Ilang segundo pa ang namagitang katahimikan nang basagin iyon ni Tami.
"Sure dok, Cara.. check ka lang ni Doc' Martin, ha. " napakislot ako nang maramdaman kong hinawakan ni Tami. ang kamay ko. Nagkatinginan kami saglit.
Bakit sa dinami-daming doktor sa Pilipinas, siya pa ang naririto?
Hindi ba at gusto mo pa rin maghiganti? Sa ginawa niya sayo? ukil ng isip ko.
Pero bakit ako kinakabahan? Ayoko'ng maramdaman ito,ayokong kinakabahan 'pag nasa harapan ko ang lalaking ito.
"How are you feeling, Miss Del Castillo?" he carefully asked while looking at me.(masakit, kasing-sakit nang ginawa mo noon sa akin.) gusto ko sanang sabihin.Pero hindi ko maibuka ang aking bibig,ayokong magkamali sa aking sasabihin,ayokong kong mautal sa harapan niya. Matagal ko na siyang pinatay sa isip ko at puso kaya dapat hindi ako maging apektado.Dapat gamitin ko ang pagiging artista ko.Kung pwedeng itago ang matinding galit na naipon dito sa puso ko para sa kanya gagawin ko.Maisakatuparan ko lang ang plano kong paghihiganti dito.
"I. I don't know kong kaya ko nang lumabas ngayon..masama pa ang pakiramdam ko.Nahihilo ako at nanghihina. " nagkunwari akong nanghihina.
"Tinurukan kita kanina ng gamot para hindi tumaas ang lagnat mo.Normal lang ang hilong nararamdaman mo sa ngayon, epekto yan ng gamot.Pero since nanghihina ka pa.Pwede kang mag stay dito sa ospital ng ilang araw kung gusto mo." Sinalubong ko ang mata nito.
Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Okay dok, siguro dito muna ako para makapagpahinga na rin ng maayos."sabi ko.Nagkunwari din akong umubo sa harap niya para epektibo.
"Okay, ililista ko lang ang mga gamot na kailangang bilhin,ng mainom mo na kaagad."aniya ng hindi maalis ang titig sa aking mga mata. Nais ng bumitaw ng paningin ko sa malalim na titig niya, pero mas pinili kong tapatan iyon ng mas malalim pa.
Kong kaya mong makipag titigan kaya ko rin.bulong ko sa aking isip.
Gusto kong matawa ng ito rin mismo ang unang nagbaba ng tingin.Tinuon nito ang atensyon sa paglista ng mga gamot na kailangan ko. Matapos niyang maisulat ang mga gamot na kailangang bilhin ay inabot niya iyon kay Tami, na awang ang labing nakatingin sa amin. Lihim akong nangiti sa reaksyon ni Tami. Lumipat rin ang tingin ko kay Rina, na kanina pa yata nakalimutang ipasok sa bibig ang isang hiwa ng orange na hawak niya.Hindi ko sila masisisi kung ganon nalang ang reaksyon nila. Hindi ko naman kase gawain ang magpa cute sa lalaki.Ang totoo n'yan,marami na sa mga kapwa ko artista ang binasted ko dahil ayaw kong pumasok muli sa isang relasyon.
Tama na ang minsan akong nasaktan.
"If you need anything, tawagin niyo lang ako. I'll go ahead, bibisitahin ko lang ang iba ko pang pasyente.."aniya ng maiabot na kay Tami ang reseta. Tumalikod na ito para lumabas ng silid.
"Dok.."may halong landi kong tawag dito.Lumingon naman ito.
"Thank you. "nakita ko kung paano ito nagulat at agad rin nakabawi. He genuinely smiled na kulang nalang ay ikalunok ko ng sariling laway. Those tiny dimples.
"No worry.It's my duty to take good care of my patient." he said at tuluyang na itong lumabas.
Okay!
Back to reality.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Teaser palang 'yan Dale, hindi pa ako nag-uumpisang maningil.
Tumingin ako kay Tami at Rina. Tulala pa rin sila.
"Hey guys! What's wrong?! " patay malisyang pukaw ko sa kanila. Mahina pa akong natawa ng hindi pa rin sila nakapagsalita. "Hey! "pukaw ko ulit sa mga ito. Napatikhim si Rina, at tuluyan ng isinubo ang orange niya.
"Ang landi... first time kong nakita 'yon ah.Kinukombulsyon ka ba Miss, at si poging dok ang nasampulan mo nang kalandian? "nakataas ang kilay niyang tanong sa akin. Hindi pa ito nakontento.Lumapit ito sa akin at kinapa ang leeg at noo ko.
"Ay wala na talagang lagnat.."si Rina, na mukhang approved sa nakita kaninang eksena.
"Ang barbie ko, dalaga na.. thanks god sa virus na dumapo sayo at tinablan ka na rin ulit nang kalandian. "nangunot ang noo ko ng dumagdag rin si Tami.
Walang paalam kong kinuha sa kamay ni Rina,ang dalawang hiwa ng binalatan niyang orange at kinain ng may ngiti.
Dahil ramdam kong malapit na akong makapagsimula sa plano ko.
"Grabe. Lakas maka landi Tita Loisa.Check niyo nga ang dibdib,ng masiguro natin kong nasa align pa,baka kase tumabingi na." nakakalokong ngumiti si Rina. Ngumuso ako.
"Heh! "kunwari'y pagsusungit ko. Tinawanan naman nila akong dalawa.
Hindi ko sila pinansin.Bumalik ako sa pagkakahiga at ipinikit ang mga mata. walang kaalam-alam si Tami,sa katauhan ng lalaking nanakit noon sa akin. Ayoko na malaman pa niya. Nang sa ganoon wala ng hahadlang pa sa mga plano ko.
"Ah, I knew it!"nagbukas ang talukap ng aking mata ng marinig ko ang pitik ng daliri ni Tami. Napatingin ako sa kaniya na pabalik-balik ng lakad sa harapan ng hospital bed ko. "Kaya pala kanina pa ako isip nang isip, kung saan ko siya nakita.Hindi ko lang ma figure out kanina.Siya ang sinasabi ko sayong kasama ni Mr. Gonzales sa presinto noong isang araw, Oh my god barbie!Di kaya siya na ang destiny mo.Dahil una,sa presinto kayo nagkita. Ngayon naman siya ang doctor mo." bahagyang nagtayuan ang mga balahibo ko sa sinabi ni Tami. No way!
Destiny? Talaga at naniniwala si Tami doon?
"Really Tami, do you believe with that seriously? "ano bang hugot ni Tami?Sariling lovelife nga wala. Hanapan ko kaya 'to nang mapapangasawa.
"Destiny really exist. Believe me Barbie." kinikilig nitong sinabi.
"I don't believe in destiny Tami,noon naniwala ako totoo siya.Pero anong nangyari sa akin? Ang taong akala ko'y nakatadhana'y pinagmukha lang akong tanga at sinaktan ng sobra."
"Bitter pa rin te? "may halong pag-iingat na akusasyon sa akin ni Rina. siguro tama siya. Bitter pa rin ako hanggang ngayon, masisisi niya ba ako?
Bigla nagseryoso si Tami. "Sa pag-ibig hindi tayo dapat mapagod magmahal ng paulit-ulit. Nasaktan man tayo sa una.. hindi 'yon basehan para huminto na tayong magmahal sa pangalawang pagkakataon o marami pa.Binigyan tayo ng puso dahil kahit mapuno man ito ang sakit at pait mula sa kahapon, pinapaalala pa rin nito sa atin na hindi tayo dapat huminto sa pagmamahal.Na hindi natin dapat limitahan ang ating puso sa gusto at kung sino ang gusto nitong mahalin. Dahil kadalasan, sa larangan nang pag-ibig,kung sino pa ang mas nanakit sa atin ay iyon din mismo ang maghihilom sa mga sugat natin. Kung puso ang nasaktan puso din ang gamot."
"Tama, Tita Loisa! "
'Wag mong sasabihin na hindi ka na naniniwala sa pag-ibig Iha. Oo masakit ang masaktan, pero tandaan mo na minsan ang sakit na dulot ng pag-ibig ay minsan ka nang binangon mula sa pagkabagsak. Love is foundation of strenght,hindi tayo matututo sa buhay kung hindi tayo dadaan sa sakit. Pinapakita nang pag -ibig sa atin,na sa mundong ito, hindi tayo palaging magiging masaya.Na kailangan din nating maranasan ang masaktan bago natin makamit ang kasiyahan. Just don't give up on love Iha,listen to your heart's beat.'wag kang mabulag sa mga maling paniniwala mo dahil sa mga naranasan mo noong una. "
Para akong nasakal sa sinabing iyon ni Tami.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Wala akong ibang nararamdam kundi galit sa lalakeng nanakit sa akin.
He hurt me big time at wala siyang karapatang maging masaya.Kailangan niyang maranasan ang sakit na naranasan ko.
Sa pagiging artista ko lang muli narasanan ang maging masaya.Ang isang kinakatakutan ko lang ay ang malaman ng nila ang totoong tao sa likod ng maamo at magandang mukha na ito.
I don't want to be bullied again.All I want in life is to be happy. Ayoko ng balikan ang hindi matanggap sa lipunan.Nakakatawang isipin na hanggang ngayon,wala pa rin akong ibang ginawa kundi ang ipagsiksikan ang aking sarili sa mga tao, para tanggapin ako. Masakit pa rin para sa akin ang isipin na, hanggang ngayon pala, isa pa rin akong pulubi na nanlilimos ng lubusang pagtanggap at pagmamahal ng lipunan. Ginamit ko ang pagiging artista ko upang mapansin ng mga tao.Ano ba ang dahilan ko at ginagawa ko ito?Hindi ba para makita nang mga nanakit sa akin noon na mali sila nang sinaktan? Na mali sila ng taong sinaktan.
Parang niloloko mo lang ang sarili mo. hanggang kailan ka naman magkukubli sa anyong iyan?
Don't use yourself to get your revenged to those who've hurt you. sarili mo lang ang sinasaktan mo. Mahalin mo kung ano ka at ang tunay na ikaw. Hindi mo kailangang magtago sa nakaraan mo.Your past has a big part in your present. Hindi ka magiging ganito kung wala ang kawawang ikaw dati. Ang lumang ikaw ang may malaking parte sa mga nangyari sayo ngayon.Don't hide Her to everyone, be proud of her! mas matapang siya sayo! be proud of your old self.
Ukil ng isip ko. Oo, inaamin kong ,mas matapang siya sa akin.Dahil ngayon nagpapanggap lang akong okay at matatag.
But for now, hindi pa ako handang ipakilala siya sa madla. Hindi pa ako handa sa magiging reaskyon nila kung makita nila ang tunay na ako.
Soon.Ipakikilala rin kita,pero ngayon hindi muna dahil hindi pa ako handa.
For now, So sorry for hiding you Bella..