" LUPIN "
"GOOD MORNING! Mommy and Daddy." bati ko nung makita ko sila sa kusina na naghahain ng breakfast namin.
"Good Morning Baby." nakangiting bati na pabalik sa akin ni Daddy.
Nakaraan Princess tawag ni Daddy sa akin ngayon Baby naman.
Ano ba talaga? Baby o Princess? Dapat Baby Princess nalang ipinangalan sa akin. Ang dami ko na kasing pangalan, Shirley Angel, Shirley, Sam, Baby, Princess tapos Samshi pa, buti hindi naging Sushi. Haha.
Naglakad na ako palapit sa kanila at nagmano bago umupo sa upuan.
"Good Morning Princess, di ba? bukas na yung event ninyo?" bati rin ni Mommy sa akin habang naglalagay ng plato at kutsara sa mesa.
"Ah, opo." sabi ko ng nakasimangot.
"Anong itsura 'yan? Ang aga-aga nakabusangot ka?" puna ni Mommy sakin.
"May problema ba, baby?" biglang nag-worried si Daddy.
Ah anyway, isang linggo na ang nakakalipas kaya nandito na si Daddy.
Tapos na ang kanyang business trip sa Seoul. 'Yung box o regalo na bigay ni Kuya Shin, ayun nasa kuwarto ko pa rin at hindi ko pa rin binubuksan. Saka na, pag-birthday ko nalang, tutal malapit na rin ang birthday ko. Hehe.
"Ah, wala po ito, medyo pagod lang sa rehearsal para sa event." pagpapalusot na sagot ko.
Ang totoo, parang gusto ko na nga mag-back out. Paano ba naman, argch! Kainis na Cav na 'yan eh, simula nung sinabi niya na may swim wear pa at iyon daw ang inaabangan niya. Naku po! Kung puwede lang sana huwag matuloy ang event na 'yon, makakatakas pa ako.
"Ang mabuti pa, kumain ka nito. Masustansiya ang itlog pero huwag lang sosobra dahil lahat ng sobra ay nakakasama sa ating kalusugan." sabi ni Mommy habang inilalagay ang sunny side up sa plato ko.
"Kailangan mo nito Baby." sabi ni Daddy na hinalo-halo pa ang isang basong gatas bago itinabi sa plato ko.
Ang swerte ko, magulang ko pa nagsisilbi sakin, hiyang-hiya naman ako.
"Ah, Mommy, Daddy salamat. Umupo na po kayo, kaya ko naman po kumuha ng makakain ko, eh." awat ko sa kanila dahil lalagyan ng tocino at hotdog ang plato ko.
Grabe! 'Yung nakikita mo palang 'yung mga pagkain na ilalagay sa plato mo. Feeling mo kakatayin ka na mamaya, talaga nga naman oh!
"Hehe, sorry baby." sabay nilang sabi.
Pinaghila muna ni Daddy ng upuan si Mommy bago pinaupo. Pagkatapos nun ay umupo na rin si Daddy.
How sweet, kilig much ako with matching inggit much. Sana ako rin.
Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Pagkatapos namin mag-breakfast ay nagpaalam na ako na aakyat na ng kuwarto ko para mag-prepare na sa pagpasok. Thursday ngayon kaya may P.E. Class kami tapos bukas na 'yung event na Mr. and Ms. Dream University of the year.
Pagkatapos kong magbihis ay inilagay ko sa paper bag 'yung t-shirt, jogging pants at rubber shoes ko for my P.E. Class.
"Pasok na po ako, Mommy and Daddy." nakangiting sabi ko while waving my right hand.
"Ingat baby. Mwah!" sabi ni Daddy sabay flying kiss na agad kong sinalo sabay dampi sa pisngi ko.
"Fighting baby, aja!" sabi naman ni Mommy na naka-pose pa ng pang korean na fighting.
Kumi-KPOP si Mommy haha.
"Okay po. Mwah!" sabi ko then flying kiss sabay wink bago lumabas ng pinto.
Haha nakakatuwa talaga parents ko, parang kapatid o kaibigan ko rin sila. Hehe.
Paglabas ko ng pinto agad na bumungad sa akin ang anim na lalaki na naka-shade na black at naka all black attire.
Huh? Mens in Black? Di ba dalawa lang 'yung sa MIB? Ba't anim ito? Nag-ala NARUTO na nagtimes 3? Aba Matindi 'to!
Tumingin sila sa akin at nag-bow head.
"Good Morning Lady Sam." sabi nila na bati na nagpataas ng isang kilay ko.
Woah! Lady Sam, nice I have a new name again. But wait, Lady Sam? Am I in Hayate The Combat Butler anime? Am I Lady Nagi? Chos! Haha. Anong meron?
Nagbigay sila ng daan para sakin, para makalabas ako ng gate namin. Nakita kong bumubulong sila at parang may hinahawakan sa ears nila.
Ayt! Tungeks, body guards ko pala ito. Haha, sorry nagkaAmnesia lang. May guwapo kaya sa kanila? Irereto ko sa mga kaibigan ko. Ayt! Huwag nalang, baka mahuli pa ko at malaman ang aking secret.
Naglakad na ako at sumakay ng tricycle. 'Yung mga MIB s***h body guards ko sumakay ng van.
Wushu, kung hindi ko alam na body guards ko sila. Baka akalain ko pang mga kidnapper sila. Ops! Sam don't think bad things sa kapwa mo.
Pagkarating ko ng school sinalubong ako ng matatalim na tingin habang si Cav ngiting-ngiti na lumapit sakin.
Talagang gusto ni Cav na matigok o matsugi ako ng maaga. Kung nakakamatay lang siguro 'yung matatalim na tingin, pinaglalamayan na siguro ako. Waaah! huwag naman, huhue I love my precious diamond life.
Kaasar naman itong nagpi-feeling boyfriend ko eh, partner ko lang naman siya sa event.
"Ako na magbibitbit ng gamit mo." nakangiting sabi niya ako naman ngumiti rin ng pabalik sa kanya.
Wahahaha tingnan nalang natin ang lakas mo.
Ibinigay ko sa kanya 'yung bag ko na may 10kls. na pampabigat.
Ilang araw na ako naglalagay ng mga pampabigat. Una 2kls, sunod, 4kls. , 6kls. , 8kls. now 10kls. na.
Minamani niya lang pagbubuhat sa bag ko, eh ako parang kaunting galaw nalang kakalas na ang balat ko sa buto ko. Kailan ba ito mapapagod? Kaasar naman, oh!
"Parang bumigat yata ang bag mo bhie." / sabi niya nung makuha ang bag ko.
"Ah, ganun ba, may pinabaon kasi sa akin si Mommy na heavy meal, as in heavy talaga kaya mabigat. Hehe." sabi ko sa kanya.
Kuwentong barbero ko lang 'yung tungkol sa may baon ako na heavy meal na bigay ni Mommy. Kasi hindi naman 'yun heavy meal pampabigat 'yon. 'Yung bakal na nilalagay na pampabigat, 'yun 'yung nasa bag ko. Haha.
"Ganoon ba? Eh, bukas na 'yung event baka magkabilbil ka niyan, magtu-two piece ka pa naman." pagpapaalala niya.
Whattasyete! Cav, nice one! Ang galing mong mang-asar, saludo na talaga ako sayo.
Naglakad na ako nang mabilis at iniwan na siya.
"Bhie wait." tawag niya.
Bi-bhie-in mo mukha mo! wapakels ako sayo.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang pilit niyang inaabot ang kamay ko. Umiiwas ako.
"Ang kulet ng lahi mo Cav, bakit ba? ha?!" pagtataray ko na tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Galit ka ba Bhie? Sorry na." sabi niya.
Woah! si Cav ba ito? This is for real? He said, sorry? Am I dreaming? Haha! kung makapag-react naman ako, akala mo ngayon lang nag-sorry sa akin si Cav. Eh, nung nakaraan nabunggo ninya ako kaya napaupo ako sa floor. Agaw eksena lang ang peg ko, grabe!
"No, I'm not." sabi ko sabay iwas ng tingin.
Nakakangalay kayang tumingala, mala kapre ata ito. Matangkad kasi si Cav, six footer din tulad ni Kuya Shin saka ni ano, ni Eisen. Matangkad din kasi si Eisen. Yii..
Napansin ko si Ravenova kasama 'yung tatlong tropa niya. 'Yung may ear ring, nakasumbrero at 'yung naka-scarf.
Malamig ba ngayon? Bakit naka-scarf siya? Siya 'yung laging wala sa mga tropa ni Ravenova. Stalker ba ako? Bakit alam ko 'yon? It's a big NO, nasa iisang school kami kaya natural na nagkukrus ang mga landas namin.
"OKAY guys, paglabas ninyo sa kurtina dito kayo unang lalakad bago dito, sabay punta sa harap then ikot at pose."
Pinapakinggan ko lang 'yung instructor namin na nagtuturo sa may stage.
Nandito ako sa baba at nakaharap sa stage, kaya parang nanonood ako ng live acting eklabu.
"Flat."
Napalingon ako sa taong nagsalita. Sino pa ba 'yung tumatawag sakin na flat, eh, di si Lara the papaya lang naman. Kaya pala nung mga nakaraang araw hindi ko siya nakikita dahil nag-diet pa ang lokaret. Kaya ayon, medyo nawala na ang tummy niya na akala mo preggy.
Nagawa pang mag-diet, eh paano na 'yung papaya niya? 'Yun pa naman 'yung sumusuporta doon. Hehe.
"Whatever papaya." sabi ko nalang sabay tingin sa stage.
Kung si Angelina, whatever yaya. Ako naman whatever papaya. Haha atleast magkatunog yung last word. Hihi.
"Tingnan nalang natin bukas, siguradong mapapahiya ka."
Narinig kong sabi niya pero hindi ko pinansin.
Sus! Bakit ko pag-aaksayahan ng oras ang taong hindi worth para sa time and attention ko? Me-ganon, haha.
Pinanood kong rumampa 'yung mga boys na representative ng kani-kanilang course at batch. Pagkatapos nila ay kami naman na girls ang magri-rehearse ng irarampa namin.
Now, turn naman ni Cav. Rumampa siya na mala Dingdong Dantes ang tindig tapos nung umikot at nagpose biglang angat ng suot niyang white t-shirt na mala James Reid.
Oh, ma-men, naghe-hello ang pandesal este 'yung abs ni Cav.
Halos mabasag ang eardrums ko sa tili lalo ni Lara the papaya na mala megaphone ang lakas ng tili.
Whattasyete! Kaya pala yakang-yaka lang ni Cav 'yung bag ko na bitbitin dahil naggi-GYM siya. Talaga nga naman oh, parang pinagwa-warm-up ko pa siya tuwing umaga sa pagbitbit ng bag ko.
Pagkatapos ng nakakabasag na eardrums na tili kami naman mga girls.
Ewan pero parang napansin ko si Ravenova or baka imagination ko lang 'yon?
Nang matapos ang rehearsal ay nagsialisan na kami. Buti nalang, 'yun na ang last rehearsal namin dahil bukas na ang event.
Nauna na akong naglakad papuntang GYM kung saan may P.E. Class ko. Si Cav hindi ko kasabay ngayon after kasi namin mag-rehearse kahit naka P.E. uniform na kami. Pumunta siya ng cafeteria para bumili ng tubig kasi baka daw nauhaw at napagod ako. Parang rampa dito at doon lang na pagod na agad. Nung nasa GYM na ako, 10 minutes na wala pa rin si Cav kaya kinutuban na ako ng hindi maganda.
"Wait lang girls, may titingnan lang ako."/ paalam ko sa mga kaibigan ko. Tamang-tama wala pa si prof kaya puwede ako lumabas muna ng GYM.
Nasa quadrangle na ako nung makita ko si Cav na kumakaway-kaway sa akin.
Sus! Akala ko may nangyari na sa lalaking ito. Bibili lang ng tubig natagalan pa. Akala ko nadaganan na ng isang drum na tubig. Ayt!
Nahati ang atensyon ko nung makita ko si Ravenova na parang inaawat nung tatlong tropa niya.
Huh? Teka? An'yare kay Ravenova?
Halos mapatakbo akong lumapit kay Cav.
"Cav!" tawag ko sa kanya kahit 1 meter nalang ang agwat namin.
"Oh, bhie, na miss m---" hindi niya na natapos ang sasabihin nung tanggapin niya ang suntok ni Ravenova.
"Oh, SHINkamas! Cav! Raven!" sigaw ko.
Nabitawan ni Cav 'yung dala niyang mineral water at gumanti ng suntok kay Ravenova.
Parang nanonood lang ako ng live boxing.
RATED SPG na talaga ito, saan nga ba doon? Tema, Lengwahe, Karahasan, Sekswal, Horror o Droga.
Lalapit na sana ako para awatin sila pero dahil naggagantihan sila ng suntok. At kung basagan lang naman ang gusto nilang gawin sa isa't-isa ay talagang basagan talaga.
Muntik na akong madamay sa suntukan nila nung may humatak sa akin palayo doon at bigla nalang ako niyakap.
"Shirley, tinakot mo ako doon. Buti sinundan kita kung hindi baka na paano ka na." sabi niya.
"Eisen?" sabi ko nung makilala ko siya. Kasabay ng pagtawag ko sa pangalan niya ay ang lalong paghigpit ng yakap niya.
Sa yakap niyang 'yon, I feel secured, comfortable and most, feeling nasa heaven ako.