Hanggang sa bahay ay lutang ako. Hindi maalis sa isip ko ang muli naming pagkikita.Gumawa ako ng paraan malibang lang ang sarili. I cleaned my room,kahit pa alam kong araw- araw naman iyon nililinis ng aming katulong. Maging ang mga damit ko na nananahimik sa kabinet ay hindi ko pinalagpas. Ginugol ko sa pag aayos ng kahit na anong display sa kwarto ko ang ilang oras sa maghapon,hanggang sa inabot ako ng gabi.
Pawisan akong napasalampak sa harap ng vanity mirror ng maramdaman ko ang pagod sa ginawa.Pagod ang mga mata kong nilingon ang pinto ng kwarto ng marinig ko maingat na pagbukas nito.
"Miss, kakain na." si Rina, na nakasuot ng ternong mickey na pantulog .Mickey mouse is her favorite Disney, cartoon character.At karamihan na yata sa mga damit niya ay may mukha ni Mickey mouse. Kulang nalang ay bumili ito ng bra at panty na pareho'ng may mickey mouse print sa sobrang fan ng naturang Disney, cartoon character.
"Oh, you looked so cute Rin'," nakangiti ko'ng sinabi. Bigla namang nabawasan ang pagod ko ng ngumiti ito sa akin, dahilan para maglabasan ang nagkabilang dimple nito. Natural na maganda si Rina, simpleng pilipina ang beauty,bagay sa kaniya ang katamtamang puti.ang singkit na mata niya na nawawalala kapag ngumiti o tumawa siya.May magandang set ng ngipin din ito na pasado'ng- pasado para sa commercial ng mga toothpaste.
Hindi ko maunawaan ang sarili ko pero sa t'wing nakangiti siya sa akin, parang gumaan ang araw ko. Kaya siguro noong unang pagkakita ko palang sa kaniya ay nakuha na niya ang loob ko.Hindi siya mahirap mahalin, masayahing tao,tunay at mabait na kaibigan.
Matapos naming kumain ni Rina, ay mabilis akong naligo dahil nagyaya itong manood daw kami ng movie.Hinayaan ko
siyang mamili ng movie na panoorin namin .
Sa kalagitnaan na kami ng panonood, ngunit kahit anong gawing kong focus sa tv ay hindi ko magawa.Kahit anong gawin ko 'wag lang maalala ang pagkikita namin kanina ay para lang itong trompo na paikot ikot lang sa isip ko. May eksena pa nga na sa pinapanood ko na mukha niya ang nakikita ko.
Bakit ba ako nag-iisip sa taong hindi naman dapat iniisip? matagal ko na siyang kinalimutan kaya dapat ay hindi ako nagpapa-apekto sa kanya. Wala na akong nararamdaman pa sa kanya at 'yun ang dapat kong itatak sa isip ko.
Oo.
Siguro nagkakaganito lang ako dahil hindi ko inaasahan na magkikita kaming muli..Sa loob ng pitong taon, ay malaki ang pinagbago niya.Kamusta na kaya silang dalawa, are they happy now?
Hindi lingid sa akin na isa ring artista ang babaeng mahal niya. Nauna lang ako sa kanya nang dalawang taon bago siya nakilala sa screen. Hindi kami magkasama sa iisang Network dahil sa ibang Network siya.Kong ako ay palaging bida sa aking ginagampanang mga papel..siya naman ay palaging kontrabida ang role.Masasabi ko rin na bagay siyang maging kontrabida. Mas bagay siyang maging palaaway dahil ganon naman talaga siya kahit sa totoong buhay pa.
Natapos namin ang dalawang family movie ni Rina,nang wala ni isang lesson o aral akong nakuha.
"Nakakaiyak naman ng ending Miss. Hindi ko kene-ri ang tagos sa puso'ng reunion nang mag pamilyang iyon.One of the best movie,I've watch ever! "
kwento niya habang nagpapahid ng luha, kung naka focus lang siguro ako sa aming pinapanood ay naramdaman ko rin ang nararamdaman niya pero walla talaga akong naunawaan sa pinanood naman kanina. I just smiled at her. At nag kunwaring ina- antok na. Siya na rin ang nagpatay ng tv at ligpit ng mga nagkalat na throwpillow sa sahig.
" Good night Miss."
"Good night Rina," nakangiting sagot ko dito ng pareho na kaming tutungo sa aming mga silid.Mukhang inaantok na rin ito dahil nauna na itong pumasok sa kaniyang silid. Saglit pa akong nakatayo sa pinto ng silid ko bago nagpasyang pumasok na rin para makapag pahinga.
Pakiramdam ko, ito ang pinaka stressful na araw sa buong buhay ko.
"I hate you Dale,sana hindi na kita nakita pa ulit. Okay na ako eh." mahina kong sambit habang nakahiga at nakatingala sa kisame.
Bukas baka makakalimutan ko na rin ang
kaiisip sa kaniya. Baka tulog lang talaga ang kailangan ko, para ma refresh muli bukas ang isip ko.
*******
"Miss C, gising na po.." napaungol ako ng
maramdaman ko ang yugyog sa akin ni Rina,parang ayaw bumukas ng aking mga mata.Mabigat din ang pakiramdam ko.
"Rin', I want.. to sleep pa.. "naglunok ako ng laway dahil mukhang masakit rin pati lalamunan ko. Parang ayaw gumalaw ng katawan ko. Ang bigat ng pakiramdam ko.
"Alas dyes, na po ng umaga Miss,may masama po ba sa inyo?"aniya'ng nag-aalala.Naramdaman kong ang paglapat ng likod ng palad niya sa leeg ko. Napahigpit ang hawak ko sa kunot ko at binalot iyon sa aking katawan.Giniginaw ako ng hindi ko maintindihan. Ang bigat din ng ulo ko.
"Miss, naku po! ang init niyo! bakit hindi kayo nagsabi na masama po pala ang pakiramdam niyo."
"Rin. nahihilo ako.. "nanghihina kong sambit dito at nanatiling nakapikit.
"Dalhin ko nalang po kayo sa ospital Miss,tawagan ko lang si kuya Arman, para maalalayan kang makababa. "
"Rin'.. okay lang ako.Pahinga lang siguro ang kailangan ko . Sunod-sunod kase ang scheldule ko nitong nakaraang mga araw. "sabi ko na sinabayan pa ng ubo.
"Kayo naman kase Miss,dapat kase minsan nagpapahinga din kayo. Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa inyo eh. Ang tigas kase ng ulo niyo."nginitian ko nalang ito.
"Kayo talaga Miss,kahit ang sama na ng pakiramdam niyo, parang wala lang sa inyo."naramdaman ko itong tumayo. Narinig ko rin ang pagbukas nito ng kabinet. "Binihisan ko kayo, dalhin ka namin ni kuya sa ospital."she sound concerned.
"Rina ang O.A.mo, dito na ako sa bahay magpapahinga..ayoko sa ospital. " tanggi ko sa sinabi.
"Hindi pwede miss.."may pinalidad sa boses niya. Ilang segundo pa ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Wait lang kuya! "sinuklay niya ang buhok ko.Rina is so maalaga, hindi niya lang minsan pinapakita sa lahat ang totoong side niya.Minsan kase seryoso ito pero 'pag makilala mo na, doon mo malalaman na mabait siya at masayang kasama. She remind me of someone.
"Halika na miss.. Hawak ka po sa akin.."hindi na ako kumutra pa sa kaniya ng alalayan niya akong bumangon sa kama. Sobra akong nahihilo. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.
"Ma'am,ano po ang nangyari?" I heard kuya Arman's voice. Nahihimigan ko rin sa boses niya ang pag-aalala.
"Mataas ang lagnat niya kuya Arman. "si Rina, na ang sumagot.
"Naku, ano pa ang hinihintag natin, tara na at nang madala na natin si Ma'am, sa ospital."hinang hina ako ng alalayan nila ako no Rina. Hindi ko na rin namalayan kung paano kami nakarating sa kotse ng mabilis. Maging sa pagpapatakbo ng sasakyan ay parang naramdaman kong mabilis din.
"Naku, ang traffic pa ngayon Rina "
Magkasama kami ni Rina, sa likod, nakasandal, ako sa kanyang balikat.
"Hahanap po tayo ng pinakamalapit na ospital kuya.May alam po ba kayo na malapit dito? "Suggest naman ng nag aalalang si Rina.
"Oo, merong malapit na ospital pero pampubliko."
"Hindo na mahalaga 'yon kuya. Ang mahalaga ay kaligtasan ni Miss."kahit gusto ng pumanaw ng malay ko sa sama ng aking pakiramdam ay nagawa ko lang magbukas ng aking mga mata. I reached for Rina's hand and whispered.
"Thanks Rina, for always taking care of me. "after that everything went black.