" MY HERO "
MAAGA akong pumasok ngayon hindi ko alam kung bakit pero parang may umuudyok sa akin na pumasok ng maaga.
Naglalakad ako papuntang room namin nung may narinig ako na agad nakakuha ng atensyon ko kaya tiningnan ko ito at nagtago ako sa may halaman na nandoon.
"Dude, pustahan pa kaya 'yung ginagawa ni Master?" tanong nung Lalaki na nakasumbrero doon sa lalaking may ear ring sa right ear.
Haha, ganda ba ng pagkakadescribe ko? Kaya nalaman kong may ear ring 'yung isa, kumikinang-kinang kasi nung natatamaan ng sikat ng araw. 8am na kasi kaya medyo lumalakas na ang sinag ng araw ngayon.
"Hindi ko alam dude, di ba? sabi niya ipapa-fall niya sa kanya yung chics ng BSBA na hindi man lang tinatablan ng karisma niya, ano nga name nun? Sam yata 'yun dude, ah, tama Sam, 'yun tawag sa kanya ng mga friends niya nung nakita natin siya sa cafeteria." sagot nung lalaking may ear ring.
BSBA? Course ko 'yun, ah, saka Sam? Nickname ko 'yun, ah! parang ako ang pinag-uusapan ng mga ito.
Hindi sa assuming ako o ano, feel ko lang na ako ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Pero dude, alam kong alam mo kung gaano niya ka hate ang mga babae, kaya nga naging Casanova 'yon, eh." sabi nung nakasumbrero.
"Oo alam ko 'yan dude, saka bata palang tayo ang bait na niyan. Pero simula nung araw na 'yon, nag-iba na siya." tsabi nung naka-ear ring.
Hanggang kailan sila magdu-DUDE na dalawa? Wala ba silang pangalan o kahit nickname man lang?
"Pero dude, iba kinikilos ni Master ngayon." sabi nung nakasumbrero.
"Yeah, dude, napapansin ko nga." sagot nung naka-ear ring.
"Ang mabuti pa, bantayan natin baka kung ano gawin nun." rabi nung nakasumbrero, tumango lang 'yung kausap niya.
"Mabalik tayo dude, pustahan pa ba 'yun o totohanan na?" tanong na naman ng nakasumbrero.
"Hindi ko alam dude, masikreto 'yung lalaking 'yon. Alamin na lang natin." sagot nung naka ear ring.
Umalis na silang dalawa at ako heto naiwan na nagtatago sa may halaman.
Di ba? 'Yun 'yung tropa ni Ravenova? Anong ibig sabihin non? Pustahan? Pustahan 'yung ginawang pagluto niya ng pagkain na 'yon? Humanda sa akin 'yung Ravenova na 'yon kapag nakita ko. Makakatikim siya sa akin ng masarap na cake na ang flavor ay Kick. Hanudaw?
"Shirley.."
"Ay, tokneneng!" gulat na sabi ko nung may tumawag sa akin at nag-tap sa balikat ko.
"Sorry, nagulat ba kita?"
"Ay hindi, hindi na supresa mo ko. Kaya heto shock na shock ako. Thank you ha? Na touch ako sobra." pilosopong sagot ko ng hindi ko man lang tinitingnan 'yung taong biglang tumawag sa akin na may patap-tap pang nalalaman.
Wait a minute, I heard my name Shirley? Don't tell me...
Pagharap ko sa kanya halos ma-drain ang energy ko sa katawan.
"Eisen?" nanlalambot na sabi ko at napasandal sa halaman na pinagtataguan ko kanina.
"Shirley.." nagpa-panic na sabi niya ng lumapit sa akin.
Kung mamalasin ka nga naman, gawin daw bang wall ang halaman? Ayan muntik pang mabuwal buti mabilis kumilos si Eisen kaya lang..
"Tinakot mo ako don, ah!" sabi niya ng nakayakap sa akin.
Yung feeling na mabubuwal ka na ng may humatak sa kamay mo at hinila ka papalapit sa kanya sabay niyakap ka ng mahigpit. Ay bongga heaven na 'to!
"E-Eisen? Ok-okay lang ak-ako." sabi ko na malapit ng kapusin ng hininga.
Grabe naman! talagang papatayin ako sa kilig ni Eisen. Kinikilig na nga ako dahil nakayakap siya sa akin. 'Yun nga lang, papatayin yata ako sa sobrang higpit.
Gawin daw bang unan ang katawan ko? o di kaya teddy bear na puwede mong yakapin ng mahigpit.
"Sorry Shirley, natakot lang ako. Kasi..." sabi niya matapos akong pakawalan sa yakap niya. Nakayuko siya at tinitingnan ang nasa likod ko.
Napatingin ako sa likod and then...
Whattasyete! Ang daming cactus! Bakit hindi ko na pansin 'yan kanina? Which mean, worried siya at natakot kasi matutusok ako ng mga cactus? How sweet naman..
"Waaah! Thank you for saving me Eisen, you're my hero." tuwang-tuwa na sabi ko ng napayakap pa sa kanya.
Okay Sam nakakarrami ka na. sabi ng aking matinong konsensiya kaya kumalas na ako sa pagkakayap ko sa kanya.
"Oops! Sorry, natuwa lang. Peace." sabi ko at nakuha ko pang mag-peace sign with smile pa.
Nakita kong namula ang ears at pisngi niya. Nag-flashback tuloy sa akin 'yung nangyari sa CR noon. Nung pinagbantaan ko siya na hahalikan ko siya. To be honest, ang cute niya non..
Sabay kaming naglakad papuntang room, wala pa masyadong tao nung naglalakad kami. Sa katunayan nga kami nga lang dalawa ni Eisen ang nasa room.
"Uhmm.. Good luck, ha?" basag ni Eisen sa katahimikan.
"Para saan?" takang tanong ko.
Saan niya ako ginu-good luck? Hmm.. wala naman akong sinalihan na club or any sports ngayon, eh.
"Sa Mr. and Ms. Dream University of the year." sagot niya habang nakatingin sa malayo.
"Ah, doon ba? Salamat, pero..." napayuko nalang ako.
Anong ikakatuwa ko roon? Eh, si Cav ang ka partner ko. Sana si Eisen nalang, pretty please Lord Jesus. Puwedeng si Eisen na lang po ang ka partner ko?
"Pero?" biglang inulit ni Eisen 'yung last word na sinabi ko.
"Pero kasi ano, hindi ko lang feel ako ang representative. Ang dami naman puwede bakit ako pa di ba?" nakayuko pa rin na sabi ko ng may kaunting pagmamaktol dahil ako 'yung napili.
"Maganda ka kasi, hindi lang sa panlabas, pati rin sa panloob Maganda ka." diretsong sabi niya.
Napaangat ako ng mukha at napatingin sa kanya. Ngumiti siya sa akin na nakatitig pa sa mga mata ko pakiramdam ko tuloy sasabog ng ang puso ko sa sobrang kilig. Parang naiihing ewan tuloy ako ngayon.
"Hahaha! ikaw talaga, marunong ka ng mag-joke ngayon."
Hinampas ko siya sa balikat niya. Nahawa tuloy ako sa mga friends ko na kapag kinikilig nanghahampas ng katabi.
Nakita kong napakurap siya ng mata, senyales na nasaktan siya sa hampas ko.
"Oops sorry, nasaktan ba kita? Masakit ba? Ano?" sunod-sunod na tanong ko at ipinatong ko ang isang kamay ko sa balikat niya. Kung saan ko siya hinampas.
"O-okay lang ako Shirley, hindi naman masakit." nakangiting sabi niya kasabay ng paghawak niya sa kamay ko na nakapatong sa balikat niya.
"Sino kaya hinihintay ni Mr. Guwapo na si Lalabs Cav sa gate?"
"Sino pa nga ba, eh, di si Sam."
"Yung Bhie niya, grabe ang haba ng hair niya."
Napabitaw kami pareho ni Eisen at tarantang umayos ng upo at tumingin sa harap.
"Super haba talaga mala barbie doll."
Nakita ko si Rhea na unang pumasok sa pinto kasunod nila Claire at Marie Ann.
"Sam?" gulat na itinuro ako ni Claire na naka letter O pa yung bibig niya.
"Anong meron dito?" tanong ni Rhea.
"Nagde-date kayo sa room?" tanong naman ni Marie Ann.
"Ah, hindi ah, Ano ba kayo girls." sagot ko ng mapatayo sa upuan ko at pailing-iling.
"Weh?" Rhea.
"Di nga?" Marie Ann.
"Aminin." pang-iintriga ni Claire.
'Yung tatlong parang triplets friends ko pumalibot sa akin na akala mo naglalaro kami at ako ang taya sa gitna. Chos! I mean para akong wanted na pinapasuko ng pulis.
"Girls relax! Mahina kalaban." sabi ko sabay taas ng kanang kamay. Pagpapakita ng pagsuko ko.
"Uy Sam, alam mo bang nasa gate ngayon si Lalabs Cav." ngiting sabi ni Rhea.
"Ano naman kinalaman ko kung nasa gate siya?" sabi ko.
Totoo naman eh, ano naman kinalaman ko kung nasa gate siya di ba? Security Guard ba ako para suwayin siya dahil nasa gate siya?
"Hello Sam? Baka nakakalimutan mo, partner mo si Cav tapos tinatawag ka pa niyang bhie. Don't tell me bato ka?" sabi ni Claire na nakataas pa ang kilay.
"Bato?" maang na tanong ko.
Bato? Anong bato 'yung tinutukoy niya? Bato na rock sa english o 'yung bato na pinagbabawal sa batas? 'Yung shabu ba 'yun? Yung kulay puti na libo at milyon ang presyo na napapanood ko sa News.
Hindi kaya 'yung bato ni Narda para maging Darna? Ang laking bato ko naman para nunukin niya? Teka.. Ano naman kinalaman ko don
"Aruy ku pu." angal ko matapos na sabay-sabay nila akong hinampas sa balikat ko.
Oh SHINkamas! Ang sakit naman nun, grabe naman sila. Amazona na talaga sila.
"Hindi ka pala bato, eh." Marie Ann.
"Nakakaramdam ka din pala." Rhea.
"Akala ko manhid ka na, parang bato." diretsong sabi ni Claire.
Ako manhid? Nasaktan nga ako sa hampas nila, eh. Manhid pa ba 'yon? Ayt! Kaloka naman itong mga friends ko oh.
Magsasalita na sana ako ng bigla nila akong hinatak palabas ng room.
"Teka! Saan niyo ba ako dadalhin?" tanong ko habang walang awa nila ako hinahatak pababa na ng hagdan.
Hindi man lang ako nakapagpaalam, naiwan tuloy na mag-isa sa room si Eisen. Saan ba nila ako balak dalhin?
Nagpahatak nalang ako sa kanilang tatlo, natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa gate na ng school namin. At itinulak ako sa harap ni Cav.
"Ha-Hi?" bati ko na nag-aalangan pati ngiti ko nag-alangan din.
"Bhie?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Kanina mo pa siya hinihintay diyan, eh nasa room na pala. Hehe." sabi ni Rhea na tumawa pa.
"Yan, dinala na namin baka magkaugat ka pa diyan Mr. Guwapo sayang ang lahi." na ngingiting sabi ni Claire.
"Hehehe.." tumawa nalang si Marie Ann.
"Kanina ka pa?" tanong ko bigla.
"Anong oras ka pumasok?" tanong naman niya.
Nice Cav! Nagtanong ako, wala ka naman sinagot pero nagtanong ka naman. Nang-iinis ka ba o ano? Sapakan nalang kaya. Asar!
"8 A.M. ako dumating ng school." walang kabuhay-buhay na sagot ko.
Oh, ayan, mabait ako. Sumagot ako sa tanong niya. Hindi tulad niya, nice talking. Kinausap nga siya friends ko hindi man lang pinansin. Pati 'yung tanong ko, hindi man lang sinagot.
"Ah, 8 A.M." sabi niya.
"Yeap, 8 A.M. Kami pa nga lang ni Eisen ang nasa room." sabi ko ng nakangiti.
"Kayo nino? Ni what?" malakas na sabi niya.
Ay grabe naman, problema nitong lalaking ito?
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa gate.
Wow ha! Kanina lang mga friends ko 'yung humatak sa akin palabas ng gate. Ito naman na lalaki na ito hinahatak naman ako papasok ng gate.
"Hoy Cav! Hindi mo na kailangan pang hilahin ako or should I say kaladkarin." reklamo ko.
"Alam mo ba Bhie." sabi niya habang patuloy lang sa paglakad habang hila ako.
"Hindi ko pa alam, wala ka pang pinapaalam." pamimilosopo ko.
"Haha." tawa niya. "Alam mo bang excited na ako sa Mr. and Ms. Dream University of the year." sabi niya.
Tinitingnan ko siya at kitang-kita ko ang pagngiti-ngiti niya.
"Ano naman nakaka-excite doon? aber?!" sabi ko na nakataas kilay pa.
Hala! Nasaan na 'yung mga friends ko? Naman oh! Naiwan ata sa may gate.
"Kasi may swim wear na kasama roon, kaya makikita ko na naka-two piece ka tapos katabi pa kita dahil partner tayo." nangingising sabi niya.
"Ah, naka-swim wear lang pa--- what? Naka-swim wear?" gimbal na sabi ko.
"Yes, naka-swim wear." paglilinaw niya.
Whattasyete! Magsu-swim wear kami? Bakit may ganon? Hindi naman Binibining Pilipinas, Mutya ng Pilipinas or Miss World 'yon, ah? Na may swim wear competition. Ayt! Anong gagawin ko?