Kabanata 7-He's curious

2324 Words
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating rin si Mama Gina. Marami itong dalang mga prutas para sa akin. "Get well soon Cara, ako nang bahala sa kay Cindy, I'll call Her to moved your guesting schedule tomorrow, resumed nalang natin ulit kapag totally magaling ka na.God my dear,you made Mama Gina, worry. " nagpout ako ng labi habang nakatingin sa forty five years old kong manager. Sa anim na taon ko sa Industriya, siya na ang kinikilala kong pangatlong nanay, na inunahan ni Mama at Tami, liked Tami, tinuring rin ako ni Mama Gina, na parang anak niya. kapag may mga projects na inu-offer sa akin ang ilang agencies sa showbiz, pinag-aaralan muna nitong mabuti kung gusto ko ba, o kaya ko bang gampanan ang magiging papel ko sa isang project. Never niya akong pinilit sa project na alam niyang ayaw ko, maraming opportunidad, ngunit hindi iyon mahalaga sa kaniya, ang sa kaniya'y una ang respeto sa artistang mina-managed niya. Maliban sa akin ay may lima pa itong mina-managed na artista, pareho ko ring namamayagpag sa larangan ng showbiz. Hindi rin ako magtataka kung bakit lahat ng hinahawakan niyang artista ay nagkakaroon ng break sa showbiz.Mabait si Mama Gina,Maunawain at tagapag tanggol. Hangga't kaya niyang takpan ang butas sa bawat isa sa kaniyang mga alagang artista,gumagawa siya ng paraan mawala lang ang mga tsismis. Marami siyang koneksyong mga Media personalities. Pwede niyang baguhin sa isang tawag lang ang balitang maaring makasira sa karera ng isa sa amin.Isa siya sa mga taong masasabi kong teni-treasure ko sa buhay.She knows me as Cara Laureen Del Castillo, ang pamangkin ng isang sikat na surgeon sa bansa. But She doesn't know the real Cara Bella, a woman who undergoes plastic surgery many years ago. Ayaw kong ipakita sa kaniya ang totoong mukha ko noon,bago pa man ang nangyaring surgery. Para kase sa akin, isang malaking torture sa isip at puso ko ang makita nila ang dating ako.Ayokong mahusgahan ulit.Ayoko nang ma-bully. Pagtawanan. itaboy at pandirihan. I surpassed the past. Ngunit hindi parin mawala sa isip ko ang agam-agam na baka maulit lang muli ang naranasan ko noon. I wanted to enjoy my new life for now. Kung saan naging masaya ako at malaya. Hinangaan at minamahal ng walang panghuhusga. Gusto kong namnamin sa ngayon ang buhay na walang diskriminasyon.Saka ko na iisipin ang bukas na alam kong may kaakibat na konsekwensya. Ang mahalaga. Masaya ako.Sumaya ako. At naranasang mahalin at hangaan ng lipunang ito na puno ng maraming bakit at kase. "Thank you Mama Gina, for visiting me. Okay na po ang pakiramdam ko, baka bukas pwede na po akong lumabas. Sa susunod na araw pwede na akong magtrabaho.Sorry for making you worry." "Walang may gustong magkasakit, normal sa buhay ang mapagod tayo.So don't be sorry Cara,I understand you, tao lang tayo at normal 'yan, hayaan mo at bawas-bawasan natin ang mga guesting at projects na nakabinbin sayo. We can give it to others para sa opportunidad na rin.Para hindi ka ganun ka pagod palagi. You should've know yourself Cara,dapat pina pakiramdaman mo rin ang sarili mo.If you feel tired. Just tell me, I can give you a rest. Makakahintay ang projects na 'yan kung para talaga sayo. You guys, and your health are more important to me. Ayoko na magkakasakit ang mga alaga ko.Para ko na kayong mga anak ni Shane, at iba mo pang mga kasamahan sa team ko. "na touch ako sa mahabang litaniya ni Mama Gina.She is really kind, hindi ko akalain na marami pa rin talaga ang may mabubuting puso,totoo at walang halong ka plastikan sa buhay. "At alam mo ba Mama Gin', na may pinapa cute-an 'yang alaga mo?"hinila ko ang kumot sa aking dibdib hanggang sa leeg ng magsalita naman si Rina. Alam kong chismis na naman iyon kaya handa na akong mag isip ng maaring isagot sa nakakunot noo kong manager ngayon na nasa harapan ko. Ngunit unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ni Mama Gina. "And whose the lucky one?" gusto kong magulat sa reaskyon niya pero hindi ko nagawa. Ang weird nila. Bakit parang masaya silang malaman na may nilalandi akong lalake? At si Mama Gina, bakit mukhang masaya pa siyang malamang may pinapa-cute-an ako, hindi ba ito natatakot na baka masira ang career ko? Na magkaroon na naman ng tsismis tungkol sa isa sa mga alaga niya sa Industriya, hindi ba siya napapagod kakasalo sa mga bashers,showbiz reporters at mga tsismosa't tsismosong mga tv personalities at malalaking news company na halos pasukin ang personal na buhay ng mga artista? "Hindi ka man lang mag- comment ng hindi pwede,dahil baka masira career mo ganun, ha, Mama Gina?" "Why would I do that? It's your happiness Cara,walang masama kung gusto mong magka lovelife, hundred percent I'll support you." napahawak pa ito sa kaniyang dibdib na tila nangangako. Napailing ako.Hindi makapaniwala. "You guys, are so weird, si Tami and Rina, gusto rin akong I push para magka jowa, pati ikaw ba naman Mama Gina, minsan naisip ko, hindi ka ba nanghihinayang sa mga mina-managed mo kapag nawalan sila ng karera dahil sa mga balitang pwedeng ikalaos nila?"I asked. She held a soft breath. "Bakit naman ako magdadamot sa ikaliligaya ninyo? Isa lang akong tulay para makamit ninyo ang inyong mga pangarap, hindi ko hawak ang mga buhay ninyo Cara,you have your own life. Ang showbiz ay hindi panghabang buhay, you need to be happy. And have your own life in the near future. Isa lang ang palagi kong pinapaalala sa inyo ng mga kasamahan mo.Kung mahal kayo ng mga taong humahanga sa inyo sa likod at harap ng camera. Dapat mahalin din nila ang mga choices niyo sa buhay. Walang career na involved.Bashers? the hell! hindi talaga 'yan mawawala, Just don't mind them, basta mahalaga masaya ka sa anumang pinili mong karera sa huli." Wala na yata akong makitang katulad niya ng pananaw sa buhay. Hindi lang siya isang nakakahangang manager.Isa rin siyang Ina na pinapayuhan ang mga anak sa mga landas na gusto nitong tahakin. Hanga ako kay Mama Gina, napaka swerte ng mga anak niya at asawa dahil nagkaroon sila ng isang ilaw ng tahanan na mabait, maunawain and also a mentor. Nakaalis na si Mama Gina,maging si Tami, ngunit hindi ko pa rin maiwasang isipin ang kanilang mga sinabi. Dalawang babaeng, parehong malapit sa buhay ko ang kulang nalang turuan akong 'wag maligaw ng landas. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko.Si Rina, ang naiwang magbabantay sa akin sa buong gabi. Gusto man maiwan ni Tami, para mabantayan ako. Pilit ko pa rin siyang pinauwi. Sinabi kong maayos na ang pakiramdam ko at bukas na lang ulit ito bumalik. Labag sa loob itong pumayag kanina, pero napilitan din ng yayain ni Mama Gina, na mag kape, sa isang kilalang coffeehouse sa iba-ibang panig ng mundo. "I don't believe in love anymore. Too much love will hurt and one day, you will realise,na hindi pala makakabuti sa puso ang sobrang pagtitiwala at pagmamahal.At kahit anong subok mong magmahal ulit, hindi mo na magawa dahil sa patay mo ng puso gawa ng unang pagkabigo."wala sa loob kong sambit. "Lalim ng pinaghuhugutan natin ah.Kung hindi ka naniniwala sa love bakit ka nag- papacute kay dok kanina?"naka kalongbabang wika ni Rina,nakatingin ito sa akin. "No need to share it with you Rina,hindi naman mahalaga."baliwalang sagot ko sa kaniya. "Miss, hindi ba sabi ko naman sayo. Makikinig ako kahit ano pa yan. Oo, madaldal ako minsan. Pero, promise. Kung ano man po 'yan, sekreto ko lang din po." sinubo nito ang bagong balat na orange sa kaniyang bibig. Inirapan ko siya. "Teka nga Rina, sino ba sa atin ang may sakit dito? Ilang piraso pa lang ang nakain kong orange.Samantalang ikaw, pangatlong bukas mo na yan ng orange." kunwari'y reklamo ko sa kanya para lang ilihis ang mga tanong niya. Ngumisi ito sa akin at nag peace sign. Hay,may pagka-isip bata talaga.Ano pa kayang kapilyuhan ang ipapakita ng babaeng ito? "Sari..Miss, mesherep kese eh.." napabuntong hininga nalang ulit ako sa naging sagot niya. "Pero seryoso Miss,alam mo bagay kayo ni dok ha. .Kitang-kita ko may spark eh.." Nanunudyo nitong sinabi. Kung alam niya lang na naging bahagi na ng buhay ko ang lalaking iyon. "Tumahimik ka na nga, magpapahinga na ako. Ang daldal mo talaga kahit kailan." bumalik ako ng higa at ipinikit ang aking mata. "Okay Miss, sleep tight! Sana mapana-ginipan mo si dok.." humahagikhik pa ito. "Rina!" napipikon kong suway dito. "Hindi na po Miss, Idlip lang din ako..sige na, beauty rest kana."narinig ko pa ang mahinang hagikhik niya pero hindi ko na ito pinansin pa. Alam kong lalo niya lang akong aasarin kapag patulan ko pa siya. Muli akong nakatulog. Nagising ako na parang may matang nakatingin sa akin. Nanatili akong nakapikit at pinakiramdaman ang paligid. May tao nga. Kinalma ko muna ang aking sarili bago ipinasyang magmulat ng mga mata.Ngunit bago ko pa man nagawa iyon, ay may dumamping palad sa aking pisngi. "Why Am I so curious about you? sino ka ba Cara Laureen Del Castillo? " "Ay dok,kayo po pala.Kanina pa po ba kayo?Pasensya na po at tinulugan ko ang pasyente ko."narinig ko ang tila bagong gising na boses ni Rina. Mabilis nitong binawi ang palad sa pisngi ko. "Ah..it's okay, kakapasok ko lang at ayun nga, naabutan kong mahimbing ang tulog n'yong dalawa."tumikhim ito. Narinig ko naman na may papalapit na mga yabag at alam kung si Rina, 'yon. Inaayos nito ang aking kumot. Kinuha ko namang pagkakataon iyon para magkunwaring gising na. "Hmmm.."unti-unti kong binuksan ang aking mata. Anong silbi ng pagiging artista ko kung hindi ko ito sa kaniya gagamitin. "Miss, hola! kamusta na ang pakiramdam niyo?"ngingiti-ngiting sambit nito. "Nakarating ba kayo sa dreamland?" May pinapakahulugan habol niya na sinabayan pa ng pagtaas baba ng kilay. Ayan na naman siya. Kung papatulan ko ito alam ko na patuloy niya lang akong aasarin. Pinaningkitan ko ito ng mata.Sumenyas naman ito na tatahimik na. Ang gaan na nang pakiramdam ko. pwede na rin siguro akong lumabas ano mang oras bukas. Napadako muli ang tingin ko sa isa pa'ng narito na nakatitig lang sa akin. "Hi dok.." matamis kong bati dito. Para naman itong natauhan at naglinis ng bikig sa kanyang lalamunan. "H-hi.. I'm here to check you out.Pero tulog ka ng pumasok ako..It's 10:30pm at oras na nang pag-inom mo nang gamot." In-obserbahan kong mabuti ang kanyang mga galaw at napapansin ko na hindi ito komportable sa aming pag-uusap. Why? minumulto ba siya ng taong iniisip niya sa katauhan ko. Oh well,mabuti naman kung naalala niya pa rin ang taong 'yon para hindi na ako mahirapan pa'ng maningil ng karma niya. "Ay, oo nga pala, pasensiya na talaga dok ha, nakatulog talaga ako ng matagal,"si Rina, ulit. Nakita ko itong kumuha ng kaniyang jacket sa maliit na sofa. Aalis siya? "Miss,bili lang muna ako ng tubig.Si dok, na po ang bahalang pagpainom sa inyo ng gamot niya. Este gamot mo pala." gusto kong mag protesta sa sinabing iyon ni Rina, pero hindi niya hinintay na makasagot pa ako. Mabilis itong lumabas ng silid. Alam kong sinadya niya iyon dahil ang totoo niyan, puno naman ng pagkaing naka styro ang table,prutas at tubig. "Ah,check ko lang ulit ang vital signs mo dahil gising ka naman na."nawala ang mata ko sa pintong nilabasan ni Rina,ng magsalita si Dale. May inilabas itong body tempature at iniumang sa aking bibig. "Can you open your mouth.. please?" Nag-iwas ako ng tingin "Kailangan pa ba 'yon,I think I'm okay." hindi ko mapigilang sabihin. "We need to make sure na wala ka ng lagnat. After this, you'll gonna take your medicine. Para mabilis ang iyong paggaling."wala akong nagawa kundi napilitang sundin ang utos niya. "Normal na ang temperatura mo.This is a good sign,stressed and overwork lang siguro ang dahilan kaya ka nilagnat. But don't worry.. Bibigyan kita ng vitamins na pwede mong inumin para hindi ka madaling kapitan ng sakit.. " kung hindi ko lang ito kilala sasabihin kong ang bait at maalaga niyang doktor. Ganun ba siya sa lahat ng pasyente niya? Sinu-sino pa kaya ang nauto niya sa pamamagitan ng matamis ngunit nakakalason niyang dila? "Ganoon ba dok, mabuti naman.para makalabas na ako. " kunwa'y malumanay kong sagot dito. "Alam kong nakikilala mo pa ako dok, I want to get this opportunity, sana to apologized what happens day's ago.Alam ko na hindi maganda ang una nating pagkikita and sana matanggap mo yong apology ko."ngumiti naman ito nang malapad dahilan para kumislap ang magaganda at mapuputi nitong ngipin. D'yan! D'yan ako nadali noon, lalo na sa dimples niya, Noon yon cara, ngaun hindi na! Wala ka ng nararamdaman sa kanya. True! "No problem with me! I'm sorry too, kung naabala kita noong araw na yon. By the way, I'm Dexter Dale Martin. " naglahad ito ng kamay. Tatanggapin ko na ba? Syempre oo, paano mo magawa ang plano mo kung pakeme-keme ka? bulong naman ng isip ko. "Cara Laureen Del Castillo.. "I extend my left hand to Him. Tinanggap niya iyon habang titig na titig sa akin.Ilang segundo pa siyang nakatitig lang sa mata ko. Hawak pa rin niya ang kamay ko ng magsalita ulit ito. "Why Am I so curious about you Miss Del Castillo, hindi lang kayo magkapareho ng mata. Pareho din kayo ng boses. "aniya. at nakita ko ang pagdaan ng lungkot at pangungulila sa kaniyang mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD