May pagtataka na tinungo niya ang parking area kung saan gusto raw siya makausap ng anak ng senador. Agad naman niya ito nakita. Nakaupo ito sa hood ng sports car nito habang nasa likuran naman ng kotse ang isang lalaki na sa tingin niya ay bodyguard nito. "Sir," pagkuha niya sa atensyon nito. Agad naman ito napangiti ng makita siya. Inalis nito ang suot nitong mamahalin na salamin. "Wow,Hi,Sanastacia!" puno ng paghanga nitong bati sa kanya. Nangunot ang noo niya. Sa klase pa lang ng tingin nito alam na niya kung anong klase tao ito. He's one of a assholes mankind. Nilahad nito ang palad nito sa kanya. "I'm Jacob,anak ako ni Senator Alfred Amson," maangas nito pagpapakilala. Who cares?! Sinulyapan niya ang palad nito at bilang paggalang inabot niya iyun. "Sanastacia,Sir.."patamad

