Kabanata 14-volunteer doctor

2007 Words
Sa art room kami dumeretcho ni Rina. Doon kase madalas naglalagi ang mga bata pangalawa sa playground. "Dok, ako din po. "awtomatiko akong napangiti ng marinig ko ang echo ng matinis na boses ni Jason. Isa sa mga batang paborito ko dito sa shelter. "Mukhang nag e-enjoy ang mga bata Miss."mahinang wika ni Rina. Nakasunod ito sa likod ko. "Oo nga, Rina. "nakangiti ko namang sagot dito. "Kuy dok, 'wag po d'yan nakikiliti po ako." hagikhik pa ni Jason ang narinig ko. Ulila na ito sa magulang at katulad ni Rina, ay nag- iisa nalang sa buhay. Nakita ko itong palaboy sa kalsada sa probinsya ng Rizal. Mabait si Jason, at masunuring bata .Sa edad niyang walang taon ay nagiging kuya na ito sa iilang mas bata sa kanya dito sa shelter.Responsable rin ito sa mga gawain dito sa loob na sobrang ikinatuwa nila sisters. "Mukhang tuwang -tuwa talaga si Jason.Ano kayang trick ang pinapakita nang doktor sa kanila. "si Rina, na mukhang kanina pa kinikilig mag isa. Hinayaan ko nalang ito sa trip niya. Tumuloy na kami sa loob. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa ng mga bata. Ginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng room. Ang lahat ay nakaupo sa kanilang silya. Si Jason, ay natanaw ko na nasa unahan kasama ang isang lalakeng naka sideview sa deriksyon ko. Naka suot ito ng gown ng doktor. Napangiti ako ng bumaling sa deriksyon ko si Jason. Nagliwanag at nanlaki ang mga bilog na mata nito ng makita ako. Kinawayan ko ito. "Si ate Cara,si ate Cara! "aniya at patakbong lumapit sa deriksyon namin ni Rina. Ngumiti ako ng malapad dahil lahat ng mga batang nakaupo sa kani- kanilang silya ay nagsitayuan para makalapit sa akin. "Ate,Cara!"lumuhod ako at sinalubong ito ng yakap. "Hi,Jason,I missed you! "I told Him at hinalikan ko din ito sa pisngi. "Na miss din po kita ate. Bakit ang tagal mo namang bumisita dito."naka pout niyang sabi. Kinurot ko ang pisngi nito. "Busy lng si ate, pero nandito na ako. "I answered. Bumaling ang atensyon ko sa iba pang mga bata roon. "Hello, kamusta na kayo? " Lahat sila ay niyakap ko isa -isa. May humahalik sa akin,nagpapakarga.I don't mind kahit magmukha na akong nanay tingnan sa ayos ko. I don't mind kung nagulo man ang damit ko at buhok. Ang mahalaga, maiparamdam ko sa kanila na nandito ako at mahal ko silang lahat. "Na miss kayo ni ate."I said seriously. "Na miss ka rin po namin ate! "they said in chorus. "Nakinig ba kayo kila sisters?" "Opo.. "sabay sila ulit. "Hmn...good!" natawa ako ng biglang sumingit apat na taong gulang na si Lyn-lyn, sa mga kapwa niya bata at nagpakarga sa akin. Kinarga ko naman ito habang patuloy parin sa pakikipag-usap sa kanila. "Nagsisipilyo ba lahat ng ngipin, right after kumain? "lahat sila ay sabay muling sumagot."Opo. " "Kung ganun,may pasalubong sa inyo si ate." kita ko naman ang tuwa sa kanilang mga mukha. Ang makitang masaya sila ay napaka laking bagay na sa akin. Wala silang pamilyang maituring kundi itong shelter lang na ito. Kung dumating man ang araw na merong pamilyang gustong mag-alaga sa kanila. Hindi ako tututol, ang gusto ko lang ay magkaroon ng maayos na buhay ang mga bata. Ang ang mabigyan sila ng isang buong pamilya. "Yeheey! . "muling sambit nila. "Okay,pero bago tayo magbukas ng pasalubong niyo, pwede niyo bang e-kwento kay ate ang mga ginawa niyo ngayong araw." "Check po kami ni kuya,dok.."si Lyn-lyn ang sumagot. Sabay turo sa deriksyon kung saan nakaupo kanina si Jason, at ang doktor na katabi nito. Unti-unting napawi ang ngiti ko ng makita at makilala ang doktor na sinasabi nila. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. "Cara, iha,nandito pala kayo. Bakit hindi ka man lang tumawag na pupunta kayo dito ni Rina." napalunok ako at alanganing nilingon si sister Anabel,na kakapasok lang ng pinto.Siya ang pinagkakatiwalaan ko dito sa shelter. "S-sinadya po talaga naming surprisahin kayo at mga bata sister.. kamusta po dito?" Bakit siya nandito? "Maayos naman kami dito at mga bata. Katunayan, may check-up sila ngayon..at tamang-tama ang pagbisita niyo. Ipapakilala kita kay dok. "masayang wika ni sister. Muli akong napalunok. Maging ang pagkarga ko kay Lyn-lyn, ay naramdaman ko ring tila humihigpit. Tinawag ito ni sister. "Dok, halika.." "Mga bata doon muna kayo maglaro sa labas.Mag-uusap lang si Sister at ate Cara." si sister na ang kumuha kay Lyn-lyn sa akin. Inalalayan niya rin ang mga itong lumabas. "Lalabas lang ba kayo'ng hindi babati at humahalik sa akin? "si Rina, iyon na tila may himig ng pagtatampo sa boses niya. Alam ko namang biro niya iyon pero wala akong lakas ng loob na asarin ito ngayon. Paano ko magawang mang-asar kung ang kalahati ng dibdib ko ay parang hindi na mapigil sa tambol dahil sa taong nandito na hindi ko inaasahan. Sabay silang bumalik para yakapin at halikan sa pisngi si Rina. "Bye ate, Rina." "Kawawa naman ako,walang nagmamahal..out of place talaga ako palagi."parang batang saad ni Rina,nang makaalis na ang mga bata. Kinurot naman ni Sister Anabel, ang kanyang pisngi. "Huwag kang magsalita ng ganyan Rina,maraming nagmamahal sayo. Ang mga bata, ganyan lang yan sila. Pero kayo palagi ni Cara, ang bukambibig dito sa shelter. " "Oh, naiiyak po ako.. " pag da-drama naman ni Rina. Alam kong nakalapit na sa amin ang taong tinawag ni sister pero wala aking lakas na tapunan ito ng tingin. "Siyanga pala, Cara, si doktor Dexter Dale Martin. 'dok Dexter ito si Cara Laureen Del Castillo, siya ang sinasabi ko sayo na nagtayo nitong shelter para sa mga batang lansangan. "proud na pakilala sa akin ni sister sa kanya. I composed myself. Walang rason para hindi ko siya harapin ng maayos. "Eihh. "Rina, giggled. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o maiinis sa isang 'to. Kanina pa siya ganyan, at hindi na ako nagulat kung bakit, dahil alam niyang si Dale, ang doktor na bisita. Bakit hindi ko nalang din tinanong si kuya Anjo, kanina. Para nakahanda naman ako kahit paano. I mean, para naihanda ko naman ang sarili ko na makaharap ito ng walang kaba sa dibdib ko. "Hi, nice to meet you again. Ikaw pala ang may-ari nitong shelter."He greeted. Tango lang ang naging sagot ko dito. "Magkakilala na kayo? "sister Anabel, asked curiously. "Yes, Sister. Naging doktor din po siya ni Miss, noong nagkasakit siya. Then, ako din po last week, siya din po ang gumamot sa akin at take note sister, ginamot ako ni dok, for free. " ani Rina.Napatango naman sa nalaman si Sister. Sa huli ay napangiti nalang din. "Maliit talaga ang mundo. Hamak mong dito pa kayo ulit magkikitang tatlo. Magaling talagang tu-mayming ang pagkakataon. " "Sinabi mo pa Sister.. kumbaga si Miss at 'dok, ay parang pinagtatagpo talaga. At sana tinadhana na rin." pinandilatan ko si Rina, ng mata. Nag sign of peace ito sa akin na nangingiti. "Charrr! " she added. "Hi dok, "binati niya ito. He smiles at Her. "Kamusta ka na Rina?"pormal nitong bati kay Rina. He also tap Rina's head na para ba itong nakababata lang niyang kapatid. "Okay na po dok, totally magaling na po ako. Thank you pala sa inyo ha, dahil libre po ang bills ko sa ospital. "parang batang sagot naman ng isa rito. "It's a small thing Rina. You're a nice person. "aniya. "Charr, si 'dok, talaga. 'wag ka nga, baka ma fall ako. "napaipit pa ito sa hibla ng buhok niya sa tainga. Lumabas naman ang dimple ni Dale, sa kakangiti sa kanya. " Nais niyang maging regular doctor dito Cara, at kung hindi mo sana mamasamain ay siya nalang ang magiging regular na doktor ng mga bata."mahinang wika ni sister. "Paano po si doktor Alcaraz, alam niyo naman po na matagal na natin siyang kilala at sanay na ang mga bata sa kanya." parang nagpagting ang tainga ko sa sinabi ni sister. "Iyan nga sana ang sasabihin ko sa'yo Cara,mahigit isang linggo nang huling pumunta dito si doktor Alcaraz, nagpaalam na itong hindi na makapagpatuloy sa kada buwang pagbisita dito sa shelter, dahil sa biglaang niyang pag migrate sa Amerika, may malaking opportunidad raw kase na offer sa kanya doon at hindi niya matanggihan pa. " "And He didn't even told me?Pati kayo rin, hindi niyo sinabi. " nagulat ako sa nalaman. Paanong hindi man lang niya ako kinausap kahit sa tawag o text man lang. Kung hindi pa pala ako nadalaw dito hindi ko pa malalamang wala na palang personal na doktor na titingin sa mga bata rito. "Balak ko sanang tawagan ka, pero alam namin na abala ka sa trabaho mo. At sa nangyari kay Rina, ayaw ka naming mag-alala pa Cara. "pakiramdam ko ay namumula na ako sa galit naramdaman ko ang kamay ni Rina, sa aking braso. "Don't worry Miss Castillo,I assure you that, I will help you're shelter for free. Magiging personal at regular physician, ako sa mga bata. I want to help children. "He said. "I can afford to pay you Mr. Martin.Ayokong basta nalang kumukuha ng kung sinong doktor lang d'yan, mga bata ang concern ko sa shelter na ito. And about your offer na maging personal and regular doktor nila...let me think about that, kailangang sa mga bata mismo manggaling kung gusto ka ba nila o hindi." muntik ko nang kutusan ang sarili ko. Hindi ko man lang inisip ang huli kong sinabi. Sa naabutan kong eksena kanina parang hindi na kailangang humingi pa ako ng permiso mula sa mga bata dahil halatang gusto nila si Dale. "Malapit na talaga ang mga bata sa puso ko kaya ko ginagawa ito. And I am just intrigue with the Shelter's name. Parang may bumubulong kase sa akin na kailangan kong puntahan ito.At hindi ko inaasahan na isang artista pala ang may ari nito, at ikaw 'yon. "naging mailap naman ang aking mga mata sa sinabi niya. "Siyanga pala, naghanda si Sister Elma at Arlene,ng meryenda. Halika at komedor na kayo mag-usap mga anak. "nauna na itong lumabas sa art room.Sumunod si Dale, kay Sister. Sinadya kong magpahuli sa mga ito ganun din si Rina. "Gosh. Miss,magine si dok Dexter, ang volunteer doktor dito sa shelter.I can't help but kiligin." "Ewan ko sayo Rina. "bored kong sagot sa kanya. "Ikaw Miss ha,kunti nalang mahahalata na talaga kita. Umamin ka nga, crush mo si dok noh?"niyugyog nito ang braso ko habang naglalakad kami tungong komedor. "Of course not! No way! "tila naririnding sagot ko. "Weee.bakit hindi ka makatingin nang deretso sa kanya? " "Eh sa ayaw ko siyang tingnan. Ano ba Rina, ang kulit mo. "naasar na ako dito. "Pero alam mo Miss,may napapansin din ako kay dok eh.Alam mo 'yon kung makatingin siya sayo,para kng isang bagay sa kanya na pinag-aaralan niyang mabuti.Iyon bang parang kilala ka na niya,iyan ang nakikita ko sa mga mata niya Miss. Pero infairness,bagay po kayo May spark eh. ay hindi...ganito pala,may something .Tama,may something nga sa inyong dalawa Miss." hindi parin paawat si Rina. "Bahala ka nga d'yan, ang daldal mo ang dami mong alam."nagpatiuna akong naglakad dito. "Seryoso po. Pero, matanong po kita.Kilala niyo na ba si dok Dexter dati pa?" Napahinto ako sa humugot ng isang buntong hininga. Nauna na sa komedor si Sister at Dale. "Bakit mo naman nasabi 'yan? " "Para kaseng may hugot ka sa kaniya. Pabagu- bago kayo ng mood,minsan mabait kayo sa kaniya.Minsan naman masungit." kahit kailan reyna na talaga ng kadaldalan itong si Rina. Kung hindi ko ito sasagutin.Hindi rin ito hihinto sa kakatanong sa akin. "Kung sasabihin kong oo,I know Him,before then. At isa siyang masamang bangungot sa buhay ko." nakatingin sa kawalang sambit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD