" IT'S SHOWTIME "
OKAY, nandito na ako. Kahit ano man ang mangyari, I will give my best!
"Okay baby, do your best! Fighting! Aja! Aja!" sabi ni Mommy with Aja pose pa talaga.
"Aww.. thanks Mommy, I will do my best. Mwah!" sabi ko then hinalikan ko siya sa pisngi.
Finally, nandito na rin kami sa Dream University at kasalukuyang nasa Parking Lot. Kalalabas lang namin ni Mommy ng sasakyan nung i-cheer up niya ako.
"Princess, susuportahan ka namin ng Mommy mo. Kaya huwag kang kakabahan ha?" sabi ni Daddy habang iniaabot sakin ang roller bag ko.
Sa itsura at laki ng roller bag ko aakalain mong mag-a-abroad ako.
"Yes po Daddy. Grabe Daddy, para kang K-pop star po. Ang guwapo ninyo po talaga, may pinagmanahan nga si Kuya Shin." sabi ko ng may panggigigil pa.
Nagkatinginan sila ni Mommy tapos muling tumingin sa akin at ngumiti nalang.
Woah, parang hindi ko siya Daddy kasi super guwapo niya, parang Big Brother ko lang siya. Ano ito? PBB?
Inayusan siya ni Mommy at pinagsuot ng mga K-pop clothes sa Parking Lot ng hospital kanina. Muntik ko na siyang hindi makilala pero nung makita ko 'yung ngiti niya. Alam na! Si Daddy yon.
Siya lang naman ang may pinaka sweet na smile na nakita ko. Parang may Johnny ng Endless Love pilipino version dito dahil kay Daddy at mayroong pinay version ni Jenny ng Endless Love rin dahil kay Mommy. Hehe.
Parehas na guwapo at maganda tsaka perfect match.
Hinalikan ko rin si Daddy sa pisngi baka magselos pa kay Mommy kasi siya walang kiss, eh, si Mommy meron. Matampuhin pa naman si Daddy, alam na! Kung saan ko na mana 'yung pagkamatampuhin ko.
Nagpaalam na ako sa kanila at pumunta na sa Stadium.
Woah! yaman naman ng Dream University, may sariling Stadium kahit Semi-Private lang.
'Yung nangyari sa akin sa Hospital kanina. Nagtakbuhan palabas ng kuwarto ni Ravenova ang mga tropa niya.
Paano ba naman biglang nanlisik 'yung mata niya. Binuko kasi siya ng tropa niya na nagseselos naman daw talaga 'yung Master nila.
Habang pinagpipilitan ng mga tropa niya na nagseselos siya parang sasabog na parang bulkan si Ravenova.
Ako, tawa lang ako ng tawa parang nanonood lang ako ng Tom and Jerry na cartoon. 'Yung isipin mo na nagseselos si Ravenova? Laughtrip talaga.
"Miss Marvilla."
Napatingin ako sa nagsalita.
"Uh, hello po?" nag-aalangang bati ko.
"Don't forget to wear this. GoodLuck!" sabi niya sabay bigay ng pin at pagkatapos ay umalis na rin.
Napatingin ako sa bagay na 'yon.
"BSBA first year." binasa ko ang naka-print doon.
Malaking letra ng BSBA ang nakalagay tapos sa baba 'yung 1st yr. Pinaikli ang salitang first year. Dahil hindi kakasya kung ibubuo ang salita. Sa hugis bilog na colored paper kasi ito naka-print.
Dahil hindi pupuwede si Cav na pumunta dito para maging representative ng BSBA First year, ang ka partner ko ngayon na si Prof mismo ang pumili ay si........
"Shirley."
Napalingon ako at napa-WOAH nalang.
"Eisen." nakangiting banggit ko ng pangalan niya.
Si Eisen ang ka partner ko, yii. Parang kailan lang pinagdasal ko na sana si Eisen nalang ang ka partner ko.
"Ako na magdadala nito, tara sabay na tayo." sabi ni Eisen.
Ang gentleman naman niya. Ayii. Siya na nagdala ng roller bag ko.
"Salamat." sabi ko nalang.
"Uhm.. Good luck sa ating dalawa." sabi niya nung wala ng umimik sa amin habang naglalakad.
"Ah, oo nga, hehe, fighting!" sabi ko na nag-pose pa ng aja pose ni Mommy.
".........." walang na sabi si Eisen pero ngumiti lang siya.
'Yung ngiting makatunaw puso, 'yun yon, eh! Muntik na ako matunaw, buti nalang tao ako at hindi ice cream. Ano daw? Haha.
Pagkarating namin sa may back stage ng stadium may kanya-kanyang lugar kami. Kaya inayos na muna namin ni Eisen ang gamit namin at nag-prepared para sa opening ng event. Rarampa lang naman po kami.
"Still flat."
Sino pa ba 'yung madalas nagsasabi ng flat sakin? Eh, di si Lara (the papaya) na kararating lang with her julalay, alipores or whatever kung ano man tawag sa dalawang kasama niya.
Tiningnan ko nalang sila at tinaasan ko ng isang kilay.
"Hahahaha." tumawa lang siya bigla.
"Shirley? May problema ba?" biglang tanong sa akin ni Eisen kaya napatingin ako sa kanya.
"Ah, wala, ah, ba't mo naitanong?" sabi ko ng may pagtataka.
"Ah, kasi biglang kumunot ang noo mo at nag-iba ang aura mo." paliwanag niya.
Woah nakita niyang kumunot ang noo ko? At nag-iba ang aura ko?
"Ah, wala! Wala ito, medyo may naalala lang." sabi ko nalang.
Grabe parang baliw si Lara (the papaya) bigla ba naman tumawa. Parang witch lang ang dating ng tawa niya.
Mayamaya ay pinag-ready na kami para sa opening.
Tamang-tama tapos na akong magmake-up at ayusin ang buhok ko.
Wala akong dinala o sinamang tutulong sa akin para mag-ayos.
Yakang-yaka ko naman ito, eh, tsaka kahit paano maranasan ko namang tumayo sa sarili kong paa. Kasi simula nung bata pa ako, may gumagawa na ng mga bagay para sakin. Kulang na nga lang... sila na 'yung ngumuya ng pagkain ko at nununukin ko nalang.
Yayks! parang kadiri naman ng pagkakasabi ko.
Kulang nalang, sila na 'yung maging kamay at paa ko na gagawa ng mga bagay at magtatapos nito. Buti nga wala na akong sariling yaya. Simula nung bata palang ako may sarili akong yaya, take note dalawa pa sila.
'Yung mga time kasi na 'yun, sobrang busy nila Mommy at Daddy, kaya para makasigurado silang okay na okay ako. At nasa mabuti akong kalagayan may dalawa na akong Yaya, si Kuya Shin kahit isa wala.
Kasi bata palang kami masasabi kong kahit iwanan mo na siya kung saan man. Kaya niya ng mabuhay kasi akala mo malaki na siya, medyo matured na si Kuya non. What more ngayon na 'fully developed man' na siya. Sabagay, 19 years old na si Kuya Shin.
Nung nag 14 years old na ako, sinabi ko kela Mommy at Daddy na ayoko ng magkaroon ng yaya. Kasi malaki na ako at isa pa, teens na ako.
Simple dress lang ang suot ko, yung hindi kita yung hinaharap tapos may mahabang manggas.
Ayokong ibalandra sa madla ang aking katawan. Hindi naman ako katulad ni Lara the papaya na 'yung dress niya na suot ngayon, kulang na lang mag-pose na siya sa FHM or maging model ng isang nude magazine.
'Yung suot niyang dress kitang kita 'yung half of her breast. Somewhere may nakita na akong dress na suot niya na 'yung middle of breast lang ang natatakpan then backless sa likod. Something like that. Tapos 'yung haba ng dress mukhang kinapos sa tela, kasi half of her legs lang naman 'yung haba.
Woah, paano kaya sa swim wear? Magbaband-aid nalang siya? Eh, kung sa dress palang parang gusto niya ng maghubad. What more sa swim wear di ba? Baka maghubad na talaga siya ng tuluyan.
"Hahaha dahil sa pagka-flat, kulang nalang maging suman ka dahil balot na balot ka na." sabi ni Lara (the papaya) nung mapatingin ako sa kanya.
Nasa unahan kasi si Lara (the papaya), mga six na tao ang pumapagitan sa amin. Kahit na anim o gawin mo pang benteng tao ang pumapagitan sa amin. Maririnig at maririnig ko pa rin 'yung sinabi niya, dahil sa mala megaphone niyang boses.
"Whatever papaya." sabi ko sabay irap sa kanya.
Ang taray ko ba? Syempre Maganda ako eh, ay mali! Diyosa ako. Hahahahaha.
"Kung inaakala mong papalagpasin ko 'yung nangyari kahapon nagkakamali ka! Nang dahil sa pang-aakit mo sa aking prinsipe na si Cav, nasaktan siya!"
Napatingin ako sa kanya, napataas ako ng kilay ng makita ang mala mangkukulam niyang mukha.
Kung ako tatanungin, si Lara (the papaya) ay may mala papayang hinaharap. May pagka-curl ang buhok na hanggang siko niya ang haba. Bilog na mata at 'yung ibang parte ng mukha niya, no comment.
Basta ang nipis nipis ng kilay niya parang pila ng langgam na kumukuha ng pagkain o pauwi na sa kanilang lungga.
May nakalimutan ako, ang masasabi kong maganda kay Lara (the papaya). Maputi siya, kung naging maitim ito kamukha niya na si Kirara ata 'yon? 'Yung babaeng negrita na may kulot na buhok, 'yun ata yon? Ah, ewan, basta 'yun na yon. Haha!
Wait lang, may napansin ako. Bakit nagtatagalog siya? Eh, englisherang palaka si Lara (the papaya). Palaka? Papaya? Woah! Start with "Pa" haha!
"Get ready Guys!" sabi nung organizer sa amin kaya umayos na kami.
"Uy! Eisen, tahimik mo yata?" tanong ko.
Woah, Sam, nice question. Kailan ba naging madaldal si Eisen? Aber?
"First time ko kasing sumali sa ganito." pag-amin niya ng ngumiti na medyo alanganin.
"Chillax lang, same tayo. First time ko rin." pag-amin ko rin.
"Pa virgin effect pa."
Napalingon ako sa nagsalita at kamuntikan na akong masuka, gusto ko nga humagalpak pa ng tawa. Nagpigil nalang ako dahil kapag tumawa ako baka maasar lalo ito sakin.
Si Lara (the papaya) ay nakuha pang mag-retouch, eh, ang kapal-kapal na ng make-up niya. Kumapal pa nga lalo, gabi ba ngayon? Eh, ang event ay 11 AM lang naman, so kailangan mag-make up ng makapal? Ano ito pageant ng Clown? What if biglang summer ngayon na may matinding init at kapag pinagpawisan siya. Boom Zombie! Hahahaha.
Kung dati hindi ko alam kung bakit asar or galit sakin si Lara (the papaya). Ngayon ay alam na alam ko na!
Tama 'yung sinabi ni Cav nung araw na hina---Err! nung araw na nakita kami ni Lara (the papaya) sa awk--err!
Nung araw pala na tumakbo si Cav at hinawakan ang kamay ko kaya pati ako napatakbo.
Talaga ngang stalker itong si Lara (the papaya), hindi basta-bastang stalker lang. Crazy Stalker siya! Paano ko nasabi? Ultimo kulay at print ng boxer ni Cav alam niya!
Nagstart na kami at rumampa kasama ang mga partner namin.
Pagkatapos namin rumampa ay pumusisyon kami kung saan kami nakapuwesto ayon sa ni rehearsal namin.
"Lady's and gentlemen, let's start our yearly search for the next Mr. and Ms. Dream University of the year." sabi ng Emcee na babae.
"Oh! This year we have a handsome and beautiful contestants per course and batch." sabi ng Emcee na lalaki.
Nakita kong tumingin sa akin si Lara (the papaya) at nag-smirk, taas noo pa siyang tumingin ulit sa audience.
'Yung ibang audience na lalaki ay nakatingin kay Lara (the papaya.)
Feel ko lang, 'yung mga lalaking 'yon pinagdadasal na kumalas 'yung mga sinulid ng dress ni Lara (the papaya). Para it's showtime.. Chos!
Kanya-kanyang hiyaw, tili at cheer ang mga nasa audience. Hinanap ko kung na saan sila Mommy at Daddy.
"Nice naman, mukhang hindi sila prepared sa lagay na 'yan." mahinang sabi ko.
Sila Mommy at Daddy kasi may hawak-hawak na banner. Hindi lang basta-bastang banner, malaki siya.
Tapos ang nakaprint ay picture ko nung naka-dress ako, na kuha sa isang event na pinuntahan namin kailan lang pagkadating ko ng pilipinas galing Seoul.
May kasama pa na, "WE LOVE YOU SHIRLEY ANGEL MARVILLA ♥"
Aww, sweet.
Hindi ko inintindi kung ano 'yung sinasabi ng Emcee, nagtsa-charge ako ng energy for swim wear thru Eisen smile. Kapag kasi nagkakatinginan kami ni Eisen, ngumingiti siya. Kaya ayon, parang nare-recharge naman ako. hihi.
Pagkatapos ng opening thingy ay swim wear na agad-agad.
Pumunta na ako sa fitting area dala yung pinaglagyan ko ng swim wear ko na nakalagay sa isang organizer bag.
"Oh, SHINkamas! Na saan yung swim suit ko?" nagpa-panic na sabi ko habang hinahanap sa bag ang susuotin ko.
Hala! Nasaan na 'yon? Nandito lang 'yon, ah, nakita ko pa nga kanina 'yon. Ano 'yon? Nag-magic? Nagkaroon ng paa? Naging bula?
Habang nagpa-panic ako ay may narinig ako sa katabing fitting room ko.
"Hahaha tingnan lang natin kung magagawa niya pang mag-swim wear ngayon." natatawang sabi ng isang babae.
Parang boses ni Lara (the papaya) 'yon, ah! Hindi ako puwedeng magkamali, siyang-siya 'yon. Dahil sa school na ito, siya lang naman ang megaphone.
"Haha poor flat."
"Haha"
Narinig ko 'yung tawanan nilang tatlo. Kasabay ng pag-alis nila sa katabing fitting room kung na saan ako ngayon.
Argch! Ang papayang 'yon at ang julalay s***h alipores niya! Talaga nga naman! 5 minutes nalang, magsisimula na ang swim wear. Anong gagawin ko?
Tarantang-taranta na ako ng mapatingin ako sa suot kong dress.
"No choice! Kailangan ko itong gamitin. Ayokong magtagumpay sa pag-ruined ni papaya sa araw na ito para sa akin." sabi ko sa sarili ko at agad na hinubad ko na ang dress na suot ko.
Mabuti nalang kinulit ako ng kinulit ni Mommy na suotin ang two piece na ito. Para daw ready na ako sa swim wear, kaya lang 'yung pinasuot sa akin ni Mommy, eh, pang sexy talaga na lantad ang cleavage.
Nung mahubad ko na yung dress ko napatingin ako sa salamin na nasa harapan ko.
"Kailangan ko din tanggalin ito. Argch! Kung hindi lang kinuha 'yung swim wear ko na parang tube ni papaya and her julalay s***h alipores hindi ko na kailangan pang tanggalin pa ito." sabi ko habang tinatanggal iyon.
Nung high school pa ako pinagkakaguluhan at kinaiinggitan ako. Hindi naman sa nagmamayabang ako. I have a sexy and perfect body, ang akin lang naman na vital statistics ay 36-24-36. Perfect body right? S'yempre Diyosa, eh. Haha!
May sinusuot lang akong binder para magmukhang wala akong dibdib pero dahil 36B ako, medyo may kauting ano lang. Happy naman ako na mukhang flat chested ako kaysa 'yung kinakainggitan ako to the point na kung ano-anong paninira sa akin na retokada ako, fake or whatever!
Kahit na mayaman ako, hinding-hindi ko gagawin ang magparetoke, bakit? Simple lang.. Kung ano man ang ibinigay ni God sa'yo, pagyamanin at mahalin mo. Hindi 'yung magpayaman ka tapos kahit mahal ang magpaayos, magpaparetoke ka. Me-ganun pa akong nalalaman, haha!
Nang matanggal ko na 'yung binder, nilugay ko na ang buhok kong laging nakapony na never pang naglugay outside my house.
Ibinalot ko muna sa katawan ko 'yung pantapis na kasama sa pagrampa sa swim wear, kaya tago ang two piece ko.
Nagsimula na ang swim wear at partner-partner s'yempre na rumampa.
Ako? Kumusta ako? Heto, medyo malapit ng mahimatay, bakit? Ikaw ba na may makatabi na lalaking may perfect din na body, hindi ka kaya himatayin sa kilig? sa tuwa, sa saya and so on. Hehe.
May tinatago palang kakisigan itong si Eisen. Ito ba 'yung tinatawag nilang Loser? At sinasabihang Promdi? Weird? Jologs? Tokneneng 'yan! Ang perfect naman niya para maging ganoon. Ang cool tuloy niyang tingnan. Nakakita na ba kayo ng lalaking topless na maganda ang built ng katawan tapos may suot na salamin sa mata. Hehe.
Naka-boxer short siya, hindi nakabrief or underwear kasi binago ang para sa lalaki.
Last year daw kasi, 'yung swim wear ay nagka-trouble. Maraming nahimatay na girls sa audience, maski 'yung nasa stage daw ay nahimatay din. Ewan ko kung bakit? at ayoko ng alamin pa. Past is past nga eh, kaya hindi na dapat binabalik-tanaw. Huh? Binabalik-tanaw? Sam is that you? Baka may sumapi na sa'yo, lalim mo, eh.
Nakita ko ang taas noong pagrampa ni Lara (the papaya) na parang T-back ang suot sa baba. Haha.
Hindi kasi kami pare-parehas ng swim wear. Hindi gaya sa mga pageant na pare-pareho.
Nung pabalik na siya matapos rumampa at magkalat sa stage na nagpa-yuck at witwew sa audience dahil sa suot niya. Nagitla siya ng makita ako at ngumiti ng nakakaasar ng makitang balot ako.
Hindi niya napansin si Eisen, mas mabuti na 'yon baka agawin niya pa. Eh, akin lang si Eisen, hahaha angkinin daw ba?
Nung kami na ni Eisen, natahimik ang audience at nakatingin lang sa aming dalawa ni Eisen. Pati na rin 'yung dalawang Emcee at mga kasama namin sa stage.
Dahan-dahan kong tinanggal ang tapis ko at hinawakan lang 'yon sabay rampa.
Naghiwalay muna kami ni Eisen at muling nagtagpo sa gitna ng stage at nag-pose.
Nakita ko sina Daddy at Mommy na todo cheer at kahit hindi ko marinig ang sigaw nila. Nababasa ko sa buka ng bibig nila ang salitang "ANAK KO 'YAN!"
Haha parang isang show sa tv noon. Haha.
Nung pabalik na kami napansin kong namumula na ang magkabilang ears ni Eisen. At may napansin pa ako, kitang-kita ko ang paglaki lalo ng mata ni Lara (the papaya) at pagbuka ng bibig niya sa pagkagulat sa nakikita niya.
"Ito ba ang flat?" pabulong na sabi ko na may pagbigkas ng mariin para mabasa niya sa bibig ko 'yung pabulong na sinabi ko.