" ANOTHER SIDE OF CASANOVA "
NAPABUNTONG hininga nalang ako habang pinagmamasdan 'yung kahon na nababalot sa makulay na papel. Nagmukha tuloy regalo 'yung bigay ni Kuya Shin dahil sa wrapper na 'yun.
"Bubuksan ko ba 'yung kahon na 'yan o hindi? Parang natatakot ako sa kung anong laman niyan." sabi ko habang pinagmamasdan 'yung kahon na nakapatong lang sa study table ko.
Simula nung iabot sa akin 'yan ni Mommy nung araw na umalis si Kuya Shin pabalik ng Seoul. Imbes na ma-excite ako sa laman niyan. Natakot pa ako dahil bigla kong naaalala 'yung tungkol sa wish niya sa fountain.
"Paano kung ito na 'yung last gift sa akin ni Kuya? Paano kung ito 'yung way of goodbye niya? Dahil hindi niya kayang sabihin. Kaya through gift niya nalang ipapasabi or ipapakita?" napayuko nalang ako.
Ayoko pang magkaroon ng girlfriend si Kuya Shin. Kapag nagka-girlfriend na siya mahahati 'yung time niya or worst mawawalan na ng time sa amin, sa akin.
Sa huling sandali muli kong sinulyapan ang kahon na 'yon bago ako lumabas ng kuwarto ko.
"Good morning Miss Sam." bungad na bati sakin ni Yaya Ghie.
"Good morning po Yaya Ghie." balik na bati ko ng nakangiti.
Si Yaya Carol ang mayordoma sa bahay, si Yaya Ghie ang taga linis, si Yaya Mae ang labandera at plantsadora. Si Yaya Rose ang nakatoka sa kusina, siya 'yung nagluluto sa bahay.
"Good morning Miss Sam." nakangiting bati sa akin ni Yaya Susan.
Si Yaya Susan naman ang naglilingkod sa amin. 'Yun bang kung may iuutos o ipapagawa ka sa kanya mo sasabihin.
"Good Morning din po, pasok na po ako." paalam ko sa kanilang dalawa.
"Ingat Miss Sam." sabay na sabi nila, ngumiti nalang ako bago tuluyang lumabas ng bahay.
Wala si Mommy ngayon, may meeting daw kaya maaga siyang umalis. Pero kahit na ganoon, nagluto muna siya ng breakfast ko. Kaya luto ni Mommy ang bumusog sa akin ngayong umaga. Si Daddy nasa Seoul pa din, 1 week na siyang mag-i-stay doon for business trip.
Si Kuya Shin tinatawagan ako at nag-uusap kami sa skype. Pero hindi matagal kasi nagdadahilan ako na kailangan ko ng matulog.
Nakakapagtampo kasi eh, hindi pa rin ako maka-move-on sa pag-alis niya. Amp!
Nakarating naman ako ng walang labis o kulang sa Dream University kahit medyo gulo-gulo ang buhok ko.
Paano ba naman, 'yung jeep na sinakyan ko patok. Kung humarurot ng patakbo akala mo hari ng kalsada o hinahabol ng pulis. Akala ko talaga madededo na ako dahil anytime puwede kaming maaksidente.
Inayos ayos ko ang buhok ko habang papasok ng gate ng may sumulpot sa harap ko.
"Ah, eh.." sabi niya.
"i o u?" sabi ko naman.
Parang nag-aabakada kasi siya.
"Ah, eh, para sayo." nakayukong sabi niya sabay abot ng hawak niya at kumaripas na ng takbo.
"Huh? Problema non? Ano ba ito?" sabi ko habang tinitingnan 'yung paper bag.
Pagtingin ko ulit sa lugar na tinakbuhan niya. Sinalubong ako ng matatalim na tingin at makatunaw s***h makapanindig balahibo na killer eyes.
"Lokong Ravenova na ito. Anong pakulo ito!" sabi ko at nagsimula nang maglakad.
Hindi ko nalang pinansin 'yung mga tao na nasa paligid ko. Instead inisip kong mga damong ligaw sila.
Nakarating naman ako ng buhay sa room. Pagpasok ko agad kong nakita si Eisen, nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam. 'Yun bang masaya akong makita siya pero may hiya at kaba akong naramdaman.
Sinalubong ako ng mainit at malambing na ngiti ni Eisen, para akong nagyelo at biglang natunaw ng dahil doon.
Napayuko ako at kinilig.
Ewan ba kung bakit. Siguro kailangan kong magpatingin sa doctor ko. Kasi naghahalo-halo mga emotions and feelings ko.
Nang makaupo na ako sa upuan ko, sandali kong sinulyapan si Eisen. Nung nakita ko ang ngiti niya, halos nalaglag ako sa upuan ko. As in nalaglag ako.
"Shirley? Okay ka lang ba? May masakit ba?" alalang sabi niya habang inaalalayan akong tumayo.
"Yeah, yeah, yeah. I'm okay." nag-ala-rapper ako ng sumagot sa kanya.
Oh SHINkamas! Bakit ganito? Nanlalambot ang tuhod ko at nakukuryente ako sa hawak niya.
"Shirley?" mas lalong nag-worried ang mukha ni Eisen dahil sa sagot ko.
"Bhie.." may biglang umalalay sa akin sa right ko and I saw Cav face.
Bigla akong napatayo ng tuwid na parang naging sundalo ako na nakatayo ng tuwid.
"Hehe, okay lang ako, medyo na out balance o nadulas lang kaya nalaglag ako." sabi ko na napakamot batok pa.
Pretty please, ma-convince sana kayong dalawa. Nanliliit na ako sa mga tingin nila, center of attention na naman ako.
"Bhie sayo ba ito?" tanong ni Cav sabay pakita nung paper bag na inabot sa'kin ni Ravenova kanina.
"Ah, oo, sa akin 'yan." walang pasintabi kong kinuha ang paper bag sa kanya.
"Good Morning BSBA students.."
Bigla kaming napatingin sa pinto at bumalik na sa upuan niya si Cav. At umupo na rin kami ni Eisen.
Natahimik ang lahat at nakinig sa Professor namin na nasa harap.
Ako? Ayon mabuti at huwarang estudyante, hindi nakikinig. Bakit? Ang lakas lakas ng kabog ng puso ko dahil magkadikit ang braso namin ngayon ni Eisen. Biglang nagpa-flashback sa akin 'yung nangyari sa room kung saan. . . Ah, basta!
"Miss Marvilla?"
Bigla akong natauhan at bumalik sa realidad. Napatingin ako sa harap at lahat ng mata ay nakatingin sakin.
"Ako po ba?" maang na tanong ko habang ang kanang hintuturo ko ay nakatutok sa akin.
"Yes you are, come here." sabi ng Professor namin.
Para akong timang na naglakad papunta sa harap at humarap sa lahat.
"Now, we will find a perfect partner for her. Hmm.." sabi ni Professor.
Huh? Perfect partner for what? Anong meron?
May mga nagtaas ng kamay, tinuro ni Professor 'yung isa sa mga nagtaas.
"Yes Miss?" Professor while smiling.
"Cedric Andrew Villanueva po, perfect partner para sa kanya saka may chemistry po sila." sabi nung babae.
Perfect partner? Si Cav? Pinapatawa ba nila ako? May chemistry kaming dalawa? Ano 'yun parang science kami? Ayt! Ano bang meron?
"Mr. Cedric Andrew Villanueva? Come here and go beside Miss Marvilla." sabi ni Professor.
Nakangiting tagumpay si Cav na nag-smirk pa kay Eisen. Tapos full of confidence na pumunta sa harap at tumabi sa akin sabay hawak sa kamay ko.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" sita ko sa kanya.
"Ah, heto ba?" bahagya niyang inangat ang kamay namin na magkahawak kamay. "Hinahawakan ang kamay ng Bhie ko." sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.
Nalaman ko kung bakit nasa harap kami at kung ano 'yung mini-mean nilang perfect partner daw.
Representative pala kami ng First year BSBA na ipanglalaban sa Mr. and Ms. Dream University of the year.
"Hey, Sam!" poke sa akin ni Rhea
Nasa cafeteria na naman kami at ako heto parang nagluluksa dahil si Cav ang pinareha sa akin.
"Bakit?" tanong ko na walang kabuhay-buhay.
"Nakakainis ka Sam, may EJ ka na tapos kuma-CAV ka pa. Sino sa dalawa ang real boyfriend mo? Don't tell me, si Cav ang CAVit mo?" sabi ni Claire ng may pang iintriga.
"Waaah! Ang Cav ng buhay ko, dapat ako nalang ang ka partner niya. Huhu, Lalabs Cav." emote na sabi ni Rhea.
"Share mo naman kung ano ang sikreto mo Sam." sabi naman ni Marie Ann
"Wait a minute, mahina ang kalaban." sabi ko na nakaangat ang dalawa kong kamay.
"Hello Miss Beautiful, kumusta ang lasa ng luto ni Master?" may biglang sumulpot kaya napatingin kami.
"Hah?" maang na tanong ko.
Anong lasa? Bigay ni Master? Ano raw?
"Di ba? Kayo 'yung tropa ni Raven?" tanong ni Marie Ann.
Tatlong kabute lang naman ang sumulpot, I mean tatlo sila.
"Tama! kayo nga 'yung tropa ng Famous Casanova!" malakas na sabi ni Claire.
"Yeap, kami nga." sagot ng isa.
"Hehehe.." natawa nalang 'yung dalawa.
"Uy, Sam, don't tell me pinopormahan ka ni Famous Casanova?" biglang sabi ni Rhea.
"Puwede rin." biglang sabi nung isang tropa ni Ravenova.
"Pinopormahan niya na kaya dude, biruin mo pinagluto si Miss Beautiful." sabi naman ng isa.
"Yeah, for the first time nagluto siya para sa babae. Puro paglalaro at pagpapaiyak inaatupag non sa babae. Tapos biglang nagluto? Haha, imba!" sabi naman nung isa.
Pinagluto? First time? ano daw?
"Hindi nga?" shock na sabi ni Rhea.
"Sam! ipaliwanag mo ito!" sabi naman ni Claire.
"Ang unfair naman Sam. Tatlong lalaki nakapaligid sayo idagdag pa si Kuya Shin mo, apat na sila." naka-pout na sabi ni Marie Ann.
Sila Rhea at Claire biglang tumili nung marinig 'yung pangalan ni Kuya Shin.
Pagkauwi ko ng bahay agad kong tiningnan 'yung paper bag na inabot ni Ravenova. May dalawang lunch box na nasa loob, 'yung isa kanin na nakaheart shape pa tapos may steak na nakalagay. 'Yung isa naman pasta na maraming cheese. May nakita akong note at binasa ko ito.
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
To: Heart ko
I hope I made you smile in this simple thing came from my heart.
Love: Raven ♡
﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏﹏
Anong pakulo ito ni Ravenova? 'Yung lalaking 'yon. Argch! kainis naman.
Kakainin ko ba ito o hindi? Pero masamang magsayang ng pagkain saka ano ang sasabihin ko kapag tinanong ako kung ano lasa? Kung okay ba? o hindi ko nagustuhan? Ano ba talaga! asar naman, oh!
Para akong masusuka dahil si Ravenova ang nagluto nito.
Naaalala ko 'yung nangyari sa Clinic nakaraan. Grabe! pero waaah! Bahala na nga si superhero.
Dahil masamang magsayang ng pagkain at nakakahiya na wala akong maisasagot sa tanong niya. Takip ilong na kinain ko 'yung ginawa niya. 'Yung luto ni Ravenova ang mineryenda ko.