Sam.
Nakaupo lang ako sa sofa habang sinusundan ko nang tingin sina Mommy at Daddy.
“Mommy, Daddy, ang layo na po ng nararating ninyong dalawa. Kakalakad papunta roon at papunta rito. Nahihilo na po ako sa inyong dalawa,” Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita dahil nahihilo na rin ako sa ginagawa ng magulang ko.
“Sorry, Princess. Eh, kasi naman bakit ba gustong-gusto mong mag-aral sa school na iyon?” Lumapit sa akin si Daddy at umupo sa kaliwang tabi ko at hinarap niya ako sa kanya. Si Mommy naman ay nakatayo lang sa tabi ni Daddy.
“Dahil mas gusto ko po roon, Daddy. Please? Payagan na ninyo na po ako,” Nag-puppy eyes na ako sabay pout ng malupit para mapapayag ko si Daddy.
"Pero Princess, mas maganda ang school na iyon. Kumpara sa school na gusto mong pasukan," sabi ni Daddy na seryoso ang expression ng mukha. Dahil mas gusto nilang mag-aral ako sa Elite University of Asia.
Nah! Ayaw ko sa school na iyon! Pasosyalan, payabangan at pagandahan ang mga nag-aaral sa school na iyon. Kunsabagay para sa mga mayayaman at kilalang tao ang Elite University of Asia. Alam ko naman na mayaman din ako at kayang-kaya nila Daddy at Mommy ang tuition fee na mala-ginto. Pero kahit na mayaman kami, hindi ako katulad ng iba na maarte at dapat sunod sa uso.
“Daddy, pagbigyan ninyo na po ako ni Mommy. Noong nag-high school ako, pinagbigyan ko po kayo na pumasok sa school na iyon kahit na ayaw ko,” Pagpapaalala ko sa mga nangyari noon.
Alam naman nila Daddy at Mommy na simpleng tao lang ako. Ayoko ng mag-aral sa mga ganoon na klaseng school. Iyon bang mas importante na sikat ka sa campus. Always in sa mga uso at dapat branded o mamahalin ang mga gamit mo. Sobrang nakakasakit na rin sa pandinig 'yung mga kaartehan ng mga classmates ko noon.
“Dee, hayaan na natin siya sa gusto niya. Malaki at dalaga na ang baby natin. Kaya niya na gawin ang mga bagay na gusto niya. Ang dapat nating gawin ngayon ay ang suportahan siya sa gusto niya. Kapag nagtampo na naman iyan baka umalis na naman 'yan. Pupunta na naman 'yan sa South Korea at isang taon na naman siya roon.” sabi ni Mommy sabay tapik sa balikat ni Daddy.
Mommy, thanks Mommy. Sa wakas ay pumayag ka na rin. Sana ganoon din si Daddy.
Tumingin lang ako kay Daddy na may 'Please Daddy, pumayag ka na po please?' na tingin.
“Okay, okay payag na ako!” sabi ni Daddy at nagtaas pa ng dalawang kamay na parang sumusuko na siya sa pulis.
“Yey! Thank you Daddy, mwah!” Pinaghahalikan ko sa magkabilang pisngi si Daddy.
“Si Dee lang? Ako mayroon din bang kiss?”. Nagtatampong tanong ni Mommy.
Mee at Dee ang tawagan nila Mommy at Daddy. Iyon kasi ang endearment nilang dalawa para sa isa't-isa. Since magkasintahan palang sila ay ganoon na talaga ang tawagan nila.
“Yay! selos agad si Mommy. Thank you so much, Mommy! mwah!” Pinaghahalikan ko rin si Mommy sa magkabilang pisngi.
Sobrang saya ko talaga. Sa wakas ay pumayag na rin sila. Noong nakaraang taon ay hindi sila pumayag. Kaya sa tampo ko ay umalis ako ng bansa at pumunta ng South Korea. Isang taon akong tumira kay Kuya Shin na doon nag-aaral. Doon ko rin naisipan na magpalamig muna, tutal malamig naman talaga sa South Korea.
Sina Mommy at Daddy na ang naglakad at nagpasa ng mga requirents ko sa University na gustong-gusto kong pasukan. Kaya naghanda nalang ako ng mga kailangan ko at bumili ng uniforms.
Ngayon palang ay nakakaramdam na agad ako ng excitement at nai-imagine ko na rin 'yung lugar na papasukan ko.
“Siguro naman, magkakaroon na ako ng mga tunay na kaibigan sa Dream University.” Nakangiting sabi ko habang tahimik na nakadapa sa kama ko. Nasa harapan ko 'yung cellphone ko na kanina ko pa sina-swipe ang unlock and lock screen.
Hindi ako nagkaroon ng kaibigan sa school na pinasukan ko noong high school dahil sa hindi ako makasabay sa trends ng mga girls.
I'm not a fan of clothes and cosmetics to be honest. Hindi talaga ako bumibili ng mga damit na hindi ko naman susuotin at hindi ko rin type 'yung mga damit na labas pusod o labas ang cleavage. 'Yun 'yung trending na mga style ng damit noon. Kaya tuwing may mga gathering o party ang isa sa mga classmates ko ay imbetado ang lahat. Nagmumukha lang akong outsider dahil simpleng dress lang ang suot ko. Samantalang sila ay kulang nalang maglakad sa red carpet dahil pagandahan at pa sexy-han ang labanan.
Pinipilit pa ako ng mga friends ko raw kuno na ayusin ko ang pananamit ko at matuto na rin mag-make up. 'Yung heavy make up na ginagawa nila. Samantalang ako na liptint o pulbos lang ay ayos na. Sabi ko sa kanila, kung talagang kaibigan nila ako ay matatanggap nila kung ano ako at kung ano 'yung gusto ko. Pero imbes na tanggapin ay umiwas sila at tinawag akong O.A. at K.J.
“MOMMY, Daddy, pasok na po ako!” Paalam ko sabay kaway sa kanila matapos kong makapagmano.
“Aalis ka na? 'Yung driver mo?” Tanong sa akin ni Mommy.
“Hindi na po kailangan Mommy, magko-commute po ako,” sagot ko na ngiting-ngiti.
“Ano? Magko-commute ka?” Hindi makapaniwalang tanong ni Mommy.
“Mommy alis na po muna ako. Hindi na po ako magpapahatid baka magulat 'yung mga makakakita sa school na nakasasakyan pa ako na pumasok. Alis na po ako.” Dali- dali akong lumabas ng gate at sumakay na ng tricycle na pinara ko pagkatapos ay nag-jeep naman ako.
May tricycle kasing dumadaan sa street namin kahit pang mayaman pa ang Village na tinitirihan namin. Dati talaga hindi ako marunong sumakay ng mga pampasaherong sasakyan. Pero dahil kay Kuya Shin, natuto na akong sumakay ng pampasaherong sasakyan.
Hello Dream University! Sa wakas nandito na rin ako.
Tiningnan ko ang gate ng University na papasukan ko. Habang todo ang ngiti ko.
Dream University ang name ng school na papasukan ko. Sabi nila kaya raw Dream University, lahat ng mga nag-aaral dito ay may mga pangarap sa buhay na gusto nilang matupad. Tulad ko, may pangarap din ako na gusto kong matupad at maabot.