02 : New Friend, New Crush

1029 Words
Sam. Huminga ako ng malalim bago ako ngumiti at pumasok sa room. Medyo na wi-weird-uhan nga lang ako sa mga tingin nila noong pumasok ako. Bakit ganyan sila makatingin? May mali ba sa akin? May mali ba sa mukha ko o sa suot ko? Ayt! nevermind, good vibes na good vibes ako ngayon, eh. Pumunta nalang ako sa pinakadulo para umupo roon. Dahil iyon lang 'yung may mga bakanteng upuan. "Uhmm, Excuse me, may nakaupo na ba dito?" tanong ko sa lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. Tiningnan niya lang ako at kitang-kita ko na nagulat siya nang makita ako. Umiling lang siya sa akin. Wala ba siyang boses? Uh, nevermind na nga lang uli. Wala naman daw nakaupo sa tabi niya. Maganda ang puwesto rito dahil may fresh air galing sa labas. Dumating na ang Professor namin at nagpakilala sa harap. Tapos ang sabi niya magpakilala raw kaming lahat sa harapan. Kaya hinihintay ko nalang ang turn ko. "Good morning everyone. I'm Shirley Angel Marvilla, you can call me Sam for short. I know my name is a little bit weird and sound's like Charlie's Angel. But for me, my name is unique. Please to meet you," Naka-smile kong sabi tapos nag-bow head ako. Isang taon din akong nagbakasyon sa Seoul kaya nagaya ko 'yung way nila ng paggalang o pagpapakilala ng mga Korean. Napa-english na tuloy ako. Ang alam ko kasi kapag college ka na, kapag magpapakilala ka kailangan english ang salita. Nakarinig ako ng gasps at chuckles pero hindi ko nalang sila pinansin. Sa halip ay ngumiti nalang ako para maasar sila. 'Yung katabi ko naman ang nagpakilala dahil siya nalang ang hindi pa nagpapakilala. "Hi! I'm Eisen James Villanueva," Pagpapakilala niya sabay alis sa harap at naglakad pabalik sa upuan niya na nasa tabi ko. Nakita kong tumawa 'yung iba at may narinig pa akong nagsalita ng boring, jologs, loser etc. Tiningnan ko nalang siya nang umupo siya sa katabing upuan ko. Medyo weird siya manamit na parang walang ka taste-taste sa pananamit. Jologs o promdi ang dating pero para sa akin, ang cute niya. Nakinig nalang ako sa mga Professors namin na pumasok at nag-lesson agad. NARINIG kong tumunog na ang bell. Gutom na ako. Tamang-tama food trip ako ngayon. Ang galing ng school na ito, 6 hours lang ang school hours, 9am to 3pm. BSBA ang course na kinuha ko dahil sa negosyante ang Mommy at Daddy ko. Kailangan ay may alam ako sa business. "Hi! I'm Marie Ann Chua, puwedeng makipagkaibigan sa'yo?" tanong ng babaeng biglang lumitaw sa harapan ko. Ang cute niya lalo na ang dimple niya kapag naka-smile siya. "Oo naman, bakit hindi? I'm Shirley Angel Marvilla, Sam nalanga, friends." Nakangiting sagot ko at nakipag-shake hands sa kanya. Tuwang-tuwa talaga ako kasi parang high school lang din. Nasa iisang room ka lang at pupuntahan nalang ng mga Professors. I love this University. Isang linggo ang lumipas. Marami akong naging friends. Pero si Marie Ann ang pinaka-close ko sa lahat. "Waah! Ang hot niya!" hiyaw ni Claire. Isa sa mga bago kong kaibigan. "Kyaah! Grabe, ang guwapo niya talaga," nagtitiling sabi ni Rhea. Isa rin sa bago kong kaibigan. "Grabe Sam, ang guwapo niya! And take note ang hot niya pa!" Kinikilig na sabi ni Marie Ann sabay hampas sa akin. Kawawa naman ang braso ko, lamog na sa mga hampas ng tatlong katabi ko. At bingi na ang eardrums ko sa mga tili at hiyaw ng mga nasa paligid ko. Pero okay lang, atleast hindi sila tulad ng mga friends ko na maaarte at sosyalera sa dati kong school. Back to reality, nandito kami ngayon sa GYM. May P.E. daw kami ngayon. Kaya hinihintay namin 'yung Professor namin. Ay grabe lang, ang aga naman namin magkaroon ng P.E. Ano kaya ang ipagagawa sa amin? Tatakbo ng 50 meters ng walong beses? Hell no! Hindi ko gusto 'yon. Habang naghihintay kami kay Professor iba 'yung inaatupag ng mga blockmates ko. Pinagkakaguluhan nila 'yung transferee student na hindi ko alam 'yung pangalan. Hindi ko kasi narinig noong nagpakilala siya kanina. Kinukulit kasi ako ni Daddy sa text. Pero infairness, ang dami niya agad na fans. At kasama sa mga fans niya ang tatlong katabi ko. Sino-sino pa nga ba? Eh, di sila Marie Ann, Claire at Rhea. "Tara na, lapitan natin si Mr. Guwapo," Kinikilig na sabi ni Rhea. Sumang-ayon naman sila Marie Ann at Claire. Mr. Guwapo ang tawag nila sa transferee student kasi raw ang guwapo. Totoong guwapo naman talaga ito. Transferee ang tawag ko sa kanya kasi hindi ko siya kilala. Isang linggo na ang nakakalipas, ngayon lang siya pumasok. Puwede naman late enrollee, di ba? May ganoon ba na word? "Okay." sagot ko naman. Lapitan daw si Mr. Guwapo. Hihi. Tumingin ako sa kinatatayuan niya. 'Yung tatlong kasama ko nagsimula nang maglakad at lumapit kay transferee. Ako naman pumunta at lumapit sa kanya. "Sam! Saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Rhea. "Kay Mr. Guwapo," sagot ko at naglakad na uli. "Sam wala siya dyan! Nandito, oh!" Malakas na sabi ni Rhea sabay turo kay transferee. "Huh? Sabi ninyo lumapit kay Mr. Guwapo. Kaya ito lumapit na ko." sabi ko sabay hakbang palapit kay Eisen James or EJ. Nagtaasan ang mga kilay ng tatlong kaibigan ko. Napatingin din 'yung mga blockmates namin pati na rin si transferee. "Kailangan mo ng magpacheck-up ng mata Sam," sabi ni Claire. "Kailangan mo ng magpasalamin sa mata," sabi naman ni Marie Ann. "Hahaha. Hindi naman guwapo 'yan Sam, patawa ka talaga!" Natatawang sabi ni Rhea. Ang mean naman ng mga kaibigan ko kay Eisen. Guwapo naman siya, ah! Hindi lang marunong manamit at mag-ayos. "Sorry sa mga kaibigan ko kung medyo laitera sila. Para kasi sa akin guwapo ka. Sige, ah, pasensiya na." sabi ko sabay tap sa shoulder niya. Nakita ko na parang na froze siya sa kinatatayuan at na idle. Si transferee napansin ko na masama ang tingin kay Eisen. Lumapit na ako sa mga kaibigan ko at nakipagkilala sila kay transferee. Nalaman ko ang name niya ay Cedric Andrew Villanueva, Cav for short daw. Gaya-gaya lang. Pero teka lang, ka surname niya si Eisen, nice! Guwapo nga talaga mga Villanueva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD