SEVEN

477 Words
Sino yan?!" buong tapang niyang wika at alerto na pinakiramdaman ang paligid niya. Pauwi pa lang siya sa inuupahan niyang boarding house dahil ginabi siya sa pagrireview para sa final exam nila para sa huling taon niya sa kolehiyo. Mabahay man ang lugar pero pagpatak ng alas nueve ng gabi tahimik na ang lahat at wala ng tao sa paligid. Pundido pa ang ilaw sa mga poste na dinadaanan niyang iskinita at dahil may likas na tapang siya matapang niya haharapin ang presensya na kanina pa niya nararamdaman na sumusunod sa kanya mula ng maglakad siya sa iskinita na tinatahak niya. Bigla lumamig ang pakiramdam niya. Tila ba siya nasa freezer ng mga oras iyun at nakakamanhid ang paligid. Pero hindi siya nagpatalo sa takot. "Sino yan?! Lumabas ka!" buong tapang niyang saad. Black belter siya sa martial arts at expertise na niya ang self- depense high school  pa lang nag-aral na siya niyun. Napasinghap siya ng bigla na lamang may sumulpot na isang babae na may mahabang buhok at natitigan niya ang napakaputlang mukha nito at nakakuha ng atensyon niya ay ang kulay pula nitong mga mata. Nanlilisik iyun. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang paglitaw ng dalawang mahabang pangil nito. Tila bakal ang napakalamig nitong mga kamay na humawak sa magkabila niyang balikat at tila kakagatin siya nito sa leeg pero bago pa man bumaon sa leeg niya ang dalawang pangil nito ay nagawa niyang sikmuraan ang babae na kasinglamig ng bangkay ang katawan. Umigik ang babae at naramdaman niya ang mahapdi pakiramdam niya sa may kanan balikat niya.. Malakas na napasinghap si Sanastacia. Pawisan siyang napabalikwas sa kanyang kama. Habol niya ang hininga. Muli na naman siya dinalaw ng nakakatakot na bangungot na iyun. Walong taon na ang nakakalipas mula ng mangyari iyun at paulit-ulit pa rin siya dinadalaw ng pangyayari iyun. Bumangon siya at tinungo niya ang banyo para maghilamos. Tinitigan niya ang sarili sa salamin pagkaraan niya maghilamos. Sinapo ng isang kamay niya ang kanan balikat niya at hinila niya pababa ang leegan ng suot niyang oversized T-shirt. Mula sa salamin kita niya ang dalawang marka ng sugat na naiwan ng gabing iyun. Hinaplos ng kanyang daliri ang peklat dun. Sa balikat niya bumaon ang pangil ng babae imbes na sa leeg niya pero hindi naman iyun sobrang lalim. Hindi siya naniniwala sa kwentong libro o kwentong pambata tungkol sa mga bampira pero binago ng gabing iyun ang pananaw niya tungkol sa hakang-haka iyun. Buong buhay niya paniniwalaan na totoo ang mga bampira dahil sa naiwang marka sa kanyang balat. Siguro pagtatawanan siya ng pamilya niya kapag sinabi niya ang tungkol sa bagay na yun. Ayaw niyang isipin na may sira siya sa ulo. Habang buhay niyang sasarilinin ang pangyayari iyun. Marahas siya bumuga ng hangin at muli niya inayos ang sarili. Isang bangungot na lang yun para sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD