" FAME "
"CONGRATS!"
"Congrats sa'yo at doon sa ka partner mo Ate."
"Ang ganda mo talaga."
"Hindi lang 'yon, sexy pa!"
"Fans mo na ako Ate."
"Idol na kita!"
"Puwedeng magpa-picture?"
"Can I get your number?"
"May boyfriend ka na ba?"
"Tiga saan ka po?"
Okay.... hindi naman siguro ako napapalibutan ng mga reporters ngayon di ba?
Pagkadating ko ng school ito lang naman ang sumalubong sa akin ng hindi man lang nila ako pinapapasok sa gate dahil hinarangan agad nila ako.
Musta naman di ba? Dapat mas maaga akong pumasok. Kung bakit sila ganyan? At ano ang dahilan kung bakit sila nagkakagulo?
PAGKATAPOS naming rumampa suot ang aming swim wear ay bumalik ulit kami ng back stage para sa next na gagawin namin. Magga-gown na kaming mga girls tapos sa guys naman 'yung alam ninyo na. Alangan naman mag-gown din sila. haha.
"Ang sexy mo pala." sabi ng lalaki na kasama ko rin rumampa.
Lumapit siya sa akin nung papunta na sana ako sa lugar na pinag-iwanan ko ng roller bag ko.
"Hindi naman, slim lang." pa humble pa na sabi ko.
Yeah, hindi na talaga ako sexy kasi ayoko lang maging sexy na gaya ng iba na masyado ng malaswa ang damit kasi nga sexy sila.
Atsaka sa panahon ngayon nababastos na ang mga babae. Lalo na 'yung mga babae kung manamit puro kinapos sa tela. Tiningnan ko 'yung naka-pin sa boxer short niya.
Oh, Tourism Student pala siya at gaya namin ni Eisen, first year din siya. Wait, Tourism? First year? Ibig sabihin...
"Hey, Jack! Bakit mo kinakausap 'yan?" sabi nung taong lumapit sa kanya.
"Kinakausap ko lang siya kasi ang ganda at ang sexy niya Lara, bakit?" sagot niya doon.
Okay, tama nga 'yung naiisip ko, siya 'yung ka partner ni Lara (the papaya) dahil Tourism ang course ng babaitang iyan!
Hindi ko kasi tinitingnan 'yung ka partner ni Lara (the papaya) dahil ang aking mata ay nakatingin lang kay Eisen.
"What? Maganda? Sexy? Are you crazy?" sabi ni Lara (the papaya) with matching english pa.
"No I'm not, you're the one and only crazy here. No, let me right the word that suits to you. You are a freaking crazy s***h trash flirt here." sabi ko sabay layo sa kanila.
"What? grr! Ikaw!" nanggigilaiting sabi niya.
Paglingon ko ay susugurin niya na ako ng hawakan at awatin siya nung ka partner niya.
"Don't you dare to touch her or else, I will punch and kick you! Kahit babae ka pa." sabi nung lalaking 'yon.
Woah, 'yung itsura ni Lara (the papaya) priceless! Haha, Sayang hindi ko man lang nakuhaan. May CCTV ba dito? Para mai-copy at mapanood ko sa bahay. Haha!
Napawalk-out nalang si Lara (the papaya) dahil hindi niya naman kakampi ang ka partner niya.
Poor Lara the papaya.
"Pasensiya ka na kay Lara." sabi nung lalaki.
Hanep ka Kuya! Kapag galit or what ka, napapa-english ka. Nice naman, thank you for making me laugh because of the priceless face of Lara.
Huh? napa-english din? Trying hard? Haha!
"Ah, wala 'yon, sanay na ako sa kanya." sabi ko.
"Sanay saan?" bigla siyang na curious.
"Lagi niya akong sinasabihang flat. Hehe." sabi ko at tumawa ng kaunti.
"Flat?" napatingin siya sa akin at doon sa future (hinaharap) ko at muling tumingin sakin. "Saan 'yung flat? Wala naman, you have a sexy and perfect body. Tapos hindi naman flat 'yan, ang tangos nga ng ilong mo. Naiinggit lang sayo 'yon dahil pinagpala ka, 'di tulad niya. Ah, sige kailangan na natin makapagpalit, sorry sa istorbo. thanks." sabi niya at nagpaalam na sa akin dahil 20 minutes lang ang binigay sa amin para makapagpalit.
Pinagpala ako? Si Lara hindi ba? Pinagpala naman ata siya, eh, 'yun nga lang na sobrahan lang kaya naging papaya. Char!
Pagkatapos kong makapagpalit at mag-ayos ng sarili ko, pumunta na ako sa may back stage. Dahil magsisimula na naman kami sa walang kasawa-sawang rampa.
Rarampa nalang ba kami dito? Ayt!
"Shirley...."
"Bakit Eisen?" sabi ko nung tingnan ko siya.
Magkatabi kami ngayon, s'yempre ka partner ko siya, eh. Natural ka tabi ko.
"Mas maganda ka kanina." sabi niya ng hindi man lang nakipag-eye to eye contact sa akin.
Huh? Mas maganda ako kanina? Eh, bakit hindi siya makatingin sa akin ngayon? May sore eyes ba ako? hmm?
"Mas maganda ako kanina? Bakit ngayon hindi na? Sakit naman non." sabi ko na nagdrama pa.
Habang ang event ay nagpapatuloy kami ni Eisen ay may sariling mundo. Na kung saan, sa amin lang dalawa umiikot ang mundong 'yon.
"Ah, hindi naman, maganda ka na noon pa man. Pero... kanina nung nakalugay ka, mass.. mas.. mas.. lalo kang gumanda Shirley." sabi ni Eisen.
"Ah, maganda ako noon pa man, at mas maganda ako nung.. what?" para akong sirang plaka na inulit 'yung sinabi niya.
Napatingin ako sa kanya and I saw him blushing.
Aww, so cute Eisen. Parang apple sa pula 'yung pisngi niya.
Naalala ko tuloy 'yung araw na nakita ko na nag-blush si Kuya Shin. Ewan ko kung blush talaga 'yon o nag-aassume lang akong nag-blush siya. Atsaka bakit magkakaganoon si Kuya Shin, magkapatid nga kami.
Sobrang weird to the highest level of maximum level ang pagka-weird!
"Ah, eh.. ano." napakamot nalang siya sa bandang batok niya.
Napatingin nalang ako sa kanya at lihim na napangiti.
Ayii.. kinikilig naman ako.
Eh, kasi napansin niya 'yon? Napansin niyang naglugay ako at ngayon lang niya nakita na naglugay ako? Ibig bang sabihin nito, tinitingnan niya ako kapag nasa room kami?
Oh, Sam huwag assuming.. Magkatabi kayo sa upuan ni Eisen natural mapapansin ka niya. Hindi ka naman invisible para hindi niya makita. Maliban nalang kung naging hangin ka! Talagang hindi ka niya makikita.
Okay, okay, matino kong konsensiya. Huwag masyado kontrabida. Minsan na nga lang mag-assume, kokontrahin mo pa.. hmp!
Sam! Hindi ka naman nag-aassume, can't you see? can't you ever feel? Na may gusto sa'yo si Eisen? Huwag masyadong bato at huwag masyadong baliwalain ang mga simple o maliit na bagay. Dahil 'yung mga simple at maliliit na bagay na 'yan ay maging EVERYTHING mo pa. Ikaw din, baka magsisi ka! Ang pagsisisi pa naman ay laging nasa huli at hindi sa unahan. Kaya push na natin 'to! Huwag ng magpatumpik-tumpik pa! Grab the opportunity Sam! Remember, hindi ka hahalikan ni Eisen kung hindi ka type niyan.
Pagchicheer-up sa akin ng aking malanding konsensiya.
Buti pa ang aking malanding konsensiya, suportado ako, eh, 'yung isa diyan.. hmp!
Rumampa na kaming lahat at kanya-kanyang pose. Hindi ko na maidedetalye dahil sa medyo lutang ako. 'Yung matino at malandi kong konsensiya ay nagtatalo.
"Our Mr. and Ms. Dream University of the year.." pa excite pang sabi ng Emcee na lalaki.
Yeah, pakibilisan naman ang pag-announce dahil baka matunaw na ako dito or hindi naman kaya ay mahimatay na. Nararamdaman ko na naman 'yung kuryente kapag nagkakadikit or nagkakasanggian kami ni Eisen. Atsaka ang init na ng mukha ko.
"Shirley Angel Marvilla of BSBA First year."
Narinig kong may tumawag sa pangalan ko kaya napatingin ako. Hindi ko na kasi alam ang mga nangyayari sa paligid ko dahil sa pagkalutang ko simula ng rumampa ulit kami.
"Ha? Ako ba? May kasalanan ba ako?" naguguluhang sabi ko sabay turo sa sarili ko.
Napansin kong wala na akong katabi, wala na si Eisen sa tabi ko. Nandoon na siya sa gitna ng stage kasama 'yung dalawang Emcee.
"Congrats!" sabi ng nasa harapan ko, bandang kanan.
Bakit ako kino-congrats nung partner ni Lara (the papaya)? At bakit parang mahal na araw ang mukha ni Lara (the papaya)? Naka biyernes santo kasi ang mukha niya.
Wake up Sam! Nasa event ka! Masyado kang nakikinig sa isa diyan! sabi ng Matinong konsensiya ko.
Ikaw ang winner Sam! Kayo ni Eisen ang Mr. and Ms. Dream University of the year. Talagang bagay na bagay kayo, 'yan na 'yung sign, oh. Hayaan mo 'yung isa na kumontra, loveless 'yan kaya hindi pumapag-ibig. Huwag ka ng magpatumpik-tumpik pa. sabi ng Malandi kong konsensiya.
Kami ni Eisen ang... Oh, SHINkamas!
Ngumiti ako at dahan-dahang lumapit sa dalawang Emcee at kay Eisen.
"Kyaaaaa!!"
"Congrats SAM!!"
"Ang ganda mo!!"
"You deserve the title."
Ang dami kong narinig mula sa audience na nagpapalakpakan at sumisigaw.
Napatingin ako sa nag-Congrats SAM! Nakita ko ang tatlo kong parang triplets na friends ko. Kasama ang mga blockmates ko. Hindi ko sila napansin kanina, iba kasi pinagkakaabalahan at pinapansin ko, eh.
Pagpunta ko sa harap, nagngitian kaming dalawa ni Eisen. Kumaway ako sa lahat, akala mo nasa binibining pilipinas ako. Haha!
"He-hello? Salamat sa pag-congrats at suporta kahit hindi tayo magkakakilala." sabi ko sa mga nandoon.
"Shirley pa picture." sabi nung babae na BSHRM.
"Sure, just call me Sam na lang." sabi ko at lumapit sa kanya.
Si Eisen lang ang gusto kong tumawag sa akin na Shirley. Demanding ba ako? S'yempre naman! Maganda ako at Diyosa pa.
"Okay, Sam." sabi ng babae at nagpa-picture na sa akin.
"Ako din, pa picture." sabi ng kasama ng babaeng BSHRM. Pareho silang BSHRM.
"Sure." sabi ko.
Naging instant celebrity ako after ng event na 'yon. Talaga nga naman, oh.
Marami pa ang nagpa-picture sa akin at may mga nagpapirma pa. Parang akala mo may Artista sa may entrance gate ng Dream University.
"Fli-- Flirt!"
Natahimik at natigilan ang lahat ng may magsalita ng ganon.
"Lara the papaya." mahinang sabi ko.
"What?"
"Anong sabi mo?"
"Pakiulit?"
Sabi nung mga tao sa paligid ko na may nakakatakot na aura.
"Flirt! Flirt 'yang pinagkakaguluhan ninyo!" taas noo at matapang na sabi ni Lara the papaya.
"Huwag na huwag mong sasabihan ng ganyan si Sam!" sabi ng BSHRM na babae na unang nagpa-picture sakin.
"Bawiin mo 'yung sinabi mo!" sabi naman nung kasama ng BSHRM girl.
"Bakit ko babawiin? It's tru---" hindi na natapos ni Lara the papaya ang sasabihin ng sugurin siya ng dalawa.
Pati 'yung iba ay sumugod din kaya tumakbo papasok ng gate si Lara the papaya. Hinabol pa rin siya.
Kawawang papaya, malalamog 'yan pag naabutan siya. Sa school ba naman tumakbo, eh, pare-pareho naman kami ng pinapasukan. Haaaay...  ̄ˍ ̄
"Sam, instant celebrity, ah!"
Tiningnan ko 'yung nagsalita. It's Rhea.
"Hindi naman." sabi ko at ngumiti.
"Baka makalimutan mo na kami niyan, ah." sabi naman ni Marie Ann.
Nandito na ang parang triplets kong friends.
"Ang hot pala ni EJ nuh?" biglang sabi ni Claire.
"Oo nga, eh, galing pumili ni Sam. Kaya pala hindi niya type si Cav nung una. Hehe." si Rhea naman ang nagsalita.
"Ikaw Sam, ha!" lumapit sakin si Marie Ann na ngumingiti-ngiti pa.
Okay.. heto na naman po tayo. Kukulitin na naman ako nitong triplets na ito. Haaay..