Nahihiya siya sa pinag-iisip niya kanina habang nasa loob siya ng opisina ni Aquilles. Akala niya nobya nito ang Stella iyun. Hindi siya makapaniwala na foster mother ng boss nila ang magandang babae iyun. Kung titingnan halos magkaedad lang sila tingnan pero nasa 50's na ito at batang-bata pa rin tingnan ang babae! Marahas siya napabuga ng hangin. Bigla siya nakaramdam ng insecurities sa kapwa niyang babae. Kuntento siya sa anyo niya. Simple at wala na kahit anong make up sa mukha maliban sa lipstick niya sa mga labi. Muli siya napabuga ng hangin. "Uy para saan ang buntong-hininga mong yan?" sita sa kanya ni Elson. "Wala naman..heto,napirmahan na niya yan,"bigay niya rito sa folder. " Salamat,"anito. "Approval ito para sa bago natin kliyente.."dagdag nito. "Ganun ba," pagtango n

