Womanland.. "Mahal na prinsesa,"paglapit ng kanyang utusan sa mundo ng mga tao. Nilingon niya ito mula sa pagtanaw niya sa Reyna na magiliw na sinusuklayan nito ang buhok ni Prinsesa Rebeka. " Kung wala kang sasabihin na magandang balita,huwag mo ng ipaalam sakin dahil namumuro ka na sakin,"pananalita niya rito. Yumukod ito sa kanya. "Mahal na prinsesa..hindi na po ako mabibigo sa mga oras na ito," anito. Mataman na tinitigan niya ito at napadako ang tingin niya sa hawak nito. "Patunayan mo,"hamon niya rito. Inabot nito sa kanya ang hawak nitong puting bagay. "Ano ito?" nakakunot ang nuo turan niya. Kinuha niya iyun at gayun na lang ang panlalaki ng mga mata niya na isang larawan iyun. Larawan iyun ng dalawang lalaki na may parehong mukha at kuha iyun sa hindi pamilyar na lugar.

