SIX

495 Words
Napatigil siya sa paglalakad ng maramdaman niya ang pagngingilabot niya. Mag-isa lang siya naglalakad sa hallway sa pangatlong palapag at ang lahat ay nakauwi na. Isang linggo na mula ng matanggap siya rito sa Triple A Security Agency. Napalingon siya at naestatwa siya ng makita ang isang lalaki na may madilim na mga mata. Ang boss nila si Aquilles. Pinuno niya ng hangin ang dibdib. "Sir,kayo ho pala," usal niya at pilit na kinakalma ang sarili sa kabila ng napakabilis na t***k ng puso niya. Matiim ito nakatitig sa kanya. Gaya noong unang magkita sila. Hindi talaga siya komportable kapag kaharap niya ito. "Bakit nandito ka pa?" saad nito. "May nireview lang ako rules niyo dito,Sir.." sagot niya. Maawtoridad itong humakbang palapit sa kanya. Ang bawat hakbang nito ay siyang lalo nagpapabilis ng t***k ng puso niya. Dalawang hakbang ang layo nila sa isa't-isa ng huminto ito sa paglapit. Napatitig siya sa mga mata nito na kasing-itim ng gabi. "Hindi mo na kailangan pa review-hin pa ang mga yun..you can do whatever you want here in my place,"matiim nitong saad. Agad na umiling siya. " Sanay ako na sumusunod sa batas at patakaran,Sir.."saad niya. Tumango-tango ito. "Hmm..ikaw ang bahala," anito. Nakahinga naman siya ng maluwag ng palihim. "Ahm,Sir..uuwi na po ako," paalam na niya ng wala na ito sinabi pa. Wala rin naman siya maisip na sasabihin pa. "Pauwi na rin ako..sabay na tayo bumaba," anito. Natigilan siya. s**t,hindi ganito ang gusto niya mangyari. Paano pa siya kakalmante kung magkasama pa rin sila sa pagbaba ng building. "Sumakay ka na,Sanastacia.." pukaw sa kanya nito. Nasa loob na ito ng elevator at nakaharang ang kamay nito sa pintuan para pigilan ang pagsara niyun. Doon siya natauhan at nakaramdam ng pagkapahiya sa inakto niyang iyun. Atubili siyang sumunod rito. Agad na pumuwesto siya sa pinakasulok ng elevator. Naikuyom niya ang mga palad. Hindi talaga siya komportable. Agad na natigilan siya ng pumuwesto paharap sa kanya ang lalaki. Hindi niya ito tinitingnan pero nakikita niya ang reflection nito sa metal na dingding ng elevator. "Isang napakagandang dilag na may matapang na kalooban..bihira lang ang isang babae tulad mo na piliin ang ganitong career.." bulalas nito. Humugot siya ng malalim na hininga. Buong tapang na sumulyap siya rito. Agad na nagtama ang kanila mga mata. "Isang kaligayahan sakin ang magprotekta sa kapwa ko,Sir.." saad niya. Sumilay ang ngisi nito na lalo nagpapanganib sa anyo nito. "May nagpoprotekta na ba sayo?"usal nito. Hindi agad nagsink in sa utak niya ang sinabi nito bago pa man siya makareak bumukas na ang pintuan ng elevator sa ground floor. "Alam kong wala pa..kaya pwede kitang protektahan," anito na may ngisi sa mga labi sabay talikod nito sa kanya. Napamaang na lang siya sa narinig niya. Hindi pa nga nagsisink in sa utak niya ang unang sinabi nito sinundan agad nito ng isa pa. Agad sya natauhan sa papasarang elevator. Mabilis ang kilos niya na lumabas doon ng hindi naiipit ng pintuan ng elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD