Sumulpot ang tatlong babae sa hallway ng hospital na walang kamalay-malay ang nasa paligid ang biglaan pagsulpot ng mga ito. Pinangungunahan iyun ni Prinsesa Roisa kasama ang dalawang utusan nito. "Nasa dulong iyun ang silid ng babae na pinupuntahan rito ng isang kambal na si Aquilles Halpert.."anang ng kanyang utusan habang nakaagapay sa paglalakad niya na tila pag-aaari niya ang daanan. Agad na pinagbuksan siya ng pintuan ng isang babaeng utusan niya. Pero agad din siya natigilan ng wala siyang nakita sa loob. Wala nakahiga sa puting kama. Matalim ang mga mata na nilingon niya ang dalawang utusan niya na nagulat din na walang tao sa silid na iyun. "Sinayang niyo ang oras ko!"mariin at puno ng panganib na saad niya sa mga ito. " Pagpaumanhin niyo,mahal na prinsesa,ngunit nandito pa

