Tatlong araw na hindi pa rin nagkakamalay si Sanastacia pero kampante lang siya na magigising ito anumang oras. Mahigpit niyang hawak-hawak ang kamay nito at sa tuwina ay dinadampian niya iyun ng masuyong halik. Dinantay niya ang isang kamay sa umbok nito sa bahaging puson. Labis siya natutuwa na malaman na nagdadalang-tao ito,ang kanya magiging anak. Ang kanilang anak ni Sanastacia. Dumilim ang anyo niya ng maalala ang hitsura ng kasintahan na matagpuan niya itong walang malay. Sugat at pasa ang inabot nito sa kamay ng tarantadong Jacob na yun. Pasalamat na lamang ito na napigilan siya ng kambal niya na kitilin ang buhay nito. Sinaktan at muntikan ng mawala ng tuluyan sa kanya ang mag-ina niya. "Tss,bagay lang sa kanya yan.." bulalas ni Aquill habang nanunuod ito sa flat screen TV n

