stiff neck kesa makita ang pagmumukha niya. Kung pwede ko lang lakarin pauwi ginawa ko na 'wag lang siyang makasama.
I was occupied with the deep thought when he suddenly asked this.
"Is Justine,courting you?"
Hindi ko alam ngunit muntik na akong matawa sa tanong niya. Justine is a good friend and I know na mag bestfriends silang dalawa .
Hindi big deal sa akin iyon. Ang mahalaga ay nagkakaunawaan kami ni Justine, magkasundo kami sa maraming bagay, kahit hindi pa man kami ganun katagal naging magkaibigan ay napalapit na ang loob ko sa kaniya.He is nice to talk and to be with. Mula ng magkausap kami sa simbahan ay naging malapit na kami sa isa't isa.
Madalas din kaming nagkikita sa labas para kumain at siya palagi ang taya. He's nice. Komportable ako sa kaniya.
And about his late fiancée—unti-unti narin niyang natatanggap ang pagkawala nito. Sa katunayan nga ang sabi niya sa akin ng huling araw na nagkausap kami ay mayron na itong nililigawan.Its sound fast for me dahil ilang buwan palang na mula ng mamatay ang sana'y mapapangasawa niya at nakahanap na siya ng muling nagpatibok ng puso niya. Pero pinili kong unawain siya at maging masaya para sa kaniya. Its his life after all, hangga't masaya siya I will support him. Because he needs to be happy. He needs to heal from his past. He needs someone who will loved him genuinely.
Humingi na rin ito ng sorry ay Tami.Sa katunayan nga ay nakaraang araw lang ay naimbitahan ito ni Tami,na mag dinner kami sa bahay.We enjoyed and of course hindi ito umuwing walang pa movie mula kay Tami,at gaya ng inaasahan ay mga nagawa ko nang pelikula ang mga binida nito sa una. Justine, is kind person habang nakikilala ko siya nararamdaman kong mabait siya.
" Why so curious?" I frankly asked him. Nanatili akong nakadungaw sa labas.
"I just...wanted to know. He's my bestfriend.." I smirked and telted my head to face him.
"So what if he's courting me.He's a nice guy and very much single. "his eyes on the road.
"Yes. But he's not what you think. Since Amy's passing, marami nang nagbago kay Justine.He's been with any other girl. He's one woman man then, but when Amy died. He changed a lot. He don't even talk to me sometimes. Ang layo niya sa akin Bella. "he said na parang batang nagsusumbong.
I chuckled.
"I thought he's your bestfriend. May kaibigan bang sisiraan ang kaibigan niya sa ibang tao.Ibang klase ka rin."mapakla kong sinabi.
"I'm just telling the truth. "he depend his self.
"Kung sinasabi mo lang ito para iwasan ko si Justine, nagkakamali ka. Mabuti siyang tao sa akin. At handa akong kilalanin pa siya. "umigting naman ang kaniyang panga.
"I'm just concerned about you... "he gently said that made me chuckled again.
"Concerned? Wow, talaga? "
"Bakit noong sinaktan mo ba ako may concerned ka ba no'n sa maaaring maramdaman ko? Inisip mo ba kung anong maramdaman ng panget na pinaasa at niloko mo?"hindi ko napigilang isumbat dito.
"Kaibigan ka lang niya. "I added when he remained quiet.
"Oo kaibigan ko si Justine, pero may pakialam ako sayo,ayokong saktan ka lang niya.Kung nanliligaw man siya sayo.Bella,listen to me.. I saw him yesterday with someone. He's not serious with his feelings for you."
Naging matulin rin ang takbo ng sasakyan dahil sa pag-uusap namin. Parang ang kalahati ng kaniyang emosyon ay sa manebela nito binuhos. Napahawak ako sa aking seatbelt .
"I don't need your opinion. Buhay ko ito at wala kang pakialam kung sino man ang gusto kong maging parte ng buhay ko. Bakit sino ka ba para lecturan ako sa buhay? Kase sa pagkakaalam ko isa ka lang naman sa mga naging dahilan kung bakit ako ganito." May bahid ng galit kong sambit dito.
"And can you please stop the car, ayokong mamatay kasama ka." hindi maitago ang kaba ng sabihan ko iyon sa kaniya.
Huminto ito sa gilid ng kalsada. Humarap ito sa akin sa namumungay niyang mga mata.
"Sorry. "he apologize. "Please, don't go, ihahatid kita sa inyo. I told sisters na iuuwi kitang maayos. "his said with soft voice.
"Can we talk first? "he ask carefully.
"Hindi ba at kanina pa tayo nag-uusap? Late na ako sa lakad ko, kaya sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin. Pagkatapos nito. I don't want to talk to you anymore. "I said clenching my fists tightly.
He didn't waste a second and speak immediately. His eyes almost begging.
" Yes. I admit that I've hurt you. And I don't want to see you hurting again. Tama na ang isang pagkakamaling nagawa ko sayo. Gusto kong itama ang mga pagkakamali ko sayo Bella. Hindi ko hahayaang masaktan ka ni Justine.Kahit sa ganong paraan man lang makabawi ako sayo sa lahat ng pagkakamaling nagawa ko.Hindi ko man makuha muli ang pagmamahal at tiwala mo sa akin gusto ko lang ay mailayo kita sa mga taong manloloko sayo,gusto kong—"
"I don't need you nonsense words. Wala akong nakikitang mali kay Justine. Wala rin sigurong masama kung tanggapin ko ang pag- ibig niya. I am not your obligation, kung masaktan man ako. kasalanan ko na yun dahil ginusto ko. Ang mali ay iyong nagpatuloy ako kahit uno pursyento ang pag-asang mamahalin ako ng isang taong sinungaling kagaya mo."he look at me with apologies in his eyes.
The apology is too late Dale,nasaktan na ako.