Kabanata 16-Her revelation

1249 Words
Life is full of surprises. And I want to throw Him a surprise. A surprise that will make Him stunned a while. Kung may binabalak man kayo ni Charlotte, you can't ruined me. I can dance with you,kahit pa anong ritmo.I don't care at all.It's time to face you. This revelation won't changed a fact that my heart hurt so much. And it's because of you Dale."What if bumalik siya? " "I love her, at mahal ko lahat sa kaniya.I dont't care kung nagbago man ang katawan niya at ang mukha.Kahit pa ang ugali, kase alam kong at the end of the day siya parin siya. Deep in Her heart the real Her is still there.I know how big Her heart is. Hindi makapagpabago sa isang tao ang kaniyang pisikal na anyo sa tunay na nilalaman ng kaniyang puso." I was stunned when He starred at me in my eyes. Hindi mo alam kung saan ko iiwas ang aking mga mata. The next thing He did, really shock me. He reached my face as if He's memorizing every part and tip of it. Para akong yelong unti-unting natutunaw sa ginawa niyang iyon. I shut my eyes to covered my traitor tears. Pero kahit pumikit man ako alam kong makikita niya parin ang mga pesteng tubig na hindi ko maawat sa mga mata ko.The memories of the past keep flashing back.Ganito ang palagi niyang ginagawa kapag nalulungkot ako. Siya ang karamay ko noong mga panahon na binu-bully ako ng mga kapwa namin estudyante. Siya lang ang tumanggap sa akin sa kabila ng aking panget na etsura.Pero hindi pala iyon totoo dahil nahulog lang ako sa mga patibong niya.He's really good in acting. Pwede na siyang artista dahil ramdam ko kung paano niya haplusin ng may pagmamahal ang aking bagong mukha. Hindi mo na ako maloloko pa Dale. Hindi na. Bakit ikaw rin naman ah, magaling ka rin magpanggap.Wala naman sigurong masama sa sinabi niya, ibig lang sabihin no'n ay mahalaga ang taong yon sa kaniya kaya ganun na lang ang din curious niya sayo.Kase nakikita niya sayo si Bella which is ikaw naman talaga yon, hindi mo pa ba ramdam na mukhang seryoso naman iyong tao? Hindi masamang magpatawad, lahat naman ng tao nagkakamali ,why don't you gave him a chance? Tell him na ikaw si Bella, na nagpa- plastic surgery ka dahil sa kaniya,dahil sa niloko ka niya. 'Yan naman talaga ang dahilan mo kung bakit ka nagpaganda diba? Kase hindi mo matanggap na ang kaisa-isang lalaking minahal mo ng bongga niloko ka.Pero ngayon He is telling you na mahal ka niyang talaga, and it's sounds so real naman ateng kahit hindi mo man aminin deep in your heart you still loves Him.Walang nagbago sa nararamdaman mo para sa kaniya, forget the past ateng ,and face the reality.Ito ngayon ang mahalaga ,pwede niyo pang linawin ang feelings niyo para sa isa't isa. Tell Him that it's you.. The Bella, His said He's been looking for a long time.. mahabang ukil ng aking isipan. Pakikinggan ko ba ang sabi ng aking isip? Aminin ko man sa hindi sa tuwing nagku-krus ang aming mga landas lalo lamang ako'ng nahihirapan pakisamahan siya para magpanggap na hindi ko ito kilala. Mahirap magpanggap na ibang tao sa taong may malaking bahagi sa buhay mo. nagagalit ka sa sarili mo dahil kahit nagawan ka na niya ng mali, para lamang itong panaginip na agad mo ring nakakalimutan t'wing nakakasama mo siya, bakit napakadaya ng puso? Hindi ko na alam ngunit sa pagkakataong ito kusa na lamang nagpatuloy sa agos ang aking mga luha,para itong gripo na hindi mahinto -hinto.. Nagulat ito ng makitang umiiyak ako. Yes, sinaktan niya ako. Pero may puwang parin siya dito sa aking puso. "Are you okay? " He asked worrily. "Bakit? bakit mo nagawa sa akin 'yon?Ano bang kasalanan ko sayo at sa dinami-rami ng taong pwede mong saktan ako pa na halos nanlilimos nalang noon nang pagmamahal ng lipunan. Ako na walang ginawa kundi ipagsiksikan ang sarili sa mundo niyong mga normal at walang kapintansan sa katawan. Wala naman akong ibang ginusto kundi ang maging normal din tulad niyo.Kahit sinusuka na ako ng mga ayaw sa akin hindi ko parin iyon pinapansin dahil ang gusto ko ay mapatunayan ang sarili ko na kahit kakaiba ako, na kahit mukha akong halimaw sa mga mata ninyo, kaya ko rin makipagsabayan sa inyong mga perpekto.Dumating ka at binago mo ang pananaw ko sa buhay, ang mababang kumpiyansa ko sa aking sarili ay itinaas mo.Naging mas porsigido pa akong tuparin ang pangarap kong makapagtapos ng kolehiyo dahil alam ko na sa t'wing nan'd'yan ka ligtas ako, na.. na wala nang makakapanakit pa sa akin.Pero anong ginawa mo? niloko at ginamit mo lang pala ako para sa pansarili mong kaligayahan. Nagpagamit ka kay Charlotte, para sirain ako,sinira niyo lahat.. lahat ng pangarap ko.Kaya paano mo masabi na mahal mo ako,kung sa umpisa palang sinaktan mo na ako at dinurog ng pino. " wala na akong pakialam pa kong nasabi ko iyon sa kaniya. Hindi ko na kayang kimkimin pa ang sakit sa aking puso na tinago ko ng mahigit anim na taon. No more hiding from the pain. Saka ko na iisipin ang plano ko kapag humupa na ang emosyon sa puso ko. "B-bella...god,Bella,sorry.. "tanging salitang namutawi sa kanyang labi. "Bella.. Patawarin mo ako,god!you're real, hindi nga ako nagkamali na ikaw nga ito. Bella, patawad sa lahat, sorry kung sinaktan kita noon, totoong minahal kita.Nagsisisi ako at hindi ko pinakinggan ang puso ko.Mas pinili kong manatili kay Charlotte,kahit na ang totoo ay hindi pala siya ang makakapuno ng kasiyahan ko, Hindi ko 'yon mahanap sa kaniya, wala akong nakapang kasiyahan sa puso ko t'wing kasama ko siya.Ikaw. .ikaw lang ang sinisigaw ng puso ko. Hindi ko lang maamin sa sarili ko na mahal na kita,hindi ko lang matanggap sa sarili ko na sa kabila ng pagdabong ng pagmamahal na iyon ay ang katotohanan na niloko kita. Sorry kung hindi kita pinaglaban, sorry kung naging makasarili ako.Sorry ,sorry kung mas pinili kung saktan ka."muling bumangon ang galit ko sa kaniya sa mga sinabi niya. Muling nabuhay ang lahat ng sakit na ginawa niya sa akin. I harshly wipe my tears and slap Him. Hindi pa ako nakontento at pinagpapalo ko pa ito sa dibdib at kung saan pang madaanan ng aking naginginig na mga kamay. Nanatili lamang siyang nakatayo at hinayaan akong saktan siya.Namumula ang mukha nito na umiiyak habang nagpapaubaya sa mga palo ko sa kaniya. "I hate you! I hate you! I hate you!" halos hindi ko na marinig ang sinabi ko dito.Para akong nawalan ng lakas at boses. Nanghina ako at nagpadausdos sa sahig ngunit hindi ako bumagsak kundi sa kanyang matitipunong mga bisig. Niyakap niya ako.Yakap na may pagmamahal at pangungulila. Wala na akong lakas pa upang pigilin siya. Hinang-hina ako at biglang nandilim ang aking mga mata. "Sorry my baby. Sorry for hurting you,bigyan mo lang ako ulit ng isa pang pagkakataon at itatama ko lahat ng pagkakamali ko sayo noon.I love you my Bella.. Ikaw lang ang mahal ko wala nang iba." iyan ang huling salitang narinig ko mula sa kaniya hanggang sa tuluyan ng pumikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD