Kabanata 17-sorry

1964 Words
Naglalakad ako sa pasilyo ng paaralan kung saan ako nag-aaral nang biglang may tumamang bagay sa aking ulo. Nakita ko'ng iyon ay mga nilukot na papel at 'yong iba naman ay mga pinag-bubuhol-buhol na panyo at bote ng mineral.May bumuhos din sa akin ng tubig. May bumato sa akin at hindi ko na alam ko'ng ano pa ang mga iyon. Nakayoko akong umiiyak sa sakit na natamo at hindi pinansin ang mga kapwa ko estudyanteng nakapaligid sa akin. Pinulot ko ang aking salamin sa cemento at nagpatuloy sa paglalakad ng hindi sila pinapansin. Sa labing walong taon ko sa mundong ito ay wala akong ibang naranasan kundi pangungutya at panlalait ng mga taong aking nakakasalamuha. Katulad ng iilan ay isa ako sa mga nakararanas ng diskriminasyon ng lipunan.Isa ako'ng pangit na nilalang na kung tratuhin ay kasuklam suklam. Hindi ko naranasan na magkaroon ng kaibigan sa paaralan dahil lahat ng mga kaklase ko ay pinandirihan ako sa aking anyo. Maitim, mataba, malaking ilong, makapal na labi at puno ng tigwayat na mukha.Mahaba at buhaghag na buhok ang mayroon ako.Nakausli na ngipin na hindi pantay na ko'ng tingnan ay matatakot ka talaga dito.Sa maikling salita isa ako'ng pangit at mukhang halimaw sa paningin nila. "Ahhh,pangit! Dali,bilisan n'yo! kailangan natin siyang palayasin dito sa eskwelahan baka mahawaan pa tayo ng kapangitan niya!"wika ng isang babaeng estudyante na kasama sa mga nambato sa akin. "Oo nga hindi siya bagay dito sa ating pinapasukan! Isa s'yang halimaw na dapat alisin dito.Hindi siya dito bagay, doon siya bagay sa gubat kasama ng mga mababangis na hayop kase mukha siyang unggoy!"sang ayon naman ng isa sa mga kasama nito. Nagtawanan silang lahat. Sanay na ako kung tutuusin sa mga husga ng mga tao sa aking anyo.Subalit hindi ko pa rin maiiwasan na masaktan sa naririnig ko. Madali lang sabihin na hindi na lang pakinggan ang kanilang mga sinasabi,ngunit 'pag puso mo na pala ang nakaramdam, sobrang sakit. Napahinto ako sa paglalakad ng biglang may humablot ng aking buhok. Marahas ako'ng hinila dahilan para ako ay matumba. Para ako'ng basahan na basta nalang nila winawasiwas ng mga kasamahan n'ya.Nabitawan ko ang mga librong hawak ko pati ang aking bag.Wala akong magawa dahil marami sila." Tama na, maawa kayo sa akin. "daing ko ngunit hindi nila ako pinakinggan. Hinihila nila ako palabas ng paaralan,ang sakit ng buong katawan ko dahil sa sementong nakadapat sa aking balat.Kahit anong sigaw ko sa kanila na tama n hindi pa rin sila tumitigil.Ramdam ko ang mga sugat sa aking balat dala ng semento. Para akong basura sa kanila na nakakadiri at nakakalason na dapat ng itapon para hindi makadala ng sakit. "Bagay lang 'yan sayo,siguro naman madadala ka na niyan."anang isang boses ngunit hindi ko iyon makita kung sino.Pamilyar ang kaniyang boses ngunit dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko ay nandilim ang aking paningin at para akong himatayin anumang sandali. "Bitawan niyo siya!"may narinig akong boses ng isang lalake.Naramdaman ko ang pagbitaw ng mga grupong iyon sa akin. Maging ang mga yabag nilang papaalis ay dinig ko pa. "Miss okay ka lang?" binuhat niya ako. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero bago pa man ako nawalan ng malay ay nakita ko pa ang maamo at gwapong mukha nito. Nagising ako na tila may matang nakatingin sa akin. Nasa isa akong maliit na silid na gawa sa kahoy na hindi pamilyar sa akin. Huli kong naalala ay pinagtulungan ako ng aking mga kaklase at hinila palabas ng campus.Ngunit may isang lalaking sumaklolo sa akin. Sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga. Napansin kong may benda ang magkabilang tuhod kong nasugatan dahil sa mga kaklase kong walang mga puso. Biglang nanubig ang aking mga mata ng maalala ang ginawa nila. Anong kasalanan ko at kung etrato nila ako ay para akong basahan at basura. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" Napakislot ako at napasiksik sa hamba ng may kalumaang papag ng biglang may bumungad na lalake sa nakabukas na pinto nitong silid. Naalala ko ang mukha niya, siya ang tumulong sa akin sa aking mga ka eskwela. "S-sino ka? S-saan ako? " lalo akong sumiksik sa hamba ng papag ng palapit ito ng palapit sa deriksyon ko. Wala sa loob kong kinuha ang nag- iisang unan sa tabi ko at pinagtakip iyon sa aking mukha. "'Wag kang matakot sa akin, hindi ako katulad nila na sasaktan ka." aniya pero hindi parin ako dito kombinsido. Nanatili akong nakakubli sa unan na hawak ko. "Ako nga pala si Dexter Dale, isa akong kaibigan." patuloy niya. "Bakit mo ako tinulungan? Hindi ka ba natatakot sa akin at sa etsura ko?" nakasilip kong tanong dito. Ngumiti ito dahilan para lumabas ang magkabilang dimples sa gilid ng labi kanjyang labi.Mas gwapo pala ito kapag ngumiti. "Bakit naman ako matatakot? Wala ka namang ginagawa sa akin. At wala namang masama sayo. Alam kong mabuti kang tao, kaya tinulungan kita. "parang may kung anong humaplos sa puso ko sa kaniyang sinabi. Hindi ko inakala na ang isang katulad niyang gwapo at mukhang mayaman ay tutulong sa akin.Malayo siya sa mga nakakasalamuha kong mapanghusga sa kapwa nila. "Uuwi na ako."akma akong tatayo pero bigla akong nahilo at napahawak sa aking ulo. "Magpahinga ka muna saglit .May sugat ka pa sa ulo kaya ka nahihilo. "hinawakan niya ako sa balikat at inalalayang mahiga ulit. Masyado siyang malapit sa akin. Lalo ko rin natitigan ang magandang anyo niya. Sa lahat ng lalakeng nakita ko sa campus. Siya ang pinaka may maamong mukha. Siya ang tipo na parang pam-pari ang datingan. Parang hindi marunong magalit. "Anong oras na? " " Alas singko nang hapon. Ito,kumain ka muna para bumalik ang iyong lakas.You need to take medicine too, para d'yan sa sugat mo. " sunod ang pag iling na ginawa ko. "Busog ako. Gusto ko na talagang umuwi. Baka hinahanap na ako ng mga magulang ko. "nag-aalala ako kay mama at papa.Dapat kaninang alas tres pa ako nakauwi. Ayoko silang pinag -aalala, nangako ako sa kanila na mag-aaral akong maayos at umuwi sa tamang oras. At ayokong sirain ang tiwala nila sa akin dahil kung hindi ay muli akong mananatili sa bahay. Gusto kong maging normal na estudyante. Gusto kong magkaroon ng kaibigan sa labas pero kahit hindi iyon kailanman mangyayari. Kailangan ko parin panindigan sa aking sarili na kaya kong makisalamuha sa mga normal na tao. Kahit na ang totoo'y halos karamihan sa kanila ay kinukutya ako dahil sa etsura ko. Pero itong lalake sa harapan ko. Hindi natatakot sa akin bagkus tinulungan pa ako sa kamay ng mga pareho kong mag-aaral kanina. Napansin ko rin na iisang uniporme lang ang suot namin. Kumuha ito ng gawa sa kahiy na stall at nilagay doon ang dala niyang tubig ang mangkok na umuusok pa ay hinwakan niya. Sumandok ito gamit ang kutsara tapos saka hinipan iyon. Hindi ko inaasahan ng bigla niya iyon nilapit sa aking bibig. "Eat this, para bumalik ang lakas mo. After this, iuuwi na kita sa inyo."utos iyon na mukhang nakakahiyang tanggihan. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sariling maganang kumain habang sinusubuan niya. "There, you finish the lugaw. Ito gamot at tubig. "inabot ko ang basong hawak niya kaya hindi sinasadyang nasagi ko ang kamay niya. Para may kung anong kuryenteng mabilis na dumaloy sa ugat ko tungo sa aking puso. Ito na ba ang sinasabi nila na pag nagka crush o pag may nagustuhan kang isang tao may spark kang nararamdaman at bumibilis ang t***k ng puso mo? "Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?"mahinang usal ko. "May sinabi ka? "aniya. "Wala, ang sabi ko. S-salamat."nginitian ko ito na bigla naman niyang ikinagulat. ****** Natagpuan ko ang aking sarili sa isang pamilyar na kwarto, Nilinga ko ang paligid at hindi ako nagkamali. Nandito ako sa kwarto ko dito sa bahay ampunan. Bago ako nawalan ng malay ay si Dale, ang kasama ko. Pinili kong huwag na munang tumayo. Pakiramdam ko kase pagod ang buong pagkatao ko sa hindi inaasahang pag-uusap namin kanina. I promised to myself na hindi na ako magpapa-uto pa sa kagaya niya. Hindi na mangyayari iyon. Tunog ng pinto ng sunod kong narinig na bumukas at ang lalakeng dahilan kung bakit ako nakahiga sa silid na ito ay ang iniluwa. "You're awake.. how are you feeling? may masakit ba sayo? God!baby you made me worry." He rushed beside me. He's eyes full of worries. Matalim ang mata kong nakatingin sa kaniya. "Nagugutom ka ba?ano ang gusto mong kainin? " tanong niya ulit pero hindi ko parin ito sinasagot. He didn't even bother the glare I give Him. He even tries to reached my hands pero hindi niya rin tinuloy ng makitang bigla ko itong kinuyom. Napahiya itong at nagbaba ng tingin. "Nauna na palang umuwi si Rina,dahil may mahalaga raw siyang aasikasuhin. "He told carefully. He still can managed to smile at me na parang walang nangyari. The nerve of this man! Ayoko ko pa sana siyang pansinin pero ng mag sink in sa utak ko ang sinabi niyang naunang umuwi si Rina, ay nagulat ako. Nagawa niya akong iwanan sa sitwasyon kong ito? I can't believe Rina, can do this to me. Hindi niya ako basta- basta nalang iniiwan lalo pa kung sa ganitong pagkakataon. Hinimatay na nga ako't lahat hindi man lang niya ako hinintay na magising bago iwan. "Anong sinabi mo? Rina, leave me here?"I said like He's a stranger to me. Ganun naman talaga dapat ang trato sa kaniya. Stranger. Bumangon ako kahit nahihilo. Kailangan kong tawagan si Rina. "Just take a rest.You look pale and—" "Bakit ka pa nandito?" I hazed. "I want to stay with you. " I smirked. "Well, I don't need you here. Bakit sino ka ba? Ano ba kita?" pain plustered in His eyes. "Bell—Cara, I know I've cause you so much pain before.Mahirap man paniwalaan pero nagsisisi ako sa ginawa kong panloloko sayo. I hurt your feelings. I hurt you. " bored mo siyang tinapunan ng tingin. "Are you done talking?" "Hindi ko pipilitin na mapatawad mo ako kaagad, pero kahit araw- araw pa akong hihingi ng tawad sayo sa lahat ng nagawa ko gagawin ko.Para kahit papaano ay maibsan man lang ang sakit na dulot ko d'yan sa puso mo. " "Mahirap gawin ang sinasabi mo, hindi madali ang magpatawad sa mga kagaya mo lalo pa't malalim ang naiwang sugat na tinarak mo sa puso ko.Pinaglaruan mo ang damdamin ko at hindi ko alam kong mapapatawad pa ba kita.Kahit ilang taon na ang nakaraan dito parin yon, nakatatak na. "wika ko habang tinuturo ang aking puso. "Pero alam mo,kong hindi mo siguro ginawa yon hindi ko pa kinaawaan ang sarili ko.Nanatili parin siguro ako sa halimaw kong anyo.Dahil sa ginawa mo,sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako muli pang masasaktan ninuman lalo pa kung ikaw lang naman ulit ang magiging dahilan. Thank you ha, for motivating me to changed for the better. Masaya ako dahil kahit paano ay nakaya kong tumayo sa sariling kong mga paa ng hindi na kinakailangan pa ang tulong nang kahit na sino. Lets forget each other.Lets act like a strangers to each other. I will forget you and you will forget me too. " I confronted Him. He shake His head as a sign of disagreement. Tumayo na ako at hindi ininda ang hilong nararamdaman. "Bella.." He called me. I pretend I didn't hear Him .Tinungo ko ang pinto para lumabas kase pakiramdam ko masyadong masikip ang silid na ito para sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD