CHAPTER 18 :

1612 Words
" HIS KISS " "ANONG mayroon doon?"   tanong ni Marie Ann habang papalapit na kami sa room namin. "Himala! Ang daming tao roon."   sabi ko. "Oo nga, eh."   pagsang-ayon ni Claire sa sinabi ko. "Baka may pogi, tara girls."   sabi ni Rhea na kumaripas na nang takbo. Okay.. hindi naman siguro siya napaghahalataang excited no? Basta may pogi mangunguna ng pumunta at iiwanan ang friends niya dito. "Haha si Rhea talaga."   sabi ni Marie Ann na tumawa pa ng malakas. "Takot maunahan at maagawan, lalo na ngayon may rising famous tayong friend."   sabi ni Claire. "Ha? Sino?"   biglang tanong ko. "Eh, di Ikaw!"   sabay na sabi nila Claire at Marie Ann na tinuro pa talaga ako. "Ako?"   maang kong tanong. Anong pinagsasabi ng dalawang ito? Rising famous ako? Haha kalokohan 'yan! Lahat ng sumisikat, lumalaos din kalaunan. Kalaunan? Haha. "OMG! Si EJ diba 'yon?"   nanlalaki ang mata ni Claire habang tinuturo 'yung pinagkakaguluhan sa tapat ng room namin. EJ? What? "Oo girl, si EJ nga!"   sagot naman ni Marie Ann. Ha? Weh? Hindi nga? Nang makalapit na kami para akong nanigas na parang binuhusan ako ng malamig na tubig tapos biglang nagliyab na akala mo naging si San Goku na nag-super saiyan na nababalutan ng parang apoy. Aba! Aba! Anong ibig sabihin nito? "Pa picture naman, sige na."   sabi ng babaeng nakahawak sa isang kamay ni Eisen. "Sorry, hindi puwede."   matipid na sagot niya. Kitang-kita ko ang paglalanding ginagawa niya sa aking Eisen. Aking Eisen talaga no? S'yempre! Akin na siya. First sight, first serve! Ano daw? "Sige na please.."   pagmamakaawa ng babae na nag-puppy eyes pa. Argch! Buldog ka! Layuan mo si Eisen ko! "Oo nga pogi, pa picture lang." "Kyaaaah!" "Ang hot mo pala." "Puwedeng mag-apply na girlfriend?" "Ako kahit kabit mo nalang, puwedeng-puwede ako." "Kahit maging flavor of the month mo ko, okay na okay sa akin." "Kahit isang gabi lang, masaya na ako." Halos magtaasan ang balahibo ko sa mga haliparot na mga higad na ito na kumekerengkeng sa harapan ng aking Eisen na may pa hawak-hawak pang nalalaman. E-eksena na sana ako ng may umunang umeksena sa'kin. "Oh, mga higad, linta at ahas. Lumayas-layas nga kayong mga salot kayo!"   sabi ni Rhea habang pinapalayo 'yung mga nakadikit kay Eisen. "Mga ducklings. Huwag ninyo ng akitin si EJ dahil naka-reserve na ito sa aming Sam."   sabi naman ni Claire na tumabi pa kay Rhea nasa likod naman nila si Eisen ko. Naks naman! Ang mga friends ko talaga. "Magsisialis ba kayo o magpapatawag ako ng PAWS na huhuli sa inyo mga animal kayo!"   biglang sigaw ni Marie Ann. Is that Marie Ann Chua? First time niyang sumigaw ng ganyan, eh. Super calm niya. "So what!" "Kung ang asawa nga, nalulusutan. Sam ninyo pa kaya?" "Aba! Lumalaban, ah!"   sabi ni Rhea. "Girls, ready na ba kayo?"   tanong ni Claire sa dalawa---Rhea at Marie Ann. Teka! Anong ginagawa nila? Lumabas na ako mula sa mga taong nakikigulo rin doon. "Chillax lang girls.."   sabi ko. "Sam!"   sigaw nilang tatlo sa pangalan ako at hinila ako. Okay.. hindi naman sila masyadong malupit niyan no? Itinabi nila ako kay Eisen at pinag-holding hands kaming dalawa. "Aangal pa ba kayo?"   mataray na sabi ni Rhea. "Walang-wala kayo kay Sam. Kaya tsupi, tsupi!"   pagpapalayas ni Claire na akala mo nagpapalayas ng aso. "Maganda si Sam kaya bagay na bagay sila ni EJ, malandi naman kayo. Atleast si Sam hahangaan, kakainggitan, mamahalin at maraming magkakagusto! Eh, kayong mga Malandi, kamumuhian, kakainisan, at baka makahawa pa kayo kung may tulo, HIV or AIDS kayo. Yuck!"   sabi ni Marie Ann na bawat pagbigkas ng salita ay mabigat talaga. 'Yung mga itsura ng mga naroon, priceless! Napanganga, nanigas pa nga sila na akala mo naging bato sila na napupuan ng ibong adarna. "Uh, Eisen, pasensiya na sa mga friends ko."   sabi ko habang 'yung mga friends ko abala sa mga haliparot at higad. "Okay lang 'yon, mabuti dumating sila."   sabi ni Eisen habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko. Sandali akong napatingin sa kamay naming dalawa bago napatingin sa kanya. "Kanina nga parang gusto ko na silang sabunutan, eh."   bigla kong nasabi 'yung mga salitang 'yon. Sa sobrang tense ko at kaba dahil magkatabi at magka-holding hands kami. Nasabi ko 'yung bagay na hindi ko dapat sabihin kasi nakakahiya. "Ha?"   parang nagulat si Eisen. Ay hindi, hindi, gulat na gulat nga siya, eh! Walang preno mo pa naman sinabi 'yon Sam. "Ah, eh, i, o, ano amp."   nate-tense na sabi ko at napakagat nalang ako sa lower lips ko. Naramdaman ko na bigla niya akong kinulong sa mga bisig niya at niyakap ng mahigpit. Alam niyo 'yung feeling na may mga parang butterflies sa tummy ko. "Shirley.."  malambing niyang bigkas sa pangalan ko habang yakap-yakap ako. "Huh? Bakit?"   naguguluhang tanong ko. May problema kaya? Bakit ganito? 'Yung bilis ng t***k ng puso niya parang ganito kay Kuya Shin? Ay mali, mas mabilis ang t***k ng puso niya. Hindi kaya, hindi kaya.. bigla na lang siyang aatakihin sa puso? O,h no! Dahil nga matangkad si Eisen hanggang chest niya lang ako. Naka-flat shoes ako at hindi naka high heels kaya naman talagang hanggang chest niya ako. Biglang lumuwag ang yakap sakin ni Eisen at ang magkabila niyang kamay ay nasa braso ko. Napapikit ako nung unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa'kin. Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo. He kissed my forehead. "Huwag kang magli-lipbite Shirley sa harapan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan na kita."   sabi niya matapos akong halikan sa noo. "Huwag kang magli-lipbite Shirley sa harapan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan na kita." "Huwag kang magli-lipbite Shirley sa harapan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan na kita." "Huwag kang magli-lipbite Shirley sa harapan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan na kita." "Huwag kang magli-lipbite Shirley sa harapan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan na kita." "Huwag kang magli-lipbite Shirley sa harapan ko. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mahalikan na kita." Para akong na LSS sa sinabing iyon ni Eisen. Napatingin ako sa paligid namin, halos lahat sila parang nalaglag ang panga. Nanlaki ang mga mata at may hindi maipaliwanag na aura, inggit, inis at galit. 'Yung mga friends ko? Ayon mga kinikilig. Naghahampasan at nagtitili pa. Kami naman ni Eisen ay nagkatinginan lang tapos pareho kaming napangiti. Parang tanga tuloy kami ng oras na 'yon. ** "KYAAAH!" "Habang ng hair!" "Kilig to the bone." "Awtsu, Aray, Ouch, Araguy ku pu. Ang sakit!"   sabi ko ng paghahampasin ako ng mga friends ko sa sobrang pagkakilig nila. "Hahahaha!"   tawa ni Marie Ann. "Ang out of this world na reaksyon ni Sam. Hahahaha!"   tawa ni Rhea na parang wala ng bukas. "Hahaha.. Naiihi na nga ako sa sobrang kilig dito, sasakit pa ata tiyan ko kakatawa, hahahaha."   si Claire naman na pulang-pula na at kakapusin pa yata ng hininga. Kanina lang kinakawawa nila ako at walang humpay akong hinahampas dahil kinikilig sila. Ngayon naman pinagtatawanan nila ako. Anong klaseng trip ba ito? Nandito kami ngayon sa tambayan namin, ang cafeteria. Ang topic lang naman namin ay ang mga nangyari kanina sa harap ng room. Maraming kinilig at natuwa nung makita akong hinalikan sa noo ni Eisen. 'Yun ay ayon sa sinabi ng friends ko. Parang, parang panaginip lang 'yung nangyari kanina. Pero mabuti nalang ay totoo na nangyari 'yon s'yempre. Kaysa 'yung kinikilig ako dito tapos panaginip lang 'yon. Hindi tulad ngayon na kilig to the max ako. Hihi. Nang matapos ang klase ko at makauwi ng bahay  ay agad akong pumasok sa kuwarto ko at sumubsob sa kama ko. "Kyaaaah!"   napasigaw ako. Tinakpan ko ng unan 'yung bibig ko bago napasigaw sa kilig. Baka isipin pa ng mga tao sa bahay na may sunog o magnanakaw kapag narinig nila akong sumigaw. Pagkatapos kong magpagulong-gulong at talon nang talon sa kama ko ay pumunta na ako ng study table ko. Kahit masyado pang maaga para magsulat sa Diary ko dahil hapon palang. Magsusulat na ako. ________________________________________ Dear Diary, Love is in the air. Siguradong-sigurado na ako na hindi ko lang basta gusto o crush si Eisen. Dahil ramdam na ramdam ko na mahal ko na siya. 'Yung mga nararamdaman ko kasi, ganito 'yung mga signs ng inlove. Base on what I heard in radio, 'yung DJ sa Love Radio na si Papa Jack sa True Love Conversation niya. Lately ko lang siya napakinggang nung minsan na nakita ko si Yaya Carol na abala sa pakikinig ng radio kahit 11pm na. Heaven with fire works ang feelings nung i-kiss ni Eisen ang noo ko. I can't describe kung ano 'yung nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko, MASAYANG-MASAYA ako. PS. When you are inlove, everything seems beautiful. But I say, When you are truly inlove, you can't find anything more beautiful than your Love. ♥♥♥ ________________________________________ Nung hapon na 'yon ay natulog akong may ngiti sa aking mga labi. Hanggang sa aking panaginip ay nagre-rewind at replay ang mga nangyari. At sa mga pagkakataong 'yon, punong-puno ng pagmamahal ang puso ko. Ang pag-ibig na aking natagpuan sa Dream University, sa taong sobrang tahimik na minsan na akong iniwasan. Sa oras na akala ko ay normal lang na araw. Ang pag-ibig pala ay hindi magkakapareho na natatagpuan o nahahanap ng isang tao. Dahil ang pag-ibig ay may kanya-kanyang mukha, kaya hindi lahat ng tao ay pare-pareho ng Love Story. Ako kaya? Ang Love Story ko kaya? Ang Love Story namin ni Eisen? Mahal niya rin kaya ako? o ako lang ang nagmamahal sa kanya? One sided Love nalang ba? o True Love na?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD