" VISIT "
'YUNG nangyari kahapon? Grabe hanggang ngayon windang pa rin ako. Parang mga bata sila Ravenova at Cav, tama bang magsuntukan sa quadrangle? Talaga naman, oh, mga pasaway talaga.
"Tara na baby, hatid ka na namin sa school."
Wow! Ang sweet naman ng Daddy ko ihahatid nila ako sa school. Ihahatid? Sa school? Oh, no!
"Ah, eh, Daddy sa hospital ninyo nalang po ako ihatid." natatarantang sabi ko.
Cross finger.. sana pumayag.
"Okay baby sa hospital, hospital? Bakit baby anong masakit sa'yo? Thomas dali ihanda mo ang sasakyan." nagpa-panic na sabi ni Daddy na hinahawak-hawakan ako at sinuot pa sa akin 'yung polo niya. At tinawag ang driver niya para ihanda ang sasakyan.
Mukha ba akong nilalamig? OA naman ni Daddy but sweet.
"Ah, Daddy, wala po akong sakit atsaka hindi po ako pupunta ng hospital para magpatingin sa doctor, magpa-confine or magpagamot." paliwanag ko habang tinatanggal ang polo na isinuot niya sa akin.
"Ta-talaga baby? Pe-pero bakit ta-tayo pupunta ng ho-hospital?" nauutal na sabi ni Daddy, talagang natakot si Daddy na baka kung ano na ang nangyari sa akin.
"Opo Daddy, dadalawin ko lang po muna 'yung dalawang friends kong nasa hospital po ngayon.." sagot ko then I hug him. "Nothing to worry Daddy, I'm healthy and energetic." sabi ko pa.
Parang masusuka ako sa sinabi kong dadalawin ko 'yung dalawang friends ko.
'Yung mala Lupin na si Cav na hanep sa galing sa pagnanakaw ng halik pero guwapo naman. At si Ravenova na Famous Casanova, guwapo rin sana kaso Casanova.
Talaga nga naman oh, kahit sa bangungot ayaw ko silang maging friends. Am I bad to them? For thinking this? Pero kasi ano, dislike ko sila, eh. I mean 'yung personality nila.
"Wow! ang sweet naman ng mag-ama ko."
Napatingin kami ni Daddy sa nagsalita at napabitaw ako sa pagkakayakap kay Daddy.
"Mommy?" gulat na sabi ko.
"Mee ano 'yan?" tiningnan ni Daddy si Mommy from head to toe.
"Ah, ito ba? Uso ito ngayon. Oh! ano bagay ba?" umikot si Mommy then she wink.
Okay, alam kong uso 'yan ngayon. But hello? Mommy was 36 years old then in her attire? Oh SHINkamas! Kumi-KPOP lang naman ang Mommy ko na nag-wig pa ng kulay mais. Talaga nga naman, oh! Boom panis ni Vice Ganda ito, huh? What did I say? Err.. whatever.
"Ang ganda mo lalo Mee." sabi ni Daddy, kulang nalang maghugis puso na ang mata niya.
Talagang inLABabO si Daddy kay Mommy. Pag-ibig nga naman. Minsan lumaLABO na ang mata kaya ayun, no comment.
"Bakit po pala kayo nagsuot ng ganyan Mommy? May pupuntahan po ba kayo?" tanong ko habang tinitingnan ng maigi si Mommy.
"Di ba? princess ngayon ang event ninyo, kaya heto nag-disguise na ako para hindi makilala at para hindi malaman 'yung sikreto mo. Ba't kasi sinisikreto mo pa, mahihirapan ka niyan pagdating ng araw." sabi ni Mommy at may iniwan pa ng thoughts sa akin.
Yeah, Mommy is right, siguro kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa araw na 'yon. Haaaay... Ngayon palang na naiisip ko 'yung puwedeng mangyari kinakabahan na ako.
"Yeah, right Mommy, wala namang sikreto na hindi nabubunyag o nalalaman." sabi ko.
Nagkatinginan sila Mommy at Daddy na parang may gulat factor doon sa sinabi ko.
Mukhang nagulat sila Mommy at Daddy. Nahawa na yata ako kay Mommy na makalunod 'yung salitang tagalog niya. Hehe.
"Tama ka Princess." pagsang-ayon ni Mommy sa sinabi ko.
"Una na ko sa labas." sabi ni Daddy saka pumunta ng pinto at lumabas.
"Ready ka na sa event ninyo ngayon? Galingan mo, papanoorin at susuportahan ka namin ng Daddy mo." sabi ni Mommy at lumapit sa akin. May inayos lang siya sa suot ko.
"Hehe, medyo ready na po at kinakabahan po ako." sinabi ko kay Mommy kung ano 'yung napi-feel ko ngayon.
Kinakabahan na talaga ako ngayon pa lang. Gusto ko sanang magback-out pero ayokong sayangin ang chance ko.
"Huwag kang kabahan baby, nandito lang kami ng Daddy mo, nakasuporta sa'yo." pagko-comfort sa akin ni Mommy.
"Thanks Mommy." sabi ko at niyakap ko siya.
Lumabas na rin kami ni Mommy. Nung nasa sasakyan na kami at nagbibyahe na, nagtaka si Mommy kung bakit hindi way papuntang school ang daan namin.
Sinabi ko na dadaan muna kami ng hospital, tulad ni Daddy nag-worried din si Mommy at pinakiramdaman ang noo ko kung may lagnat ba ako o ano. Pinulsuhan din niya ako, nung sinabi ko na may bibisitahin lang muna kami at wala akong sakit. Niyakap niya ako ng mahigpit, tulad ni Daddy nag-worried din siya.
Alam ko kung bakit ganyan ang kinikilos nila. But for the mean time pupunta muna kami ng hospital, sa sunod ko na sasabihin o aalalahanin kung bakit ganoon ang kinikilos ng parents ko.
"Magandang Umaga." bati ko ng makapasok ng pinto.
Nakarating na ako ng hospital, sila Mommy at Daddy nasa parking lot.
"Mas maganda ka pa sa umaga bhie." pangbobola niya.
"Woah, maniwala, ang aga-aga nambobola ka." sabi ko habang lumalapit sa kanya.
"It's true, mas maganda ka pa sa umaga." kung kanina ang lapad ng ngiti niya ng salubungin ako. Ngayon naman bigla siyang sumimangot. "Sayang nga lang, hindi kita mai-escort sa event. Kainis na lalaking 'yon!." napa-close fist siya, dama ko ang inis niya.
"Oh, easy lang, 'yung puso mo baka malaglag." pagbibiro ko. Umupo ako sa upuan na nasa tabi ng kama niya.
Bigla-bigla bang naging ganito ako kakomportable sa kaharap ko?
Wala lang good vibes kasi ako. At kapag goodvibes ako nagagawa kong magbiro kahit sa hindi ko ka-close or hindi naman kaya sa hindi ko friends.
"Okay lang malaglag ang puso ko, basta ba ikaw ang sasalo. Ay mali pala, matagal ng nalaglag ang puso ko sayo, sana.... nasalo mo ito." sabi ni Cav.
Spell SILENT. 'Yun 'yon, eh, bigla akong natameme na parang umurong yata ang dila ko.
"Hehehe." tawa ko nalang. Joke ata 'yon kaya tawa nalang ako.
"Bhie salamat sa pagdalaw sa akin." sabi niya then inabot niya ang isa kong kamay na nakapatong lang sa lap ko at hinawakan ito.
"Ah, eh, wala 'yon no, atsaka kasalanan ko kung bakit nagkaganito ka. Dapat nagawa ko kayong maawat nung una palang para hindi na umabot pa sa ganito." sabi ko ng hindi nakatingin sa kanya.
Woah, bakit ganito? Parang matutunaw na ako sa tingin ni Cav, kailangan ko ng makaalis dito ng hindi ako maging tunaw na ice cream kapag nag-stay pa ako dito.
"Mabuti nalang hindi ka umawat, baka kung na paano ka pa. You're so fragile and precious, na dapat ingatan at alagaan." sabi niya.
Okay.. mukhang ang inalmusal ng lalaking ito ay keso kaya ganyan ka cheesy, hindi kaya dagain ang hospital na ito? Kung may Cav na nandito?
"Hehe, may pa ganyan ganyan ka pang nalalaman."
Hinampas ko siya.
Okay aaminin ko, medyo kinilig ako. Pero sa Lupin na ito? Err! Erase! Erase! Erase!
Nakita kong napakurap siya nung mahampas ko siya sa balikat niya.
"Ang sweet mo naman Bhie, damang-dama ko." sabi niya na nagsmirk pa.
"Ah, eh, sorry Cav." tarantang sabi ko na napatayo sa upuan.
Bigla niya akong hinila ng malakas, as in malakas kaya napalapit ako sa kanya ng mga 2 inches lang naman.
Agad akong lumayo sa kanya na anytime or any second, puwedeng magtagpo ang lips namin.
Woah, muntik na ako doon, talaga nga naman, oh! Nabugbog ba talaga ito? Bakit ang lakas pa rin niya? Ah, baka kumuha ng energy sa pandesal niya? Ay mali sa abs niya pala. Hahaha!
Walang nagawa 'yung mga tao sa quadrangle kahapon sa takot na masuntok. Mabilis naman dumating 'yung security guards atsaka ng mga profs para awatin sila, 'yun nga lang sa sobrang bilis ng pangyayari at sa mabilis na pagganti nila ng suntok sa isa't-isa. Parang ginulpi ng isang gang ang mga mukha nila, hindi ko na idi-discribe. Rated SPG, in letter K.
"Sayang! Makakaisa sana ako." sabi niya na ngumiti pa ng nakakaloko.
"Isahin mo mukha mo! Sige alis na ako, pupunta na ako ng school." sabi ko at tumalikod na sa kanya. Naglakad na ako papuntang pinto.
"Wala bang goodbye kiss bhie?" narinig kong sabi niya.
"Bi-bhie-in mo mukha mo. Sige alis na ko." sabi ko ng lingunin siya. Nakita kong medyo tumawa siya. Nag-wave nalang ako at lumabas na ng room niya.
Oh, thanks! Buti nakalabas din, si Ravenova nalang ang bibisitahin ko.
Naglakad na ako papuntang room niya, kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Good Morning.." bati ko. Nakita ko siyang may binabasa na agad niyang itinago sa ilalim ng unan niya.
"Ah, Good Morning too heart ko." ganting bati niya ng nakangiti ng malapad.
"Eh, Ravenova, bakit mo ginawa 'yon?" walang preno na naitanong ko ng makalapit sa kanya.
Umupo ako sa upuan na nandoon na malapit lang sa kama niya. Nakita kong napakunot siya ng noo.
"Ravenova?" tanong niya.
Nasapo ko ang mukha ko.
"Ah, eh, Raven plus Casanova is equal to Ravenova." paliwanag ko.
"Hehehe." I saw him laughing.
Huh? Natawa? Nag-joke ba ako?
"Hey! Why are you laughing?" napa-english tuloy ako ng wala sa oras.
Talaga nga naman, oh!
"Wala lang, masaya lang ako kasi nandito ka atsaka ginawaan mo pa ako ng nickname." nakangiting sabi niya habang tinatanggal ang nangilid niyang luha sa magkabilang mata, gamit ang kaliwa niyang kamay.
Agad na may na pansin ako.
"Na paano 'yung kamay mo?" tanong ko sabay hawak sa kaliwang kamay niya.
Hindi left handed yung ginagamit ni Ravenova, base sa nakikita ko right handed siya. Kaya kung ako ang tatanungin, hindi magkakasugat ng ganoon ang kaliwa niya. Kung kanan naman ang madalas na gamit niya. Lalo nung nagsuntukan sila ni Cav.
May biglang bumukas ng pinto kaya napalingon ako habang hawak ko ang kamay ni Ravenova.
"Master may dal-- Miss Beautiful?" gulat na gulat ng makita ako nung nakasumbrero.
'Yung dalawa napatingin sa akin at sa kamay ko. Naramdaman kong hinahatak ni Ravenova ang kamay niya pero hinawakan ko ito ng mahigpit.
"Hi?" bati ko sa tatlong tropa ni Ravenova.
"Wow! may nilalanggam dito dude." sabi nung may hikaw sa tainga.
"Yes dude, ka tamis, eh." sabi nung naka-scarf na tumawa ng bahagya.
"Shut up!" saway ni Ravenova.
"Hey easy lang, na paano itong kaliwang kamay mo?" tanong ko ng muli akong tumingin kay Ravenova.
Hindi siya sumagot, sa halip nag-iwas siya ng tingin.
"Nakuha ni Master 'yan nung pinagluto ka niya dahil hindi naman iyan nagluluto atsaka hindi naman HRM ang course namin kundi Pilot. Kaya pati daliri nakasama sa paghiwa niya ng mga ingredients. Medyo malalim kaya hindi pa masyado magaling kahit one week n ang nakakalipas, bumuka tuloy nung nagsuntukan sila nung lalaking pinagseselosan niya." diretsong sabi nung nakasumbrero nung nasa tabi ko na siya at inilalagay sa mesa ang dala niyang prutas at pagkain.
"Dude." tawag ng dalawang kasama ng nakasumbrero.
"Carl!" tawag ni Ravenova na may nakakasindak na tingin.
"Ah, eh, sorry Master." tarantang sabi ng nakasumbrero na natakot kay Ravenova.
'Yun ba 'yung pinagluto niya ako? One week ago na nga iyon, aww! Nahiwa siya mapagluto lang ako? Di ba? Pustahan lang naman 'yon? Base on what I've heard sa dalawang tropa niya.
Grabe naman na pustahan 'yan, kahit na mahiwa ka na gagawin mo pa rin. Tama ba ang narinig ko? Nagseselos siya kay Cav? Hahahahaha! ang Casanova magseselos? Nah! Imposible 'yan, walang sineseryoso ang mga Casanova kaya hindi sila nakakaramdam ng selos para sa isang babae. Sa dami ba naman ng chics nila at puwede pang mabingwit na chics dahil sa kanilang karisma. Wala na 'yang selos-selos na 'yan! Dahil 'yung mga nakakaramdam lang ng selos ay 'yung mga taong marunong magmahal at takot mawala 'yung taong gusto nila at mahal nila.
Sa kaso ni Ravenova, walang Love sa vocabulary ng isang Casanova.